Chapter 44

10.2K 165 3
                                    


"I'm happy for you Bogs. Matutupad na yung pangarap mong makabalik sa college." Nakangiting nagsasalin ng beer sa baso si Brix. Saturday night. Busy night ngayon dito sa Zapp. Katatapos lang kanilang first set.

"Thank you Bogs. Sorry kung ngayon ko lang nasabi sayo ang tungkol sa pagreresign ko. Gusto kasi ni Bryan magfull time student ako. Para mabilis daw akong makapagtapos. Mahirap daw kasi kung pagsasabayin ko ang pag-aaral at trabaho." Nakakaramdam ako ng kalungkutan ngayon. Hanggang Miyerkules na lang kasi ako dito. Yung birthday party ni Bryan na pinaplano namin nila Paolo at Jasper. Gusto kasi ng dalawang bestfriend ni Bryan na salubungin ang birthday niya dito sa Zapp.

"I agree with Bryan, it's better to concentrate on your studies. Mas maganda ang may natapos Bogs." Sagot nito. Ininom niya ng straight ang laman ng kanyang baso.

"Sa tingin mo Bogs hindi masagwang tignan na si Bryan ang gagastos sa pag-aaral ko?" Ayaw na ayaw ko kasing isipin ng iba na pera lang ni Bryan ang habol ko.

"Why not? Yumi, do you have any idea how rich your boyfriend is? Magkano lang ba ang gagastusin niya sa pag-aaral mo? Baka nga mas mahal pa yang suot mong singsing." Nguso nito sa hugis pusong singsing ko.

"Ha? Sa tingin mo Bogs, mahal ba itong suot ko?" Humalakhak ito ng malakas.

"You got to be kidding me. Don't tell me di mo alam kung gaano kamahal yang suot mo." Ngingiti ngiti ito habang marahang umiiling.

"Heh! Alam ko namang mahal ito noh. Syempre galing kay Bryan ko to. Alangan namang regaluhan niya ako fake na singsing." Nakangusong sabi ko.

"Really? Okay. How much?" Tatawa tawa pa ito. Hmp! Malapit na akong mapikon sa unggoy na to huh.

"Fifty thousand?" Confident kong sabi. Umiling ito. Sheet! Mas mahal? "Okay one hundred thousand." Hehe. Sapul na sapul.

"Maybe. I think nasa one hundred twenty thousand yan." Muli itong lumagok ng beer.

"Ang mahal pala ano? Pero mas mahal pa rin ang ang gagastusin niya sa pag-aaral ko Bogs." Muli itong umiling.

"Nah! Your ring is more expensive. Mag-ingat ka uy. Baka mapansin yan ng mga holdaper. Putol yang daliri mo." Gulat akong napatitig dito. Muli siyng humalakhak. "Sige Bogs, mag-uumpisa na ang second set namin." Pinisil na naman nito ang dulo ng ilong ko. Nafreeze ang ngiti ko ng mapagsino ko ang lalakeng nakatitig sa akin mula sa pintuan. Patay ka Yumi. Nakita niyang nahaharutan na naman kami ni Brix. Seryoso itong lumapit at umupo sa harap ko.

"Anong oras ka uuwi?" Tanong nito habang hinawakan ang kamay kong nakapatong sa counter. Hmm..mukha namang kalmado lang ito.

"B-baka two am na. Gusto mo ng juice?" Napalunok ako. Naamoy ko ang banayad sa ilong niyang pabango. Mukhang basa ang buhok nito. Hmmm..bagong ligo.

"Beer na lang babe." Kumunot ang noo ko.

"Magdadrive ka pauwi." Sagot ko.

"Dalawa lang babe." Marahan akong tumango. Binuksan ko ang cooler upang kumuha ng beer dito. Nilapag ko ito sa harap ni Bryan kasama ng basong may yelo.

"Baby, pwedeng magtanong?" Hindi talaga matahimik ang isip ko dahil sa sinabi ni Brix tungkol sa suot kong singsing.

"Sure..tungkol saan?" Saad niya. Nagsalin ito ng beer sa baso.

"Tungkol dito." Tinaas ko ang kaliwang kamay ko. Pinakita ako ang suot kong singsing.

"What about it?" Tinungga niya ang kalahating laman ng baso.

"Mahal ito di ba?" Marahan siyang umiling. "Magsabi ka ng totoo sa akin. Magkano ito?" Gosh, huwag namang sobrang mahal.

"Babe, it's not that expensive okay?" Hinila niya ang kamay ko at hinalik halikan ang gitna ng palad ko.

GRAVITY (completed)Where stories live. Discover now