Chapter 31

10.8K 178 13
                                    


Oh, God please help me. Bakit nandito ang daddy ni Bryan? Anong gagawin ko? Siya ba ang kasabay naming kakain ng lunch? What if hindi niya ako gusto? What if laitin niya ako at sabihin sa aking di kami bagay ng anak niya. Paano kung sabihin niyang layuan ko na at igive up si Bryan? Wahhh! Never. Hindi ko kaya. Waahh!

"Hi dad." Nakangiting humalik si Bryan sa pisngi ng kanyang ama. Tinapik tapik naman siya nito sa balikat.

"Tim, tell the maids were going to eat lunch now." Baling nito sa bodyguard ni Bryan. Mabilis na tumango si Tim at nagtungo sa labas ng dining room.

"By the way dad, I want you to meet my girlfriend Yumi. Babe, this is my dad Jaime Bernabe." Pakilala ni Bryan sa amin ng kanyang ama. Kahit abot abot ang kaba ko ay ngumiti ako at inabot ang aking kamay sa kanya. Mabilis naman itong nakapagkamay sa akin.

"It's so nice to finally meet you Vice President Bernabe." Kinakabahang sabi ko.

"It's so nice to meet you too, iha. Bryan has told me so much about you," Tila napakaamo at mabait ng mukha nito. No wonder mahal siya ng taong bayan. "Umupo na tayo sa table, let's eat." Naglakad na kami papunta sa dining table. Pinaghila ako ni Bryan ng upuan at umupo ito sa tabi ko. Kinuha ko ang table napkin at nilagay sa lap ko. Naroon na ang dalawang katulong at nilalagay ang masasarap na pagkain sa mesa.

"Bryan, can you go to my office and get my blackberry there. Hindi ko ata nadala dito." Utos ng daddy niya. Tumingin muna si Bryan sa akin at pagkatapos ay mabilis na tumayo at umalis. Pagkaalis ni Bryan ay tumitig sa akin si VP Bernabe.

"Thank you Yumi." Ngumiti ito ng bahagya.

"Po?" Tulalang tugon ko.

"Thank you for coming into my son's life." Nakita kong tila may gumuhit na lungkot sa kanyang mga mata.

"Hindi po mahirap mahalin ang anak nyo Sir. Akala mo lang mayabang siya at suplado pero sa likod po nun ay mabuti po siyang tao." Mahinang sabi ko. Tumango tango ang Bise Presidente.

"Thank you for making Bryan smile again. It's been years since I last saw him do that. Pero magmula ng dumating ka, naging masaya na ulit ang anak ko. Alam mo Yumi, mahal na mahal ko ang anak ko. He is my only one. Magmula ng mawala ang mommy niya, naging malungkot na ang buhay ng anak ko. Years passed at lalong naging seryoso ito. Sabi ko sa sarili ko I'll give up half of my wealth mapangiti ko lang ulit si Bryan. I gave him everything, the most expensive cars. Vacations. Clothes. Everything that money could buy. Pero wala pa rin. Until you came along. Hindi pala nabibili ng pera ang magpapangiti ulit sa kanya. Just a simple bedimpled girl has made my Bryan so happy." Inabot niya ang kamay ko at tinapik ang ibabaw nito.

"Mahal na mahal ka ni Bryan. My son is so in love with you Yumi. Makikiusap sana ako sayo, at sana mangako ka sa akin. Please love him back, sana mahalin mo at alagaan si Bryan. I want my son to be happy. Sa nakikita ko ngayon, masayang masaya ang anak ko." Di ko namalayang tumutulo na ang luha ko.

"Maswerte po si Bryan dahil kayo po ang tatay niya. Hindi nyo na po kailangang makiusap sa akin, pinapangako ko po mamahalin ko po siya. Parehas po tayo ng gusto, ang makita si Bryan na masaya. Nung una ko pa lang po siyang makilala ay yun na po ang misyon ko ang makitang ngumiti at tumawa si Bryan Bernabe. Nagawa ko naman po di ba?" Pinahid ko ng daliri ko ang luha sa pisngi ko.

"Oo nagawa mo iha." Nakangiting sagot ni VP Bernabe. Mabilis kong pinahid ang luha ko at tumingin sa paparating na si Bryan.

"Here dad. Next time don't just leave your phone anywhere." Inabot nito ang blackberry sa ama pagkatapos ay naupo sa tabi ko. Tumitig ito sa akin. "Are you okay?" Tanong nito.

"Oo naman." Mahinang sagot ko. Hinawakan niya mula sa ilalim ng mesa ang isang kamay ko. Bumaling ito sa kanyang ama.

"Please don't scare her dad. Baka bigla niya akong iwanan pag tinakot mo siya." Ngumiti ito ng slight sa ama.

GRAVITY (completed)Where stories live. Discover now