Chapter 5

12.8K 226 0
                                    

"Bes, ngayon na ako lubos na naniniwala sa power of prayers. Pag wala ka ng ibang alam na paraan, dasal lang pala ang sagot." Tulala akong nakangiti sa kawalan habang yakap yakap ko ang bag ko. Nasa loob ang box ng assorted chocolates na bigay ni Bryan kagabi.

"Alam mo malala ka na. Mukhang kailangan mo ng magpakunsulta sa psychiatrist." Tinitigan niya ako.

"Nandito na siya bes. Paglabas natin sa chapel kagabi, siya ang una kong nakita." Nagningning ang mga mata ko ng maalala ko ang ginawa ko kagabi. Ang totoo niyan natatakot akong makita siya ngayon.

"Talaga? Hanep, ang lakas ng dasal mo ha. Tumalab agad agad." Excited niyang sabi habang sumusubo ng pagkain. Napatingin ako sa relo ko. Alas dyis na pala.

"Kailangan ko pumunta sa gym. Kita na lang tayo mamayang hapon ha." Tinahak ko na ang daan papunta sa gym. Ang lakas ng kaba ko. Di ko alam kong ano ang mukhang ihaharap ko sa kanya pagkatapos ng ginawa ko kagabi.

Apat pa lang na players ang nandun. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong wala doon si Bryan. Nasa kabilang dulo ng bleachers si Caloy. Naglalagay siya ng tubig at juice sa cooler. Kinuha ko sa bag ko ang tatlong zest-o at lumapit ako sa kinaroroonan ni Caloy.

"Hi Yumi. Kumusta? Ang tagal ng bakasyon natin ano?" Tinapik ko siya sa balikat.

"Palagay to ha. Ito kasi ang juice na gusto ni Bryan." Nilagay ko ang mga hawak ko sa loob ng cooler.

"Zest-o? Favorite ni Bryan?" Exaggerated niyang tanong.

"Shhhh. Huwag kang maingay. Baka magalit yun. Asan si Empoy?" Natawa ako sa reaction niya. Nahampas ko tuloy siya sa balikat. Nasa ganun kaming ayos ng mapalingon ako sa entrance ng gym. Papasok doon si Bryan. Matalim na nakatitig sa amin ni Caloy. Huminga ako ng malalim.

"Sige Caloy, doon muna ako. Mukhang dumating na ang masungit kong amo."bulong ko. Muling humalakhak si Caloy. Muli ko siyang hinampas sa braso. Mabilis akong bumalik sa kabilang side ng bleachers.

"You like that geek?" Madilim pa rin ang titig niya habang inaabot sa akin ang backpack niya.

"Ha? Sino?" Tulala na naman ako.

"Yung errand boy." Hinubad niya ang suot niyang gray tshirt. Napalunok ako dahil tumambad sa akin ang topless niyang katawan. Whew! Ang init ata ngayon dito sa gym.

"H-hindi. Hindi ko siya type." Binuksan ko ang bag niya. Kinuha ko doon ang basketball jersey niya. Umupo siya sa bleachers. Lumapit ako upang isuot yun sa kanya. Langhap ko ang pabango niya. Shemay! Ang init talaga.

"Sino bang type mo?" Nagulat ako sa tanong na yun.

"Ha?" Napaawang ang bibig ko.

"Do you have a boyfriend?" Mas napaawang ang labi ko.

"W-wala. Yung taong gusto ko. Yung type ko. Masyadong matayog. Mahirap abutin." Wala sa sariling sagot ko. Nakatitig na naman siya akin. Kumunot ang noo ko. Makita ko ulit kasi yun. Yung pagbabago sa kulay ng mata niya. Yung something na di ko mabasa basa. Mabilis din yung nawala.

"Why don't you try? Maybe he's just waiting for you to make the first move." Ano bang nakain ng taong ito? Bakit biglang naging Charo Santos ang peg niya?

"Wala yun. Hayaan mo na. Suntok sa buwan yun." Muli akong huminga ng malalim. "Gusto mo ng juice? Dinalhan kita ng marami." Bahagya siyang ngumiti. Nanlaki ang mga mata ko. Di ako makapaniwala. Sa mahigit isang buwan ko siyang nakasama ngayon ko lang siya nakitang ngumiti.

"Later." Mabilis na niya akong tinalikuran.

Gaya ng dati ay tulala na naman ako habang nagpuputol ako ng sitaw na isasahog sa kare kare ni Nanay. Abala naman ito sa pagdidikdik ng mani. Halos papasikat pa lang ang haring araw. Dahil araw naman ng Sabado ay tumutulo g ako ngayon sa pagluluto ng mga ulam sa karinderya.

"Nay, may hihilingin sana ako sa inyo." Nakikiusap ang tingin ko ngayon sa kanya.

"Oo naman anak. Ano ba yun?" Di ako sigurado kong itutuloy ko pa ito. Ayaw ko kasing maging pabigat kay Nanay.

"Pwede po ba akong magpagawa ng contact lens? Kahit yung mura lang. Sabi kasi ng mga kaklase ko mukha akong old maid dito sa salamin ko." Nakita kong napangiti si nanay.

"Sige, magpasama ka mamaya sa Nana mo. Magpacheck up ka sa optometrist mo." Nakangiti pa rin ito.

"Talaga Nay?" Tumayo ako upang yakapin siya ng mahigpit.

"Gwapo ba siya? Mahal mo na ba?" Sunod sunod niyang tanong.

"Po?" Gulat kong saad.

"Anak, ina mo ako. Ako ang nagpalaki sayo. Kilalang kilala kita. In love ka na ano?" Hindi ko alam kung bakit ngiti siya ng ngiti.

"Mahirap siyang abutin Nay. Masyadong matayog. Hindi kami magkauri. Hindi niya ako nakikita. Maraming magagandang babae ang nahuhumaling sa kanya. Malabong mapansin niya ako." Nagpakawala ako ng isang malalim na buntonghininga.

"Sigurado ka ba? Hindi ka talaga niya nakikita?" Sumeryoso na si Nanay.

"Opo. Sino ba naman ako para pansinin nun. Anak yun ng bise presidente ng Pilipinas nay." Nakaramdam ako ng lungkot.

"Anak, una sa lahat huwag na huwag mong mamaliitin ang sarili mo. Espesyal ka. Maganda, mabait, matalino. Tanga siya kung di ka niya magugustuhan. Pangalawa, huwag na huwag mong maliitin ang kakayahan ng pusong magmahal. Hindi tayo ang namimili ang taong mamahalin natin. Ang puso natin ang namimili kung kanino siya titibok. Huwag mo siyang pangunahan. Pangatlo, minsan nasa harap na natin hindi pa natin nakikita. Hindi pa natin nararamdaman. Anak, buksan mo yang mga mata mo. Baka nandiyan na pala ang mga signs pero di mo lang nakikita." Hinaplos ni Nanay ang buhok ko. Tinitigan niya ako ng makahulugan.

GRAVITY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon