Chapter 52

10.8K 160 5
                                    


"Sigurado ka bang okay ka lang dito bes?" Tanong ni Susy habang naglalagay ng makeup sa harap ng salamin. Naisip ko kasi itong dalawin. Maaga kasi akong nakalabas sa school dahil absent ang prof namin sa last subject. Mamaya pa kasi makakauwi si Bryan dahil puspusan ang practice ng team Xavier para sa nalalapit na intercollegiate meet. Dito na lang daw niya ako susunduin mamayang uwian.

"Oo naman bes, dito kaya ako dating nakatira ano ka ba. Nakakainis ka naman lagi ka na lang busy." May bahid tampong sabi ko. Lumapit ito sa akin, sabay yakap sa akin ng mahigpit.

"Sorry bes, alam ko ang ang dami ko ng pagkukulang sayo. Wala ako nung mga panahong kailangan mo ng kaibigan." Naiintindihan ko namang doble kayod ito dahil nagpapaaral ito ng dalawang kapatid. Minsan nakakatampo, pero kailangan ko siyang intindihin.

"Okay lang yun. Basta ikaw ang maid of honor sa kasal ko at ninang sa little Bryan ko ha?" Nakangiting saad ko.

"Oo naman bes. Excited na nga ako eh." Nagningning ang mga mata nito. "Kelan ba yung wedding?"

"Hmm..Di pa namin napag-uusapan Bes. Naudlot kasi dahil sa nangyari kay Bryan. Siguro civil wedding muna tapos after ko ng manganak yung dream wedding ko." Tumango tango ito habang tumitingin sa kanyang relo.

"Bes, kailangan ko na talagang umalis. Double shift kasi ako ngayon. Promise sa day off ko babawi ako." Humalik ito sa pisngi ko. "Ikaw na ang bahalang maglock ng mga pinto bes ha. Bye." Nagmamadali na itong umalis. Sumandal ako sa sofa at pumikit. Medyo inaatake na naman kasi ako ng pagkahilo. Alas sais na pala ng gabi. Maya maya pa siguro matatapos ang practice nila Bryan. Napatingin ako sa hawak kong cellphone ng bigla itong nagvibrate.

"Hello Bogs?" Saad ko. Si Brix kasi ang tumatawag.

"B-Bogs..where are you.." Paos ang boses ni Brix tila galing sa pag-iyak.

"Dito sa apartment ni Susy..bakit Bogs? Anong nangyari sayo?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Can I go there...please Bogs.." Ano bang nangyayari sa lalakeng ito?

"S-sige. Hintayin kita dito." Sagot ko. Pinutol na nito ang linya. Si Nikki na naman ba? Diyos ko naman Brix kelan ka ba matatauhan? Ilang taon na. Di pa ba siya napapagod? Kung kay Bryan ba, kaya ko ang mga sakripisyonh ginagawa ni Brix? Mapapagod ba ako kung paulit ulit niya akong sasaktan?

Makalipas ang halos kalahating oras ay may narinig akong marahang katok sa pintuan. Marahil ay si Brix na ito. Hay, kelan kaya matatauhan tong besfriend ko? Mabilis kong tinungo at binuksan ang pintuan. Natunaw ang puso ko sa nakita kong itsura ni Brix. Pulang pula ang mga mata nito na halatang galing sa pag-iyak.

"B-Bogs.." Yumakap ito ng mahigpit sa akin. Naamoy ko ang alak sa kanyang hininga.

"Hey, anong nangyari?" Niyakap ko siya pabalik. "Halika muna sa loob. Umupo tayo at medyo nahihilo ako." Hinila ko siya papasok. Umupo kami sa sofa. Muli niya akong niyakap ng mahigpit.

"Bogs...t*ngina..ang sakit sakit.." Narinig ko ang kanyang paghikbi. "Sinaktan na naman siya ng lalakeng yun. I tried. Pero ayaw niya. Ayaw niya akong papasukin sa buhay niya. Kahit sinasaktan siya. Kahit pinagbubuhatan siya ng kamay. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang alagaan. Gusto ko siyang protektahan. Pero wala. Ayaw niya." Naramdaman ko ang pagyugyog ng kanyang mga balikat. Kinulong ko sa mga palad ko ang kanyang mukha.

"Shhh.. It's okay... Everything is going to be okay..kaya mo yan Bogs.." Dinampian ko ng maharang halik ang kanyang pisngi habang hinahagod ko ang kanyang likod. Nagulat ako ng mapatingin ako sa nakabukas na pintuan. Sheet! Nakatayo doon si Bryan. Nag-aapoy sa galit ang mga mata habang nakatitig sa amin ni Brix.

Awang ang labing naitulak ko ng marahan si Brix. Sa kauna unahang pagkakataon mula ng makilala ko si Bryan, nakita kong nagalit siya ng ganito. Namumula ang kanyang mukha habang nakakuyom ang mga palad.

GRAVITY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon