Chapter 34

10.3K 139 18
                                    

"I'll be back before you knew it." Masuyo niyang bulong habang hinahalikan ako ng marahan sa labi. Nandito kami ngayon sa airport departure area. Ayoko sanang pumunta dito dahil nandito ang kanyang ama at stepmother pero pinagpilitan ni Bryan. Dahil suspended siya ng dalawang game sa intercollegiate meet ay minabuti ng Bise Presidente na maaga na lamang pumunta sa New York dahil magpapagamot ito doon ng kanyang sakit sa puso. Ayon kay Bryan ay pagbalik na lang daw nila icecelebrate yung birthday nito.

Isang linggong mawawala si Bryan at ngayon pa lang ay parang miss na miss ko na siya. Kumurap kurap ako upang hindi maiyak. Napatitig ako kay Maita Bernabe, ang madrasta ni Bryan. Halata sa kanyang mga kilos na hindi niya ako gusto. Kaninang pinakilala ako ni Bryan ay mas malamig pa sa yelo ang kanyang pakikitungo. May takot akong nadarama ngayon sa di ko maipaliwanag na dahilan.

"Alagaan mo ang sarili mo doon ha. Palagi mong isipin na mahal na mahal kita." Bulong ko kay Bryan. Tinitigan ko siya na matiim. Gusto kong imemorize ang kanyang mukha. Bawat anggulo, bawat detalye. Di ko rin alam kung bakit nakakaramdam ako ng labis labis na kalungkutan ngayon.

"Hey, one week lang akong mawawala babe. It's not as if I'll be gone for a year. Be a good girl okay? Huwag kang titingin sa iba." Nakangiting saad nito habang yakap yakap ko siya ng mahigpit. Di ko alam pero parang ayokong bumitaw. "I love you babe." Bulong niya sa tenga ko. Tumango ako ng marahan. Bahagya kong niluwagan ang pagkakayakap kay Bryan dahil napapaso ako sa mga titig ni Maita Bernabe.

"Araw araw mo akong tatawagan?" Malambing kong bulong sa kanya. Bahagya siyang ngumiti.

"Of course. Babawi ako sa Singapore okay? Solong solo mo ako doon." Muli niya akong dinampian ng magaang halik sa labi. "They're calling our flight. Tita Maita will take you home." Saad nito. Humigpit ang kanyang yakap sa akin.

Di ko alam kung bakit parang sinasaksak ang dibdib ko habang minamasdan kong naglalakad si Bryan papalayo. Lumingon ito upang kumaway. Kumaway ako pabalik. Pinigil kong umiyak. Humugot ako ng malalim na buntong hininga ng tuluyan ng mawala sa paningin ko si Bryan.

"Let's go." Malamig na sabi ni Maita Bernabe. Nakatayo na ito sa tabi ko. Masyadong intimidating ang kanyang dating. Di maipagkakailang napakaganda nito, pero may kung anong meron sa kanyang mga titig. Nanunuri.

"Magtataxi na lang po ako pauwi Mam. Para hindi na po ako makaabala sa inyo." Ang totoo niyan ay parang ayaw ko siyang makasama sa loob ng sasakyan. Natatakot ako sa kanyang presensya.

"It's Bryan's instruction. Besides, gusto kitang makausap." Nauna na itong naglakad. Nakasunod ang dalawa niyang bodyguard. Nasa likuran ko naman si Tim, sumusunod sa akin. Pagkalabas namin sa exit ay nakaparada na ang isang puting sasakyan. Pinagbuksan ng isang bodyguard si Maita Bernabe. Walang imik na sumakay na rin ako at umupo sa tabi nito. Matagal kaming tahimik habang nakatingin ako sa labas ng bintana.

"I don't like you." Gulat akong napatingin sa kanya.

"Po?" Alam kong namumula na ang mga mata ko. Gusto ko ng umiyak.

"Hindi kita gusto para kay Bryan." Seryoso ang mukha nito. "Hindi ka nababagay sa kanya. Jaime will be the next President of the country. Bryan will be the first son. Hindi ang katulad mo lang pakakasalan ng stepson ko."

"Mahal po ako ni Bryan, Mam." Mahinang sagot ko. Ngumiti ito ng isang mapait na ngiti.

"Hanggang kelan? Look at yourself Yumi. You don't belong in Bryan's world, you will never fit in. Someday Bryan will get married at ang babaeng pakakasalan niya ay yung kaya niyang ipagmalaki sa buong alta sosyedad. Rich people don't marry for love, we marry for more wealth. We marry for power and security. He will marry somebody na magpapatatag ng lugar niya sa lipunang kanyang ginagalawan. Masasaktan ka lang pag dumating ang araw na yun." Marahan kong naikuyom ang mga pala ko. Totoo naman ang kanyang sinasabi, hindi nga ako nababagay sa isang Bryan Bernabe.

GRAVITY (completed)Where stories live. Discover now