Chapter 4o

12.2K 157 12
                                    

Napahawak itong bigla sa gilid ng bibig niya, sabay tingin sa kamay niyang nalagyan ng dugo. Seryoso itong napatitig sa akin. Biglang nawala ang kanyang ngiti. Nanlalaki ang mga matang natulala ako sa kanyang harapan, habang hinihilot ko ang kamay kong kumikirot.

"S-sorry.." Mahinang sabi ko. Yumuko ako.

"What did you do that for?" Kalmado ang boses nitong tanong.

"I-ikaw kasi..nakakainis ka." Nagwater na ang mga mata ko. Pinahid ko ang mga luha ko habang nakayuko pa rin ako.

"May nagawa ba ako na di mo nagustuhan?" May inabot ng tissue si Tim sa kanya. Dinampi niya ito sa gilid ng kanyang bibig.

"Nagtatanong ka pa. Napakamanhid mo naman Bryan." Nagsimula na akong humikbi.

"Okay. I'm sorry di kita naihatid pauwi kanina. Is that enough reason para sapakin mo ako?" Seryoso pa rin ito. Bakit may nakikita akong pagtwinkle twinkle sa kanyang mga mata? Napalakas ba ang sapak ko kaya ganun ang mga mata niya.

"Hindi naman yun eh." Pinadyak ko ang isang paa ko.

"What?" Tiningala ko siya. Sheet! Nangingitim na ang parteng sinapak ko.

"Sabi mo kasi may kalunch date ka." Sagot ko. Muling umagos ang luha ko,

"Meron nga." Nakatitig lang ito sa akin.

"Sabi mo, someone special." Humikbi hikbi na ako.

"Special nga." Nagtwinkle ulit ang mga mata niya.

"Sabi ni Jorge pinasara mo daw itong buong restaurant dahil kakain kayo ng lunch dito. Kasama ang girlfriend mo." Tuluyan akong napaiyak. "Si Angela ba ang kadate mo? Waahhh!" Cry to death ako. Wala ng poise poise.

"Bakit ba nasali na naman dito si Angela?" Lumapit ito sa akin.

"H-hindi ba siya ang kadate mo?" Umiling ito. Kinulong niya sa mga palad niya ang mukha ko.

"Girlfriend ko ba si Angela?" Tanong nito sa akin. Umiling ako. "Sino lang bang girlfriend ko?"

"A-ako?" Halos ayaw lumabas ng tinig ko.

"Alam mo naman pala eh. Bakit mo ako sinapak?" Bulong nito ng halos magdikit na ang mukha naming dalawa dahil sa sobrang lapit niya.

"S-sorry.." Bulong ko. Humaplos ang kamay niya sa mukha ko. Lumingon siya kay Tim. Lumapit ito kay Bryan at may inabot na malaking paperbag. Nilagay ni Bryan ang paperbag sa kanang kamay ko.

"Here. Tanggalin mo yang suot mong uniform at isuot mo yan. Please bring down your hair. Mas maganda ka kung nakalugay ang buhok mo. I'll be seating on the table beside the window, I want you to join me there in twenty minutes." Seryosong saad nito. Tumalikod na ito at naglakad patungo sa table na katabi ng bintana. Ano raw? Gosh! Ganun na ba ako katanga? Ako pala ang tinutukoy niyang kadate.

Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin ng restroom. Suot ko na ang damit na binigay ni Bryan. Kulay puti itong dress na above the knee, may disenyo itong kulay light blue na mga bulaklak at butterflies. Mukhang signature ito at mamahalin. May kasama itong flat sandals na kulay silver. Sinunod ko si Bryan, nilugay ko ang mahaba ko ng buhok na hanggang kalahati ng likod ko. Nag-apply ako ng manipis na makeup at pink lip gloss.

Sobrang bilis ng heartbeat ko habang papalapit ako sa table na inuupuan niya. Nakayuko ito habang may pinipindot sa kanyang cellphone. Marahan akong tumayo sa kanyang tabi. Unti unti niya akong tiningala. Ngumiti ito ng malapad.

"Ang ganda naman ng girlfriend ko." Nakangiti nitong saad habang hinihila niya ako paupo sa kanyang hita. Agad pumaikot ang mga braso nito sa bewang ko.

GRAVITY (completed)Where stories live. Discover now