Chapter 42

11.7K 185 5
                                    

(JNElove25 this chapter is dedicated to you. Maraming salamat sa mga votes at comments mo. Para din ito kay LaraPogi sa walang sawang suporta :)))

Nakapangalumbaba ako sa countertop ng bar habang kausap ko si Brix. Konti lang kasi ang tao ngayon dito sa Zapp dahil malakas ang ulan sa labas. Mukhang may bagyo atang paparating. Siguradong maaga kaming magsasara ngayon. Kahit ang banda ay isang set lang ang tutugtugin. Ilan ilan lang din kasi ang customer ngayon dito.

"Bogs, sige na. Pagbigyan nyo na ako. Isang kanta lang naman yun eh." Nagmamakaawang sabi ko kay Brix.

"Okay fine. Kakausapin ko ang buong banda. Kung one week na lang ang nalalabing time para magrehearse ng kakantahin mo dapat wag ka ng magpatumpik tumpik. May rehearsal kami sa studio ni Larry bukas. Pumunta ka doon ng maaga. Nine am kami mag-uumpisa." Nilagok nito ang laman ng hawak niyang bote ng beer.

"Talaga Bogs? Thank you ha." Nagningning ang mga mata ko. One week na lang pala, birthday na ni Bryan ko. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Masyado kasi itong busy nitong mga nakaraang araw. Dahil ito sa napipintong merger ng airline company nila at ng kumpanya ng mga Lagdameo. Ikakasal na kasi ang stepsister niyang si Irish Arevalo kay Tyler Lagdameo ang anak ng may-ari ng Pacific Airlines. Tyler wants to be the CEO of the merged airline company. Ayaw pumayag dito ni Bryan, mas malaki daw ang investment ng mga Bernabe so dapat lang na siya ang maging CEO. Ayaw ko namang makialam sa kanyang mga desisyon pagdating sa kanilang mga negosyo.

Ang totoo niyan, miss na miss ko na siya dahil tatlong araw na siyang hindi nagpapakita sa akin. Puro tawag at text lang. Panay kasi ang emergency meeting ng kanilang board. Lumalaki na tuloy ang tampo ko sa kanya. Hindi man lang niya ako mabigyan kahit isang oras sa buong maghapon niya. Kumurap kurap ako upang pigilin ang nagbabadyang pagtulo ng luha ko.

"Hey, bakit ang lungkot mo Bogs? Gusto mong magkape mamayang uwian?" Naiiyak kong titigan si Brix.

"Huwag na. Si Nikki na lang ang yayain mo." Ginulo ko ang malambot niyang buhok. Hay, ang bait talaga ng bestfriend ko. Sana makita ni Nikki yun.

"Sure ka?" Marahan akong tumango. Pinisil nito ang dulo ng ilong ko. Biglang nafreeze ang ngiti sa mga labi ni Brix at biglang tumayo. "Batsi na ako Bogs. Nandiyan na si Bryan mo? Mukhang huling huli niya ang paghaharutan natin. Baka bumulagta akong bigla dito pag pinagbabaril ako ng mga bodyguards niya. Goodluck." Humalakhak pa ito habang muling pinipisil ang ilong ko.

Napatingin ako sa papalapit na si Bryan. Biglang naging static ng tibok ng puso ko. Paano naman kasi, ibang iba ang itsura nito ngayon. Nakasuot ito ng light gray long sleeve at dark gray slacks. Mukha talaga itong CEO ng malaking airline company. Hindi na ang Bryan kong varsity player noon. Sadyang napakabilis lumipas ng panahon. Seryoso itong nakatitig sa akin. Kunot ang kanyang noo.

"Get your things. Were going home." Walang ngiting saad nito habang nakatayo sa tapat ko.

"H-hindi pa time ng uwian ko. Mamayang ala una pa ang out ko." Anong nangyayari? Nagselos ba ito kay Brix?

"I said get your things. Uuwi na tayo." Muli nitong sabi. May diin ang bawat salita.

"Mamaya pa nga ang uwi ko." Pinanliitan ko siya ng mata.

"Kukunin mo ba ang gamit mo at lalabas ka sa pintuang yun o bibitbitin kita palabas. It's your choice. Madali naman akong kausap." May pagbabanta na sa kanyang tinig. "I'll wait for you outside. Madali akong mainip babe." Tinalikuran na niya ako.

Hmp! Siya pa talaga ang may ganang magdemand huh. Nagcomplain ba ako kahit halos wala na siyang oras para sa akin? Iniistorbo ko ba siya sa trabaho niya? Nagagalit ba ako kahit tatlong araw siyang di nagpapakita sa akin? Biglang umakyat ang dugo sa ulo ko. Magtutuos tayo Bryan Bernabe.

GRAVITY (completed)Where stories live. Discover now