Chapter 1

21K 323 2
                                    


"I'm sorry Miss Batubalani pero hindi umabot sa ang final grade mo sa pamantayan ng ating unibersidad. I'm afraid hindi ka namin mabibigyan ng scholarship this semester." Seryosong saad ng aming dean habang nakatingin sa final grade ko. Mangiyak ngiyak akong napatingin sa kanya.

"Wala na po bang ibang paraan Sir? Ito lang po kasi ang inaasahan ko upang makapag-aral." Pigil na pigil ko ang pagpatak ng mga luha ko.

"I'm really sorry. Sayang nga dahil ilang points lang naman ang kulang mo. But rules are rules iha. Naaawa ako sayo pero hindi naman ako ang may-ari ng unibersidad." Malungkot din siyang napatitig sa akin. Nanlamig ang buong katawan ko.

Matalino naman talaga ako. Naapektuhan lang nitong nakaraang sem ang grades ko dahil sa pagkakasakit ni nanay. Kinailangan kong maghanap ng extra income upang makatulong sa gastusin. Halos dalawang buwan din kasing nagsara ang munti naming karenderya dahil hindi kayang magluto ni nanay. Ngayon na lang ulit kami nakapagbukas. Magaling na kasi si nanay, dumating pa mula sa probinsiya ang pinsan niyang si Nana Mely. Ito ngayon ang kasama niya sa pagluluto.

"Kahit student assistant na lang po sa library o kaya ay sa science at computer lab Sir." Pakiusap ko sa kanya. Scholar din kasi ang mg student assistant.

"Hmmm.. Sandali titignan ko kung may bakante pa doon." Bumaling siya sa computer na nasa harapan niya. Natipa siya sa keyboard. "Naku, sorry talaga iha pero wala ng bakante. Iisa na lang ang bakante dito pero lalake ang kailangan nila."

"Po? Ako na lang Sir. Kahit panlalakeng trabaho kaya ko po. Sige na po. Ayoko pong tumigil sa pag -aaral." Tumulo na ang pinipigil kong luha. Huminga ng malalim ang dean.

"Bweno. Sige ako ng bahalang makipag-usap sa coach ng men's basketball team. Basta gampanan mo ng maayos ang trabaho mo doon ha?" Kumuha siya ng isang papel ay may isinulat dito.

"Po? Basketball team?" Takang taka kung tanong.

"Oo. Magiging assistant ka ng men's basketball team ng Xavier. Errand girl." Saad niya.

"O-okay." Napalunok ako. Ano ba tong napasukan ko.

"Here." Inabot niya sa akin ang kapirasong papel na may pirma niya. "Ibigay mo ito sa registrar's office. Pwede ka ng mag-enrol for the coming sem. Goodluck Miss Batubalani." Nilahad niya ang kanyang kamay. Mabilis ko siyang kinamayan.

"Marami pong salamat dean." Ngumiti na ako ng malapad.

Habang naglalakad ako sa corridor ay may kamay na humawak sa braso ko. Napalingon ako sa kaibigan kong si Bono. Humihingal pa ito. Puno ng pawis ang oily niyang mukha.

"Yumi! Kumusta ka na? Akala ko di ka makakaenrol eh. Sabi ni Susy di daw umabot ang average mo sa quota grade." Hingal. Hingal.

"Hindi nga eh. Buti na lang naawa sa akin si dean. Tinanggap akong student assistant." Mabilis kong sagot habang tumitingin ako sa relo ko.

"Talaga? Sa library ba? Magkakasama ba tayo doon?" Nagningning ang kanyang mga mata. Doon kasi ito naka-assign bilang student assistant.

"Hindi eh. Sa gym ako. Sige friend mauuna na ako. Baka nag-uumpisa na ang practice ng men's basketball team." Napaawang ang kanyang bibig. Di ko na lang yun pinansin. Tinakbo ko na ang direksyon ng gym.

Huminga muna ako ng malalim. Inayos ko ang salamin ko sa mata. Pinasadahan ko ng tingin ang suot kong kupas na maong at sponge bob tshirt. Pinagpagan ko din ang aking itim na Vans rubber shoes. Oo fake ito. Hihihi. Dahan dahan akong naglakad papasok sa gym.

Mukhang nagsimula na ang practice. May sampu ng players ang naglalaro sa court. Lumapit ako sa isang may edad ng lalake. Ito siguro ang kanilang coach. Nakaupo ito sa bleachers at sumesenyas sa mga players.

"Excuse me po." Inabot ko sa kanya ang sulat mula kay dean. Mabilis niya itong binuksan at binasa.

"Ikaw pala yung sinasani ni dean. Ako nga pala si coach Arnel." Inabot niya ang kanan niyang kamay. Kinamayan ko siya habang nakangiti.

"Ako po si Mayumi Batubalani coach. Yumi na lang for short." Nahihiya kong saad.

"Sige maupo ka na sa tabi ng dalawang yun. Sila na ang bahalang magturo ng gagawin mo." Tinuro niya ang dalawang lalakeng may katabing cooler at may hawak na mga bola ng basketball. Mabilis ko silang nilapitan.

"Hi. Ako si Yumi. Errand girl." Nakangiti kong saad. Lumingon ang lalakeng medyo chubby at maitim.

"Empoy. Siya naman si Caloy." Turo niya sa kasama niyang payat at maraming pimples sa mukha. "Bakit dito ka napunta? Panlalaki ang trabaho dito.

"No choice eh. Wala ng ibang available. Kailangan ko ang scholarship ko." Tumango na lamang silang dalawa.

Napatingin ako sa gitna ng court. Nasa freethrow line kasi ngayon ang isang matangkad at mestisong player. Biglang bumilis ang heartbeat ko ng lumingon ito sa gawi namin. Omg! Brown eyes. Ang gwapo niya. Drop dead gorgeous.

"S-sino siya Empoy?" Wala sa sariling tanong ko sa katabi ko.

"Di mo siya kilala? Okay ka lang?" Anong magagawa ko. Di ko nga siya kilala. Umiling ako.

"Bryan Kenneth Bernabe. Team captain ng varsity team. Anak ng bise presidente ng Republika ng Pilipinas." Sagot niya habang nakatitig ako sa pagshoot ng bola sa ring. Muli itong tumitig sa direksyon namin. Nanlamig ang buong katawan ko ng magtama ang mga mata namin. Shemay! Oxygen. Hindi ako makahinga.

GRAVITY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon