Chapter 43

11.5K 184 9
                                    


Nakanguso ako habang inaayos ko ang kurbata ni Bryan. Nakaramdam ako ng lungkot dahil ang bilis bilis lumipas ng tatlong araw. Balik trabaho na naman kaming dalawa. Tumupad naman ito sa kanyang pangako. Maliban sa ilang tawag sa telepono, halos lahat ng oras niya ay binigay niya sa akin. Kahit sinong babae naman kasi ay makakaramdam ng takot kung ganito kagwapo ang boyfriend mo. Siguradong pagnanasahan siya ng kung sinu sino.

"How do I look?" Nakangiti nitong tanong matapos kong ayusin ang kanyang kurbata. Haay! Ang hirap namang pakawalan ng gwapong ito. Baka kung sinu sino ang pumulot.

"You look delicious. Parang vanilla ice cream na may chocolate syrup sa ibabaw." Nakangiti ring sagot ko.

"Really?" Nagningning ang mga mata niya.

"Really. Kaya nga nahihirapan akong pakawalan ka ngayon sa bago mong mundo. Pakiramdam ko kasi nandun ka na naman sa itaas. Para kasing ang layo na ng agwat nating dalawa. Ang hirap." Kumurap kurap ako upang hindi niya makitang naiiyak ako. Tumitig ito sa akin.

"Babe, kahit gaano pa kalayo yang sinasabi mong agwat nating dalawa. Tatawirin ka yan para sayo. What did I tell you before? Itong Bryan mo tutuparin ang lahat ng pangarap niya kasama ka." Marahan ko siyang tiningala. "Halika ka nga dito." Hinatak niya ako palapit at niyakap ng mahigpit sa bewang.

"Wala namang nagbago ah. This is me. I just got older. Pero ang laman ng puso ko parehas pa rin. Ikaw lang. Wala kang dapat ikatakot. I'm all yours. Mula ulo hanggang paa." Dinampian nito ng magaang halik ang noo ko.

"Alam ko naman yun. May tiwala ako sayo. Pero sa mga babaeng nakapaligid sayo, wala." Nakangusong saad ko.

"Nagseselos ka?" Malambing nitong tanong.

"Bawal ba?" Malambing ko ring tanong.

"Hindi. Ang cute mo kayang magselos." Sagot nito habang hinahalikan ang dulo ng ilong ko.

"Ewan ko sayo. Umupo ka na diyan." Turo ko sa upuang katabi niya. Ngingiti ngiti itong sumunod sa akin. "Anong gusto mong kainin?" Tanong ko habang nilalagyan ko ng kanin ang plato.

"Ikaw sana kaso may meeting ako ng ten am." Kumindat pa ito sa akin. Kinurot ko siya ng pinong pino sa braso.

"Aray! Bacon na lang saka omelette." Sagot nito habang hinahaplos ang parteng kinurot ko. Sinimulan ko na siyang subuan ng breakfast. Hay..masyado ka talagang spoiled Bryan Bernabe.

"Kumain ka ng lunch okay? Bawal magpalipas ng gutom." Bilin ko habang pinapanood ko siyan magsepilyo ng ngipin.

"Hindi masarap ang pagkain sa office." Tugon nito habang pinupunasan ng paper towel ang kanyang bibig.

"Di magpadeliver ka ng gusto mong kainin." Tumayo ako upang tulungan siyang isuot ang kanyang coat.

"Kahit na. Di pa rin masarap pag di ikaw ang nagsusubo ng pagkain ko." Ayun naman pala. May punchline ang gwapo kong boyfriend.

"Basta kumain ka. Halika na, baka malate ka sa meeting mo. Sa apartment mo na lang ako ihatid. Mamayang twelve pa ang pasok ko sa Jorge's. Yung promise mo ha? Wag kang titingin sa iba." Hinawakan nito ang isang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa elevator.

"Okay babe. I won't look. Ikaw din, ayokong nakikita kang nilalambing yung drummer. Di ka pwedeng umangkas sa motor niya. Understood?" Seryoso nitong saad habang lulan kami ng elevator pababa.

"Bryan, kaibigan ko lang si Brix. Parang kuya lang. Pero para wala ng away, okay hindi na po ako aangkas sa motor niya." Pinisil pisil niya ng kamay kong hawak hawak niya.

"Good girl." Mabilis niya akong hinila paglabas namin sa elevator.

Hinilot ko ng marahan ang batok ko habang nilalagay ko sa tray ang mga nagamit na plato ng kaaalis lang na customer. Dahil Friday night ay medyo maraming customer dito ngayon sa Jorge's. Lalo na ngayon dahil dinner time na. Nakakaramdam na ako ng pagod. Isang oras pa bago mag-uwian. Buti na lang at bukas pa ang pasok ko sa Zapp, makakauwi na ako pagkatapos ko dito. Napaawang ang mga labi ko ng makita kong pumasok sa pintuan si Bryan. Gaya ng dati ay kasunod nito ang kanyang mga bodyguards. Nakangiti itong lumapit ng makita ako.

GRAVITY (completed)Where stories live. Discover now