Chapter 51

12.2K 180 10
                                    


Hinang hina ako. Tila pagod na pagod. Luminga linga ako sa paligid. Kulay puti ang mga dingding. May nakakabit na dextrose sa kaliwang kamay ko. Nanunuyo ang lalamunan ko. Parang ilang araw akong di uminom ng tubig. Napalingon ako sa pintuang biglang bumukas.

"Brix.." Tila walang boses na lumabas sa bibig ko.

"Good morning Bogs. Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong nito. Lumapit ito upang dampian ng halik ang noo ko.

"Medyo nanghihina.. Bogs, ang baby ko?" Biglang bumalik sa alaala ko ang mga nangyari kagabi.

"Don't worry safe na ang baby mo. Ang higpit ng kapit. Mukhang gusto talagang mabuhay." Nakangiting sagot ni Brix. Nakahinga ako ng maluwag at marahang nahaplos ang impis ko pang tiyan.

"Si Bryan? Asan siya?" Muli kong nilingon ang paligid. Umaasa akong nasa restroom lang ito o bumili lang ng kape.

"Umalis ng maaga. He was the one who called me up. Binilin niyang ako muna daw ang bahala sa inyo ng baby niyo, may importante daw siyang aayusin. He made sure that you and the baby are safe bago siya umalis." Bigla akong nalungkot at nakaramdam ng tampo kay Bryan. Hindi man lang niya hinintay na magising ako bago ito umalis.

"Bakit ganun Bogs? Hindi ba ako importante sa kanya? Kami ng baby namin?" Naiiyak kong sabi. May pag-aalala sa mukha ni Brix habang umiiling ito.

"Bogs, intindihin mo rin si Bryan. Isang buwan siyang nawala. May kumpanya siyang pinapatakbo. At bilang Presidente, may obligasyon siya sa mga taong nagtatrabaho sa kumpanya niya. Huwag mong isipin na di kayo importante sa kanya. Nakita ko siya habang nasa emergency room ka. He was crying the whole time." Naantig ang puso ko sa huli nitong sinabi.

"Umiyak si Bryan?" Marahang tumango si Brix.

"He was hysterical when he called me up. Pagdating ko dito you are still inside the emergency room. He was so scared. He was cying. Panay ang punas ng luha habang nakaupo sa waiting area. Kaya huwag ka ng magtampo. He loves you. I'm sure importante lang talaga ang dahilan kaya kailangan niyang umalis." Umupo ito gilid ng kama ko. Inabot ang isang kamay ko at pinisil. "Gusto mong kumain?"

"Kahit gatas na lang Bogs. Wala akong ganang kumain." Bigla ko kasing namiss si Bryan. Tumayo ito at kumuha ng fresh milk sa ref. Nagsalin ito sa baso at tinulungan akong makainom.

Buong araw akong naghintay pero walang Bryan na dumating. Si Brix na rin ang bumili ng dinner para sa akin. Ayokong umiyak dahil ayokong maapektuhan ang baby, pero di ko pa rin ito mapigilan. Tuwing bumubukas ang pinto ay umaasa akong si Bryan ito. Pero lumalim na ang gabi ng di ito dumarating. Nagpaalam namang aalis si Brix dahil may gig sila sa Zapp. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako sa pakiramdam na may humahalik sa ibabaw ng bibig ko. Marahan akong nagmulat ng mata. Isang pares ng light brown na mata ang bumungad sa akin.

"How's my princess?" Tanong ni Bryan habang patuloy na dinadampian ng halik ang labi ko.

"Okay na...kasi nandito ka na.." Naglandas ang mga luha sa gilid ng mata ko.

"How's my little Bryan?" Humaplos ang isang kamay niya sa ibabaw ng tiyan ko.

"Okay din...kasi nandito ka na.." Hinila ko siya palapit upang mayakap ng mahigpit. Napahikbi ako.

"Shhh..tahan na. Di na ako aalis.." Pinahid niya ng mga daliri ang mga luha ko. "No more crying. Ayokong maging iyakin ang little Bryan ko. I want him to be brave and strong. Para pag wala ako, siya ang magtatanggol at mag-aalaga sayo."

"Him talaga? How sure are you na lalake ang magiging anak natin Mr. Bernabe?" Bigla itong napakamot ng ulo habang ngumingiti ng malapad. Sumampa ito sa kama at humiga ng patagilid sa tabi ko.

GRAVITY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon