Prologue

28.6K 426 10
                                    


"Will you stop staring at me! I can't concentrate." Malakas na sigaw niya habang nakatingin sa direksyon ko.

"Po?" Nagtatakang napatingin ako sa paligid ko. Wala namang ibang tao sa parteng yun ng bleachers. Ako lang. Hindi naman kasi ito actual basketball game. Practice lang.

"Yeah you!" Tinuro niya ako.

"Sorry po." Yumuko ako at tumingin sa suot kong pekeng Vans sneakers. Napakagat labi ako dahil pinipigil kong umiyak. Nakatingin kasi sa akin lahat ng taong nasa loob ng gym. Matagal akong ganun. Nakayuko. Bigla akong napatingala ng may makita akong pares ng itim na Nike rubber shoes sa harapan ko.

"Can you get me some water? I'm thirsty." Umupo siya sa tabi ko. Bigla akong nawindang sa kanya. Kanina lang sinisigawan ako. Ngayon naman umuupo sa tabi ko. Tumayo ako para buksan ang cooler na nasa malapit. Kumuha ako doon ng isang bote ng tubig. Binuksan ko yun at inabot sa kanya.

Mabilis niya itong tinungga at sinaid ang laman. "Can you wipe my back?" Inabot niya sa akin ang puti niyang towel.

Pinasok ko ang isang kamay ko sa loob ng jersey niya. Pinadaanan ko ng tuwalya ang basang basa niyang likod. Kahit pawis na pawis ay amoy ko pa rin ang banayad niyang pabango. Masarap sa ilong. Siguradong mamahalin.

"Magpalit ka kaya muna. Basang basa na ang damit mo." Marahan kong sabi. Pinaakyat ko na ang tuwalya sa leeg niya. Hinila ko sa tabi ko ang dala niyang backpack. Nilabas ko mula doon ang nakatuping jersey na parehas na parehas sa suot niya. Hinila ko mula sa likuran ang suot niyang jersey. Kusa naman niya itinaas ang dalawa niyang kamay. Umakyat ako sa bleacher upang mahila ang suot niya. Kahit nakaupo siya ang tangkad pa rin kasi. Sinuot ko sa kanya ang bagong jersey.

"What time are you going home?" Seryoso siyang nakatitig sa akin.

"Ha?" Nakaawang ang bibig ko.

"Anong oras ka uuwi?" Medyo tumaas na ang kanyang boses.

"Bakit?" Nakatulala pa rin ako.

"Tsss. Why do you always stare at me?" Pinanliitan niya ako ng mata.

"Alas singko." Wala sa sariling sagot ko.

"What room number?" Lalo akong natulala.

"Building B, room 206." Bulong ko. Titig na titig ako sa kanyang mga mata. Light brown ang kulay ng mga ito. Nakakalunod.

"Okay. You can go now. Baka malate ka sa class mo." Tinalikuran na niya ako.

GRAVITY (completed)Where stories live. Discover now