Chapter 17

10.5K 203 9
                                    


Parang dumaan sa matinding gyera ang pakiramdam ko ng magmulat ako ng mga mata. Mainit ang lumalabas sa mga mata ko at sobrang sakit ng lalamunan ko. Kahit pala gustuhin mo ng mamatay kung hindi pa panahon ay mabubuhay ka pa rin. Seryosong mukha ni Bryan ang sumalubong sa bagong gising na diwa ko. Nakaupo ito sa gilid ng kama ko.

"How do you feel?" Marahan niyang tanong. Muli akong pumikit ng marahan dahil sa muling paninikip ng dibdib ko.

"Parang dumaan sa isang matinding gyera." Paos ang boses na lumabas sa bibig ko. Nakita ko ang pagkuyom ng isa niyang kamay.

"Babe.." Tinaas ko ang isa kong kamay upang pigilan siya.

"Huwag.. Itawag mo na sa akin ang kahit ano, huwag lang yan. Ayoko munang marinig yan." Pinahid ko ng isang kamay ko ang luhang kumawala sa gilid ng mata ko.

"I'm sorry." Mahina niyang bulong.

"Sabi mo mahal mo ako. Sabi mo di ka aalis. Sabi mo dito ka lang. Anong nangyari? Bakit tayo nagkaganito? Bakit mo ako sinasaktan ng ganito?" Bumangon ako paupo. Sumandal ako sa headboard ng kama.

"I'm doing this for you." Humugot siya ng malalim na hininga.

"Hindi mo na ba ako mahal? Game over na ba talaga? Ganun ba kadaling itapon kung anong meron tayo?" Sunod sunod kong tanong sa kanya. Wala pa rin itong imik habang inaabot ang isang kamay ko. Kinulong niya yun sa dalawa niyang palad.

"Nung minahal kita, tanggap ko lahat kung anong meron sayo. Hindi natin hawak ang buhay. Sabi mo ginagawa mo ito para sa akin. Dahil ayaw mo akong madamay sa mga nangyayari sayo. Dahil ayaw mo akong mamatay. Di mo ba alam na araw araw akong namamatay dahil sa ginagawa mo? Dahil sinasaktan mo ako." Paos na paos pa rin ang tinig ko.

"Nothing has change." Dinala niya ang kamay ko sa gitna ng dibdib niya. "It's still beating the way it does when I first met you. Every heartbeat still belongs to you." Kumunot ng bahagya ang kanyang noo. Nandun na ulit yun, yung matagal kong hindi nakita sa mga mata niya. Ang pagbabago ng kulay ng mga ito. "I'm sorry if I hurt you. I'm sorry if I made you cry. Maiintindihan ko kung galit ka. Maiintindihan ko kung ayaw mo na sa akin. Kasi gago ako. Sinaktan kita. Iniwan kita."

"Mahal mo pa ba ako?" Marahan kong tanong. Waterfalls na ang mga luha ko.

"Wala namang nagbago. Mahal kita. Mahal na mahal pa rin kita." Dinala niya sa bibig niya ang isang kamay ko. Dinampian niya ng halik ang palad ko.

"May dala ka bang mighty bond?" Tanong ko habang tinatanggal ko ang kumot na nakabalot sa katawan ko. Lumuhod ako sa tabi niya. Kinulong ko sa mga palad ko ang gwapo niyang mukha.

"Ha?" Nagtataka siyang napatitig sa mukha ko.

"Sabi ko, may dala ka bang mighty bond?" Dinala ko ang isang kamay niya sa gitna ng dibdib ko. "Basag basag kasi ito."

"Ako ba ang bumasag diyan?" Tanong niya. Tumango ako. Nakita ko ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata. "Kaya ko pa bang mabuo yan?" Paos na rin ang tinig niya.

"Kahit basag basag, lahat ng piraso nito ikaw pa rin ang minamahal." Di ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko na siya ng mahigpit. "Pwede bang ngayon mo na buoin? Ang sakit sakit na kasi."

"Wala kasi akong dalang mighty bond. Pwede bang kiss na lang ang gamitin ko?" Hinagilap ng bibig niya ang bibig ko. Sinalubong ko at tinugon ang bawat halik niya. Madidiin ito at malalalim. Kusang bumuka ang bibig ko. Kusang sinalubong ng dila ko ang dila niya. Kusang kumagat ang labi ko sa labi niya. Yumakap ng mahigpit ang mga kamay ko sa kanyang batok. Di ko namalayan na nakakandong na ako paharap sa kanya. Patuloy kami sa ginagawa namin. Walang gustong bumitaw. Walang gustong kumalas. Marahan ko lang siyang tinulak ng tuluyan akong mawalan ng hangin.

"Pwede na ba yun o kulang pa?" Malambing niyang tanong habang magkadikit ang mga noo namin.

"Hmmm.. Sandali." Kinuha ko ang isang kamay niya. Nilagay ko ulit yun sa gitna ng dibdib ko. "Ano sa tingin mo, buo na ba?"

"Yeah. Buong buo na. No need for mighty bond." Hinatak niya ako at muling niyakap ng mahigpit. Napansin ko ang suot kong malaking tshirt. Alam kong panty lang ang suot ko sa ilalim nito.

"Ikaw ang nagbihis sa akin?" Bulong ko habang hinahalikan ko siya sa leeg.

"I didn't look okay? I turned off the light. Silhuette lang ang nakita ko." Tila natataranta niyang paliwanag. "Basang basa ang damit mo. Besides I was so worried. Maiisip ko pa bang manyakin ka?"

"Bakit ang defensive mo? Tinatanong ko lang naman ah." Ang sarap ng niyang asarin. Nakakatawa ang expression ng mukha niya. Ngumiti na siya. Ngumiti na rin ako. Muli ko siyang niyakap ng mahigpit.

"Babe, I love you. Can we sleep now? It's already two in the morning. I have a basketball game tomorrow." Umalis ako sa lap niya. Umupo ako sa gitna ng kama at muling binalot ng kumot ang katawan ko. Tumayo siya upang tanggalin ang suot na pantalon. Tinira lang niya ang kanyang boxers shorts at tshirt. Tinungo niya ang kabilang kama.

"Hep! Hep! Saan ka pupunta?" Nakasimangot kong sabi. Gulat siyang lumingon. "Dito ka." Tinapik tapik ko ang space sa tabi ko. Ngumiti siya ng malapad.

"Are you sure?" Tanong niya habang humihiga sa tabi ko.

"Sure na sure." Sagot ko habang sinusukob ko siya sa kumot ko. Umunan ako sa kaliwa niyang balikat. Niyakap ko siya ng mahigpit habang nakadantay ang isang hita ko sa kanyang tiyan.

"Tss. Do you really think I can sleep while you're doing that babe?" Reklamo niya ng dampian ko ng halik ang leeg niya. Ang bango bango naman kasi. Nakakaadik.

"Hmmm.. Pasensya ka. Miss na miss kita eh." Kinagat kagat ko pa siya dito.

"Babe, I'm the team captain. Matatalo kami sa ginagawa mo." Reklamo ng reklamo pero humihigpit naman ang yakap niya. Hmmm. Plastik.

"Babawi ka bukas ha. Gusto ko ng maraming kiss." Nakangusong sabi ko. Dinala ko sa gitna ng dibdib ko ang isa niyang kamay. "Di pa to masyadong buo. Kailangan ko pa ng maraming maraming kiss." Humalakhak siya ng malakas.

"Okay. Babawi ako bukas. Come on go to sleep." Dinampian niya ng halik ang noo ko. Pumikit na ako at yumakap ng mahigpit sa kanya.

"Babe..." Akala ko ba tulog na ang gwapong ito.

"Hmmm.."

"You didn't mean it right?" Ano ba ang sinasabi niya?

"Alin?"

"That song. You're not giving up on me right?" Sus. Yun pala yun. Natakot sa kanta.

"I will not ever give you up. Tandaan mo yan Mr. Bryan Kenneth Bernabe." Pinisil ko siya sa ilong. "Tulog ka na. Gusto ko marami kang three point shot bukas." Muli kong pinikit ang mga mata ko. Yes! I won!

GRAVITY (completed)Where stories live. Discover now