Chapter 28

9.9K 144 3
                                    


Paglabas namin ng emergency room ay sinalubong kami ni Tim na may kasamang dalawang police. Tila sanay na sanay na ang mga ito sa ganitong pangyayari. Kitang kita ko sa mukha ni Bryan na iniinda nito ang sugat niya sa tagiliran. Napapangiwi ito habang naglalakad.

"Boss, tumawag and daddy nyo. Kailangan na nating bumalik sa Maynila. Asap." Seryosong sabi ni Tim kay Bryan.

"Hindi na ba ako kakausapin ng mga police?" Tanong ni Bryan habang umaakbay sa akin.

"Hindi na po. Instruction po ni VP Bernabe na huwag ng ipaalam ito sa media. Kinausap na rin ng daddy nyo sa telepono ang mga police. Let's go. Ready na po yung sasakyan. Nasettle na po ni Rodel yung bill sa hotel, nasa sasakyan na rin po yung mga gamit ni Miss Yumi." Seryosong tumango si Bryan. Tila may malalim na iniisip.

"Babe, I'm sorry we have to cut this short. Kailangan na nating umuwi sa Maynila. Hindi na tayo safe dito." Baling niya sa akin. "Babawi ba lang ako sa susunod okay?"

"Okay." Matipid kong sagot. Marahan niyang hinawakan ang kamay ko habang sinusundan namin si Tim palabas ng hospital.

"Have you settled my hospital bills?" Tanong ni Bryan dito. Tumigil ito sa paglalakad upang tignan si Bryan.

"Yes Boss. Kinuha na rin ni Bart yung mga gamot na binigay ng doktor nyo." Sagot nito. Muli itong naglakad palabas habang nakasunod sa likod namin ang dalawa pa sa bodyguards niya.

Paglabas namin sa ospital ay naghihintay sa labas ang isang gray Ranger Rover. Binuksan ni Tim ang pintuan sa likuran, inalalayan ako ni Bryan papasok. Pagkatapos ay sumakay na ito at umupo sa tabi ko. Sa passenger seat sa harap umupo si Tim katabi ng driver na ngayon ko lang nakita. Mula sa harap ay may inabot si Tim kay Bryan. Isang kulay puting teddy bear at isang bouquet ng pink tulips. Naglanding ang mga yun sa kandungan ko.

"Here, para sayo ang mga yan." Awang ang labing napatingin ako sa kanya.

"Ha? Saan galing ang mga ito? Sinong bumili?" Tanong ko.

"From me. I bought them for you." Pinanliitan ko siya ng mata.

"Saan?" Muli kong tanong.

"Sa labas ng mall. Wala kasi silang tulips sa loob ng mall. Doon lang sa flowershop sa labas ang merong tindang tulips." Paliwanag niya habang nakatingin sa kamay kong hawak niya.

"Doon ka ba binaril? Sa tapat ng flowershop?" Hindi siya umimik. Nakayuko lang itong pinaglalaruan ang mga daliri ko. "Bryan naman, kahit anong bulaklak naman okay lang sa akin? Bakit ba kailangang tulips pa?"

"Because you are special. Ayoko ng basta flowers lang. Gusto ko pink tulips." Mahinang sabi nito. Di pa rin siya tumitingin sa akin.

"Ano ba talaga ang nangyari?" Frustrated kong tanong.

"I didn't really went to the restroom. Lumabas kami to buy tulips from the flowershop outside. Paglabas namin may sasakyang dumaan at pinaputukan kami. Buti ba lang naitulak ako padapa ni Gavin. Nabaril siya. Nadaplisan ako."

"Anong nangyari kay Gavin?" Please Lord, sana ligtas naman siya.

"He has to be admitted for treatment. Tumagos yung bala sa balikat niya. Don't worry he'll be okay." Medyo nakahinga ako ng maluwag.

"Okay. Thank you sa flowers. Thank you din sa teddy bear." Tumitig na siya sa akin. Nginitian ko siya ng slight.

Akala ko ay uuwi na kami ng Maynila ngunit bumalik ang sinasakyan namin sa city proper at binagtas namin ang daan patungo sa Burnham park. Kalat na ang dilim sa buong paligid. Binagtas ng sasakyan ang daan papasok sa park. Papunta sa isang open field. Isang malawak na field na sa tingin ko ay ginagamit ng mga manlalaro. Mula sa mga ilaw sa paligid ay nakita ko ang helicopter na umiikot pa ang elisi.

GRAVITY (completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum