Chapter 53

11.8K 189 4
                                    


Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa buhangin at naglakad lakad. Binitbit ko ang dala kong tsinelas upang basain sa tubig dagat at mga paa ko. Kulay kahel pero mangitim itim na ang langit dahil tuluyan ng lumubog ang araw. Nakita ko ang pagguhit ng kidlat sa langit. Napatingala ako dahil may pumatak na ulan sa mga mata ko. Umaambon na pala. Dumadami na ang mga patak. Mukhang di na lang ambon ito. Ewan ko pero tila ang sarap sa pakiramdam ang magpabasa sa ulan. May hatid itong nostalgia. Mga alaala ng ulan sa buhay namin ni Bryan.

Kumusta na kaya ang baby ko? Hinahanap kaya niya ako ngayon? O nagpapakasaya na siya kasama si Denise. Ang laki siguro ng tampo nun sa akin para tikisin niya ako ng ganito. Alam naman niya na dito ang probinsiya nila Nana , kaya alam ko na dito niya ako unang hahanapin. Pero tatlong araw na ang matuling lumipas. Walang Bryan. Muli akong naglakad ng mabagal habang nakayuko. Pinulot ko ang isang stick. Nagdrawing ako ng malaking heart sa buhangin. Pagkatapos ay sinulat ko ang mga katagang I LOVE YOU BRYAN KENNETH BERNABE. Muli kong tiningala ang langit. Malalaki na ang patak ng ulan. Gusto kong umiyak. Gusto kong sumigaw.

"BRYAN! SORRY NA! MISS NA MISS NA KITA!" Parang luka lukang sigaw ko habang nakaharap sa dagat. Malalaki na ang mga alon na humahampas sa dalampasigan. Muli akong sumalampak ng upo sa buhangin. Sinubsob ko sa tuhod ko ang aking mukha habang humihikbi ako. Nagulat ako ng may maglanding na puting tshirt sa ibabaw ng ulo ko. Napatingala ako.

"Magkakasakit ka sa ginagawa mo." Si Bryan. Nakatopless habang tinatalukbong sa ulo ko ang damit niya. Tulala akong napatitig sa kanyang mukha. Medyo tumutubo na ang bigote at balbas niya. Mukhang dalawang araw na di nagshave. May dark circle ang paligid ng kanyang mga mata. Mukhang puyat na puyat. Totoo ba ito? Nandito na talaga si Bryan.

"A-anong ginagawa mo dito?" Takang takang tanong ko. Bigla nitong naisuklay ang mga daliri sa kanyang buhok. Humugot ito ng malalim na buntong hininga habang titig na titig sa mukha ko.

"O-okay..you win..hindi kita kayang ti..." Di ko na pinatapos pa ang sasabihin niya. Mabilis akong tumayo. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Wala akong pakialam kahit lumalakas na ang ulan. Sinubsob ko ang mukha ko sa kanyang dibdib habang humihikbi ako.

"Sorry na...alam ko naging bad ako. Alam ko kasalanan ko. Sorry na baby ko..magmula ngayon ikaw na lang ang priority ko. Hinding hindi na kita sasawayin. Huwag ka ng magalit please.. Ikaw na lang ang yayakapin ko. Wala ng iba. Ikaw na lang ang ikikiss ko..huhuhu.. Patawarin mo na ako baby ko..." Naramdaman ko ang pagyapos niya sa bewang ko. Ang paghugot niya ng malalalim na buntong hininga. Please Lord, sana di na siya galit sa akin.

"Importante ka sa akin. Ikaw ng buhay ko. Ikaw ang buong mundo ko. Mawala na silang lahat, huwag lang ikaw. Mahal kita Bryan. Mahal na mahal kita. Dito ka lang. Huwag mo akong iwan. Huwag kang aalis. Dito ka lang." Humihikbi pa ring saad ko. Mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kanyang batok. Baka bigla siyang umalis. Baka bigla niya akong iwan. Nababasa na kami ng ulan.

"Tss..ikaw naman ang palaging nang-iiwan. Hindi ako." Bulong niya sa tenga ko. Sa boses na may halong tampo. Sa boses na paos dahil sa emosyon. Nagtiptoe ako upang maisubsob ang mukha ko sa mabango niyang leeg.

"Ikaw kasi eh. Pinapaiyak mo ako." Humihikbing tugon ko. Humaplos sa likod ko ang dalawa niyang kamay.

"I think it's the other way around. Ikaw kaya ang palaging nagpapaiyak sa akin." Tiningala ko siya upang titigan. Nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata. Ahhh. Ilang beses ko na nga bang pinaiyak ang lalakeng ito? Ilang beses na ba niya akong pinapatawd sa mga kasalanan ko.

"Huwag mo na ulit gagawin to ha. Yung bigla ka na lang aalis ng walang paalam. Mababaliw ako babe. Don't ever leave me again. Hindi ko kaya.." Tuluyang pumatak ang mga luha niya. Pinahid niya ang mga ito gamit ang likod ng kanyang palad. Naglandas ang kirot sa gitna ng dibdib ko.

GRAVITY (completed)Where stories live. Discover now