Chapter 37

10.3K 203 6
                                    

Nakatulala ako habang tinatanaw ko ang papalayo niyang likuran. Naghahabol ako ng hininga dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Biglang may naaninag na pag-asa ang puso ko. Kaninang umaga ay alam kong sobra ang galit niya sa akin. Di ko naman siya masisisi dahil kasalanan ko naman ang lahat. Ngayong kausap ko siya dito sa bar ay tila may nag-iba sa kanya, galit pa rin siya. Pero mukhang dahil na sa selos. Hindi kaya mahal pa rin niya ako? Pinilig pilig ko ang aking ulo. Huwag kang masyadong umasa Yumi, may girlfriend na siya. Di bat may bago na siyang tinatawag ng "babe"?

"Uy! Earth to Yumi. Earth to Yumi." Pinitik pa ni Brix ang daliri nito sa tapat ng mukha ko. Bigla akong bumalik sa tamang huwisyo. Tapos na pala ang set nila ng di ko namamalayan.

"Bumalik na siya Bogs. Nagkita na kami ni Bryan." Mahinang sabi ko habang nakatingin sa likod ni Bryan na nakaupo sa tabi ng negro nitong kaibigan.

"Ha?" Napalingon din ito sa direksyon ng mga mata ko.

"Ang sakit sakit pa rin pala Bogs. Akala ko dati kakayanin ko. Pag nagkita kami ulit at nakahingi ako ng tawad, makakapagmove on na ako. Makakapag umpisa na ulit ako. Bakit ganun? Parang ayokong magmove on. Bakit ayokong mag-umpisa ulit?" Nagbabadya na namang tumulo ang luha sa mga mata ko.

"Bogs, tinanong mo na ba sa kanya kung ano ang nararamdaman niya? Malay mo, parehas lang pala kayong mahal pa rin ang isa't isa." Tugon ni Brix habang nakatitig sa akin. Umiling ako.

"Hindi ganun kadali. May girlfriend na siya. Shit! Ang sakit pala Bogs. May iba na siyang tinatawag ng "babe". Ako dapat yun eh. T*ngina. Mababaliw na ata ako Bogs." Muntik ko na siya batukan dahil bigla siyang humalakhak.

"Sigurado ka bang girlfriend niya yun? Hindi porke't tinawag na babe, girlfriend na. Mag-isip isip ka nga." Muli niyang pinisil ang ilong ko. Bigla akong napaisip. Nakailang fling na nga ba si Brix magmula ng makilala ko siya at maging matalik na kaibigan? Pito? Walo? Ano ba ang tawag niya sa mga ito? Honey. Baby. Sweety. Tweet.

"Hmmm..may point ka diyan Bogs." Biglang sumigla ang boses ko. Sabagay hindi naman nag-iiba ang kulay ng mata ni Bryan pag tumititig siya sa kasama niyang girl. Hay..asa mode ulit. Bigla akong nalungkot ng matanaw kong papalabas na sa pintuan si Bryan. Medyo tipsy na ito dahil hindi na steady ang kanyang paglalakad. Nakasunod sa likuran nito sina Tim at Gavin.

"I'll see you later. Akong maghahatid sayo pauwi Bogs." Saad ni Brix dahil mag-uumpisa na ang pangalawa nilang set. Tumango na lamang ako ng marahan. Nilapitan ko ang isang lalake sa dulo ng bar dahil humihingi ito ng isa pang beer. Kumuha ako sa cooler at nilapag ito sa kanyang harapan. Nang muli akong mag-ngat ng tingin ay nakaupo na sa harapan ko si Paolo.

"Heineken." Seryoso nitong saad. Mabilis kong binuksan ang cooler at kinuha ko doon ang kulay berdeng bote. Nilapag ko ito sa harapan ni Paolo kasama ng basong may yelo. Nagulat ako dahil bigla itong nagsalita.

"Hinanap ka niya. He was so devastated nung bigla kang nawala. Isang linggo siyang nagkulong sa kwarto. He never let anyone in. Nung mahimasmasan siya, he hired a dozen of private investigators upang hanapin ka. It made him more frustrated dahil hindi ka nila matagpuan." Nasa Batanes ako ng mga panahong yun. Sa mga kamag-anak ni Tatay doon. Bumalik lang ako ng Maynila ng umalis na si Bryan papuntang New York.

"What you did broke him so much. Mabuti pa yung hinarap mo siya at sinabing break na kayo di ba? Kesa yung nangangapa siya sa dilim. Yung may takot sa dibdib niya dahil baka may nangyari ng masama sayo. It was dead end. At wala siyang magawa. I watched him suffer Yumi. Kasama niya ako sa New York ng halos sirain niya ang buhay niya dahil sayo. Muntikan siyang mamatay doon dahil sa cocoine overdose." Halos hindi ako makahinga dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Paano ko nagawa ito kay Bryan?

GRAVITY (completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora