Chapter 45

9.8K 163 10
                                    

"Guys I'm backing out. Ayoko ng ituloy yung plano natin. Baka mabadtrip lang si Bryan sa akin mamaya. Kung gusto niyo kayong dalawa na lang ang gumawa nun. Apat na araw na akong tinitikis niyang kaibigan niyo. Sa totoo lang nababaliw na talaga ako. Sobrang torture ito sa akin, akala niyo ba. May damdamin din ako ano. Sabihin niyo nga sa akin. May bago bang kinalolokohan si Bryan? Mas maganda ba sa akin? Mas exciting?" Maluha luhang sabi ko. Nandito ngayon sa harapan ko sina Paolo at Jasper. Ilang minuto na lamang ay hatinggabi na. Birthday na ni Bryan. Lugmok na lugmok ang pakiramdam ko. Kung pwede lang umuwi na ay ginawa ko na pero pinipigil ako ng dalawang ungas na ito.

"Hmm. Wala naman kaming nakikitang bago niya. Baka nagtatampo lang yun kaya ganun siya." Tila nagningning pa ang mga mata ni Paolo. Sabay kindat kay Jasper. Kainis! Mukhang ang sasaya nilang lahat." Umayos ka nga, anytime darating na yun. Magready ka na. Chance mo na ito para magkabati na kayo. Dapat pagbutihin mo ang performance mo para mapatawad ka na niya." Yun kasi ang plano namin, papupuntahin nila si Bryan dito ng eksaktong midnight upang salubong sa birthday nito, tapos ay kakantahan ko siya kasama ang Crimson Tide.

"Ewan ko sayo. Sa tingin mo ba matatouch siya dun sa pinili mong kanta ha?" Sagot ko. Busit na lalake to. Siya pa talaga ang pumili ng kakantahin ko. Sa totoo lang nakokornihan ako sa kanta pero ayon sa dalawang ungas na ito magugustuhan daw ni Bryan yung kanta. Natural ako namang si uto uto, pumayag naman.

"Bakit? Ang ganda kaya nung kanta. Very unique." Aba at proud pa talaga siya sa choice niya huh. Tumango tango din si Jasper na isa ring uto uto. Hmp! Goodluck na lang sa akin.

Sabay sabay kaming nataranta ng pumasok sa pintuan si Tim, kasunod si Rodel. OMG! Nandito na si Bryan. Bago pa ito makapasok sa loob ng Zapp ay binirahan ko na ng takbo sa loob ng locker room. Meron pa akong fifteen minutes upang magpalit ng damit. Kinuha ko mula sa paperbag ang black lacey dress na binigay ni Paolo kanina sa akin. Ayon dito ay ang gf niyang si Mitch mismo ang pumili nito. Medyo sexy ito pero di naman siya masyadong revealing. Kita lang ng konti ang legs at cleavage ko pero carry lang. May kasama pa itong four inches na wedge. Gosh! Di kaya ako matapilok nito? Hinayaan ko na lamang makalugay ang buhok ko.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga ng magdilim na ang buong stage. Nakapwesto na ang instrument ng buong banda. Mabilis akong naglakad patungo sa likuran nina Brix at Kiko. Naramdaman ko ang pagpisil ni Brix sa braso ko.

"Okay ka lang Bogs?" Tanong nito habang nasa gilid kami ng stage. Sa madilim na part. Napalunok ako ng makita kong nasa pinakaharap ng stage ang mesang inuupuan nina Paolo, Jasper at Bryan. Marahan akong tumango.

"Y-yeah. Kaya ko to Bogs. Thank you ha, pinagbigyan niyo ako sa request ko. Kahit na di ako sure kong magkakabati pa ba kaming dalawa. Apat na araw na kaming di nag-uusap Bogs." Malungkot kong sagot.

"Hey, cheer up. Of course magkakabati rin kayo. Knowing Bernabe, di ka kayang tiisin nun." Sana nga Brix, sana nga. Dahil malapit na akong maloka sa mga nangyayari. Napatingin ako sa relo ko. Two minutes na lang hatinggabi na. Umakyat na sa stage yung apat na member ng banda. Sumunod na rin ako. Madilim sa part na yun. Di kami kita ng mga audience, tanging silhuette lang ang kita nila. Unti unti ng medyo lumiwanag ang ilaw ng dumating na ang eksaktong midnight. Umikot ikot na ang ibat ibang kulay ng disco light sa ceiling.

"Hi! This is actually the band's second set, but before that makikiusap sana po ako sa inyong lahat to bear with me. Sandali lang naman po ito." Kinakabahang sabi ko. Tahimik lang ang mga tao sa paligid. May ibang nagbubulungan. Tumitig ako kay Bryan. Seryoso ito habang nakatitig sa akin sa taas ng stage. Hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan.

"Gusto ko lang pong batiin ng maligayang kaarawan ang pinakamabait. Pinakamatiyaga. Pinakasweet. At pinakagwapong boyfriend sa buong mundo. Baby ko, happy birthday. Ummm..I may not be the perfect girlfriend for you. Alam ko minsan di mo ako naiintindihan pero gusto kong malaman mo na naaappreciate ko lahat ng mga ginagawa mo para sa akin. I love you Bryan Kenneth Bernabe. Sorry if I've been such a bad girlfriend to you." Yumuko ako upang pahirin ang naglandas na luha ko. "This song is for you. I hope you like it." Sheet! May boses pa ba ako? Nagsimula ng tumugtog ang banda. Pumikit ako. This is it. Pancit.

GRAVITY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon