Chapter 11

11.9K 210 11
                                    

Halata pa rin ang galit ni Bryan habang pinaghihila niya ako ng upuan. Umupo ito sa upuang nasa tabi ko. Naaawa ako sa babaeng empleyado pero gaya ni Bryan ay hindi ko gusto ang inasal nito, sobra itong mayabang at walang modo. Ang sarap kunan ng picture ang expression ng mukha nito ng sabihin ni Bryan na siya ang may-ari ng hotel. Talagang gulat na gulat ito. Medyo napangiti ako ng hawakan ni Bryan ang kamay ko sa ilalim ng mesa. Naglalambing nitong pinatong ang baba sa balikat ko.

"Are you hungry?" Marahan nitong tanong. Wala ng bakas ng galit sa boses niya.

"Hindi naman masyado. Kita mong puro pagkain ang tinda namin di ba? Nagugutom ka pala, di mo sinabi kanina. Sana doon na lang tayo kumain sa karinderya." Saad ko. Humaplos ang isang kamay ko sa makinis niyang mukha.

"Tss. Gusto mo bang makapatay ako ng tao sa loob ng canteen nyo? That ugly guy is ogling at your legs. Ang sarap dukutin ng mata." Humalakhak ako.

"Masyado ka talagang oa. Syempre maganda ang legs ko eh, di siguradong may titingin."

"No. From now on you will not wear shorts. Nagkakaintindihan ba tayo?" Wow! Kinikilig ako. Possessive boyfriend ang peg. Marahan na lamang akong tumango dahil nasa tabi na namin ang waiter. Inabot nito ang menu kay Bryan. Pinasadahan niya ito ng tingin habang nakahilig ang ulo sa balikat ko.

"Gusto mo ng pasta?" Marahan nitong tanong sa akin.

"Ah. Sige. Kahit ano na lang, ikaw na ang bahala." Sagot ko.

"She'll have seafood carbonara and fresh orange juice. We serve sandwich here?" Tanong nito sa waiter.

"Yes Mr. Bernabe. I would suggest our ham and coleslow sandwich. It's one of our bestsellers." Nakangiting sagot ng waiter. Tila seryosong nag-isip si Bryan.

"I'd like to order sandwich but I want a particular filling. What do you call that yellow thing you put on my sandwich babe?" Baling nito sa akin. Woah! Babe? Kilig much.

"Ha? Alin?" Tulala kong tanong.

"The sandwich you gave me the other day. The yellow thing you put in it?" Napaawang ang labi ko. Don't tell me oorder siya ng ganun dito?

"Ahhh. Star margarine" Sheet! Nakakahiya.

"Yeah. I want a sandwich with star margarine. No. Make that two sandwiches and a diet coke please." Mabilis nitong binalik sa waiter ang menu.

"I'm afraid we don't have that in our kitchen Mr. Bernabe." Tila alalang alala ang waiter.

"Then tell the chef to get some." Suplado nitong sabi.

"Yes Sir." Tinalikuran na kami ng waiter.

"Pumunta tayo dito para lang sa star margarine sandwich? Bryan naman." Ngumiti siya ng slight.

"May ibibigay kasi ako sayo." Bulong niya malapit sa tenga ko.

"Ay hindi na. Okay na yung iphone. Magagalit na ako. Ayokong masabihan ng gold digger." Nakita kong may kinakapa siya sa bulsa ng shorts niya. Isang maliit na red box iyon. Dahan dahan niya itong binuksan. Isang singsing yun na may hugis pusong bato.

"Ayaw mo nito?" Mahina niyang tanong. Bahagya siyang napangiti.

"Huwag na lang. Mahal yan." Yumuko ako. Masyado na akong inispoil ng gwapong ito.

"You want me to give this to someone else? This is a promise ring. It symbolizes my heart. You want me to give my heart to somebody else?" Mahina lang ang boses niya. Halos pabulong lang yun. Tiningala ko siya.

"Ha?" Tulala mode na naman ako.

"What?" Kumunot na ang kanyang noo. Dahan dahan kong inangat ang kaliwang kamay ko.

GRAVITY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon