Chapter 22

10.1K 178 8
                                    


Nagmulat ako ng mata dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Seryosong mukha ni Bryan ang unang bumungad sa diwa ko. Nakabihis na ito ng kanyang basketball uniform.

"Nine thirty na. You better hurry up maiiwan na tayo ng buong team." Seryosong saad nito habang nakahalukipkip sa harapan ko. Hindi ito nagtanong kung bakit sa kabilang kama ako natulog. Bumangon ako paupo upang sumandal sa headboard ng kama.

"Pwede bang hindi na lang ako sumama sa game ninyo ngayon? Medyo masama kasi ang pakiramdam ko. Gusto kong magpahinga na lang dito sa kwarto." Nakayuko ako habang sinasabi ko ito. Ayaw ko kasing makita niyang nagsisinungaling ako. Matagal na bumalot sa amin ang katahimikan bago siya muling nagsalita.

"I ordered breakfast for you. Kumain ka na lang pag nagutom ka. I better go hinihintay na nila ako sa baba." Lumapit siya upang dampian ng magaang halik ang noo ko. Seryoso nitong tinungo ang pintuan at sinara yun ng marahan.

Unti unting pumatak ang pinipigil kong luha. Hindi ko alam kung dahil natulog ako sa ibang kama o dahil sa pagkikita nila ni Alexa San Miguel pero pakiramdam ko ay biglang nagkaroon ng dingding sa pagitan naming dalawa. Nang mahimasmasan ako ay naligo ako at pinilit kong kumain ng almusal upang kahit paano ay may lakas ako. Nagpasya na lamang akong lumabas at mamasyal sa Burnham Park. Muli kong sinuot ang puting shorts na pinatanggal sa akin ni Bryan kahapon tapos ay isang itim na sando blouse at ang denim jacket ko.

Pinili kong umupo sa isang sementong upuan sa gilid ng Burnham Lake. Tinatanaw ko ang mga taong namamangka mula dito. Bigla akong nakaramdam pangungulila kay nanay. Parang gustong gusto ko ng umuwi sa Maynila.

"Hindi ba kayo magkasama ni Bryan?" Nakangiting saad ni Alexa habang umuupo sa tabi ko. Nakasuot ito ng itim na leggings at puting tshirt. Mukhang nagjogging ito dahil basang basa ng pawis ang kanyang mukha.

"Ha?" Awang ang labing tugon ko.

"Tell me the truth Yumi, ikaw ba yung tinutukoy ni Bryan na girlfriend niya?" Tumango ako ng marahan. "I knew it. I was asking him last night if I could introduce him to somebody. Sabi niya hindi na daw siya pwedeng makipagdate sa iba kasi may girlfriend na raw siya. I asked him his girlfriend's name. Sabi niya Yumi daw. Right there and then I knew it was you."

"Sinabi mo bang nagkita tayo kagabi?" Tanong ko habang tinitignan ko siya sa mata.

"Don't worry wala akong sinabi sa kanya. Bakit ka nga pala nandun at wala sa party?" Tanong niya sa akin.

"Because I was not invited. Pumunta kami dito sa Baguio dahil sa basketball game ng Xavier varsity team at hindi upang dumalo sa isang party. Hindi ako nababagay sa mundo niyo Alexa, pag magkasama kaming dalawa ni Bryan dito kaming dalawa sa mundo ko kung saan kaya ko siyang abutin. Ang boyfriend ko ay ang Bryan na team captain ng varsity team, hindi ang Bryan na anak ng Bise Presidente ng Pilipinas."

"Yumi, akala mo lang na mahirap kaming abutin pero gusto kong malaman mo na tao din kami. Kahit kelan hindi naging issue sa pagpili ko ng kaibigan ang estado sa buhay. Kahit siguro hindi kami magkauri ni Jb ay mamahalin ko pa rin siya dahil siya ang tinitibok ng puso ko."

"Niligawan ka ba ni Bryan?" Tanong ko habang nakatitig ako sa kawalan.

"Ha?" Nanlaki ang mga mata niya. "No. Of course not. Boyfriend ko na si Jb ng magkakilala kami. His dad was trying to pair us up pero hindi na nga pwede because I am already engaged to Jb. I don't think he even likes me, pinapalabas lang niyang gusto niya ako because he doesn't like my fiance. Gusto lang niyang iprovoke si Jb."

"Mahirap magmahal ng isang katulad niya. Minsan naiisip ko na sana sa isang ordinaryong lalake na lang ako nainlove. Yung kaparehas ko lang ng antas sa buhay."

"Huwag mong sabihin yan, I think he really loves you so much. I see it his eyes nung tinatanong ko siya tungkol sayo. Nakikita ko rin kasi yun kay Jb ko eh, yung pagbabago ng kulay ng mga mata nila. Intindihan mo siya dahil ganun talaga ang mga hinayupak na mga gwapong yan. Parang mga bata. Ang hilig magpa-alaga. Mga bipolar." Tumawa ito ng malakas. Napangiti na rin ako.

"Huwag ka ngang magmukmok dito. Puntahan mo yung boyfriend mo. Di ba may game sila ngayon? Bakit nandito ka? Bakit di mo siya suportahan at icheer?"

"Nagtatampo ata kasi siya sa akin dahil hindi ko siya tinabihan sa pagtulog kagabi." Nahihiyang saad ko habang nakayuko ako. Muli itong tumawa ng malakas.

"Kung kay Jb ko yan ginawa, malamang kawawa na sa suntok ang dingding ng hotel room namin. Ano pang hinihintay mo puntahan mo na siya. Ikaw din baka may iba ng nagpupunas ng pawis sa Bryan mo." Nakangiting saad nito habang kinakabit sa tenga niya ang headset ng ipod niya. Mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit.

"Thank you Alexa." Patakbo kong tinungo ang daan patungo sa abangan ng taxi.

Katatapos pa lamang ng first half ng dumating ako sa gym ng SLC. Tiningala ko ang scoreboard. Leading ang SLC ng walong puntos. Nakaupo sa bench ang mga players habang nagpapahinga. Napangiti ang mga ito ng makita ako. Naghigh five pa sina Paolo at Jasper.

"Wheew! I'm glad you're already here Yumi. Ang sama ng laro ni Bryan. Nag-away na naman ba kayo?" Tila nakahinga ng maluwag si Paolo dahil sa pagdating ko.

"Ahh. Hindi naman. May konti lang kaming tampuhan. Asan ba siya?" Tinuro nito ang backdoor ng gym. Mabilis akong naglakad patungo dito. Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone sa bulsa ng shorts ko. Mabilis ko itong kinuha at sinagot. Natatanaw ko na ang likod ni Bryan habang nakatayo ito sa gilid ng isang puno ng pine tree at nakatapat sa tenga ang kanyang cellphone.

"Hello babe. Okay ka lang ba?" Marahang tanong nito sa kabilang linya. Dahan dahan akong naglakad palapit sa kanya.

"Umm..okay na. Kumusta ang game?" Mahinang bulong ko sa cellphone ko dahil ayokong marinig niyang nasa likuran na niya ako.

"Terrible. Ang hirap pala pag wala ka. Lumilipad ang isip ko." Napapikit ako ng marahan dahil naglandas ang munting kirot sa gitna ng dibdib ko. "Galit ka ba sa akin babe? Sorry na. Dahil ba yun sa party kagabi?"

"Hindi. Hindi ako galit." Mahina kong sabi habang humahakbang ako palapit.

"Is it about Alex? Nagseselos ka ba kay Alex? Babe, hindi totoo yung sinabi ni Irish. I admit that I find her beautiful, but thats just it. Wala akong gusto sa kanya. Besides she has a boyfriend. Sorry na babe.." Tila paos na ang kanyang boses.

"Sige hindi na ako galit. Galingan mo yung laro mo ha. Dapat marami kang three point shot." Mahina ko pa ring bulong sa cellphone ko.

"How the hell will I do that? Wala ka naman dito. Gusto ko kasi nandito ka babe." Tila frustrated na ang kanyang boses. Muli akong humakbang palapit sa kanya.

"Harap ka nga dito." Muli kong bulong.

"What?" Medyo napalakas ang pagkakasabi niya dito.

"Shhh..huwag kang sumigaw naririnig kita. Sabi ko humarap ka sa akin." Nakita ko ang unti unting pagpihit ng kanyang katawan. Sheet! Paanong di ako mapapamura. Nakangiti kasi siya ng malapad habang nakatitig sa akin.

"You're here. Di mo ako natiis babe." Para kaming timang na nag-uusap pa rin sa phone kahit magkaharap na kami. Di ko na natiis mabilis ko siyang nilapitan at niyakap ng mahigpit. As usual kailangan kong magtiptoe upang maabot ang kanyang leeg.

"Masyado kang spoiled. Kainis ka." Asik ko sa kanya. Marahan niya akong binuhat. Pinulupot ko ang mga binti ko sa kanyang bewang.

"Sorry na nga." Malambing niyang sabi. Marahan ko siyang dinampian ng halik sa labi.

"Nandito na ako. Marami ka ng shoot ha." Marahan niyang kinagat ang lower lip ko.

"Sige. Anong reward ko pag nanalo kami?" Marahan niya itong sinipsip. Shemay! Ang landi naman ng gwapong to.

"Twenty minutes?" Waley na. Nagchurvahan na kami ng mga labi.

"Dude!" Sabay kaming lumingon kay Paolo. "Sorry to disturb you guys but the game will start in two minutes. Pwedeng to be continued na lang yan mamaya?" Gosh! Panira ng moment.

GRAVITY (completed)Where stories live. Discover now