Chapter 6

12.3K 242 0
                                    

Kumukurap kurap pa rin ako dahil naninibago ang mga mata ko sa suot kong contact lens. Malaki nga ang nagagawa sa hitsura kung walang salamin. Pakiramdam ko ay umaliwalas ang buong mukha ko. Pati si Susy ay tuwang tuwa sa bago kong look.

"Grabe bes, di kita nakilala. Bet na bet ko yang look mo ngayon. Lumabas ang beauty ng mga mata mo. Samahan pa ng nakalugay mong hair. Winner na winner." Ang oa naman ng bestfriend ko.

"Baliw. Contact lens lang to, hindi ako nagparetoke. Ang oa ng reaction mo." Tawa ako ng tawa sa mukha niya. Napawi ang ngiti ko ng makita kong pumasok sa canteen si Bryan. May mestisang babaeng nakakapit sa braso niya. Nanliit ang mga mata ko. Kumunot ang noo ko. Napasulyap siya sa table namin. Di ako sigurado pero nakaaninag ako ng takot sa mga mata niya.

"Bes, punta muna ako sa library sandali. May kukunin lang akong CD kay Bono. Kita na lang tayo mamaya ha." Tumango na lang ng marahan si Susy. Dali dali akong lumabas ng canteen. Hindi totoong pupunta ako sa library. Ayaw ko lang makitang may kasamang babae si Bryan.

Sa soccerfield ako pumunta. Umakyat ako sa pinakamataas na upuan sa bleachers doon. Pinahid ko ang naglandas na luha sa pisngi ko. Wala na. Bumigay na ang damdamin ko. Sinubsob ko ang mukha ko sa tuhod ko. Umiyak ako ng umiyak.

"It's already ten o'clock. Late na tayo sa practice." Tiningala ko ang nagsalita. Titig na titig na naman sa akin ang light brown niyang mga mata. "Wipe your tears. Sinasayang mo lang. Wala naman yun." Inabutan niya ako ng panyo.

"Ha?" Pinunasan ko ang mga luha ko.

"Let's go. We're late, magagalit si coach." Nauna na siyang bumaba sa bleachers. Ano ba yung sinabi niya kanina. Isip. Isip Yumi. Shit di ko maalala. Sumunod na ako pababa.

"Will you stop staring at me! I can't concentrate." Malakas na sigaw niya habang nakatingin sa direksyon ko.

"Po?" Nagtatakang napatingin ako sa paligid ko. Walang ibang tao sa parteng yun ng bleachers. Ako lang. Hindi naman kasi ito actual basketball game. Practice lang.

"Yeah you!" Tinuro niya ako.

"Sorry po." Yumuko ako at tumingin sa suot kong pekeng Vans sneakers. Napakagat labi ako sa dahil pinipigil kong umiyak. Nakatingin kasi sa akin ang lahat mg taong nasa loob ng gym. Matagal akong ganun. Nakayuko. Bigla akong napatingala ng may makita akong pares ng itim na Nike rubber shoes sa harapan ko.

"Can you get me some water? I'm thirsty." Umupo siya sa tabi ko. Bigla akong nawindang sa kanya. Kanina lang sinigawan ako. Ngayon naman umuupo sa tabi ko. Tumayo ako para buksan ang cooler na nasa malapit. Kumuha ako doon ng isang bote ng tubig. Binuksan ko yun at inabot sa kanya.

Mabilis niya itong tinungga at sinaid ang laman. "Can you wipe my back?" Inabot niya sa akin ang puti niyang towel.

Pinasok ko ang isang kamay ko sa loob ng jersey niya. Pinadaanan ko ng tuwalya ang basang basa niyang likod. Kahit pawis na pawis amoy na amoy ko pa rin ang banayad niyang pabango. Masarap sa ilong. Siguradong mamahalin.

"Magpalit ka kaya muna. Basang basa na ang damit mo." Marahan kong sabi. Pinaakyat ko na ang tuwalya sa leeg niya. Hinila ko sa tabi ko ang dala niyang backpack. Nilabas ko mula doon ang nakatuping jersey na parehas sa suot niya. Hinila ko mula sa likuran ang laylayan ng suot niyang jersey. Kusa naman niyang tinaas ang dalawa niyang kamay. Umakyat ako sa bleacher upang mahila ang suot niya. Kahit nakaupo kasi siya ang tangkad pa rin. Di ko maabot. Sinuot ko sa kanya ang bagong jersey.

"What time are you going home?" Seryoso siyang nakatitig sa akin.

"Ha?" Nakaawang ang bibig ko.

"Anong oras ka uuwi?" Medyo tumaas ang kanyang boses.

"Bakit?" Nakatulala pa rin ako sa kanya.

"Tsss. Why do you always stare at me?" Pinanliitan niya ako ng mata.

"Alas singko." Wala sa sariling sagot ko.

"What room number?" Lalo akong natulala.

"Building B, room 206." Bulong ko. Titig na titig ako sa kanyang mga mata. Nakakalunod.

"Okay. You can go now. Baka malate ka sa class mo." Tinalikuran na niya ako.

Wala pa rin ako sa sarili ko habang umaakyat sa hagdanan ng building namin. Maski yata ako ay di ko na kilala ang sarili ko. Tama si Susy. Ibang iba na nga ako. Mula ng makilala ko si Bryan Bernabe ay naging timang na ako. Zombie. Walking dead. Tahimik akong pumasok at umupo sa assigned seat ko.

"Yumi, date naman tayo. Matagal na kitang niyayaya ah. Parati mo akong nirereject." May himig tampong saad ng kaklase kong si Elton. Mabait naman ito pero sadyang iba ang taste ng puso ko.

"Elton, paulit ulit ba tayo? Ibaling mo na lang sa iba yan." Malumanay kong sabi.

"Hay nafriendzoned na naman ako." Frustrated niyang nasabi. Napangiti ako ng bahagya. Sorry Elton. Masyadong choosy kasi tong puso ko. Sosyal masyado. Gusto brown eyes. Kainis! Walang kadala dala.

GRAVITY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon