Chapter 41

10.8K 185 4
                                    

SPG

Nanginginig ang buong katawan ko habang nakatingala ako at minamasdan ko siyang sumasampa na sa itaas ng tulay. Halos hindi ako humihinga habang hinihila siya pataas kanina. Ganito pala ang pakiramdam pag mahal na mahal mo ang isang tao, masyado kang nagiging protective. Pamilyar naman ako sa mga extreme sports na ginagawa ng mga kalalakihan, pero di ko lang expect na pati si Bryan nahihilig sa mga ganito.

"Di pa ba tayo aalis?" Tila nanghihinang tanong ko kay Tim. Naubos ata ang lakas ko dahil sa nerbyos ko kanina.

"Hintayin na lang natin sila dito. Sila na lang po ang bababa." Sagot ni Tim. Muli akong sumandal sa gilid ng pick up.

"Matagal na ba niyang ginagawa ito? Ang ganitong klaseng sports." Tanong ko kay Tim habang pinapakalma ko ang sarili ko.

"Magmula ng mageighteen siya. Nasubukan na niyang magbungee jumping sa Colorado at sa Macau. Last year yata pumunta siya sa Africa. Pag sobra siyang masaya o kaya ay sobra siyang malungkot, ito ang gusto niyang gawin. Una kaming pumunta dito nung iwan mo siya, masyado siyang depressed dahil hindi ka niya mahanap hanap. Akala ko nga tatalon siya ng walang lubid, sobra akong natakot noon." Kwento ni Tim habang nakatingin ito sa malayo.

"Ang tanga tanga ko ano Tim? Sinaktan ko siya ng ganun." Mahinang saad ko.

"Mabuting tao si Boss. Parehas sila ng kanyang ama, malambot ang puso. Siguro may katigasan ang kanyang ulo, pero ibang klase siyang magmahal. Nakita ko lahat ng pinagdaanan niya ng mawala ka. Sana huwag mo na ulit gagawin yun Miss Yumi, mawawasak siya pag nangyari ulit yun." Naramdaman ko ang concern niya kay Bryan.

"Hindi na. Handa na akong ipaglaban siya Tim. Di na ako makakapayag na paghiwalayin uli kami." Sagot ko. Bigla na akong napaayos ng upo dahil paparating na sina Bryan. Ang lapad ng ngiti nito habang tumatalon pababa ng sasakyan. Mabilis itong lumapit sa akin.

"Babe! How was it? Ang galing ko di ba?" Nagniningning pa talaga ang mga mata niya. Pinanliitan ko siya ng mata at umiwas ako ng akma siyang hahalik sa labi ko. Sa pisngi ko naglanding ang nguso niya.

"Balak mo bang magpakamatay Bryan Bernabe? Nakikita mo ba kung gaano kataas yang tinalon mo ha? Paano kung napatid yung lubid. Paano kung nabagok ang ulo mo? Ang hirap sayo, sarili mo lang ang iniisip mo. Di mo ba alam na halos mamatay ako sa nerbyos kanina? Paano kung may sakit pala ako sa puso? Di kanina pa ako natigok dito dahil sa pag-aalala." Mabilis ko siyang tinalikuran. Sumakay ako sa likod ng pick up at sinara ko yun. Wala akong pakialam kahit mainit sa loob dahil di umaandar ang makina sasakyan. Hindi ko siya nilingon ng pumasok na ito sa likod ng sasakyan at umupo sa tabi ko. Sumiksik ako sa gilid upang hindi ako madikit sa kanya, sa labas ng bintana ako lumingon. Tahimik lang kami ng sumakay na rin si Tim at umandar na kami.

Mahigit isang oras kami sa daan. Hinayaan ako ni Bryan sa aking pananahimik, patingin tingin lang ito sa akin. Kung kanina ay galit na galit ako dahil sa ginawa niyang pagbungee jumping sa mataas na tulay, ngayon ay naiinis ako dahil sinasabayan nito ang pananahimik ko. Sa isang resort kami tumuloy, beachfront ito. Tanaw na tanaw ang dagat kahit kumagat na ang dilim. Pagtigil ng sasakyan ay agad akong bumaba. Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako ng pinto. Nakahalukipkip akong tumayo sa kanyang harapan.

"Have you booked the entire place? Sigurado ka bang tayo lang ang guest dito?" Tanong nito kay Tim. Seryoso pa rin itong patingin tingin sa akin.

"Yes Boss. Kaninang umaga pa po naicheck out lahat guest." Sagot ni Tim dito. Marahan niya akong nilapitan.

"Babe, pasok ka na sa loob ng villa. May mga damit akong pinabili para sayo. Bihis ka na." Tinuro nito ang kulay dilaw na villang nasa harapan namin. Walang kibong naglakad ako papasok dito. Maluwang ito. May sariling sala at dining room. Binuksan ko ang kwarto. Maluwang din. King size ang kama, binuksan ko ang pintuan papunta sa terrace. Tanaw mula dito ang malawak na infinity pool. Ang ganda ng lugar. Mukhang sosyal at mamahalin. Napagpasyahan kong maligo muna.

GRAVITY (completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें