Chapter 19

10.2K 213 5
                                    


Kumurap kurap akong napatitig sa papasok na player. Oh no! Kilala ko talaga siya. Hindi ako maaaring magkamali. Nagmature na siya after three years pero ganun pa rin ang hitsura niya. Si Matthew. Ang aking first love. Hindi naman talaga kami nagkaroon ng matatawag na relasyon dahil bata pa kami noon. Fourteen ako at siya naman ay sixteen, siguro nasa category lang ito ng MU. Nawalan na kami ng komunikasyon ng lumipat na ang buong pamilya nila dito sa Baguio. Gwapo rin si Matthew pero iba sa kagwapuhan ni Bryan. Moreno ito at halos kasing tangkad ni Bryan. Matangos ang ilong nito at maganda ang mga mata niyang itim na itim ang kulay. Kung ikukumpara mo siya kay Bryan ay talong talo talaga pero may sariling appeal naman ito lalo ba kung type mo ang moreno.

Kitang kitang sikat siya dito sa SLC dahil sa hiyawan ng mga estudyante dito. Nakangiti pa ito at kumaway sa mga ito. Papalapit na ito at dadaan sa tapat namin nila Empoy. Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha ng nasa tapat na namin siya at nagtama ang aming mga mata.

"Yumi!" Malakas niyang sabi. Oh no! Gumuhit sa mukha niya ang isang malapad na ngiti. Tumakbo siya sa kinaroroonan ko at mabilis akong niyakap ng mahigpit. "Ikaw ba talaga yan?" Humahalakhak pa siya dahil sa tuwa.

"Matt. Kumusta ka na?" Alanganing tanong ko habang marahan akong kumakalas sa mahigpit niyang yakap. Bigla akong kinabahan ng mapatingin ako kay Bryan. Nakakunot ang noo nito habang matalim na nakatingin sa amin.

"Great! Grabe di ako makapaniwala na makikita kita dito. You look different. Ibang iba ka na." Mukhang masaya itong nagkita ulit kami.

"Dito ka pala nag-aaral ano?" Sheet! Nakapamulsang tumigil si Bryan sa ginagawang pagwawarm up at napatingin sa amin.

"Oo, ako ang team captain ng varsity team dito. I guess sa Xavier ka nag-aaral ano?" Saad niya habang nakatingin sa suot kong jacket. Marahan akong tumango. "Balita ko magaling daw ang team ng school niyo lalo na yung anak daw ni Vice President Bernabe." Hawak hawak niya pala ang isang kamay ko.

"Hindi naman. Balita ko kayo ng ang pinakamagaling sa buong Nothern Luzon eh." Sagot ko. Shemay! Papalapit na si Bryan. Lagot ka Yumi. Seryoso ang mukhang umakbay siya sa akin. Mabilis kong binawi ang kamay kong hawak ni Matthew.

"Babe, pawis na ako." Malambing nitong sabi habang nakatitig kay Matthew.

"Sige punasan ko mamaya. Si Matthew nga pala schoolmate ko nung high school." Pakilala ko kay Matthew.

"I'm Bryan Bernabe." Seryosong inabot nito ang kamay kay Matt. "Yumi's boyfriend." Binigkas niya ng may diin ang salitang boyfriend.

"Matthew Sebastian. Team captain ng SLC. Nice meeting you Bernabe, I heard so much about you." Kinamayan nito si Bryan tapos ay bumaling sa akin. "Sige Yumi kailangan ko na ring magwarm up. Masaya ako dahil nagkita tayo ulit. Gusto kong malaman mo na kahit kelan di ka nawala sa isip ko, I guess mahirap lang talaga pag long distance." Tila may lungkot ang matang tumalikod na ito at tumakbo sa bench ng SLC.

"Tara punasan ko na yang likod mo." Nagkunwari akong di affected sa pagkikita namin ni Matthew dahil titig na titig si Bryan sa mukha ko. Tumalikod ako upang kunin sa bag ang kanyang tuwalya, pinigil niya ang braso ko at muling pinaharap sa kanya.

"Is he your exboyfriend?" Biglang naging kulay tsokolate ang light brown niyang mga mata sa hindi ko alam na dahilan.

"H-ha?" Tila nagkaroon ng bikig sa lalamunan ko. Sasabihin ko bang MU kami noon?

"Is he your f*cking boyfriend?" Shemay! May kasama ng mura yun ha.

"H-hindi. MU lang." Mahinang sabi ko habang yumuyuko. Di ko kasi kayang titigan ng matagal ang emosyong nakikita ko sa kanyang mga mata.

"MU?" Tanong niya. Muli akong nag-angat ng tingin.

"Ahh ehh. Mutual understanding. Yung pareho niyong alam na gusto niyo ang isa't isa pero walang pang label." Paliwanag ko habang nakita kong tumataas baba ang kanyang adam's apple.

"Gusto mo siya?" Huminga siya ng malalim na may kasamang slight na pagkunot ng noo.

"Bryan..noon pa yun."

"You loved him." Di yun tanong. Statement yun with a period sa ending.

"H-hindi ko alam."

"Hindi mo alam? How about now? How do you feel? Meron ka pa bang nararamdaman diyan?" Dinuro niya ng isang daliri niya ang gitna ng dibdib ko.

"Bryan..bata pa kami noon." Hinawakan ko ang isa niyang kamay at dinala yun sa gitna ng dibdib ko. "Ilang beses mo na tong binasag, pero ikaw pa rin ang tinitibok. Kahit sampung Matthew pa, hinding hindi ka ipagpapalit nito. Kung anuman yung sa amin dati, matagal na yun. Parte na lang yun ng nakaraan. Ikaw na ang mundo ko ngayon." Hinaplos ko ang makinis niyang mukha.

"Are you sure?" Tila may duda pa rin sa kanyang tinig.

"Oo naman. Kaya huwag ka ng mag-emote diyan. Halika na pupunasan ko na yang likod mo." Hinila ko siya paupo. Pinasok ko ang isang kamay ko sa loob ng kanyang jersey at pinadaanan ng tuwalya ang kanyang likod.

"Kiss mo nga ako." Malambing niya sabi.

"Mamaya na maraming tao." Sagot ko habang hinihila niya ako patayo.

"Tss. Ayaw mo lang makita ng Matthew na yun na kinikiss mo ako." Muling sumeryoso ang kanyang mukha.

"Bryan naman..." Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil tumalikod na siya at tumakbo papunta sa gitna ng court.

Halos hindi ako makahinga dahil sobrang mahigpit ang laban. Natapos ang first half na nakalamang ang SLC ng tatlong puntos. Ewan ko ba pero bigla akong nainis kay Matthew. Waring sinasadya niyang tumitig at magpacute sa akin upang asarin si Bryan. Pakiramdam ko ay strategy niya iyon upang mawalan ng focus ang boyfriend ko. Kahit hindi nagsasalita ay alam kong nagpipigil ng galit ito.

"Bryan, nawawalan ka ng focus. We have the edge lalong lalo na sa height. We should use it to our advantage. Paolo nakatatlong foul ka na hinay hinay naman. Bantayan nyo yung Sebastian, kanina pa kayo naiisahan. I need all of you to focus. Okay?" Marahang saad ni Coach Arnel habang nakapaligid sa kanya ang mga players. Pagkatapos niyang magsermon ay nagupuan ang mga ito upang magpahinga. Seryosong umupo si Bryan sa tabi ko. Inabot ko sa kanya ang isang bote ng gatorade.

"Galit ka?" Tanong ko habang pinupunasan ko ng pawis ang kanyang mukha.

"He still likes you." Sagot niya.

"Nagseselos ka ba Mr. Bernabe?"

"I can't help it. Mahal kita." Saad niya habang pinaglalaruan niya ang hawak na bote ng gatorade. Awww.. Biglang lumundag ang puso ko sa kilig.

"Humarap ka nga dito." Pinihit ko paharap sa akin ang kanyang mukha. "Nung mawala noon si Matt, nalungkot ako. Pero tanggap ko yun, na talagang hindi kami para sa isa't isa. Nagawa kong mabuhay ng tatlong taon na hindi ko inisip na may kulang sa buhay ko." Huminga ako ng malalim. "Nung ikaw ang nawala sa akin. Sobra sobra akong nasaktan. Iyak ako ng iyak. Basag na basag ang buong puso ko. Bryan, kaya kong mabuhay ng kahit ilang taon na walang Matt sa buhay ko. Pero hindi ko kayang mabuhay ng kahit isang araw lang na wala ka." Marahan kong dinampian ng magaang halik ang sulok ng kanyang labi. "Mahal na mahal kita. Mamaya na yung torrid ha."

"Ten minutes?" Malambing na ang tono ng boses niya.

"Mmmmm..kahit twenty minutes, basta manalo kayo." Humalakhak siyang malakas.

GRAVITY (completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin