CHAPTER 88

3.2M 89.7K 96.4K
                                    

DEIB'S POV

Iniangat ni Taguro ang paningin niya at deretsong tumingin kay Chairman Moon. Lumapit naman si Maxwell sa kanilang dalawa.

"Annyeonghashimnikka Hwejang-nim." mahinang sabi ni Taguro pero dinig ng lahat dahil sa mic ni Maxwell.

"Oh, she's Korean?" tanong ni Mommy. At doon lang bumalik ang diwa ko. Napatingin ako ulit kay Taguro at kitang kita ko ang takot sa mukha niya.

'Ano ba kasing nangyayari? Hindi ko maintindihan!'

"Maybe, but she's very fluent in our language." si Dad.

"Hwejang-nim? Ano po yun?" tanong ko habang nagpapapalit palit ang paningin ko kay Mommy at Taguro.

"It means Chairman, in Korea, Hwejang is not always the chairman of the board, but it is often used as an honorific title that refers to the founder or the owner of the company. A Chairman is the most powerful figure in Korean companies. The Chairman title entitles him to tremendous authority and extremely high social status." mahabang paliwanag ni Daddy. "It means he's on Executive Level."

"A-Ano pong ibig sabihin nun Dad?" namamanghang tanong ko.

"Na mataas pa sya sa mataas."

"Gaano po kataas?"

"Ang Non-Executive Level na Chairman ay tinatawag nating Bujang-nim iho. Mas mataas ang Hwejang sa Bujang. Si Chairman Enrile ay tinatawag na Bujang-nim." paliwanag pa ni Daddy.

Pero hindi ko maintindihan. Napansin kong pati sila Lee at Tob, ganon na rin sila Migz, Michiko at BJ ay nakikinig na rin kay Daddy. Si Noona ay hindi naman maialis sa stage ang paningin samantalang si Naih naman ay parang walang pakialam.

'Hindi ko na maintindihan ang mga nalalaman ko, parang puzzle 'to na walang nabubuo maski isa. Sino ka ba talaga? Kung sino ka man, sana maski isa sa mga tanong ko ay masagot mo.'

"H-Hindi ko po maintindihan Dad." sabi ko.

"Si Chairman Moon ay mas mataas pa sa Lolo mo." nakangiting sabi ni Daddy.

"Whew." sipol ni Tob.

"Oh my God! Ganon kayaman si Maxwell?" si Michiko.

"Pero hindi ko maintindihan kung bakit ganon na lang sumagot si Maxpein sa Mother-in-Law niya?" si BJ naman.

Hindi na kami nakapag-usap pa dahil nagsalita na rin si Chairman Moon.

"I didn't expect to see you here." si Chairman Moon. Tumindig ang balahibo ko ng marinig ang napakalaking boses niyang yun. Hindi nakangiti si Chairman Moon at parang hindi man lang siya marunong ngumiti. Salubong ang kilay niya at nakakatakot ang mga tingin.

Saka ako tumingin kay Taguro. Ang maangas na dating niya ay nawalang bigla. Bagsak ang dalawang balikat niya at ang mga kamay ay bakas ang panginginig mula sa kinauupuan ko. Ang mga mata niya ay bakas rin ang takot, munit ang mukha niya ay nananatiling blangko.

"You're in high school?" tanong ulit ni Chairman Moon.

"Ye Hwejang-nim." sagot ni Taguro na hindi pa rin tumitingin sa mga mata ni Chairman Moon. Lumapit si Maxwell kay Chairman Moon at bumulong, tumango tango naman si Chairman Moon at saka tumingin ulit kay Taguro.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon