Chapter 25

10.7K 173 11
                                    


Iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Paolo habang lulan ako ng elevator pabalik sa kwarto namin. Marahil ay nagsasabi ito ng totoo dahil kung meron mang nakakakilala kay Bryan ay si Paolo ito. Wala kasi itong ibang kaibigan maliban kay Paolo. Paulit ulit ko rin namang tinatanong sa sarili ko kung bakit ako? Sa dinami dami ng babaeng nagkakandarapa sa kanya bakit ako?

Pagpasok ko sa kwarto ay tulog na tulog pa rin ito. Lumapit ako upang kapain ang noo niya. Medyo mainit pa, pero di na kasing taas ng lagnat niya kanina. Nilapag ko sa mesa ang dala kong clubhouse sandwich at diet coke. Binuksan ko ang sliding door palabas sa terrace. Umuulan na sa labas. Banayad na pag-ulan. Yung tipong ulan na buong magdamag na bubuhos. Hinapit ko sa katawan ko ang suot kong varsity jacket ni Bryan. Amoy ko pa mula dito ang kanyang pabango. Ang amoy na gustong gusto ko. Bahagya akong nagulat ng may biglang yumakap sa akin mula sa likuran.

"It's so cold out here babe. Baka ikaw naman ang magkasakit." Mahinang bulong niya, habang dinadampian niya ng magaang halik ang gilid ng leeg ko. "It's already eight pm, why didn't you wake me up. Di na tayo nakapamasyal."

"Umuulan. May lagnat ka pa. Bukas na lang tayo mamasyal." Saad ko. Humarap ako upang makita ko ang kanyang mukha.

"Were going home tomorrow." Tila nalungkot siyang bigla.

"Gusto mo magpaiwan tayo? Tayong dalawa lang." Sheet! Ako pa talaga ang nagsuggest nun ha.

"Bakit ba di ko naisip yun?" Nakangiti na ito ng slight.

"Tara pasok na tayo. Malamig dito." Hinila ko siya papasok sa loob ng kwarto. "Upo ka diyan." Turo ko sa couch. Pagkaupo niya ay hinila ko palapit ang mababang mesa. Tumabi ako sa kanya. Binuksan ko ang lalagyan ng clubhouse sandwich. Kinuha ko ang isa sa apat na piraso at nilapit sa kanyang bibig.

"Kain ka na para makainom ka ng gamot." Marahan itong kumagat sa hawak kong pagkain. "Nakita ko si Pao kanina sa baba kinukumusta ka niya." Patuloy ko siyang sinubuan.

"I'm sure nilaglag na naman ako ng gagong yun." Seryoso niyang sabi habang binubuksan ang lata ng coke.

"Actually nagkwento siya tungkol sa mga dating girlfriends mo. Madami pala sila." Dinampot ko ang isa pang piraso ng sandwich ng maubos niya yung hawak ko.

"Yeah. I can't help it, I'm just a man. Sila naman ang naghahabol." Nasa tono niya ang pagbibiro pero ewan ko kung bakit may hatid yung kirot sa gitna ng dibdib ko.

"Naimpress ka ba sa hot air baloon stunt ng exgirlfriend mo?" Medyo sarcastic kong tanong. Medyo nagningning ang kanyang mga mata habang ngumunguya.

"Well, it's kinda cute." Hmp! Sarap mong batukan.

"Really? Kung cute yung ginawa niya, bakit kayo nagbreak?" I can't help it. Feeling ko ang bitter ng dating ko. Tila naman enjoy na enjoy siya.

"She's a little bit too clingy and demanding. Aside from the fact that I don't like showing too much affection in public." Muli niyang sabi.

"Ang babaw mo naman. Rason ba yun para magbreak?" Ano kayang klase ng PDA ang ginagawa ng Denise na yun? Okay inaamin ko nagngingitngit na ako. Ngumiti ako ng sobrang plastic. Yung tipong nakalunok ng ampalaya sa sobrang pagkabitter.

"Di naman yun ang main reason. Ilan lang yun sa mga factors." Aba at nagawa pa niyang sumandal sa balikat ko habang nagmememory lane sa ex niya.

"Ahhh...ano ba yung main reason kung bakit ka nakipagbreak?" Smile ako ulit. Ang sakit na ng panga ko sa kakasmile.

"I meet somebody else." Ayun naman pala. May bago na naman...

"Ganun ba? So itong sumunod na nameet mo ex mo na rin ngayon?" Hindi siya umimik. Hinawakan niya lang ang isang kamay ko at nilaro nito ang mga daliri ko. "Kayo pa?" Hindi pa rin umimik. Marahan itong tumango. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nang muli siyang nagsalita ay halos wala na akong narinig. Dahil busy ako sa pagmumuni muni. May iba siyang girlfriend?? All the while dalawa kami?

GRAVITY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon