Chapter 2

16.2K 273 10
                                    

"Hoy Yumi!" Muntik na akong mahulog sa bench na inupuan ko dahil sa malakas ng pagtulak ni Susy sa akin. Tinitigan ko siya ng masama.

"Manulak ba?" Matalim ko pa siyang tinitigan.

"Hehehe. Peace." Natatawa niyang tinaas ang dalawang daliri. "Kainis ka kasi eh. Kanina pa ako dakdak ng dakdak dito pero parang wala kang naririnig."

"Bes, kilala mo ba si Bryan Bernabe?" Tanong ko habang nakatulala ako sa kawalan.

"Of course! Ang gwapong team captain ng basketball varsity team ng Xavier. Anak ng bise presidente ng Pilipinas. Dating nag-aaral sa St Benedict pero lumipat siya dito last sem." Walang prenong sagot nito.

"Ang gwapo niya ano?" Tulala pa rin ako.

"Super. Pero super yabang at super suplado rin bes." Muli niyang saad habang pumipindot pindot sa kanyang cellphone. "Di ka pa ba uuwi?" Tumingin ito sa kanyang relo. Alas tres na kasi ng hapon.

"Hindi pa. May practice kasi ang team ng alas kwatro. Kailangang nandun ako." Sagot ko.

"Paano una na ako bes. Sasamahan ko pang magtinda si Mama." Humalik ito ng marahan sa pisngi ko. May pwesto kasi ng gulay sa palengke ang Mama ni Susy. Nakapag-aral din siya dito dahil sa scholarship. Si Susy kasi ang aming high school valedictorian. Ako naman ang salutatorian.

Dahil wala naman akong ibang gagawin ay nagpunta na lamang ako sa gym upang doon na hintayin ang pagpatak ng alas kwatro. Nagulat ako dahil may tatlo ng players doon. Pashoot shoot lang sila ng bola na tila nagwawarm up lang. Kumalabog ang dibdib ko ng makita kong isa sa mga yun si Bryan Bernabe. Mukha nga talaga itong suplado dahil hindi ito ngumingiti. Umupo na lamang ako sa bandang dulo ng bleachers.

Bigla akong nakaramdam ng pagkalam ng tiyan. Hindi nga pala ako nakakain ng lunch dahil inayos ko sa accounting ang requirements para sa scholarship ko. Binuksan ko ang bag ko at hinagilap doon ang nilagay ni Nanay na fudgee bar at zest-o. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong nandun pa ang mga ito. Tinusok ko ng straw ang juice. Dali dali kong binalatan ang fudgee bar at kumagat ako dito. Hmmm. Heaven. Chocolate flavor. Napapikit pa talaga ako habang ninanamnam ang masarap na chocolate sa gitna nito.

"What's that?" Napadilat ako dahil sa boses na yun. Sarap kasing pakinggan. Very manly. Natulala ako sa kulay light brown niyang mga mata. Nakatayo siya sa harap ko.

"Po?" Wala sa loob kong sabi.

"What's that?" Nakatitig siya sa hawak kong fudgee bar.

"Gusto mo?" Nilahad ko sa kanya ang fudgee bar na hawak hawak ko. Nagulat ako ng lumapit siya at kumagat sa parteng nakagatan ko na. Nginuya niya ito ng dahan dahan. Titig na titig ako sa kanya habang ginagawa niya yun.

"Hmmm. Taste great." Muli siyang kumagat. Hinagilap ng isang kamay ko ang zest-o.

"Juice?" Nilahad ko ang juice palapit sa kanya. Sumipsip siya sa straw habang titig na titig siya sa akin.

"Come on B! Show me your new move." Sigaw ng negro niyang kateam. Hmmp! Epal. Panira ng moment. Mabilis niya akong tinalikuran. Bwisit. Hindi ba uso amg thank you sa gwapong ito? Wala sa loob na napasipsip ako ng juice. Shit!shit! Shit! Pakiramdam ko nahalikan ko na si Bryan Bernabe dahil gumamit kami ng iisang straw. Sinubo ko na ang natitirang fudgee bar. Ang sarap...dahil nakagatan na ito ni Bryan.

Para akong nasa alapaap habang namumulot ng basang tuwalya sa locker room. Kanina pa nakaalis ang mga players pero naiwan ako dahil absent si Empoy. Nagliligpit ako dito habang nasa labas si Caloy. Nagmomop siya sa basketball court.

Madilim na sa labas. Wala na halos katao tao sa campus. Napatingin ako sa relo ko. Seven thirty five na. Papito pito ako habang naglalakad papunta sa parking lot ng school. Medyo sumakit ang likod ko dahil sa pakuskos ng shower room ng mga players.

"Hey! Errand girl!" Napalingon ako sa paligid. Nagtumbling ang puso ko. Nakasandal siya sa isang itim at kumikinang na sports car na di ko alam ko anong pangalan.

"Po?" Yun ulit ang namutawi sa mga labi ko. Sumenyas siya ng daliri upang lumapit ako.

"Come here." Di ba talaga marunong ngumiti ang taong ito? Dahan dahan akong naglakad palapit.

"Bakit po?" Tanong ko. Breathless na ako. Lack of oxygen.

"Give me your hand." Omg! Gusto niyang hawakan ang kamay ko. Shit! Shit!shit! Nilahad ko ang kanan kong kamay. May nilagay siya dito. Binawi ko ang kamay ko at tinitigan. One thousand peso bill.

"Para saan to?" Nagtataka kong tanong.

"I like that chocolate thing I ate a while ago. Buy me some." Mabilis na siyang tumalikod. Akma na niyang bubuksan ang pintuan ng kotse niya ng lumingon siya sa akin. "Get out of the way. Aatras ako. Baka masagasaan kita."

Mabilis na niyang pinaharurot ang kotse niya palabas ng parking lot. Naiwan akong nakatulala sa hawak kong one thousand peso bill. Dinukot ko sa bulsa ng bag ko ang wallet ko. Inunat ko ang pera at nilagay sa pinakailalim na bahagi ng wallet. Dahil galing yun sa kanya, parang ayaw ko itong gastusin.

"Nay, pabili po ng fudgee bar. Yung chocolate flavor." Dumaan muna ako sa karinderya bago ako pumasok. Bukod sa ulam ay may tinda ding sari sari si Nanay.

"Sus, kumuha ka na lang diyan. Bakit mo pa bibilhin." Malumanay nitong sabi habang nagpupunas ng pinggan.

"Hindi po para sa akin. May nagpapabili lang." Binuksan ko ang garapon. Kumuha ako doon ang limang pirasong chocolate flavor. Inabot ko kay nanay ang fifty pesos. "Keep the change nay." Nakangiti kong saad.

"Wow! Ang yaman mo ata ngayon Mayumi." Umiiling na sabi nito. "O baon mo. Para di ka ba bumili sa school." Inabot niya sa akin ang lunchbox na may laman na kanin at ulam

"Di naman po. Slight lang. Salamat sa lunch nay." Humalik ako sa kanyang pisngi.

GRAVITY (completed)Where stories live. Discover now