Chapter 12

11K 220 14
                                    

Hindi pa siya nakakalapit ay binirahan ko na siya ng tayo. Mabilis akong naglakad paalis. Naramdaman ko ang paghablot niya sa kanang braso ko. Umaapoy ang matang nilingon ko siya.

"Let go. Bitiwan mo ako." Paasik kong sabi sa kanya. Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata.

"No. Not until we talk talk about this." Tila may pagmamakaawa sa kanyang boses.

"Tama na Bryan. Tanggap ko naman na eh. Trip trip lang ito di ba? Sige happy trip." Sarcastic kong saad. Bahagya akong pumikit. "Kasalanan ko naman to lahat kasi hindi ako nagpaawat. Alam ko namang suntok sa buwan sa simula pa lang pero tanga ako. She's so pretty. Bagay kayo." Dahan dahan kong kinalas isa isa ang mga daliri niyang nakahawak sa braso ko.

"What the hell are you talking about?" Tila nalilito niyang tanong.

"Sige lilinawin ko. Give up na ako. Game over na." Mabilis kong hinubad ang suot kong singsing. Hinila ko ang isa niyang kamay at nilagay ko yun doon. Mabilis akong tumakbo sa kabilang direksyon, sa maliit na gate ng park. Kung saan may dumaang jeep. Pinara ko ito at mabilis na sumakay.

Gulat na napatitig sa akin si Nanay pagbukas ko sa pintuan ng aming bahay. Nagtatanong ang kanyang mga mata. Alam kong nakikita niyang galing ako sa pag-iyak. Gustong gusto kong tumakbo at yumakap sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong makita niya akong umiiyak. Marahan akong naglakad patungo sa hagdanan.

"Anak, ayos ka lang ba? Nandito si nanay. Makikinig ako." Malumanay ang pagkakasabi niya nito. Yumuko ako dahil ayaw kong makita niya ang pinagdadaanan ng puso ko.

"Ayos lang po. Akyat na po ako." Humakbang na ako paakyat.

"Pag handa ka na, nandito ako ha." Naglandas na ang mga luha ko. Tumango ako. Mabilis kong inakyat ang hagdanan at tinungo ang silid ko. Matapos isarado ang pinto ay padapa akong humiga sa kama. Sumubsob ako sa unan upang walang makarinig sa paghagulgol ko. Nakita mo na Yumi. Ayaw mo kasing magpaawat. Paninisi ko sa sarili ko.

Hindi ko namalayan na nakatulugan ko na pala ang pag-iyak. Nagising ako dahil sa marahang mga katok sa pintuan ng silid ko. Napabalikwas ako ng bangon. Sinuklay ko ng mga daliri ko ang nagulong buhok ko. Tumingin ako sa relong nakasabit sa dingding. Alas onse na ng gabi. Mabilis kong binuksan ang pinto. Mukha ni Nanay ang bumungad sa akin.

"Ayaw sana kitang gisingin pero nandiyan si Bryan sa labas. Halos dalawang oras na siyang nakatayo doon. Ayaw namang pumasok sa loob. Sige na anak, babain mo na. Mag-usap kayo." Bakas ko ang pag-aalala sa mukha ni nanay. Marahan na lamang akong tumango. Suot suot ko pa ang damit ko kanina. Nakatulog akong di man nagpapalit. Mabilis akong bumaba.

Nag-angat siya ng tingin ng buksan ko ang gate. Nakasandal ito sa gilid ng itim niyang sasakyan habang humihitit ng sigarilyo. Mukha nakakarami na ito dahil sa nakakalat na upos sa paanan nito. Nilapitan ko siya at seryosong tinitigan.

"Di pa ba malinaw yung sinabi ko kanina? Tama na Bryan. Ayoko na. Give up na ako. Nasasaktan na ako eh. Magkakasakitan lang tayo. Tapusin na natin to. Game over na." Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para masabi ko yun ng hindi ako umiiyak. Unti unti ko na siyang tinalikuran. Dahil kung tititigan ko pa siya baka biglang magbago pa ang isip ko.

"Ganun na lang ba yun? You will not even give me a chance to explain? Ganun ba ako kadaling igive up? Kung nasasaktan ka. Gusto kong malaman mo na nasasaktan din ako dahil sa ginagawa mo. Huwag mo namang gawin to. Di ko na kasi alam ang gagawin ko. This is tearing me apart. Nahihirapan na akong huminga." Narinig kong napasinghap siya at huminga ng malalim. "Lapit ka na dito please. Payakap na. Sige na Yumi. Sorry na."

"Umuwi ka na." Tumulo na ang pinipigil kong luha. Muli akong humakbang palayo.

Isa.

Dalawa.

"Mahal kita."

Napatigil ako sa paglalakad.

Tatlo.

"Mahal na mahal kita."

Hindi ako umimik. Naikuyom ko ang aking mga palad. Mahal niya ako? Muli akong humakbang palayo.

Apat.

Narinig ko ang pagtunog ng remote lock ng sasakyan niya. Ibig sabihin ay aalis na siya. Nakaramdam akong bigla ng takot. Na baka hindi ko na ulit siya makita pagkatapos ng gabing ito. Mabilis akong humarap. Nakatalikod na siya. Bukas na rin ang pintuan ng kotse niya. Mukhang aalis na talaga ito at iiwan na ako. Huminga ako ng malalim.

"Mahal na mahal din kita!" Sigaw ko sa kanya.

Unti unti siyang humarap sa akin. Natulala ako dahil sa kauna unahang pagkakataon mula ng makikilala ko si Bryan Kenneth Bernabe ay nakita ko siyang ngumiti. Isang malapad na ngiti. Labas ang mapuputi ang pantay pantay na ngipin. Abot hanggang sa kulay brown niyang mga mata. Muling umagos ang pinipigil kong luha.

"Lapit ka na dito please. Payakap na." Malambing niyang sabi. Tumakbo ako palapit sa kanya. Hinatak niya ako at niyakap ng mahigpit. Sinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya habang humihikbi ako. Nagtiptoe ako upang mayakap ko siya.

"Nakakainis ka. Pinapaiyak mo ako." Sumbat ko sa kanya habang dinadampian ko ng halik ang mabango niyang leeg.

"Tsss. Parati ka naman ganyan. You're always wasting your tears. Wala naman yun." Humigpit pa ang yakap niya sa bewang ko.

"Hinahawakan ka niya. Nakahawak siya sa braso mo." Hinampas ko siya sa balikat.

"Si Mitch yun. She is my thesis partner. Girlfriend siya ni Paolo." Si Paolo ay ang negrong kaibigan at teammate niya sa basketball. Hinigpitan ko pa ang yakap sa leeg niya. Wala akong pakialam kahit masyado na kamin PDA. Siguradong nakasilip na sa bintana ang lahat ng aming mga kapitbahay.

"Bakit siya humahawak sa braso mo?" Muli ko siyang hinampas sa balikat.

"Aray! Muntik kasi siyang natapilok dahil sa sobrang taas niyang heels." Wala pa ring kumakalas sa yakapan naming dalawa.

"Bakit sabay kayong naglunch?" Hinampas ko ulit siya. Sa dibdib naman.

"Aray naman! Nakisabay lang siya papunta sa canteen, hihintayin daw niya doon si Pao. Akala ko wala ka pa doon kaya nakiupo muna ako sa table niya para nabasa ko yung first draft ng thesis namin. Malay ko bang warfreak ka." Bahagya ko siyang itinulak.

"Ah ganun? Bakit di mo ako tinitext o tinatawagan mula pa kahapon?" This time sinapak ko na siya sa dibdib.

"Aray! Isa. Masakit na." Sumeryoso na ito. Hinatak ko siya palapit at muling niyakap sa leeg.

"Sorry. Ikaw kasi. Nakakainis ka." Gumanti ito ng yakap sa bewang ko.

"I lost my phone yesterday. Naiwan ko sa kotse ni Pao. Binalik lang niya sa akin kanina pagpunta niya sa canteen." Tiningala ko na na siya.

"Mahal mo ako?" Tanong ko habang nakatitig sa mga mata niya.

"Sinabi ko ba yun?" May gumuhit na ngiti sa mga labi niya.

"Umuwi ka na. Pasok na ako sa loob." Kunwari ay tatalikuran ko na siya. Hinatak niya ako pabalik.

"Mahal nga kita." May dinukot siya sa bulsa ng pantalon niya. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at muling sinuot ang binigay niyang singsing sa daliri ko. "Pag binalik mo ulit sa akin yan puputulin ko na yang daliri mo." Ngumiti na naman siya ng malapad. Hay nakakainlove naman. Ang gwapo gwapo kasi niya pag nakangiti siya ng ganito.

"Ang gwapo mo naman." Bulong ko habang hinahaplos ang perpekto niyang mukha.

"Really?" Ayun na naman. Ngumiti ulit. Sheet!

"Oo. Kaya nga patay na patay na ako sayo." Napaawang ang bibig ko. Dahil magmula ng makilala ko si Bryan Kenneth Bernabe ay ngayon ko lang siya narinig na humalakhak. Shemay! Oxygen please! Ang sarap kasing pakinggan. Very manly ang pagtawa niya. Lalakeng lalake. Sobrang nakakainlove.

Nang gabing yun ay natupad ang matagal ko ng pinagdarasal. Ang makita kong ngumiti at tumawa si Bryan. At ako ang dahilan ng mga ngiti at tawang yun. Ang sarap sarap sa pakiramdam.

GRAVITY (completed)Where stories live. Discover now