Chapter 13

11.8K 211 6
                                    


Kinulong niya sa kanyang mga palad ang mukha ko at tinitigan ako sa mga mata. Sumeryoso na siya. Nandun na naman yun sa mga mata niya. Kung dati ay panaka naka lang yung sumusulpot ngayon ay di yun nawawala. May kasama pang pagkinang ang pagbabago ng kulay sa kanyang mga mata. Kahit madilim ay kitang kita yun.

"Don't ever do that to me again. It's so damn painful. Here." Kinuha niya ang isang kamay ko at tinapat yun sa kanyang dibdib.

"Hindi na." Marahan kong sabi. Nilapat ko ang palad ko sa tapat ng kanyang puso upang damahin ang pagtibok nito.

"It's been like that since the first time I saw you. Every single beat is for you babe." Dahan dahang lumapit ang kanyang mukha. Napapikit ako dahil alam kong hahalikan na niya ako.

"Hep! Hep! Stop!" Nilagay ko ang isang daliri ko sa kanyan bibig. "Uminom ka ba Mr. Bernabe?" Nalanghap ko kasi ang amoy alak sa kanyang hininga. Although mabango pa rin yun huh, in fairness.

"Ummm.. Yeah. It's just two shot of brandy babe. I'm not even drunk." Muli niyang hinatak ang ulo ko upang mahalikan ako.

"Hindi! Walang kiss. Kanina lang nagsusunog ka ng baga. Tignan mo ang mga yan." Tinuro ko ang mga upos ng sigarilyo sa paanan namin. "Tapos uminom ka pa talaga? Walang kiss ngayon." Sumandal ako sa pintuan ng sasakyan niya at humalukipkip.

"Yumi naman. Don't do this to me. Sige na, isang kiss lang." Nagmamakaawa ang kanyang mga titig.

"Ayaw! Bukas na lang pag di ka na amoy alak." Nakangusong tugon ko.

"I have to. If I don't drink I might not have the courage to tell you how I feel." Sumandal din siya sa tabi ko.

"So, salitang lasing lang yung sinabi mo?" Inirapan ko siya.

"No! Of course not. Totoo lahat yun. I'm not drunk okay?" Nakapamulsa siyang yumuko. Humugot na naman ito ng malalim na paghinga. Talaga bang inlove sa akin ang gwapong ito? Niyakap ko ng dalawang kamay ko ang kanan niyang braso. Humilig ako sa kanyang balikat.

"Itong brasong ito, pati na rin yung kabila. Wala ng pwedeng humawak dito ha. Ako lang. Nagkakaintindihan ba tayo Mr. Bernabe?" Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayapos sa kanyang matigas na braso. Hihihi. Matigas talaga?

"Wow! Very possessive." Mahina niyang sagot habang nakayuko pa rin ito na tila lungkot na lungkot.

"May sinasabi ka?" Tiningala ko siya at pinanliitan ng mata.

"Ahh..Yeah. As you wish babe." Hmmm.. Seryoso. Talagang gusto ng kiss. Kumalas ako sa pagkakahawak sa kanyang braso. Tumayo ako sa harap niya.

"Yumuko ka, di kita maabot." Tumuwid siya ang tayo at seryosong yumuko. Mabilis akong nagtiptoe. Dinampian ko siya ng marahang halik sa labi. Di ako nakuntento. Hinatak ko palapit ang ulo niya. I gave him an open mouth slow kiss with matching tongue movement on the side. Syempre automatic ang response niya. Kung anong ginawa ko, times two ang ginawa niya dahil may kasama pang marahang pagkagat sa lower lip ko. Marahan ko siyang tinulak ng maalala kong nasa labas kami at maaring tinitiktikan ng mga neighbors.

"Bakit ka nakatulala diyan? Wala ka bang sasabihin?" Tanong ko dahil titig na titig siya sa mukha ko.

"Eh di wow!" Pabiro niyang bulalas. Ngumiti na naman siya ng malapad.

"Adik!" Hinampas ko siya ng malakas sa dibdib. "Tsupi! Alis na. Hatinggabi na. Magrereview pa ako. Niligalig mong buhay ko. Ayan wala pa akong nareview para sa exam."

"Aray! Damn, under ata ako." Mabilis niya akong dinampian ng halik sa labi. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan. Bumukas ang bintana nito. "Pasok na." Kumindat pa ito habang muling sumasara ang bintana. Natanaw ko mula sa di kalayuan ang isang pang sasakyan. Sumunod ito ng pinaharurot ni Bryan paalis ang sasakyan nito. Doon lang bumalik sa akin na anak nga pala siya ng bise presidente ng Pilipinas. Hay, bahala na si Batman.

Isa isa kong pinasadahan ng tingin ang lahat ng sagot ko sa hawak kong testpaper. Kahit puyat na puyat ako ay nakapagtatakang di ako nakakaramdam ang pagod o panghihina. Ang totoo niyan, lutang na lutang pa ang pakiramdam ko. Gusto kong makita si Susy upang maikwento ang mga nangyari kagabi, pero mukhang di ko siya makakasabay kumain ng tanghalian. Nagtext kasi ito na pupunta sa library dahil di pa siya nakareview sa iba pa niyang subject. Tumayo na ako upang ipasa ang testpaper ko.

"Yumi! Sabay tayong maglunch. Sige na. Ililibre kita." Malakas ang boses ni Elton habang sinasabayan ako sa paglalakad palabas ng classroom. Bago pa ako nakasagot ay biglang may umakbay sa akin. Tulala akong napatingala.

"Sorry dude. This girl is mine." Seryosong saad ni Bryan habang seryosong nakatitig kay Elton. Awang ang labing napatitig si Elton sa kamay ni Bryan na humahaplos sa braso ko.

"Okay. I'm not blind Bernabe. I know when to back off." Asik nito. Mabilis niya kaming tinalikuran.

"Hey, bad ka. That's so rude." Sabi ko habang naglalakad na kami patungo sa hagdanan.

"Me? Rude? What did I do? I just told him you're my girl. What's so rude about that?" Tila clueless ito sa ginawang panghihiya kay Elton.

"Hindi naman po kasi nanliligaw sa akin yung tao. Nakakahiya dahil baka isipin niyang masyado naman akong assuming." Hinawakan ko siya sa braso ng pababa na kami sa hagdanan.

"He likes you. It's written all over his face. How many times did he ask you out?" Tanong niya habang naglalakad na kami sa corridor.

"Hmmm.. Hindi ko na maalala. Ten. Twelve times." Bigla siyang tumigil at humarap sa akin.

"Ganun kadami? Bakit hindi ka sumasama sa kanya?"

"Kasi patay na patay ako sa panget na kulay light brown ang mata." Sagot ko. Nagtiptoe ako at dinampian ng halik ang dulo ng ilong niya. Wala akong care kahit nasa gitna kami ng corridor at nakatingin sa amin ang lahat ng estudyanteng nandun. Nauna na akong naglakad.

"Hey, wait up." Mabilis niya akong naabutan. Nakasampay ang isang niyang braso sa balikat ko habang naglalakad kami papunta sa canteen. Yakap ko naman siya sa bewang.

Alam kong sa amin lahat nakatutok ang mga mata ng lahat ng taong nasa school canteen. Nakatitig lang ako kay Bryan habang umuupo ito sa tabi ko. May ilang babae sa kabilang table ang tulalang nakatingin at sa amin at nagbubulungan. Ngumiti ako ng magkatinginan kami ni Bryan.

"I love this." Sinundot niya ng isang daliri ang malalim na dimple sa gitna ng pisngi ko. Pinatong niya sa balikat ko ang kanyang baba habang sinusundot sundot ng daliri niya ang dimple ko.

"Yan lang?" Malambing na tanong ko.

"Even the one on the other side." Malambing niyang sagot.

"Ako di mo love?" Eeeeeh! Alam ko cheesy. Pero pagbigyan niyo na ako. Once in a lifetime lang ang kilig na ito.

"Hmmm..Why do you always ask me that? Nasabi ko na kagabi di ba? Ayoko ng ulitin. Nakakabakla." Humalukipkip ako at tinitigan ko siya ng masama.

"Siguro you really did not mean it kaya ayaw mo ng ulitin. Doon ka makipaglunch sa kabilang table. Titig na titig naman sila sayo eh. Mukhang welcome na welcome ka doon." Sumeryoso ako. Binuksan ko ang backpack ko at nilabas mula dito ang tatlong sandwich at dalawang fudgee bar. Mula sa bulsa ng bag ko ay kinuha ko doon ang dalawang zest-o.

Binalatan ko ang sandwich na may star margarine. Kumagat ako mula dito at dahan dahang ngumuya. In fairness, ang sarap ng biniling tinapay ni Nanay. Malambot at talagang bagong gawa. Masarap siya. Promise. Nagpatuloy ako sa pagkain ng sandwich. Tinusok ko ng straw ang zest-o. Hmmm..masarap pala itong mango flavor. Di ko talaga tinitignan si Bryan. Manigas ka diyan.

"Tss. Masyado kang demanding." Mahinang saad niya. Hinawi ng kamay niya ang buhok ko at nilagay yun sa ilalim ng tenga ko. Nilapit niya doon ang bibig niya. "Mahal na mahal kita." Bulong niya. Napangiti ako ng malapad. Syempre labas na labas ang mga dimples ko.

"Mahal na mahal din kita." Mahina kong sagot. Muli ko siyang dinampian ng halik sa dulo ng ilong. Dinampot ko ang isang sandwich. Binalatan ko yun at nilapit sa bibig niya. "Kain ka na."

"That's the last time okay? Hindi ko na yan uulitin." Kumagat na siya sa sandwich na hawak ko.

"Weeh! Sigurado ka? Paano kung gusto ko ulit marinig?" Humalakhak siya. Sheet! Humadlang man lahat pati na ang buong mundo pero hinding hindi ko susukuan ang gwapong nilalang na ito. Wala na akong magagawa. Kanyang kanya na ang buong puso ko.

GRAVITY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon