Chapter 36

10.1K 166 10
                                    


BRYAN'S POV

I didn't even noticed that Angela has already got down from the car. I can't even remember if she said goodbye when I drop her off. My mind is totally in chaos. My heart is actually slamming againts my chest right now. It was totally unexpected. Seeing her again after almost two years. Matagal ko siyang hinanap. I even hired detectives to look for her, pero di ako nagtagumpay. Bakit ngayon? When I have already given up. Kung kailan decided na akong kalimutan na siya, saka naman siya biglang susulpot na lamang ulit sa buhay ko.

Napatingin ako ng matagal sa hawak hawak kong puting envelope. Kanina ko pa kasi iniisip kung ano ang koneksyon nito sa amin ni Yumi at kay Tita Maita. When she gave this to me, sinabi niyang wala na siyang utang kay Tita Maita. May kinalaman ba si Tita Maita sa ginawa niyang pang-iiwan sa akin? Dahan dahan kong tinanggal ang scotch tape na nakadikit dito. Nilabas ko ang medyo makapal nitong laman. Deposit slips. Validated deposit slips ng isang kilalang bangko, nakapangalan ang account kay Maita Bernabe. Magkakaiba ang amount, may three thousand. May five thousand. May five hundred. At ang pinakamalaki ay three hundred fifty thousand, deposited three days ago.

"Tim, where are the pictures?" Tanong ko kay Tim na nakaupo sa harapan ko. May inabot siya sa aking brown envelope.

"Are you sure about this Boss? Ilang buwan pa lang pong nakakaupo ang daddy nyo, hindi niya kakayanin ang sunod sunod na stress." Concern na tugon nito. He has always been my Dad's favorite aming my bodyguards. Siguro dahil nakikita niya ang sincerity nito.

"Don't worry, I will not tell him yet." Pagbibigay assurance ko dito. "Sa Alabang tayo Gavin."

Bumabangon ang galit sa dibdib ko as I open the front door of our Alabang mansion. Magmula ng umalis ako at tumira sa New York ay lumipat na dito si Tita Maita at ang anak nitong si Irish. They totally invaded my house. Mukhang inari na nila itong mag-ina. Hinayaan ko lang sila because I didn't care during that time. My world was shattered ng mawala sa akin si Yumi. All I want is to get away from everything that would remind me of her. Kaya pinili kong umalis. Kaya pinili kong lumayo.

"Where's Tita Maita?" Tanong ko sa maid na nadatnan kong naglilinis sa sala. Even the arrangement in the living room is now different. What happened to my Mom's paintings? Where is the grand piano? Muling umakyat ang dugo sa ulo ko.

"Nasa office po Sir." Sagot nito na halatang natatakot sa presensya ko. Binagtas ko ang pasilyo papunta sa library ni Mommy na ngayon ay ginawang office ni Tita Maita. Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang galit sa dibdib ko. Pinihit ko ang knob ng pinto without even knocking. Nakaupo ito sa couch habang nagbabasa ng magazine. Tuloy tuloy akong pumasok at hinagis ko sa tabi niya ang dala kong pictures. Awang ang labing napatitig ito sa mga larawan. Nakita ko ang takot sa kanyang mukha.

"Hindi lang ganyan ang iba pang pictures na hawak ko. Mas malala pa." Nag-aapoy ang matang tinitigan ko siya. Siya ang nasa mga larawan. Kasama ang isang hunk actor, habang naghahalikan sila sa isang private resort sa Batangas. Kinuha ko sa bulsa ng jeans ko ang sobreng binigay ni Yumi at hinagis ko ang laman nun sa tabi niya.

"I want you to tell me kung ano ang kinalaman mo diyan!" Dinampot niya at tinignan ang mga deposit slips. "Tell me! Ikaw ba ang may kagagawan kung bakit niya ako iniwan?" Bumalik sa akin lahat ng sakit. Lahat ng dinanas ko sa loob ng halos dalawang taon. "Kung ayaw mong malaman ni Daddy ang tungkol sa lalake mo then start confessing."

"B-Bryan. Nagawa ko lang yun dahil concern ako sayo anak." Pinanliitan ko siya ng mata. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa galit.

"Anak?? You have the nerve to call me that? You are not my mother Maita. Hindi mo ako anak. My Mom is a loving and wonderful person. She will never betray me. She will never do anything that would hurt me. Now tell me. WHAT HAVE YOU DONE? Anong ginawa mo sa aming dalawa?" My throat feels raw dahil sa pagpipigil ko ng aking emosyon. Her face registered fear and bewilderment.

GRAVITY (completed)Where stories live. Discover now