Chapter 50

11.5K 177 4
                                    


Wala akong nagawa ng kinabukasan ay hinanda ng mga doktor si Bryan para sa pagdadala dito sa Amerika. Tila pinupunit ang dibdib ko habang sinasakay ito sa ambulance. Ang sakit sakit pala. Muli na naman kaming maghihiwalay at di ko alam kong muli pa kaming magkikita. Mahigpit ang hawak ko sa kamay ni Brix habang humahagulgol ako.

Nagawa ko siyang yakapin at halikan bago ito dalhin ng mga doktor. Apat na doktor ang sasama sa buong byahe upang masiguro ang kaligtasan ni Bryan. Masamang masama ang loob ko kay President Bernabe dahil tila walang halaga dito ang opinyon ko. Pero sa kaibuturan ng puso ko, alam kong para kay Bryan ang desisyong niyang ito.

"Bogs! Iiwanan na naman niya ako. Iiwan niya kami ng anak niya. Ang sakit sakit Bogs. Parang di ko ata kakayanin." Mahigpit akong niyakap ni Brix habang hinahagod ang likod ko.

"Shhh..everything is going to be alright. I'm sure Bryan will come back for you and your baby." Pang-aalo sa akin ni Brix. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Mahigpit akong humawak sa braso ni Brix. "Halika na. Iuuwi na kita. You need to rest. Makakasama sa baby ang masyadong pag-iisip."

"Bakit ganun Bogs? Di na ba uso ngayon ang happy ending? Sa tuwing sumasaya ako biglang may dumarating na pagsubok sa buhay ko." Saad ko habang kinakabit ang seatbelt ko.

"Merong happy ending Bogs. Sa tamang oras at panahon. I still believe in happy ending, someday darating din yun sayo, sa akin. Sa tamang tao sa tamang panahon." May lungkot din sa kanyang boses. Marahan kong hinaplos ang tiyan ko.

"Mabuti na lang nandito ang little Bryan ko. Di ako masyadong malulungkot. Di ba baby? Babalik si daddy. Babalikan niya tayo." Ito na lang ang nagbibigay ng lakas sa akin ngayon. This little kiddo.

"Tandaan mo Bogs, ninong ako niyan." Nakangiti ng pagbibiro ni Brix. Napangiti na rin ako.

"Oo naman. Ikaw pa. Alam mo namang mahal kita Bogs. Salamat ha, lagi kang nandiyan para sa akin. Maswerte ang babaeng susunod mong mamahalin."' Hinaplos ko ang kanyang braso.

"May concert kami mamaya sa Essentra Mall, gusto mong manood? Para maaliw ka naman." Saad nito.

"Pass muna ako Bogs. Midterms na sa makalawa. Kailangan ko ng magreview. Isa pa, gusto ko munang magpahinga. Kawawa naman tong anak ko, nadadamay sa mga nangyayari sa amin. Dumaan ka na lang mamayang gabi sa apartment, dalhan mo ako ng japanese siomai."

"Sige Bogs. Yung roommate mo nga palang si Susy kumusta na?" Tanong nito. Hindi pa pala sila nagkakakilala. Tuwing napapadpad si Brix sa apartment ay nasa trabaho ito.

"Pang-araw ang work niya ngayon. Nasa bahay yun mamaya pag dumaan ka." Bakit ba di ko naisip yun.Bigla akong nagkaroon ng idea. "Bogs, ligawan mo kaya si Susy. Maganda yun at sobrang matalino. Magugustuhan mo siya."

"Bogs, huwag nating pangunahan ang tadhana. Darating din kung sino ang nakalaan sa akin. Unfair sa kanya, di pa ito naghihilom." Turo nito sa dibdib. "Mahirap maging rebound. Masakit. Di ko yun gagawin sa iba, kasi alam ko kung ano ang pakiramdam." Wow! Ibang klase talaga itong si Bogs. Sobrang bait.

Lumipas ang mga araw. Bukod sa paminsan minsang text ni Tim upang iupdate ako sa kalagayan ni Bryan ay wala na akong ibang balita tungkol dito. Ayon sa huli nitong text may isang linggo na ang nakaraan ay gumigising na raw si Bryan, pero sandali lang tapos ay muling pumipikit. Masakit pero kailangan ko kasing magpakatatag dahil sa kalagayan ko. Huminga ako ng malalim habang naglalakad sa parking lot ng Xavier, palabas sa main gate. Binawalan ko na kasi Gavin na sunduin ako. Mas namimiss ko kasi si Bryan tuwing sumasakay ako sa kanyang Porsche. Walang anu ano ay nakaramdam ako ng gutom. Parang gusto kong kumain ng cheeseburger at french fries. Paglabas ko sa gate ay nilakad ko na lamang ang malapit na fastfood.

GRAVITY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon