Chapter 54

12.8K 204 4
                                    




"Kailangan ba talagang pumunta pa tayo dun?" Tanong ko kay Bryan habang sinusuot ko ang lavender colored dress na binili nito para sa akin mula sa isang sikat na boutique. Nasa likod ko siya at tinutulungan niya akong itaas ang zipper nito sa likuran.

"Yeah. I know you don't want to see Tita Maita but we really have to be there babe. Magagalit si daddy pag wala tayo doon. Panahon na rin siguro para malaman ng lahat na malapit na tayong magkababy." Sagot nito habang tinititigan nito ang repleksyon ko sa salamin. Above the knee at flowing ang skirt ng damit ko kaya di pa rin halata ang tiyan ko. Ngayong gabi kasi ay kaarawan ni Maita Bernabe. Ilang araw na naming pinagtatalunan ni Bryan ang pagpunta dito.

"Bryan, natatakot ako kay Maita Bernabe. Huwag mo akong iiwan kasama siya." Yumakap ako ng mahigpit sa bewang nito.

"Shhh..nobody is going to hurt you. I will not leave you. Hindi kita iiwan kahit isang minuto kasama siya. Relax. Akong bahala sayo." Bulong nito habang humahaplos ang isang kamay niya sa buhok ko.

"Promise?" Tiningala ko siya at nginitian.

"Promise." Dinampian niya ng magaang halik ang ibabaw ng labi ko. "Cheer up okay? Let's just enjoy the night."

Sa garden ng mansion ng mga Bernabe sa Forbes gaganapin ang pagtitipon. Bagong bili ang bahay. Binili ito ni President Bernabe ng pinaalis ni Bryan sa Alabang ang stepmother nito at stepsister. Sa gate pa lang ay natatanaw ko na ang ganda ng pagkakaayos ng buong paligid. Ang gaganda ng mga flower arrangement. Mahigpit ang hawak ko sa braso ni Bryan pagbaba namin ng sasakyan. Kung maari lamang ay gusto ko ulit sumakay sa kotse at umalis sa lugar na ito.

"Yung promise mo..wag mo akong iiwan." Kumalabog ang dibdib ko dahil nasinagan ng ilaw mula sa puno ang mukha ni Bryan. Bumalik sa akin nung unang aminin ko sa sarili ko na mahal na mahal ko na siya. Yun yung nakatayo siya sa tapat ng poste at nailawan ang gwapong gwapo niyang mukha. Napangiti tuloy akong bigla. Nostalgic moment.

"What?" Nalilitong tanong ni Bryan ng makitang bigla akong ngumiti.

"Hmmm..wala. Naalala ko lang nung varsity player ka pa. Kung paano ako unang nainlove sayo. Ang gwapo mo kasi..kaya patay na patay ako sayo.." Nahihiya itong yumuko at ngumiti. Biglang nagblush.

"O, bakit ka namumula diyan?" Natatawang sabi ko. Tumitig ito sa akin sa matang nag-iiba na naman ng kulay.

"I was just thinking about the past..nung nawala ka at iniwan mo ako. When I was in New York. I only dated petite girls with dimples. But I always find fault in each and everyone of them. Everytime I kiss the new girl that I'm dating, I want
to feel the way I feel when I kiss you. But it never happened. Then I realized that I cannot find you in others. Because there is only one Yumi." Tiningala ko siya. Naiiyak naman ako sa sinasabi ng lalakeng ito.

"Bryan...sorry.." Humugot ito ng isang malalim ng buntong hininga.

"Iisa lang ang Yumi na may perfect dimples. Iisa lang ang Yumi na masarap ikiss. Iisa lang ang Yumi na may maganda at makinis na legs. Iisa lang ang Yumi na kayang mahalin nito." Tinuro nito ang gitna ng kanyang dibdib. "So I finally gave up. What for? Magiging unfair lang ako sa lahat ng babaeng ginagawa kong substitute sayo."

"Hindi pa ba napapagod yan baby ko? Sa dami ng sakit ng kalooban na binigay ko sayo." Nilagay ko ang isang kamay ko sa gitna ng dibdib niya. Umiling ito.

"Paano mapapagod to? Yung taong nagbibigay sa akin ng sakit ng kalooban, yun din ang nagbibigay sa akin ng sobra sobrang kaligayahan. Saka mahal ko naman siya. Kaya hayaan mo na." Sinandal ko ang mukha ko sa kanyang dibdib.

"Ang swerte swerte ko naman sa baby ko. Promise ko sayo, wala na akong ibang mamahalin. Ikaw lang." Nagtiptoe ako upang mahalikan ko siya sa lips.

"I know babe..i know.." Napalingon ito sa paligid. Marami na kasing bisita ang paparating. Tumitingin na sila sa amin. "Let's go. Mukhang marami ng bisita. Huwag kang aalis sa tabi ko. This is going to be a very interesting night. I promised you babe, hinding hindi ka magsisisi na dumalo tayo sa party ni Maita Arevalo." Umakbay na ito sa balikat ko. Maita Arevalo? Bakit hindi Bernabe?

GRAVITY (completed)Where stories live. Discover now