Chapter 4

13.4K 267 1
                                    

Nakatulala na naman ako habang nakaupo sa bench na ito. Oo. Malungkot ako,at depressed dahil ten days ng wala ang team Xavier. Nasa America sila ngayon. Nag-aattend sila doon ng basketball clinic ng isang sikat na NBA player na di ko na maalala ang pangalan. May maganda naman itong naidulot dahil nakakapagreview ako para sa nalalapit na prelim exam.

"Alam mo bes, ang bangag mo. Kanina pa ako dakdak ng dakdak dito pero parang nasa outer space ka. Umamin ka nga sa akin. In love ka ano?" Kiniliti niya ako sa tagiliran. Ngumiti naman ako ng bahagya.

"Sorry. Pasensya ka na bes, dami ko lang kasing iniisip." Muli akong tumingin sa kawalan.

"Mahal mo na siya ano?" Gulat akong napatitig kay Susy.

"Ha?" Napaawang ang bibig ko.

"Mahal mo na si Bryan ano? Akala mo ba di ko napapansin ang maraming pagbabago sayo. Sa mahigit isang buwan mong pageerrand girl sa lalaking yun. Marami ng nabago sayo. Lagi ka na lang tulala. Dati ang bubbly mo at ang harot mo. Ngayon napakatahimik mo. Lagi kang nakatingin sa kawalan. Pag nasa canteen tayo, titig na titig ka sa kanya. Pag may lumalapit na girls sa kanya parang papatay ng tao ang titig mo."

"Ha?" Di ko alam na napansin ni Susy ang lahat ng yun. Siguro nga ay kilalang kilala na ako nito.

"Bes, bestfriend mo ako. Halos magkadikit na ang bituka natin. Halos sabay na tayong lumaki. Magopen up ka naman sa akin. Natatakot na ako sa mga ikinikilos mo. Parang hindi na kita kilala." May himig pagtatampo ang boses nito. Huminga ako ng malalim.

"Di kami bagay bes. Mahirap siyang abutin. Isa lang akong dakilang alalay para sa kanya. Kahit minsan di ko nakitang concern siya sa akin. Tagapunas ng pawis. Tagasubo ng pagkain. Tagabili ng gamit. Yun lang ang silbi ko sa kanya. Hindi niya ako nakikita bilang ako. Ang dami dami niyang babae. Paiba iba. Nasasaktan ako bes. Pinigilan ko naman eh. Pero ang hirap hirap palang gawin. Ang hirap palang sawayin ang puso. Kapag gusto nito. Kapag mahal nito. Di mo pala mapipigil." Pinahid ko ang mga luhang naglandas pisngi ko.

"Tulad ngayon. Ang lungkot lungkot ko bes. Kasi miss na miss ko siya. Ganun pala yun noh. Namimiss ko yung pag-uutos niya. Namimiss ko yung amoy niya. Yung amoy ng pawis niya. Miss na miss ko yung kasungitan niya. Lahat sa kanya miss na miss ko. Malapit na nga akong mabaliw eh. Promise. Konti na lang bes. Sisa na ako." Mahigpit ko siyang niyakap.

"Shhh.. Bes, sa pag-ibig lahat pantay pantay. Tama ka. Mahirap pigilin ang puso. The heart knows what it wants. Pero huwag ka namang mawalan ng pag-asa. Walang imposible sa mundo. Minsan kailangan lang nating daanin sa dasal." Humigpit ang yakap niya sa leeg. "Tara punta tayong school chapel. Wednesday ngayon, start ng novena."

Tama si Susy. Pagkalabas ng school chapel ay gumaan ang pakiramdam ko. Tama kaya siya? Dasal ba ang sagot sa lahat ng nararamdaman ko? Yun din kasi ang madalas sabihin ni Nanay. Kung lahat nagawa mo na pero wa epek pa rin. Isa lang ang sagot dito. Dasal.

"Sigurado ka bang hindi ka sasabay bes?" Tanong ni Susy paglabas namin sa chapel. Marahan akong tumango.

"Sige na bes. Gusto ko munang magmuni muni. Para makapag-isip isip ng maayos." Hinalikan ko siya sa pisngi. "Thank you sa pakikinig bes. Mahal kita."

"Mahal din kita bes." Yumakap siya sa akin ng mahigpit.

Medyo dumidilim na ang paligid. Mabagal lang akong naglalakad habang binabagtas ko ang daan papunta sa parking lot. Pauwi na ang karamihan sa mga estudyante. Napatigil ako. Bakit ba ang lungkot lungkot ko pa rin? Nakayuko akong muling nagpatuloy sa paglalakad.

"Pssst!!" Narinig kong may sumutsot. Omg! Baka may rapist dito. Kinabahan ako. Mabilis akong naglakad.

"Hey! Errand girl!" Nanlaki ang mga mata ko. Is this my imagination. Hindi totoo ito. Luminga linga ako.

"Ay butiki!" Napatakip ako sa bibig ko ng bigla siyang nag-appear sa likuran ko.

"Do I look like a lizard?" Seryoso ang mukha niyang nakatitig sa akin. Tulala akong tumingala sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Kating kati ang mga kamay kong gustong yumakap sa kanya.

"Bryan?" May pagtataka sa pagkakasabi ko nun. Muli akong natulala.

"Give me your hand." Nilahad ko ang kanang kamay ko. May paperbag siyang nilagay doon.

"Ano to?" Mahinang tanong ko. Bahagyang kumunot ang kanyang noo. May kung anong emosyon akong nasilip sa mata. Mabilis lang yun kaya di ko nabasa.

"Why don't you just open it instead of asking me." Mabilis niya na akong tinalikuran. Mabagal na siyang naglakad palayo. Mabilis kong tinignan ang laman ng paperbag. Assorted chocolates. Imported. Mukhang mamahalin. Agad akong nag-angat ng tingin. Papalayo na siya. Mabilis akong nagdesisyon. Hinabol ko siya.

"Bryan! Sandali!" Sigaw ko. Mabilis akong tumakbo upang abutan ko siya. Dahan dahan siyang humarap. Napatigil ako ng ilang dipa na lang ang layo ko. Shemay! Di ako makahinga. Ang bilis ng heartbeat ko. Nasisinagan kasi siya ng ilaw mula sa poste. Ang gwapo gwapo niya. Sobra. Biglang tumigil ang ikot ng mundo ko. Sa puntong iyon. Tanggap ko na. Mahal na mahal ko na siya.

"What?" Parang inip na inip niyang tanong habang nakatayo siya sa ilalim ng poste. Marahan ko siyang nilapitan.

"Thank you." Nagtiptoe ako. Hinalikan ko siya sa gilid ng labi. Tila muling tumigil ang ikot ng mundo ko. Pinilig ko ang ulo ko. Mabilis ko siyang tinalikuran. Tumakbo ako palabas ng gate. Papunta sa abangan ng jeep. Tulala akong sumakay. Nakatingin lang ako sa hawak hawak kong paperbag.

GRAVITY (completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang