Chapter 46

10.3K 181 3
                                    


Nagmamadali akong lumabas ng classroom. Halos magkandahulog hulog ako sa hagdanan sa pagnanais kong habulin ang oras. Four thirty na kasi. Mamayang gabi na ang birthday celebration ni Bryan na hinanda ng kanyang ama. Gaganapin ito sa grand ballroom ng Grand Pacific Hotel. Nagprisinta si Bryan na ibili ako ng damit at sunduin papunta sa party niya ngunit tumanggi ako. Sinabi kong may isusuot na ako. Ang totoo niyan ay wala pa talaga akong isusuot, pero tumawag kaninang lunch si Brix at sinabing sponsor na daw niya ang isusuot ko.

"Bogs!" Hinihingal kong sigaw ng makita ko si Brix naninigarilyo habang nakasandal sa bago niyang Cherokee Jeep.

"Whew! Ang tagal mo naman Bogs. Akala ko ba four ang labasan mo?" Tila nainip ito sa kahihintay.

"Sorry ha. Nagmeeting kasi kami ng mga kagroup ko. Tara na." Mabilis niya akong pinagbuksan ng pintuan."Sigurado ka bang okay lang sayo na ikaw ang bumili ng isusuot ko sa party ni Bryan?" Tanong ko dito habang umaatras kami paalis ng parking lot.

"Oo naman Bogs. Do you know Pepsi Palermo?" Tugon nito.

"Yung sikat na designer? Yung gumagawa ng gown ni Toni Gonzales at ng iba pang sikat na artista?" Gulat akong napalingon sa kanya.

"Yeah. Pinsan siya ni Mama. Katatapos lang naming nag-usap sa phone, dun tayo pupunta. May bago daw siyang design na gown. Pumayag siyang ikaw ang unang magsuot nun. Sabi ko kasi girlfriend ka ng first son, at kakatapos lang niyang magpropose sayo kagabi. Syempre excited siya dahil siguradong may tv coverage yung party." Nakangiting sabi nito.

"Talaga Bogs? As in Pepsi Palermo talaga ang isusuot ko? Eeehhh! Thank you Bogs!" Dinamba ko siya upang yakapin.

"Yeah. Tinawagan ko na rin yung makeup artist at hairstylist ni Mama. Pupunta siya sa bahay ni Tita Pepsi." Oh my G! Ang bait bait talaga ng bestfriend ko.

"Ahhh..ang bait naman ng bestfriend ko. I love you Bogs." Naiiyak kong saad habang nakasandal ako sa kanyang balikat.

"Weh! Si Bernabe naman ang number one diyan sa puso mo eh." Tatawa tawang pinisil niya ang ilong ko.

"Oo nga, pero number two ka." Humalakhak ito ng malakas.

"Lamang lang naman sa akin ang fiance mo kasi brown ang mata niya noh." Natawa na rin ako. Hay ano pa nga ba ang mahihiling ko sa buhay kung ganito ang mga taong nagmamahal sa akin.

Hindi ako makapaniwalang repleksyon ko ang nakikita ko sa salamin. Nandito ako ngayon sa guest room sa bahay ng sikat na designer na si Pepsi Palermo. Matapos akong ayusan ng baklang makeup artist ay pinasuot sa akin ni Miss Pepsi ang kulay light blue gown na ito. Dapat daw ay susuotin ito ni Toni Gonzales sa isang awards night pero di daw nagustuhan ng kanyang Mommy. Tube ito. Labas ang kalahati ng likod ko at konting cleavage. Mahaba ito, sumasayad sa sahig. May slit sa kaliwang side, hanggang kalahati ng hita. Pinagsuot din niya ako ng four inches cream colored stilleto sandals na may kapares na purse na kakulay ng sapatos.

"Ano ba yan Yumi, nasisilaw ako sa kinang ng mga suot mong singsing." Nakangiting saad ni Miss Pepsi habang inaayos ang pagkakazipper ng gown ko. Marahan akong napangiti.

"Masyado po kasing magastos yung gwapo kong fiance Miss Pepsi." Natatawang sagot ko.

"Ang sabihin mo, may taste ang jowa mo. My God! Kung ako lang ang bibigyan ng ganyan kagagandang singsing kahit ngayon na pakakasalan ko siya." Humalakhak pa ito. "There you go. Wow! You look really beautiful Yumi. Maglalaway niyan ang anak ni President Bernabe." Nagningning pa ang mga mata nito. Narinig namin ang mahinang pagkatok. Niluwa ng pinto si Brix. Awang ang labing napatulala ito sa akin habang naglalakad ito palapit.

"Sheet! Bogs! Is that you? Damn, you look so stunning. Maglalaway niyan si Bernabe." Napatawa ako dahil parang parehas lang sila ng sinabi ni Miss Pepsi. "Here, pinapabigay ni Mommy. Hiramin mo daw muna ang mga yan, babagay daw yan sa suot mong gown." Nilagay niya sa kamay ko ang isang pares ng diamond stud earrings at neckace na may heartshaped na diamond stone.

GRAVITY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon