Chapter 29

10.6K 163 15
                                    

"Hey, errand girl!" Sheet! Biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Nandito siya. Napatigil ako sa paglalakad. Lumingon ako sa paligid. Shemay! Nagtumbling talaga ang puso ko. Ang gwapo kong boyfriend, nakasandal sa gilid ng itim niyang Jaguar. Nakasuot ito ng blue poloshirt at faded jeans. Marahan akong naglakad palapit sa kanya. Tumigil ako ng may isang dipa na lang ang layo niya. Tulala akong napatitig sa kanya. Damn! Isa na naman ba itong imagination? Ilang beses na bang nangyayari sa akin ito sa mga nakaraang araw? Siguradong namamalikta na naman ako. Praning na ba ako?

"Why are you looking at me like that? Di mo ba ako namiss?" Nakapamulsang naglakad ito palapit sa akin. Hindi ko alam kung bakit walang salitang lumabas sa bibig ko. Tulala lang akong nakatitig sa kanya. "Babe, you're starting to scare me." Tila may takot sa kanyang mga mata habang nakatitig din siya akin. "This is me. Bryan. Remember?" Kumurap kurap ako. Pumadyak padyak. Nilapit ko ang isang kamay ko sa bibig ko, kinagat ko ito. Aray! Totoo na ata ito. Hindi na hallucination. "Tayo pa ba?" Seryosong tanong niya. Parang nagtatampo ito. Ha?? Shemay! Totoo na nga! Nandito na talaga siya sa harapan ko. Ang buong mundo ko. Ang buhay ko.

"Happy monthsary.." Mahinang sabi ko habang inaabot ang hawak kong puting box. Pagkasabi ko nun ay inabot niya ang box gamit ang kaliwang kamay, habang hinatak naman niya ako niyakap ng mahigpit gamit ang kanan. Mahigpit akong napayakap sa kanyang bewang. Habang nakasubsob ang mukha ko sa malapad niyang dibdib.

"Namiss mo ba ako?" Tanong nito habang nilalapag sa hood ng sasakyan ang box na hawak niya. Pagkalapag dito ay marahan niya akong binuhat. Gaya ng dati ay pinulupot ko ang mga binti ko sa bewang niya at niyakap ko siya ng mahigpit sa leeg.

"Miss na miss. Sobra." Bulong ko habang marahan kong kinakagat ang gilid ng kanyang leeg. Talagang sininghot singhot ko ang bango niyang nakakaloka.

"Good girl ka ba habang wala ako?" Medyo tumingala pa talaga ito upang malantakan ko ang leeg niya.

"Hmmm..hindi ako nagsuot ng shorts. Hindi ako nakipag-usap at nagpaligaw sa ibang lalaki." Tugon ko. Yumuko ito. Naramdaman ko na rin ang paggapang ng bibig niya sa ilalim ng tenga ko. Pababa sa leeg ko.

"Show me how much you miss me." Medyo husky na ang kanyang boses. Naglakbay ng paakyat ang bibig niya padampi sa gilid ng bibig ko.

"Sabihin mo muna kung anong nararamdaman nito." Turo ko sa gitna ng dibdib niya.

"You what to know the truth? Life is so lousy without you babe. It hurts so damn much, not being able to see you." Napakurap ako dahil nagbabadya na namang pumatak ang luha ko. "Mas lethal ka pa ata sa shabu. Addict na addict na ako sayo." Gosh! Pumipickup lines pa tong gwapong ito ah. Hihihi.

"Talaga? Mahal mo'ko?" Malambing kong tanong. Dumadampi na ang bibig ko sa ibabaw ng labi niya.

"Babe naman, kung alam mo lang ang pinagdaanan ko para lang makita kita ngayon. I'm still grounded, but here I am right now. Hindi naman pwedeng magmonthsary kang mag-isa di ba?" Tugon nito. Gumaganti na ito sa ginagawa kong paghalik sa labi niya.

"Grounded ka pa? Hanggang kelan?" Gulat kong sabi.

"Yeah. Don't worry, papasok na ako sa Monday. It's suppose to be one week." Marahan na niya akong binaba. "Kumakain ka pa ba? Bakit bigla kang gumaan?" Magkasunod na tanong nito.

"Hindi masyado. Namimiss kita eh. Dito ka lang please, huwag kang aalis." Niyakap ko ng mahigpit ang kanan niyang braso.

"Sino ba kasing maysabing aalis ako. Let's go, I want to kiss you properly. Maraming istorbo dito." Tugon nito ng mapatingin sa mga estudyanteng naglalakad sa parking lot. Muli niyang dinampot sa hood ng kotse ang binigay kong puting box. Mabilis niya akong pinagbuksan ng pinto.

GRAVITY (completed)Where stories live. Discover now