Chapter 3

14.1K 265 6
                                    

"Yumi, halika sandali. Usap muna tayo." Bungad sa akin ni coach Arnel pagdating ko sa gym. Mabilis ko siyang nilapitan.

"Tungkol po saan coach?" Medyo kinakabahan ako. Baka mapatalsik na ako dito.

"Starting today you will exlusively be Bryan's errand girl. As the team captain, mas marami siyang pangangailangan kaysa sa mga kasama niya." Napatulala ako.

"Po?" Wala sa sarili kong sagot.

"Hayaan mo na sina Caloy at Empoy na magsilbi sa ibang players. Kay Bryan na lang ang whole attention mo. Kailangan maalagaan siya dahil lately ay medyo nagiging sakitin siya. Malapit na ang opening ng inter collegiate. Ayoko siyang magkasakit Yumi." Marahan na lamang akong napatango.

"Opo coach." Umupo na lamang ako sa bleachers habang nakatulala pa rin.

Nagulat ako ng may maglanding na backpack sa kandungan ko. Napatingala ako sa lalakeng nakatayo sa harap ko. Seryoso itong nakatitig sa akin.

"My towel is inside the bag." Pagkasabi nun ay mabilis na itong tumakbo sa court. Ano ba tong napasok ko? Gagawin ba akong yayabels ng mokong na ito? Binuksan ko ang bag niya at hinagilap doon ang towel. Shit!shit! Bakit may brief dito? Napatingin ako sa kanya habang nagdidribble siya ng bola. Bakit parang may ngiting naglalaro sa mga labi niya. Pinagtatawanan ba niya ako?

Umupo siya sa tabi ko pagdating ng break nila. Humihingal pa ito. Agad ko siyang inabutan ng tubig. Mabilis niyang inubos ang laman ng bote. Humarap siya at tumitig sa akin. Hindi ko alam kung bakit bisyo ng gwapong ito ang pagtitig sa akin.

"Pawis ako." Mahina niyang saad. Titig na titig pa rin sa akin.

"Umm..talikod ka. Punasan ko yang likod mo." Buti masunurin naman dahil tumalikod siya. Tinaas ko ang laylayan ng jersey niya. Pinunasaan ko ang tagaktak niyang pawis.

"Where's is my chocolate thing?" Tanong niya pagkatapos kong punasan ang basa niyang likod.

"Ahhh..nandito sa bag ko. Wait lang kukunin ko." Binuksan ko ang bag ko. Nilabas ko mula doon ang mga dala kong fudgee bar. Binalatan ko ang isa at nilapit sa bibig niya. Marahan niya itong kinagat. Wow! Ang ganda ng ngipin. Mapuputi at pantay pantay. Nakaapat siyang kagat bago ito naubos.

"Is this your favorite?" Tanong niya habang ngumunguya.

"Ahhh.. Oo. Chocolate flavor." Napangiti ako.

"Did you buy some juice?" Tanong niya.

"Sorry. Hindi ako bumili. Sabi mo kasi ito lang." Medyo takot kong sabi.

"Bumili ka bukas." Tila naiiritang sabi niya.

"Sorry na. Sige bibili ako. Meron naman diyang canned juice sa cooler. Gusto mo ikuha kita?" Malumanay kong sabi.

"No. I want that kind of juice. Yung dala mo kahapon." Mas naging suplado ang mukha niya. Ang tanga tanga mo kasi Yumi. Bakit kasi di ka bumili ng zest-o?

"Ibibili na lang kita sa labas." Akma akong tatayo pero pinigil niya ang kamay ko.

"It's okay. Bukas na lang." Tumango na lang ako ng marahan. "What's your name again?" Bigla niyang tanong. Tumitig uli siya sa akin.

"Yumi." Tulala na naman ako.

Pagkagaling sa school ay sa grocery ako tumuloy. Bumili ako ng dalawang box na zest-o at limang supot na fudgee bar. Naguguluhan ako sa kanya. Ang yaman yaman niya pero bakit ang mga ito ng gusto niya. Napilitan akong ibayad sa cashier ang binigay niyang one thousand peso bill. Hirap na hirap akong sumakay ng jeep. Shemay! Mabigat siya ha. Bakit ba kasi dalawang box ang binili ko?

"Good evening nay." Humalik ako sa pisngi ni Nanay.

"Halika na anak. Kain na tayo." Nasa hapag na sila ni Nana. Kumakain na ng hapunan.

"Nay, ano po ba ang feeling ng in love?" Shemay! Bakit ba yun lumabas sa bibig ko. Erase! Ngumiti ng malapad si nanay.

"Bakit in love ka na ba anak?" Nakangiti na rin si Nana.

"Po? Naku hindi po. Masama po bang magtanong?" Feeling ko para akong kamatis na namumula.

"Sige, ganito kasi yun anak. Masasabi mong nagmamahal ka na pag gustong gusto mong nakikita ang isang tao. Gusto mo siyang titigan sa bawat oras. Tipo bang di ka nagsasawa para gawin yun. Mahal mo na siya pag tanggap mo lahat ng katangian niya. Lahat ng maganda pati na rin yung pangit niyang katangian dapat tanggap mo yun. Tumitigil ang ikot ng mundo mo. Natutulala ka. Bumibilis ang tibok ng puso mo. Hindi ka halos makahinga. Higit sa lahat gusto mo siyang maging masaya. Gusto mong ibigay yung mga bagay ng gustong gusto niya. Yung alam mong makakapagpasaya sa kanya." Shit! Shit! Shit! Sapul ka Yumi. Sapul na sapul.

Nakatulala ako sa salamin habang sinusuklay ko ang lagpas balikat kong buhok. Alam ko namang hindi ako yung tipong nililingon ng mga lalake dahil sa ganda. Sa edad kong eighteen ay never pa akong nagkaboyfriend. May ilan namang nanligaw sa akin pero wala akong nagustuhan. Makintab naman ang dark brown kong buhok. Makinis naman ang aking balat. Hindi nga lang ako mestisa. Pero maputi rin naman ako kahit paano. Mahahaba rin ang pilikmata ko pero dahil sa salamin ko natatakpan ang maganda kong mata. Siguro ang pinaka assett ko ay ang dalawang malalalim na dimples sa magkabilang kong pisngi. Sa height naman ay average lang dahil 5' 3 lang ako. Hanggang balikat lang ako ni Bryan sa taas niyang 6'1.

"Kahit bali baliktarin mo ang mundo Yumi, hindi yun magkakagusto sayo. Sa mundo niya nagkalat ang mga mukhang beauty queen at modelo. Hindi ang isang errand girl na tulad mo ang magugustuhan ng isang Bryan Kenneth Bernabe, kaya gumising ka na ha? Baka bangungutin ka." Marahan kong sinampal sampal ang mga pisngi ko. Para akong tanga na kinakausap ang sarili ko.

"Alam ko sa pag-ibig lahat pantay pantay. Walang mahirap at walang mayaman. Pero kasi Yumi, bise presidente ng Pilipinas ang tatay niya. Sa nobela at pelikula lang nangyayari yun. Sa totoong buhay ang magkakauri ang nagkakatuluyan." Kumurap kurap ako. Shemay! Naiiyak ako. "Huwag mo siyang iyakan. Di mo siya jowa para iyakan mo." Huminga ako ng malalim.

"Pigilin mo ang sarili mo okay. Bawal kang mainlove sa kanya." Pinagalitan ko talaga ang sarili ko.

GRAVITY (completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin