Chapter 38

10.8K 181 15
                                    

(Hindi ko po style ang magcomment sa umpisa ng chapters, pero exception po ito. Dahil natuwa ako sa comment mo @preciouslavender this chapter is dedicated to you. Sana hindi ka na mabitin dito. Hihihi.)

Tuluyan akong napahikbi habang marahang naglalakad na palayo. Akala ko naimmune na ako sa ganitong klaseng sakit. Hindi pa pala. Ang hirap palang maglet go pag nagkukunwari ka lang na kaya mo siyang pakawalan. Mahirap palang magtapang tapangan kung yung buong mundo mo na ang mawawala ng tuluyan sayo. Ang hirap palang huminga pag yung lifeline mo na ang tinanggal sayo...Nagulat ako ng may biglang humablot sa kaliwang braso ko. Si Bryan. Sobrang lapit ng mukha niya at titig na titig sa mga mata ko.

"Hindi mo ba aalamin kung kanino ko ibibigay ang mga ito?" Nilapit niya sa mukha ko ang hawak niyang singsing at Mighty bond.

"A-ayokong malaman. Sorry Bryan, pero di ko kayang alamin pa yun.." Halos pabulong kong sagot. Alam kong masasaktan lang ako pag inalam ko pa ito.

"Bakit? Natatakot ka bang malaman kong sino siya?" Marahan akong pumikit. Kailangan ko bang itorture pa ang sarili ko gayong alam kong si Angela yun?

"Kailangan mo pa bang itanong yan? Alam mo naman na ang sagot di ba?" Mahinang saad ko. Marahan kong tinanggal sa pagkakahawak ang kamay niya sa braso ko. Tumitig ako sa kulay light brown niyang mga mata. Sheet! Bakit ganun? Unti unting nagbago ang kulay ng mga ito. Right before my very eyes. Pakiramdam ko ay tumigil ang ikot ng mundo ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. One thousand heartbeat per minute. Muling nagwater water ang aking mga mata, sunod sunod ang pagpatak ng aking mga luha.

"Tss. Bakit ba ang hilig hilig mong magsayang ng mga luha?" Pinahid niya ang mga luha ko gamit ang kanyang daliri. Muli niya akong tinitigan. Ganun pa rin ang kanyang mga mata, nanatili sa kulay nitong dark brown.

"Give me your hand." Mahinang sabi nito habang titig na titig sa mukha ko.

"Ha?" Napaawang ang aking mga labi.

"Amin na yang isang kamay mo." Tila naiinis na ito sa akin. Dahan dahan kong inangat ang kanan kong kamay at nilahad yun sa kanya. Nilagay niya dito ang hawak niyang singsing at Mighty bond.

Kung kanina ay napaawang ang labi ko, this time ay tuluyan akong napanganga. Yung open mouth na nganga, na pinagsamantalahan ng gwapong kaharap ko. Mabilis niya akong siniil ng halik sa bibig. At dahil ako nga po ay nakanganga, what do you expect. Nagawa niyang tuluyang pagsamantalahan ang bibig ko.

Opo. Nagchurvahan kami ng mga bibig sa park na ito. Torrid kung torrid na halikan. Laplapan to the highest level. Lahat na po ata ng klase ng halikan ginawa namin. French. Filipino. American. Malalim. Mababaw. Madiin. Magaan. Ito yung pinakamasarap sa lahat ng naging kissing scenes naming dalawa. Ito yung pinakaintense. Sipsipan. Dilaan. Kagatan. Wala kaming pakialam kahit may mga ibang joggers dito. Wala kaming pakialam kahit alam naming pinapanood kami ng mga PSG niya. Kahit maubusan kami ng hangin. Kahit hinihingal na kami. Tuloy tuloy lang.

Tulala pa rin ako ng matapos yun. Damang dama ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya sa magkadikit naming mga dibdib. Nakayuko siya at nakapikit habang yakap yakap ng mahigpit ang bewang ko. Titig na titig ako sa gwapo niyang mukha habang nakalambitin ako sa kanyang leeg. Halos kapusin ako ng hininga ng magdilat siya ng mga mata. Inabot niya sa likod ng batok niya ang isang kamay ko at dinala yun sa tapat ng kanyang dibdib.

"Kahit basag basag ito, lahat ng piraso nito ikaw lang ang mahal. Walang ibang pwedeng bumuo nito kundi ikaw lang. Ayokong magmahal ng iba. Hindi ako sasaya sa iba. Kahit paulit ulit mong basagin ang puso ko, ikaw lang ang kayang mahalin nito." Muli niyang siniill ng madiin na halik ang bibig ko. "Miss na miss ko to. Miss na miss kita."

"B-Bryan.." Nilagay niya ang isang daliri sa bibig ko upang pigilin akong magsalita. Muling pumatak ang mga luha ko.

"My heart has been beating like this since the first time I saw you. Every heartbeat still belongs to you. Kung mahal kita noon, mas mahal na mahal kita ngayon. Sayo lang ako nagkakaganito. Kaya sana this time tumupad ka na sa promise mo ha. Don't ever do that to me again." Marahan akong tumango. Hinagilap niya sa isang kamay ko ang hawak kong singsing. Sinuot niya ito sa aking daliri. "Last warning na ito. Pag binalik mo ulit yan sa akin, I swear puputulin ko na talaga yang daliri mo." Ngumiti na ito ng malapad.

GRAVITY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon