Chapter 47

11.5K 192 7
                                    

SPG

Ngingiti ngiti si Bryan habang hinihila niya ako palabas sa pintuan ng ballroom. Ongoing pa rin ang party, may bandang tumutugtog habang nagsasayaw sa dancefloor ang karamihan sa mga guests. Tuloy tuloy kami sa hilera ng mga elevator. Hinila niya ako sa pinakadulo. Pagpasok namin dito ay hinatak niya ako palapit at niyakap ng mahigpit.

"Saan tayo pupunta? Bakit iniwan mo ang sarili mong party?" Tanong ko habang nakayapos ako ng mahigpit sa kanyang bewang.

"Bawal magtanong babe. Just hold me. Okay?" Humigpit ang yakap ko sa bewang niya. Tiningala ko siya at nginitian, ngiting labas ang dimples. Dinampian niya ng halik ang ibabaw ng labi ko.

"Okay. Pwedeng wag masyadong mahigpit? Nahihirapan akong huminga." Nakangiting sabi ko. Medyo niluwagan niya ng konti ang yakap niya. "Namiss mo ako noh? Dahil dun sa apat na araw na paninikis mo sa akin." Yumuko ito.

"Yeah. I'm sorry babe, that was Paolo's idea. Mas effective daw yung gagawin kong proposal if it was really unexpected." So ang ungas na yun pala ang may pakana ng lahat. Kaya pala panay ang ngiti habang nag-eemote ako nung nakaraang gabi. "I felt bad the whole time, hindi ako sanay sa ganun. No matter how angry I am with you, hindi kita matitiis." Humaplos ang kamay niya sa likod ko. Sa rooftop bumukas ang elevator. Paglabas namin dito ay lumuhod sa harap ko si Bryan upang tanggalin ang strap ng sapatos ko. Hinubad niya ang mga ito at inabot sa akin. Tapos ay hinubad niya ang kanyang itim na tuxedo at inabot din sa akin.

"Here, hold this for me babe." Pagkasabi niya nito ay hinawakan niya ang likod ng hita ko at agad akong binuhat at sinampay sa kanan niyang balikat.

"Eeeeh! Bryan! Ibaba ko nga ako." Tili ko dahil sa pagkagulat. Humalakhak lang ito. Mabilis itong naglakad, pagkatapos ay sinampa niya ako sa ibabaw ng sementong harang ng roofttop.

"Don't move. Don't look down." Sumampa rin ito sa taas ng sementong harang at umupo sa tabi ko. Mabuti na lang at malapad ang harang dito. Kahit nakaunat ang dalawang paa ko ay hindi ito umabot sa dulo. Kundi ay nakakatakot umupo dito dahil baka mahulog kami ni Bryan sa baba. Tumabi ito ng upo sa akin at muli akong niyakap ng mahigpit.

"Ano bang gagawin natin dito? Di ba sabi ko sayo takot ako heights." Nanlalamig ang buong katawan ko habang nakaupo kami dito sa itaas ng Grand Pacific Hotel. Tanaw na tanaw mula dito ang mga ilaw ng nagtataasang mga gusali.

"Relax, I'm here. I won't let you fall. Tingin ka doon." Turo nito sa di kaluyuang building. Ito ang pinakamataas na building sa buong area.

"Di ba yan yung Essentra Tower? "Tanong ko sa kanya. Marahan itong tumango. "Anong meron?"tanong ko.

"Close your eyes." Bulong nito sa tenga ko. Nilingon ko siya st tinitigan ng mga matang nagtatanong. "Come on babe, close your eyes. Don't worry I'm holding you, hindi ka mahuhulog." Dahan dahan akong pumikit. Humigpit ang yakap ni Bryan sa balikat ko. Gosh! Bakit ba kahit matagal ko ng boyfriend ang gwapong ito ay ganito pa rin kabilis ang pintig ng puso ko tuwing magkasama kami?

"Huwag mo akong ihulog." Saad ko. Hinawakan ko siya ng mahigpit sa kanang braso.

"I won't. I will count from one to three, at the count of three open your eyes okay?" Tumango tango ako." Ready?" Muli akong tumango. "One...two...three.." Unti unti akong nagdilat ng mga mata. Nakita ko ang biglang pagkamatay ng ilaw sa Essentra Tower. Bawat floor. Una sa pinakababa, then paakyat hanggang sa pinakaitaas. Pagkatapos ng ilang segundo ay biglang may ilaw na unti unting nagliwanag sa madilim na building. Kulay pula. Unti unting nagkahugis ang mga letra. Awang ang labing binasa ko ang bawat letrang nagkakahugis sa ilaw na lumalabas sa buong building. Isa isa. Unti unti ring pumatak ang luha sa mga mata ko.

GRAVITY (completed)Where stories live. Discover now