Scary Stories (Unedited)

By Sheree_Mi_Amour

17.8K 689 40

The stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : T... More

Old Black Book (Parts 1-10)
Old Black Book (Parts 11-17)
Old Black Book (Aswang Stories ni Lola Pacing)
Old Black Book (Pagsalakay Ng Mga Mangkukulam)
NoSleep One-shot Story : Ang baog kong asawa ay nakabuo ng bata
NoSleep One-shot Story : She Sold Happiness in Glass Jars
NoSleep One-shot Story : Nag-iwan ng liham ang aking Matalik na Kaibigan.
NoSleep Series : Sulat ng Naunang May-Ari ng Apartment (Parts 1-5)
NoSleep Series : Sulat ng Naunang May-Ari ng Apartment (Parts 6-10)
Molen (Parts 1-4)
Molen (Parts 5-8)
Molen (Part 9)
It was me (Parts 1-5)
It was her (Parts 1 & 2)
Hospital sa Bicol (Parts 1-3)
Maristella (Parts 1-4)
Playmate (Parts 1 & 2)
Apo ng Kapitan (Parts 1 & 2)
Simbahan (Parts 1 & 2)
Pagkagat ng Dilim (Parts 1 & 2)
Life of a Fire Fairy (Parts 1 & 2)
Krayola ni Aubrey (Parts 1-5)
Random (Parts 1 & 2)
Babaeng nakabelo (Parts 1-3)
Cirque de Merveilles (Parts 1 & 2)
Creepy childhood (Parts 1-3)
Home sweet home (Parts 1 & 2)
Halimaw sa Banga (Parts 1-5)
Wag kang maingay (Parts 1-4)
Wag kang maingay (Parts 5-7)
Scarecrow (Parts 1-5)
My Untold Story (Parts 1 & 2)
NoSleep Series : Ang katotohanan sa likod ng coronavirus. (Parts 1-3)
NoSleep Series : 1000 Metres below the sea (Parts 1 & 2)
NoSleep Series : Ang trabaho ay panoorin ang babae... (Parts 1 & 2)
NoSleep Series : Ang trabaho ay panoorin ang babae... (Parts 3 & 4)
NoSleep Series : Ang kwento ng babaeng may hawak na orange (Parts 1 & 2)
NoSleep Series : Nagtatrabaho ako sa Child Protective Services (Parts 1 & 2)
NoSleep Series : Mga Kwento ni Lolo noong siya ay Detective pa
POPULAR island in South Luzon
Jonestown Massacre
Hello Anne
April Fools (Part 1 & 2)
My Bestfriend's Creepy Experiences (Parts 1-5)
My Bestfriend's Creepy Experiences (Parts 6-10)
Bestfriends Goals, Creepy Experiences (Part 11-15)
Bestfriends Goals, Creepy Experiences (Part 16-18)
My Cousin is a Killer (Parts 1 & 2)
The Crying Lady (Parts 1 & 2)
Ang Dulong Unit (Parts 1 & 2)
Orasyon Version 2.0 (Parts 1-4)
A Chronicle of Sisig (Parts 1 & 2)
NoSleep One-shot Story : Nakakairitang habit ng Girlfriend ko
NoSleep One-Shot Story : Hell's Fat Camp
NoSleep One-shot Story : A Package Marked 'Return to Sender'
Pass it to the Aisle (Parts 1-5)
Where's Christine? (Parts 1-3)
Haunted Bodega (Parts 1-6)
COVID PUI/PUM (Parts 1 & 2)
Double-Walker (Parts 1-5)
Ang Yaya ni Madam (Parts 1-7)
The Tricycle Chronicles (Parts 1-4)
The Tricycle Chronicles (Parts 5-8)
Cronica Bruja (Parts 1-4)
Ang Sundo
My Half Sister's Abilities (Parts 1-3)
My Half Sister's Abilities (Parts 4-6)
My Half Sister's Abilities (Parts 7-11)
Esta casa tiene una maldición? (Parts 1-4)
NBI Classified Files: HABAS (Parts 1 & 2)
Delivery Man (Parts 1 & 2)
Leave no trace
If Heaven was needing a Hero
Tricycle (Parts 1 & 2)
Call Center Stories
La vie en Rose
Ang Tanging Larawan Mo (Parts 1-4)
Ang Tanging Larawan Mo (Parts 5-8)
The Black Spell of India
It's not the House that's Haunted (Parts 1 & 2)
Her Husband was a Demon (Parts 1-3)
Huling Lamay
Sagradong tahanan, bakit pinamumugaran?
Never missed a phone text (Parts 1 & 2)
Heredity or Obsession? (Parts 1-3)
Halik ng Kamatayan, Bunga ng Kataksilan (Parts 1-3)
Creepy Annie (Parts 1 & 2)
What would you do, if you saw you?
The only tattoo I have were scars (Parts 1 & 2)
Lumabo ngunit hindi naglaho & Kira
Anong kwento ng School n'yo?
Murdered by NPA's
A Friend of Mine
Walang iba pero hindi na ikaw (Parts 1 & 2)
Kamatayan sa kamay ng Engkanto at Aswang
Bes, hindi ako baliw
Missing Jeepney Passenger & Love in the Time of Corona
The Last Yosi Break & Fire Alarm
The Getaway
Kuya Bing (Parts 1 & 2)
Compiled Stories 1
An Encounter with a Ghost (Tara uwi na tayo)
Paranormal Investigation : I saw myself sleeping and vanished
Kevin Alimango
Paranormal Investigation: Girl in the mirror-double (Parts 1 & 2)
Paranormal Investigation : She's like me (Parts 1 & 2)
Her Name Is Hana
Mercedes
Spirit of the Glass
The Unholy (Ang Mama Mary na Rebulto)
Angkan ng mga Aswang (Parts 1 & 2)
House for Sale (Parts 1 & 2)
My Guardian Angel (Parts 1-3)
BPO Stories #1
BPO Stories #2
BPO Stories #3
BPO Stories #4
BPO Stories #5
BPO Stories #6
Kuwentong Dubai
Isla sa Batangas
Paranormal Investigation : Rest Less House (Parts 1 & 2)
Paranormal Investigation : Rest Less House (Parts 3 & 4)
My Adopted Daughter (Parts 1-3, Cora)
My Adopted Daughter (Parts 4-7)
My Adopted Daughter (Parts 8-10)
Bloodline (Parts 1-3)
DJ Samboy, paki imbestigahan naman
Hindi si Ian yung pinagbuburulan natin
11-year old kid (Parts 1-3)
NBI Classified Files : The Devil was here & The Candy Man
NBI Classified Files: Habas (Parts 1 & 2)
Tawid Dagat
8 Real Life Pinoy Celebrity Horror Stories
5 Office Horror Stories That Will Give You the Chills
Bantay : Dalawang Lalaki
Kupido o Kamatayan? - Book 1 (Parts 1-3)
Kupido o Kamatayan? - Book 1 (Parts 4 & 5)
The Awakening - Book 2 (Parts 1-3)
The Three : Sierra, Kenneth & Michael - Book 3 (Parts 1-3)
The Three : Sierra, Kenneth & Michael - Book 3 (Parts 4-6)
Unwanted Call
NBI Classified Files: Baryo (Parts 1-4)
NBI Classified Files: Baryo (Parts 5-9)
Internet Security Company
Compiled Stories 2
Compiled Stories 3
Online Class (Parts 1-4)
Laboratory
St. Elmo's Fire and Company (Parts 1-3)
Misteryosong Tahanan o Nilalang? (Parts 1-3)
Compiled Stories 4
Compiled Stories 5
Kakaibang karneng hinahain at ang mga amo niya (Parts 1-4)
Online Business : Kakaibang Buyer
Pag nakita mo si tito na paparating i-lock mo yung pinto at bintana (Parts 1-3)
Kwarto
Oras
Compiled Stories 6
Sino ang Mangkukulam? (Parts 1-3)
Compiled Stories 7
Cakeshop (Parts 1 & 2)
Simbahan
Merville Park
Compiled Stories 8
Hiking Experiences 1
Omise sa Japan
Tragic Vacation
Compiled Stories 9
Caliber4 on Call (Parts 1-5)
Compiled Stories 10
Compiled Stories 11
Daemon By My Side (Parts 1-3)
Daemon By My Side (Parts 4-6)
Iloilo (Parts 1 & 2)
Impostor (Parts 1-3)
Music Box (Parts 1-3)
Sa dilim, may nakaabang na patalim
Nakaw (Parts 1-4)
Pass it to the Aisle (Parts 1-5)
Cora
Compiled Stories 12
847 Community (Parts 1-5)
847 Community (Parts 6-10)
Guardian Angel and its Owner (Parts 1-4)
Samar Chronicles (I-III)

Esta casa tiene una maldición? (Parts 5-9)

98 2 0
By Sheree_Mi_Amour

Part 5

[Mahaba ang parteng ito, inyo sanang paglaanan ng oras panahon. Salamat nga pala sa Spookify at kay Admin Chai na patuloy na pagbibigay ng pagkakataong makapagsulat ako sa "Facebook page" na ito. Maraming salamat. At muli, nawa'y mas gamitin ninyo ang inyong imahinasyon at pakiramdam. Kung ikaw ay nasa liwanag, tumungo muna sa dilim. At kung ikaw ay nasa maingay, makipagkasundo muna sa katahimikan. Salamat sa lahat ng suporta. Samahan nyo ako't atin ng simulan.]

Matapos ang nangyari kagabi, mas lalo na akong naging balisa sa bahay na iyon. Bawat saglit ay tumitingin sa bawat sulok, sadyang nakakahibang. Literal na nakakahibang, lalo na sa murang-isip ng isang bata. Hindi na ako tumatagal ng anim na minuto sa loob ng banyo't mga kwarto. Natatakot ako. Palagi nalang akong nakadikit sa aking ina. Hindi na din ako nagpapaiwan gaya ng ginagawa ko sa nauna naming bahay. Ramdam ko kasi ang hindi maipaliwamag na presensya sa bahay na iyon. Ako lang kaya? O nararamdaman din nila? Isang alas kwarto ng hapon, "Mars? Tao po. May tao ba?" Wika ng taong kumakatok sa pintuan. Ito pala yung kaibigan ni mama na nakatira lang malapit dito. Tawagin natin syang si Fhe. "Oy mare! Kamusta na pagbubuntis? Laki na ng tyan ah? Ito na ba yung inaanak kong si Jake? Aba'y manang-mana sa ama. Si pareng Bryan pala? Kamusta? Buti hindi sya napatay nung baliw na Kaloy?" Sunod-sunod na pagbati at pangangamusta nito ng pagbuksan ng pinto ng aking ina. "Alam mo? Umupo ka muna, andami mo agad tanong! Saglit lang at kukuha ako ng meryenda." Masayang wika ng aking ina. Sa mga sandaling iyon ay ako at si Ninang Fhe nalang ang naiwan sa sala. Nakikita kong lumilinga-linga ito, tumitingin din pataas-baba sa aming bahay. "Anak? Kamusta unang tulog mo dito? Maginhawa naman ba?" Nakangiting tanong nito. Dahil sa kanyang tanong ay nangilabot muli ang aking katawan. Muli kong naalala ang itsura ng babaeng nakaupo sa ibabaw ng aking kama. Nakakakilabot nitong mga ngiti, mapuputla at malalamig na mga paa, at mga mata na walang ibang kulay kundi itim. Ngunit hindi ko naman alam kung papaano ipaliwanag ang gusto kong sabihin at isumbong. "Ahm, maayos naman po Ninang Fhe." Matipid kong tugon." "Ano bang pinagbubulungan nyo dyang magninang ha?" Wika ng aking ina habang bitbit ang timpladong juice at may kasamang tinapay. "Aba! Asensado na talaga mars ah! Sana balang araw e magkaroon din kami ng sariling bahay." Saad ni Ninang Fhe. "Oo naman! Walang imposible, idadagdag ko yan sa mga panalangin ko." Tugon ng aking ina. "Salamat mare pero, kahit ilang talata pa ata yung ipanalangin mo mukhang malabo kaming magkasariling bahay. Yung ugali kasi ni pareng Bryan ay napakalayo sa ugali ng peste kong asawa. Palainom, tamad, papasada lang kung kelan nya gusto pumasada, at isa pa napakadaming bisyo. Napakaswerte mo sa asawa mo mare, masaya ako na natupad nyo na yung matagal nyo ng pinapangarap. Malungkot na wika ni Ninang Fhe. "Ano kaba? Pana-panahon lang yan at magsisipag din yang asawa mo. Pero sakto napadalaw ka dito, may ikikwento sana ako sayo, baka sakaling alam mo yung ibig-sabihin. Kagabi kasi pagkarating na pagkarating namin dito e nagpahinga na ako agad bago magluto. Napagod kasi ako sa biyahe. Si Jake at Bryan muna ang hinayaan kong maglinis-linis. Humiga ako sa kwarto, di ako komportable. Pero dahil nga sa pagod tsaka gusto ko na din masanay agad sa bahay na ito, ayon pinilit kong matulog. Sa gitna ng pagkakahimbing ko, nanaginip ako. Noong una akala ko totoo. Nakahiga daw ako sa kama, tapos nakikita ko si Bryan at Jake na naglilinis. Pero habang pinagmamasdan ko yung dalawa, biglang may pumasok na napakalusog na bata. Yung tipong hindi mo matitiis na hindi hawakan. Kaya ayon, nagmadali akong kunin yung bata na sa tingin ko ay mga nasa isang taon palang ang edad. Nagtataka ako kung bakit may bata sa bahay namin, samantalang gabi na. Nag-alala din ako baka hinahanap na ito ng nanay. Ang saya-saya ko habang buhat-buhat ko ang bata. Malusog ito at gwapo, maputi at makinis din ang balat. Pero ng yakapin ko ito, tila may binubulong ito ng kung ano sa tenga ko. Natakot ako at kinilabutan, ngunit kahit natatakot ay pinatahan ko padin ang bata. Hanggang sa ihiniga ko ito sa kama, tinabihan ko din ito. Ngunit napalingon ako saglit upang pulutin yung kumot, pagkabalik ng tingin ko ay nagiba na ito ng itsura! Nagmukha na itong tyanak! Kulubot ang mga balat, nanlilisik na pulang mga mata, at laway na walang tigil sa pagtulo. Pilit itong pumapatong sa aking dibdib habang yung mga kamay nya'y nakasakal sa aking leeg. Takot na takot ako ng mga oras na iyon Mareng Fhe! Halos himatayin na ako sa kaba. Unti-unti ng dumidilim yung paningin ko, pero tila may isang babaeng nakaputi ang unti-unting lumulutang papalapit sa akin. Nakangiti ito at napakaputla ng mga balat, litaw na litaw din ang mga ugat nito. At ang kanyang mga braso? Punong-puno ng mga hiwa. Palapit ito ng palapit, hindi ko alam kung papaano pipigilan. Hindi ko na rin maigalaw ang aking buong katawan, hirap narin akong huminga dahil sa batang nakasakay sa aking dibdib. Naisipan kong pumikit at manalangin. Ngunit sa aking pagpikit ay tila may kung anong malamig na bumalot sa aking mga leeg. Napadilat ako ng mabilis, kitang-kita ko ang isang babaeng itim na itim ang mga mata at nanlilisik. Kamay pala nito ang malamig na bumalot sa aking leeg. Pinagtutulungan akong sakalin ng bata at ng babae. Pero hindi ako nagpadaig sa takot at nagpatuloy ako sa panalangin. Ilang saglit lang ay nakagalaw na ako't nawala na ang bata at babae. Napapaisip ako, ano kayang ibig-sabihin ng panaginip na iyon?" Pagkikwento ng aking ina habang bakas sa kanyang mukha ang takot, akala ko'y ako lang ang nakakaramdam, ganon din pala ang aking ina. "Seryoso? Unang gabi nyo palang dito ay nanaginip kana ng ganon? Sabi kona nga ba e! May kung anong mali dito. Pero sana walang mangyari dyan sa pinagbubuntis mo mare. Huwag mo nalang isipin, makakasama sa bata yung labis na pag-iisip. Pagpapakalmang tugon nito sa aking ina. "Oo nga pala, si pareng Bryan? Kamusta? Buti ay nakaligtas sya doon sa baliw na matanda? Sabi ko na e! May sayad talaga yung matandang iyon." Pahabol pa nito. "Salamat sa pag-aalala mare, kaya laking pasasalamat ko sa Diyos na iniligtas sya nito sa kapahamakan! Mabuti talaga ang Panginoon!" Saad ng aking ina. Tok! Tok! Tok! "Ma? Pabukas naman ng pinto." Andito na pala ang aking ama. Mukhang hindi nya nakalimutan yung pangako nyang papasalubungan ako ng donut. "Oh ayan si Bryan oh! Sa kanya ka magpakwento. Bryan, ikwento mo daw kay mareng Fhe yung nangyari sa inyong dalawa ni Manong Kaloy." Wika ng aking ina sabay yakap at halik sa aking ama. "Oh Mareng Fhe! Salamat napadalaw ka. Magbibihis lang ako at ng maikwento kona sa inyo, ay Mareng Fhe? May itatanong din pala ako sayo. Baka may alam ka, tutal naman ay medyo matagal-tagal ka nadin sa lugar na ito. Saad ng aking ama. Ay Jake anak? Ito na yung paburito mong donut! Akala mo nakalimutan ko ano? Nakangiting sabi ng aking ama habang inaabot ang isang kahon ng donut. "Oy Jake bigyan mo si Ninang Fhe mo, huwag madamot." Paalala ng aking ina, sinunod ko naman ito. Ilang minuto lang ay bumalik na ang aking ama suot ang kanyang damit na isinuot na kagabi, sadyang matipid sa labahan ang aking ama. "Bryan ikwento mo na, dumidilim na sa labas. Baka mahirapan umuwi itong si Mareng Fhe. Pakiusap ng aking ina. Agad namang umupo ang aking ama sa tabi ng aking ina. "Nakikita nyo iyon?" Turo ng aking ama sa isang sulok, sa tabi ng banyo. "Dyan ko naabutan si Manong Kaloy na ipinapalo ang kanyang sariling ulo na animo'y walang pakiramdam at hindi nakakaramdam ng sakit. Pagpasok ko ay namamaga na at nagsusugat na ang kalahati ng kanyang mukha, ilang minuto ko din kasing pinakiramdaman muna bago ako tuluyang pumasok dito. Siguro nang napansin nyang hindi ako gumagawa ng reaksyon ay mas nilakasan nya ang pagpalo upang makuha ang aking atensyon. At sa parteng iyan." Turo ng aking ama sa likod ng pintuan. "Dyan nagmumula yung tunog, tunog na muntikan ng maging tunog ng aking kamatayan. Maari ding tunog ng aking mga huling sandali." Wika ng aking ama. Nakatitig ang bawat isa at pinakikinggan ang bawat pangyayaring inaalala ng aking ama. "Dyan nakalagay ang isang radyo na nagrerecord. Nagrerecord ng isang nalalapit na kamatayan. Pakiramdam ko ay nakapako ang mga paa ko ng mga sandaling iyon. Hindi na ako makagalaw, nakatitig nalang ako sa isang matandang nakangiti sa hindi maipaliwanag na dahilan. Sinubukan kong tawagan Bert upang humingi ng tulong, sinubukan kong tawagan ang pinakamatalik kong kaibigan. Umasa akong may Bert pa na sasagot mula sa aking pagtawag. Ilang saglit lang ay isa-isa ng pumapasok ang mga text ng kanyang asawa. "Bryan kasama mo ba si Bert? Bryan pwede pauwiin mo muna si Bert? Bryan pakausap naman kay Bert hindi nya kasi sinasagot mga tawag ko." Kung kaya ko lang? Kung maaari lang? At kung pwede ko lang sana ikutin pabaliktad ang mga kamay ng orasan at ibalik, ibalik yung mga oras na makikilala na namin si Manong Kaloy ay ibabalik ko. At ihihinto ko. At nanamnamin ang mga oras na magkasama, upang kahit papaano'y mabawasan ang hapdi kung hindi man magtagumpay ang planong ibahin ang plano ng tadhana. Plano ng tadhanang mamatay si Bert. Pero hindi, wala na. Sabi nga nila, walang nagkataon, walang disgrasya, at walang may kasalanan kapag kamatayan na ang umeksena. Hihinto ang orasan mo kung hihinto. Titigil ka sa pagsulat mo kapag ang lapis ay naubos. At isasara mo ang libro kung nakatadhana na itong isara kahit manipis palang naisulat mo. Oo nagalit ako, gusto ko ding patayin si Manong kaloy ng mga sandaling iyon. Nakikita kong unti-unti na itong tumatayo't lumalapit sa akin. Ang takot ko kanina ay napalitan na ng galit. Ano ba ang dahilan nya para patayin si Bert! Bakit nya ba sinasamba ang kayamanan! "Anong ginawa mo kay Bert?" Tanong ko kay Manong Kaloy. Nakatitig ako sa nanlilisik nitong mga mata, sadyang nakakakilabot tumitig sa matandang iyon. "Hindi ba't sabi ko sayo ay ayos lang ang kaibigan mo! Hindi kaba nakakaintindi ha!" Sigaw nito sa aking mukha at sinabayan ng paglaki ng mga mata. Nanginginig na ang mga tuhod ko ng mga oras na iyon. Dahil kitang-kita ko sa mga mata nya na handang-handa syang pumatay. "Bakit nasa iyo ang telepono ni Bert?" Tanong ko sa matanda habang pilit itinatago ang takot sa aking dibdib. "E ano bang pake mo? Kinuha ko ito-este hiniram ko noong nagkwentahan kami ng presyo. Nagmamadaling umalis, ayon naiwan nya. Kasalanan ko pa ba iyon? Tsaka bakit parang gusto mong sabihin na pinatay ko yung walang kwenta mong kaibigan ha?" Saad ng matanda habang mulat na mulat ang mga mata. Inilapit nito ang kanyang mukha sa aking kaliwang tenga. "Hindi ko sya pinatay Bryan, hindi kahit minsan. Bagkus'y binigyan ko sya ng prebeleheyong maisama sa tradisyon." Bulong nito sa aking tenga. "TRADISYONG KABILANG KANA DIN BRYAN! KABILANG KANA AT ISUSUNOD NA KITA!" Bigla nitong sigaw sabay suntok sa aking tyan. Nagulat ako sa lakas at bilis ng suntok na iyon. Namilipit ako sa sakit. Napabaluktot ako sa sahig. Hindi kapani-paniwala na sa ganong edad ay ganon ito kalakas. Habang ako'y nasa sahig ay sinamantala naman nitong sipain ako ng sipain. Inaasinta nya ang aking batok. Nanghihina at dumidilim na ang paningin ko ng mga oras na iyon. Sinubukan ko syang tignan habang tuloy-tuloy sa pagsipa. Nakikita ko ang mala-demonyo nitong mga ngiti, naririnig ko din na sinasabi nyang; " Bumangon ka! Labanan mo ako! Patayin mo na ako! Gusto ko ng makalaya! Oo tanggap kona! Tanggap ko ng kahit ilang milyong buhay ang kunin ko ay hindi na maibabalik si Renzo! Bumagon ka Bryan! Tulungan mo ako!" Ayan ang mga sinisigaw nya habang mas lalong dumidiin ang kanyang mga sipa. At sa aking muling pagsilip ay nakita kong kinuha nito ang isang kahoy na punong-puno ng mga kinakalawang na pako, huminto ito sa pagsipa at kumuha ng buwelo. Dali-dali kong kinalimutan ang kirot sa aking katawan at sinubukang bumalikwas upang iwasan ang paghampas ni Manong Kaloy. Nakatayo na ako ng mga sandaling iyon, hindi na ako nagsayang ng oras, mabilis kong hinatak pababa ang ulo ni Manong Kaloy at sinalubong ito ng aking tuhod. Nabitawan nya ang hawak na kahoy. Hindi ko hilig makipagbasag-ulo, pero dahil narin sa kaba at pag-aalala na merong pamilyang nagaantay sa akin ay ibinuhos ko ang lahat ng aking lakas. Sinubukan kong asintahin ng suntok ang namamaga at nagsusugat nitong mukha. Wala na akong tigil sa pagbato ng mga suntok. Ngunit sa sobrang gigil ko, nakalimutan kong mayroon palang limitasyon ang aking lakas. Nangalay ang pareho kong mga kamay! Mas nararamdaman kona ang kirot sa aking katawan! Wala ng lakas ang mga suntok na tumatama kay Manong Kaloy! "Tssk? Ano pagod kana? Yon na yon?" Tanong ni Manong Kaloy at sinamahan pa ng nakakabaliw na tawa. Wala na akong lakas ng mga oras na iyon. Sobra-sobra na din ang kirot sa aking buong katawan. Nakatulala nalang ako habang pinapanood ang matanda na may binubunot sa kanyang likuran. Hinang-hina na ako. Nakatutok na sa akin ang bunganga ng baril na hawak nya. Ramdam kona ang lamig na dulot ng baril tuwing dadampi ito sa aking noo. Nasisilip kona ang kamatayan sa butas ng baril. Ito na ang katapusan ko. Bulong ko sa sarili. Halos tatlong minuto ko din pinagmasdang ang butas ng baril. Tatlong minuto kong nilasap ang tunog ng paligid at simoy ng hangin, sa pag-aakalang iyon na ang huling sandali. Ngunit, sa gitna ng katahimikan, unti-unting kumalat ang mga hagulgol ni Manong Kaloy. Unti-unti na nya ding itinututok ang baril sa sariling sintido. "Renzo patawad kung hindi kita masusunod sa pagkakataong ito. Patawad pero hanggang dito nalang ang kaya ko. Ayoko na Renzo, pakiusap, palayain mo na si tito. Palayain mona ako Renzo. Matanda na ako, tanggap kona. Tanggap kona na wala kana. Oo sige kasalanan kona! Kasalanan kona ang pagkamatay mo kung yun ang gusto mo! Inaamin ko ng buong puso Renzo. Renzo huwag ka namang magalit! Hindi na kaya ng konsensya ko! Hindi kona kayang pumatay para sa matagal ng patay Renzo! Ano kamo? Huling utos? Huling utos at papalayain mona ako? Pangako?" Ito ang mga salitang binibigkas ni Manong Kaloy habang dilat na dilat at napakalikot ng mga mata. Nakatutok parin ang baril sa kanyang kanang sintido. "Ano ba ang huling utos mo Renzo? Sabihin mona Renzo! Pagod na pagod na ako pakiusap! Sigurado ka? Kapag kinalabit ko ang gatilyo'y malaya na ako? Salamat Renzo! O sige, bibilang ako ng isa hanggang tatlo kapag handa na ako. "Nakangiti nitong sabi habang tila naghahanda sa pagkalabit ng gatilyong nakatutok sa kanyang sintido. "Isa, dalawa." Bilang ni Manong Kaloy habang nanginginig ang parehong boses at kamay. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ng mga sandaling iyon. Isang sigundo nalang ang natitirang oras para magdesisyon. Naipit ako sa pagitan ng hayaan syang magpakamatay bilang ganti sa pagpatay kay Bert, at pigilan sya at bigyan ng pagkakataong magbago at pagbayaran ang lahat ng kasalanan. "Tatlo!" Bilang ni Manong Kaloy at ibinuhos ko ang lahat ng aking natitirang lakas upang maitulak ito at mabitawan nya ang hawak na baril. "Hayaan mong ang batas ang humatol sa iyo! Huwag kang makinig kay Renzo!" Sigaw ko kay Manong Kaloy habang pinipigilang pulutin nya ang baril. Sadyang ayaw magpapigil ni Manong Kaloy, wala na akong ibang pagpipilian kundi pulutin ang baril at ipalo ito sa kanyang batok. Nawalan sya ng malay. Dali-dali kong pinulot ang aking telepono at tumawag sa numero ng pulis. Ilang saglit lang ay dumating na ang mga ito. Ngunit ang palaisipan sa akin ay, paglabas namin sa mismong gate ay mayroong babaeng nakatayo sa gilid. Matanda na ito. "Nagtagumpay ka, salamat iho. Binabati kita." Wika sa akin ng matanda habang nakahiga ako't buhat-buhat ng mga "medical staff". Andoon na kaya sya buhat ng simula? Bakit tila alam na nya ang gagawin ni Manong Kaloy? At nagtagumpay ako? Saan? Sunod-sunod kong mga tanong habang umaandar ang ambulansya." "Abay grabe naman pala ang dinanas mo Pareng Bryan! Hanga ako sayo at hindi mo hinayaang magpakamatay si Manong Kaloy kahit pinatay nito yung kaibigan mo! Naku! Madilim na pala! Baka nag-aalboroto na yung asawa ko sa bahay, mauna na ako Pareng Bryan? Mare? Salamat sa meryenda ah?" Tugon at pagpa-paalam ni Ninang Fhe sa aking mga magulang. Ngunit, ang aking ama ay nakayuko lang at tila malalim ang iniisip. "Mareng Fhe?" Tanong ng aking ama sa palabas na sanang si Ninang Fhe. "Oh bakit Pareng Bryan?" Tugon nito. "Baka may kilala kang matandang babae na maputi at matangkad, mahaba ang buhok, at palagi din itong may balabal na puti sa kanyang mga leeg. Sya kasi yung matandang babae sa kwento ko. Nakasalubong ko din sya habang papasok at pauwi ako. At kanina, ngayon-ngayon lang, sumilip sya sa bintana habang nagkikwento ako."

Part 6

"Jake! Anak! Gising na! Aalis na ang papa mo." Wika ng aking ina na nagpagising sa akin mula sa pagkakatulog. Sa ilang linggo na naming paninirahan sa bahay na iyon, ay nadiskubre kona ang tamang diskarte. Sa umaga ay maglaro ka ng maglaro hanggang sa mapagod. Kung ang tanghali ay sasapit ay huwag na huwag kang matutulog. Ipunin mo yung antok mo sa gabi. Para kahit anong iyak, malalamig na suntok sa likod, dibdib o mukha ay hindi ka magigising. "Jake ano ba! Hindi ka ba talaga babangon dyan!" Galit na sigaw ng aking ina. Nakakapagtaka, hindi naman mainitin ang ulo ni mama, kadalasan nga ay sagad-sagadan ito kung magpigil. Nakakapanibago. Kaya dahil sa pagkagulat ko'y dali-dali na akong bumangon at tumungo sa kusina. Tanaw ko ang aking mga magulang, si papa na nagaayos ng buhok at kurbata sa salamin, at ang aking ina naman na nakasimangot habang nagbabalot ng baon ni papa. "O Jake! Magmumog kana at aalis na ako." Saad ng aking ama habang nagpapahid ng pabango. Nakasanayan na kasi namin ni papa na sa tuwing papasok sya ay sasabay ako upang bumili ng tig-sampung-pisong spaghetti. "Ma, alis na ako, baka mahuli ako sa trabaho." Pagpapaalam ni papa sa aking ina. Nakakapagtaka kung bakit hindi ito humalik o yumakap man lang. Pababa na kami ng hagdanan, hawak ni papa ang kaliwa kong kamay. May naramdaman akong kakaiba. Napatingin sa bintana na nasa taas ng hagdan, andon si mama, nakatitig ng masama sa amin. Natatakot na akong bumalik ng mga oras na iyon. Hindi naman kasi ganon si mama. O baka hindi talaga si mama iyon? Siguro dahil lang sa nagbubuntis sya kaya mainit ang ulo. Ganon kasi yung mga naririnig ko sa mga chismisan ng mga nanay sa tuwing bibili ako ng almusal. "Bakit ganito? Ayaw bumukas ng gate?" Pagtataka ng aking ama. Napatingin muli ako sa bintana, ngunit wala na doon si mama. Asan na kaya sya? Sa likod ko, sa pinahuling baitang pataas, nakatayo ito at nangisi na hindi maipaliwanag, dilat na dilat din ang mga mata. Unti-unti itong bumababa habang suot padin ang nakakapangilabot na ngiti. Ito ang unang beses na natakot ako sa aking ina. "Ayaw ba bumukas?" Tanong ng aking ina sa aking ama. Mas nakakatakot pala ito ng malapitan. Mas makikita mo ang pagkamulat ng kanyang mga mata. "Ayaw nga bumukas Ma e." Naiiritang sabi ng aking ama habang nakaharap sa gate. Pa? Pa! Tignan mo si mama! Pagyugyog ko sa kanyang braso, wala na akong pakialam kung pagalitan ako nito dahil nalukot ang kanyang "long sleeve". "Ano ba yun Jake! Nalukot na tuloy! Ma? Ano nangyayari sayo! Pagtataka ng aking ama habang parehas kaming nakatitig kay mama na unti-unting tinatagilid ang sariling ulo. Dumagdag pa ang nakakabaliw nitong mga ngiti na mula kanina ay hindi pa nya binibitawan. "Hawakan mo nga muna ito anak. Mukhang pagod ang mama mo." Wika ng aking ama habang iniaabot sa akin ang kanyang bag. Siguro'y natatakot din sya ng mga oras na iyon. Gayunpaman, niyakap nya padin ang aking ina habang inakay paakyat sa aming kwarto. Nakita kong nagiwan sa akin ang aking ina ng titig na tila may ibig sabihin. Gusto kung sumunod sa kanila sa pag-akyat, pero tila may kung anong pumipigil sa akin. Takot. Tumunog na ang pintuan, mukhang ayos na at lalabas na ang aking ama. "Tara na anak, baka maubusan kana ng spaghetti kila Aling Lorna." Nakangiting sabi ng aking ama. Mukhang ayos na, pero mas lalong nalukot ang kanyang suot sa pagkakataong ito. May mga kalmot din sya sa kanyang kaliwang pisngi. "Ano pong nangyari kay mama?" Tanong ko sa aking ama. "Wala pagod lang yon. Alam mo kasi anak, napakahirap ang magbuntis. Kaya pagpasensyahan mo nalang muna ang mama mo ha? Tsaka dapat pangako mo sa akin, na kapag naipanganak na ang kapatid mo ay aalagaan mo ito ng mabuti? Maipapangako mo ba iyon Jake? Ha Kuya Jake? haha." Masayang sabi ng aking ama habang naglalakad kami patungo kila Aling Lorna. "Bryan Bautista? Tama ba?" Wika ng isang matanda na may balabal sa leeg. Mula ito sa aming likuran. Bakit nya kilala si papa? At pati apelyedo ay alam nya? "Maaari kabang makausap? Mahalaga lang talaga anak. Para sayo rin ito." Pakiusap ng matandang babae. "Pasensya na po, pero may pasok pa po kasi ako nay, pero kayo po yung matanda sa gate ng bahay namin noong hinuli si Manong Kaloy diba? Kung gusto nyo po mamaya nalang pong hapon paguwi ko." Tugon ng aking ama. "Aasahan kita mamayang hapon anak." Wika ng matanda habang nagpatuloy na kami sa paglalakad. Nakakatuwa dahil may naabutan pa kaming spaghetti kila Aling Lorna. "O anak, alagaan mo si mama mo ah? Papasok na ako." Bilin sa akin ng aking ama. Nasa gate na ako, muli kong naalala yung itsura ng aking ina kanina. Nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o maglalaro ako sa labas hanggang umuwi si papa. Pero ibinilin ni papa sa akin na alagaan ko daw si mama, wala na akong magagawa. Bitbit ang biniling spaghetti ay lakas loob akong pumasok sa pintuan. Kahit alam ko na kung sakali mang maging ganon ulit si mama ay wala akong matatakbukan, dahil dalawa lang kami sa buong apartment. Nakaupo si mama, nakatukod ang dalawang kamay nito sa sofa. Nakayuko ito at gulo-gulo ang buhok. Tuwid na tuwid ang likod nito at may kung anong sunod-sunod na ibinubulong. Nakatayo lang ako sa pintuan at nakahawak sa pinto. Pinagmamasdan kolang si mama at nagaabang kung ano ang susunod nyang gagawin. Lumingon ito bigla sa akin, nanlilisik ang mga mata at sinabing; "Umalis kayo sa bahay na ito! O isa-isa kayong mawawala?" Sabay halakhak, halakhak na hanggang sa mga sandaling ito ay naririnig ko padin. Napaupo ako sa takot ng mga sandaling iyon, unti-unti na ding lumalapit si mama sa akin. Abot tenga ang mga ngiti nito. Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat at inalog ng inalog. Iyak nalang ako ng iyak kahit alam kong walang makaririnig sa akin. Pero naalala ko ang bilin ni mama. "Kahit anong pagsubok, kahit nasaan ka, ay maririnig ng Panginoon ang iyong dalangin." Kaya sa kalagitnaan ng pagyugyog sa akin ng aking ina. Habang pinakikinggan ang nakakabaliw nitong mga tawa, ay sinubukan kong humingi ng tulong sa Panginoon. Pinuri ko sya sa kanyang kadakilaan, ipinagkatiwala ko din sa kanya ang aking sarili. Alam kong hindi nya ako pababayaan. Bumitaw sa pagkakahawak sa aking balikat ang aking ina. "Jake anong nangyari sayo? Bat umiiyak ka anak?" Sunod-sunod na tanong ng aking ina habang nakaupo ako sa sahig. Tanging pag-iyak lang ang aking naging tugon. Hindi pa ako nakakabawi sa nangyari. Sa likod ng aking ina! Sa may pintuan ng kwarto! May babaeng nakatayo! Sya yung babae sa taas ng kama ko! Lalong lumakas ang aking mga hagulgol na ipinagtaka ng aking ina. Hindi na ako makapagsalita at ang tanging nagawa ko nalang ay ituro ang nasa kanyang likuran. Dumilim na ang paningin ko, hindi kona alam ang sumunod na nangyari. Nahimatay ako. Nagising nalang ako sa aking kama sa loob ng kwarto. Tuyo na ang mga luha sa aking damit. Wala na ring bakas ng luha sa aking mga pisngi. Pero basang basa ang aking likuran. Pawis na pawis ako. "Jake! Anak! Gising na! Aalis na ang papa mo." Wika ng aking ina mula sa kusina. "Jake ano ba! Hindi ka ba talaga babangon dyan!" Galit na sigaw ng aking ina. Ano? Sigaw ko sa aking isip. Dali-dali akong bumangon baka sakaling malunasan ang aking katanungan at pagkalito. Pero lalo lang itong gumulo ng binati ako ng aking ama. "O Jake! Magmumog kana at aalis na ako." Saad ng aking ama habang nagpapahid ng pabango. Gulong-gulo na ako! Napatingin ako sa aking ina na nagbabalot ng baon ng aking ama. Abot tenga ang ngiti nito, nakakakilabot. "Bakit Jake? Kakagising mo lang bakit parang litong-lito kana? Alam mo? Mabuti pa umupo kana at kainin mo itong spaghetti galing kay Aling Lorna." Hindi kona talaga alam. Nakatulala nalang ako habang nakatitig sa isang balot ng spaghetti na iniiabot sa akin ng aking ina.
"Ma, alis na ako, baka mahuli ako sa trabaho." Tugon ng akin ama. Ano ba kasing klaseng bahay yung binili papa!

Part 7

[Kamusta ang online class? Sana hindi ka nagdisconnect sa meeting nyo. NagsusulatsiBerserk nga pala muli. Pasensya na kung natagalan yung update. Nagsimula na kasi ang online class. Kung naiklian din pala kayo sa part VI pasensya na, isiningit ko lang kasi yun sa mga break time. Tsaka magiging masyado na kasing mahaba ito kapag isiniksik ko pa. Tsaka isa pa, ito na dapat yung last part, kaso naglalag na cellphone ko kapag mahaba na nai-type. Simulan na natin.]

Lumipas ang mga araw at ang bawat gabing darating ay tila kalbaryo para sa akin. Kapag matutulog ako ay laging nakaharap sa pader, ayokong may makita ulit. Kung maiihi naman sa gabi ay hintayin ko munang may magising para may kasabay ako sa pag-ihi. At yung karatula sa labas na may nakasulat na "room 4 rent?" Ayon kinakalawang na, pero wala pading umuupa sa dalawang pinto. May mga tumatawag pero kapag titignan na ang bahay magtatanong nalang ito bigla, "buti nakakatagal kayong tumira dito? Sige po, salamat nalang po. Ingat po kayo dito." Ganon palagi ang sinasabi ng mga tumitingin. Dahil nga sa walang umuupa, naisipan ng aking ama na doon nalang sa bakanteng pinto patirahin si lola. Sumangayon naman ang aking ina. Lumipas ang mga araw at sumapit na ang araw na susunduin na ni papa ang aking lola na galing sa Mindanao. "Maganda yung bahay mo Bryan anak. Binabati kita. Pero bakit parang mahagnop (pinamamahayan) ang bahay mo." Wika ni lola pagkaupo na pagkaupo nito sa sala. "Ano po ang ibig nyong sabihin nay?" Tanong ng aking ina habang nagwawalis. "Wala anak, magiingat nalang tayo kung dito tayo titira." Tugon ng aking lola sabay hawak sa kanyang rosario. Nagpatuloy ang aming buhay sa nakakakilabot na bahay na iyon. Hanggang sa isang araw ng lunes, tanghali iyon at pinatulog ako ng aking ina. "Oh napaaga ka ata ng uwi Bryan? Alas kwatro palang ah?" Tanong ng aking ina. "Umuwi na ako agad, tapos ko nadin naman yung trabaho ko sa opisina. Tugon ng aking ama. Dali-dali na akong bumangon para salubungin ang aking ama. Baka sakaling may pasalubong ito. "Oy Jake bakit gising ka na?" Wika ng aking ina. "Hapon na din naman po." Sagot ko. "Ay ma? Yung radyo pala natin? Pakihanap nga. Pakisuyo ng aking ama. "Naaalala mo yung sinabi kong matandang babae sa kwento ko? Inabangan nya ata ako kaninang umaga. Gusto nyang makipag-usap, kaso sabi ko baka mahuli ako sa trabaho. Pero mapilit talaga e, gusto nya talagang makipag-usap, mahalaga lang daw." Pahabol pa nito. "Oo naaalala ko, ano naman sinabi sayo? Siguro naman hindi ka magkakagusto sa isang matanda ano Bryan?" Pangiinsultong tanong ng aking ina. Hindi agad sumagot ang aking ama ata ilang saglit din itong nanahimik at yumuko. "Sabi nya umalis nadaw tayo dito, umalis sa pinakamadaling panahon. Binigay nya din ito sakin. Mas magiging malinaw din daw sa atin kung ano talaga ang nangyayari." Tugon ng aking ama sabay labas ng isang cassette tape galing sa kanyang bag. "Anong aalis? Halos tatlong buwan palang ata tayo dito. Hindi pa nga natin nababawi yung perang pinambayad sa bahay na ito. Ano pa yung iba nyang sinabi? Tsaka bakit parang nakasunod na sayo lagi yung matanda na iyan? Tsaka ano kayang laman ng tape na ito?" Sunod-sunod na tanong ng aking ina. "Kaninang umaga, malapit kila Aling Lorna, nakita ko syang tinatanaw ako sa malayo. Nang malapit na ako sa kanya, dali-dali itong lumapit, nanginginig ang kanyang mga kamay. Pero hindi ako natakot. Nababasa ko sa mga mata nya na gusto nya talagang tumutulong. "Bryan Bautista? Baka sa pangatlong pagkakataon ay tanggapin mo na ang aking paanyaya na makausap ka? Ha anak? Pakiusap." Wika nito sa akin habang hawak ang dalawa kong kamay at nakatitig sa aking mga mata. Ramdam ko ang panginginig at lamig ng kanyang mga kamay. Dalawang oras pa naman ang natitira para bumiyahe kaya pinagbigyan ko na ang matanda. At isa pa, madami din akong gustong itanong sa kanya. Lalong-lalo na kung ano ang ginagawa nya sa gate ng bahay natin noong hinuli si Manong Kaloy. "Huwag tayo dito mag-usap anak, mas maigi siguro kung sa loob tayo ng karinderya. Huwag kang mag-alala, ililibre ka ni nanay ha? Makausap lang kita." Nakangiting sabi ng matanda sa akin. "Magandang umaga Aling Lorna! Bati ko habang abalang-abala ito sa pag-aasikaso ng kanyang mga suki. "O Bryan? Himala dito ka ata kakain ah, magandang umaga din!" Tugon sa akin ni Aling Lorna. "Aling Lorna! Aling Lorna! Siya ba yung bagong lipat dyan kila Mang Kaloy?" Tanong ng isang lalaki na kumakain ng lugaw, sa tingin ko isa syang "tricycle driver". "Oo sya nga, bakit? Kilala mo?" Sagot ni Aling Lorna. "Opo Aling Lorna, naging pasahero ko ata yung mag-ina nya kahapon. Ay pare? Pare? Hindi naman sa nangingialam ako ah? Pero madaming mura tsaka magagandang bahay na ibinibenta sa lugar na ito. Kung gusto mo sasamahan kita. Halos lahat kasi ng inihahatid ko sa bahay na iyon, ako din yung inaarkila para hakutin yung mga gamit nila para lumipat. Wala akong ideya kung ano talaga ang nasa bahay na iyon, basta pare sinasabi ko, mag-iingat kayo. Oo nga pala! Kung kakailanganin nyo ng tulong para maghakot ng gamit, abay handang-handa yung tricycle natin pare! Haha, biro lang. O sya Aling Lorna, pare? Magkakape muna ako dito." Wika ng lalaki habang dahan-dahang umaalis. "Hoy! Tikboy! Yung bayad mo! Pambihira talaga! Lista nanaman!" Sigaw ni Aling Lorna sa lalaki kanina. "Bryan pagpasensyahan mo na si Tikboy ha? Pero totoo naman ang mga sinabi nya, wala talagang tumatagal dyan sa bahay ni Manong Kaloy. Siguro kaya sya hinuli nitong nakaraan dahil may kung ano ng ginagawa yung matanda na iyon. Pero ano pala kakainin nyo? Nanay mo? Magandang umaga po! Napakabait po nitong anak ninyo." Saad ni Aling Lorna. "Ay hindi po! Kaibigan ko lang po itong si nanay. Ahmm, lugaw nalang po siguro sa akin, yung may laman po. Wika ko kay Aling Lorna. "Nay? Sa'yo po? Ano po ba ang gusto nyong kainin?" Tanong ko sa matanda. "Ano ba yan anak, diba sabi ko libre ko?" Tugon sa akin ng matanda. "O sige po Aling Lorna, dalawang lugaw na po." Saad ko. Hindi na ako nagsayang ng oras dahil mahuhuli na din ako sa trabaho. "Nay? Ano po pala yung pag-uusapan natin?" Tanong ko sa matanda. "Oo nga pala! Hindi pa ako nakapagpapakilala! Ako nga pala Ester, pwede mo din akong tawaging Nanay Ester." Tugon ng matanda habang iniaabot sa akin ang kanyang kanang kamay. Nakipagkamay naman ako. "Ahhmm Nanay Ester? Bakit po pala kayo nasa gate noong dinakip ng mga pulis si Manong Kaloy? Asawa ka ba nya? Naging biktima din? Ano po ba?" Tanong ko kay Nanay Ester. "Ako ang pinakauna at pinakahuli nilang kasambahay." Tugon ni Nanay Ester. "Ano po? Nila? May kasama pa si Manong Kaloy?" Muli kong tanong. "Oo, si Renzo. Ilang taon ko din pinagsilbihan ang dalawang iyon. Nasaksihan ko ang lahat Bryan. Nasaksihan ko kung papaano lumaki ang alaga kong si Renzo, kung gaano kahigpit na tiyuhin itong si Manong Kaloy, at nasaksihan ko din kung ano ang dahilan ng mga nangyayari ngayon. Saad ni Nanay Ester. "Kasambahay po pala kayo ni Manong Kaloy, kelan po kayo tumigil bilang kasambahay?" Tanong ko. "Simula noong nagpakamatay si Renzo. Simula kasi ng pangyayaring iyon, naging iba na ang kinikilos ni Manong Kaloy. Natakot ako. Nagsisimula na syang magsalita mag-isa, hindi nadin sya natutulog sa gabi, at kung paghahainan ko naman sya ng pagkain ay nagwawala ito kapag kulang ang platong inilagay ko sa lamesa. Bakit daw hindi ko pinaghainan si Renzo. Napakatanga ko daw. Dumating pa sa punto na pilit nya akong pinasalo sa hapag-kainan, tatlong plato ang nakalagay sa lamesa. At ang nakakatakot? Pakainin at pagsilbihan ko daw si Renzo o papatayin nya ako. Wala akong nagawa, para akong isang baliw na nagsasandok ng kanin at ulam sa isang plato, at sasandukin ulit ng kutsara at aaktong may sinusubuan. Sagad-sagaran ang takot ko ng mga oras na iyon. Lalo na kung maririnig mo ang mga hagikgik ni Manong Kaloy habang itim na itim ang ilalim ng mga mata. Pagpapaliwanag ni Nanay Ester. Kinilabutan ako sa mga sinabi nya. "Bakit naman po nagpakamatay si Renzo? Problema po ba sa pag-ibig? Pera? Ano po ba?" Kinakabahan ako sa mga maaari pang ibabahagi ni Nanay Ester, pero gusto ko talagang malaman. "Nagpakamatay si Renzo dahil sa isa ding nagpakamatay. Oo tama ang narinig mo. Noon kasi ay may kasintahan si Renzo, napakaganda nito, kilala din ito sa kanilang unibersidad. Tawagin natin sya sa pangalang Lara. Mahal nila ang isa't-isa, mahal na mahal. At kahit magkaiba sila ng kurso ay nabibigyan padin nila ng oras ang kanilang relasyon. Si Lara ay nag-aaral upang maging isang dakilang doktor, samantalang si Renzo naman ay bilang isang "seaman" gaya ng kanyang tiyuhin. Ngunit sa kabila ng kanilang pagmamahalan, ang kanilang bawat pagkikita ay pribado at malayo sa lugar na ito. Inililihim kasi nila ang kanilang relasyon kay Manong Kaloy. Pero sabi nga nila, walang sikreto ang hindi nabubunyag, nalaman ni Manong Kaloy ang kanilang relasyon. Labis na nagalit si Manong Kaloy kay Renzo, dahil paulit-ulit na bilin ni Manong Kaloy na tapusin muna ang pag-aaral bago makipagrelasyon. Dahil nga sa nagalit si Manong Kaloy, pinalipat nya si Renzo sa malayong unibersidad. Malayo kay Lara. Ng mga sandaling iyon ay nangungupahan si Lara sa bahay ni Manong Kaloy, at ang bahay na iyon ay ang bahay na tinitirahan ninyo ngayon, nasa mismong pintuan din kayo. Wika ni Nanay Ester, unti-unti ng nasasagot ang ilang katanungan sa aking isip, parang hindi ko na ata kakayanin pa ang mga susunod pang ibahagi sa akin ni Nanay Ester. "Abay mukhang seryoso ang pinag-uusapan ninyo ah! Yung lugaw mo dito Bryan malamig na!" Wika ni Aling Lorna. Oo nga pala! May binili pala akong lugaw! Dali-dali ko na itong kinuha at ibinigay kay Nanay Ester ang isa. "Salamat anak, pero baka hindi ko na ito kainin, itutuloy ko nalang ang mga gusto kong sabihin, alam ko mahuhuli ka na sa trabaho." Saad ni Nanay Ester. "Kayo po ang bahala nay, salamat po sa pag-alala. Pero kahit dati pa po pala ay masama na ang ugali ni Manong Kaloy?" Wika ko kay Nanay Ester. "Ano ka ba! Kahit sino naman sigurong magulang, tiyuhun o kahit sinong nagpapaaral ay gagawin iyon. Hindi masamang gawin iyon ng mga nakatatanda anak. Kung naranasan ninyong disiplinahin ng magulang ay magalak kayo, dahil tunay ang pagmamahal na ibinibigay nila." Pangaral ni Nanay Ester. "Ay pasensya na po!" Nahihiya kong tugon. "Oo hindi masama iyon, pero hindi ko sinabing hindi naging masama si Manong Kaloy, isang demonyo si Manong Kaloy kung tutuusin. Dahil nga sa nasa malayo na si Renzo, wala ng dadalaw-dalaw sa inuupahang bahay ni Lara. Sinamantala naman iyon ni Manong Kaloy. Isang araw, napadaan si Lara sa bahay ni Manong Kaloy, sakto naman na naglilinis ako sa sala, sapat na ang distansyang iyon para marinig ko ang usapan nilang dalawa. "Tatay Kaloy, andito po ba si Renzo? Nakapagbakasyon po ba sya?" Tanong ni Lara habang nakatayo sa pintuan, bakas sa kanyang mukha ang pangungulila sa nobyo. "Ay si Renzo ba? Oo napabaksayon sya, nasa palengke lang sya ngayon, kung gusto mo sa bahay mo nalang natin sya abangan?" Paanyaya ni Manong Kaloy. "Naku huwag na po tay, aantayin ko nalang po sya dito. Sigurado po kayo na andito sya ha?" Tugon ni Lara. "Ano ka ba? Mukha ba akong nagsisinungaling Lara? Andito nga si Renzo! Tara na't pasusunurin ko nalang sya sa bahay mo. Isa pa sisingilin ko din kasi yung ibang nangungupahan. Tara na." Pagpupumilit ni Manong Kaloy. "Ay Nanay Ester? Andito po ba si Renzo?" Tanong sa akin ni Lara. "Nako! Huwag mo nang istorbohin iyang Nanay Ester mo, madami pang lilinisin yan, tara na!" Sabat ni Manong Kaloy. "Sige po kayo bahala." Tugon ni Lara. At umalis na nga ang dalawa. Pero buong araw akong naglinis ng bahay, wala naman akong nakitang Renzo! At isa pa, sa pagkakaalam ko ay naghahanda si Renzo para paparating nyang pagsusulit. Ilang buwan ang lumipas, araw ng lunes. Naglalakad ako sa bangketa upang tumungo sa palengke. Nakasalubong ko si Lara, ibang-iba ang hitsura nito. Lukot-lukot ang suot uniporme at tila hindi nakapag ayos, mukhang kulang din sya sa tulog. Sa tingin ko ay wala din ito sa sarili, kadalasan kasi kapag nagkasalubong kami ay nagmamano ito at nagkikwento ng kung ano-ano. Pero noong sandaling iyon? Nilagpasan nya lang ako at tuloy-tuloy lang sa paglakad. Maging ang sapatos na suot nya nga'y mukhang hindi talaga magkapares. "Lara! Lara!" Sigaw ko sa kanya habang hinahabol sya sa paglalakad. "Lara! Lara!" Mukhang hindi nya ako naririnig, wala na akong nagawa at hinawakan ko ang mga kamay nya pinigilan sya sa paglakad. "Lara may problema ba anak? Magsabi ka kay Nanay Ester." Wika ko sa kanya. "Andyan ka po pala nay? Saan po kayo pupunta? Wala po akong problema. Wala po." Tugon sa akin ni Lara. Kagaya nga ng sinabi ko, nakasanayan na ni Lara na magmano sa akin tuwing magkikita kami. Kinuha nya ang aking kanang kamay at akmang magmamano. Ngunit sa kanyang pagyuko, may kung ano ang pumatak sa aking kamay. Nagsimula na palang bumagsak ang mga luha nya. "Nanay Ester, tulungan nyo po ako! Kailangan po ng tulong ninyo. Wala na po akong ibang malalapitan bukod sa inyo." Saad ni Lara habang nakayuko at hawak-hawak padin ang aking kamay. Sabi ko na nga ba e! O saglit, huwag tayo dito sa mainit, doon tayo sa lilim." Nag-aalala kong sabi kay Lara. "O ano ba ang problema mo't mukhang hindi ka nito pinapatulog? Umupo ka muna." Tanong ko. Tinitigan lang ako nito at patuloy lang sa pag-iyak, tila hindi pa sya handang sabihin ito. "O sige, kung hindi mo pa kayang ibahagi ay ayos lang." Wika ko. "Nanay Ester araw-araw po akong ginagahasa ni Tatay Kaloy!" Nanlaki ang mga mata ko sa isinumbong ng dalaga. "Ano? Kelan pa? Bakit hindi ka agad nagsabi sa akin?" Sunod-sunod kong tanong at sinundan ko ito ng mahigpit na yakap. "Nanay Ester wala po akong magawa! Pinagbabantaan nya po ang buhay ko tuwing tumatanggi ako! Kung hindi ko naman sya pagbubuksan ay may susi ito dahil nga sya ang may-ari ng bahay! Napakademonyo nya Nanay Ester! Demonyo sya! Sana mamatay na sya at masunog ang kaluluwa nya sa impyerno!" Wika ni Lara habang patuloy sa pag-iyak. "At nay? May gusto pa po sana akong ipagtapat sa inyo. Isang buwan na po akong walang dalaw, nagsisimula na din po akong magsuka. Nagdadalang-tao na po ata ako Nanay Ester. Wika ni Lara habang walang emosyon ang mukha. "Baka naman anak nyo ni Renzo ha Lara?" Tanong ko. "Imposible po iyang sinasabi mo Nanay Ester. Abot langit po kung igalang ako ni Renzo, lagi nya pong pinapaalala na may tamang oras para sa ganong mga bagay. Sapat na daw at sobra-sobra na ang malaman naming mahal namin ang isa't-isa, gusto ko ng makita si Renzo. Malungkot na sabi ni Lara. "Kung sakali man na may bata talaga sa aking sinapupunan? Ay hindi ko anak ito, anak ito ng demonyo! Salamat po sa pakikinig Nanay Ester, gumaan po ang pakiramdam ko. Pero pakiusap po, huwag nyo po sanang sabihin kay Manong Kaloy na nagsumbong ako sa inyo, lalong-lalo na po kay Renzo. Hayaan nalang po natin na tadhana ang humusga. Sige po, mukhang mamamalengke pa po kayo. Mahuhuli na po ako sa klase, salamat po. Mahal na mahal po kita Nanay Ester. Paalam ni Lara at tuluyan na itong umalis. Nagiwan ito ng matipid na ngiti. Wika ni Nanay Ester. Hindi ko na natikman ang lugaw na binili ko at nakikinig nalang ako sa mga sinasabi ni Nanay Ester. "Napakasama po talaga ni Manong Kaloy! E sa ngayon po? Kamusta na po si Lara?" Tanong ko kay Nanay Ester. "Wala na sya. Nagpakamatay sya. Buwan ng Septyembre iyon, isang linggo na ang mga umuupa ay pabalik-balik sa bahay ni Manong Kaloy, paulit-ulit nilang inirereklamo ang nakakasulasok na amoy. Pero si Manong Kaloy? Tila walang naririnig. Hanggang sa ilang residente nalang ang nagkusa upang pwersahang buksan ang pinto. Nakakasulasok na amoy ang sumalubong sa kanila. Tama nga ang kanilang hinala, sa kwartong iyon nagmumula ang amoy. Nilibot nila bahay at natagpuan nila si Lara na nasabit ang leeg sa kisame at puro laslas ang magkabilang braso. Wala syang iniwang sulat o kahit ano. At nang tanungin na ng mga kinauukulan si Manong Kaloy kung may alam ba sya, ang sinagot lang nito ay; "ilang buwan na ding hindi nakakapagbayad ng upa iyang nagpakamatay, wala akong gaanong alam sa personal na buhay nya. Basta ang alam ko lang ay nag-aaral yan ng medisina sa isang sikat na unibersidad dito sa Valenzuela. Tinanggap ko lang naman iyan dito dahil sabi nya ay regular na nakakapagpadala ang mga magulang nya. Kaya sa tingin ko Sir, problema po sa pamilya o pag-aaral ang dahilan ng pagpapakamatay nya." Sadyang napakawalang kwentang nilalang ni Manong Kaloy. Patay-malisya ito sa nangyari. Gusto ko na syang ituro at sabihin na sya ang dahilan ng pagpapakamatay ni Lara. Pero wala akong ibidensya, at dulot nadin ng takot sa pwedeng gawin ni Manong Kaloy ay nanahimik nalang ako. Lumipas ang mga araw at isa-isa nang nag-aalisan ang mga umuupa, lagi daw kasi nilang nakikitang nakadungaw si Lara sa kanilang bintana. Tuwing dadaan din daw sila sa pinto ni Lara ay may umiiyak sa loob. Doon na nagsimula ang mga hindi maipaliwanag na pangyayari sa kung sinuman ang uupa at makabili sa bahay na iyon. At si Manong Kaloy? Ayon, sumakay bigla ng barko. Tapos si Renzo na walang kaalam-alam sa nangyari ay pinauwi ni Manong Kaloy, sa kanya na din ipinagkatiwala ang bahay. Pero ang nakakainis doon, pinaniwala ni Manong Kaloy si Renzo na ilang taon na syang nasa barko. Sa tingin ko ginawa nya iyon para mas magmukhang inosente. Pagkikwento ni Nanay Ester. "Nako po! Tatlumpung minuto nalang po pala ang natitira! Mauna na po ako, ituloy nalang po natin kapag may pagkakataon." Nagmamadali kong sabi. Doon na natapos yung usapan namin. "Oh! Bakit natatawa ka mahal? May nakakatawa ba sa kwento ni Nanay Ester?" Nagtatakang tanong ng aking ama. "Tao po? Bryan Bautista? Magandang gabi." "Oo nga pala ma! Inanyayahan ko pala si Nanay Ester na dito nalang sa bahay ituloy yung mga gusto nyang sabihin. Pasok po kayo Nanay Ester! Magandang gabi din po! Inabutan na po ata kayo ng dilim bago makarating? Ma? Baka pwede mo namang paghandaan ng meryenda si Nanay? Asawa ko nga po pala Nanay Ester, Ma sya si Nanay Ester." Pagpapakilala ng aking ama. "Bakit ayaw nyo pong pumasok? Pasok po kayo! Upo po kayo dito oh." Paanyaya ng aking ama. "Bryan! Bryan anak! Hindi mo 'yan asawa!" Saad ni Nanay Ester habang nakatayo sa pinto at mukhang gulat na gulat. "Ano po ba kayo? Asawa ko po yan. Sya po si Sonya. Tatlong taon na din po kaming kasal." Pagpapaliwanag ng aking ama habang ako ay nakaupo at pinapanood lang sila. "Sino si Sonya?" Natatawang sabat ng aking ina. "Kamusta? Kamusta Estrella Montenegro alyas Aling Ester? Ilang taon na din tayong hindi nagkita." Saad muli ng aking ina habang abot tenga ang mga ngiti. "Lara tanggapin mo na ang katotohanan! Matagal ka ng patay Lara! Matagal na!" Sigaw ni Nanay Ester. "Whaaaaaaa! Manahimik ka! Hindi mo ako naiintindihan! Lahat kayo! Mga wala kayong alam! "Sigaw ng aking ina at biglang namatay ang lahat ng ilaw. Nabalot ng kadiliman ang paligid. Sandali, may mukha na unti-unting lumalapit sa akin! "Ikaw ba si Jake?" Bulong nito sa aking kaliwang tenga. Tanging tango nalang ang aking nagawa. "Tignan mo ang mukha ko! Tignan mo! Tandaan mo ang mukha ko! Tandaan mo Jake!" Sigaw nito at tandang-tanda ko ang mukhang iyon hanggang ngayon. Ilang saglit lang ay naramdaman ko na binuhat ako ng aking ama palabas ng pinto. Kasama si Nanay Ester ay tumakbo kami pababa. Ngunit nang nasa baba na kami. "O bakit nasa labas kayo? Gabi na ah? Pasensya na natagalan kami ng nanay mo mamalengke e. Bakit umiiyak yung apo ko? Saan ba kayo pupunta Bryan?" Sunod-sunod na tanong ng aking ina at lola habang dala-dala ang mga ipinamili. Mas humigpit ang yakap sa akin ng aking ama. "Kung ganon, sino yung nasa taas? Sino yung kasama ng anak ko maghapon!"

Part 8

[Kamusta? Pasensya na kung natagalan, inuunti-unti ko lang kasi itong sinulat tuwing "asynchronous" namin. O hindi kaya tuwing nagloloko yung internet ng aming mga guro. Salamat sa pagaantay. Simulan na natin.]

"Magandang umaga po Nanay Ester, pasok po kayo. Sa pagkakataon po ba na ito ay si Sonya na po ba talaga ito?" Tanong ng aking ama. "E kung sabunutan kaya kita dyan Bryan? Bakit kay Nanay Ester ka pa nagtatanong? E diba dapat mas kilala mo ako kasi asawa mo ako?" Sabat ng aking ina sabay sabunot sa buhok ng aking ama. "Oo na! Oo na! Naninigurado lang Sonya, yung buhok ko! Bitawan mo na!" Pagmamakaawa ng aking ama. "Pagpasensyahan nyo na po itong asawa ko Nanay Ester, ganito po talaga sya maglambing. Mahal bitawan mo na kasi! Masakit na anit ko! Bigyan mo na si Nanay Ester ng makakain nya." Pahabol ng aking ama. "Ah sinisigawan mo ako? Sinabunutan lang kita parang hindi mo na ako asawa ah? Humingi ka ng tawad sakin." Wika ng aking ina. "Oo na! Sorry na!" Tugon ng aking ama. "Hahaha nakakatuwa naman kayong tignan, ganyan na ganyan kami ng asawa ko noong nabubuhay pa sya." Saad ni Nanay Ester. "Ahh ganon po ba? Ano po ang ikinamatay nya?" Tanong ng aking ama. "Mahilig kasi iyon sa makolesterol na pagkain, ayaw magpaawat, ayon inatake sa puso. Pero matagal na iyon, pero minsan hinahanap-hanap ko padin sya." Tugon ni Nanay Ester. "Asan na si Sonya? Andito sana sya nang sa gayo'y lahat kayo ay makarinig ng mga sasabihin ko." Pahabol pa nito. "Ito po yung juice nay, sabihin nyo lang po kung matabang ang pagkakatimpla, dadagadgan po natin." Wika ng aking ina habang bitbit ang mga tinapay at isang pitsel juice. "Nako, iniiwasan ko nga ang mga matatamis, sakto lang ito salamat." Tugon ni Nanay Ester. "Siguro naman Bryan ay nabanggit mo na kay Sonya yung mga nauna kong naikwento sa'yo?" Tanong ni Nanay Ester. "Oo naman po! Takot na takot nga po itong si Sonya e. Naawa din po sya sa parehong pagkakataon. Kung gusto nyo po ay maaari nyo nang simulan ang pagkikwento." Tugon ng aking ama.  "O sige simulan na natin, iyon naman talaga ang pakay ko sa pagpunta dito. Nawa'y pagkatapos kong masabi ang lahat ay, makumbinsi na sana kayong umalis sa bahay na ito sa lalong madaling panahon." Seryosong tugon ni Nanay Ester. "Mukhang nakakatakot po 'yang sasabihin mo nay ah? Pero siguro po'y pa-aabutin po muna namin kahit dalawang taon man-lang bago umalis. Masulit man lang po yung pinambayad ni Bryan." Wika ng aking ina. "UMALIS NA KAYO SA BAHAY NA ITO! ANG BAHAY NA ITO AY MAY SARILING SISTEMA! PAULIT-ULIT NA SISTEMA! SISTEMA NA HINDI KO ALAM KUNG KAILAN AT PAPAANO MAGTATAPOS! PAKIUSAP UMALIS NA KAYO!" Lahat kami ay nagulat sa pasigaw na wika ni Nanay Ester, pero sa likod ng pagtaas ng kanyang boses, nangingibabaw padin ang tunog ng pagmamalasakit. "Siguro po Nanay Ester mas mabuti po kung simulan nyo na po ang pagkikwento, baka sakali pong mapag-usapan po naming mag-asawa yung inaalok nyong pag-alis sa bahay na ito." Kalmadong tugon ng aking ama.
"Pasensya ka na Bryan anak ah? Sonya? Jake? Nabigla lang ang lola, gusto ko lang talagang maging ligtas kayo. Simulan na natin. Kung iyong maaalala, sinabi ko na biglang sumakay si Manong Kaloy sa barko, at si Renzo na walang kaalam-alam ang kanyang pinagbantay sa bahay. Sa mga sandaling ito ay wala ng balita si Renzo tungkol kay Lara. Hindi nya din alam na ilang taon na ang nakalipas matapos itong magpakamatay. Basta't ang alam lang ni Renzo ay si Lara padin ang babaeng kanyang minamahal. Lumipas ang mga araw. Sabi nga nila, ang balita ay may pakpak. Araw ng Martes, nalaman ni Renzo na nagpatiwakal ang kaisa-isang babaeng kanyang minamahal. Gumuho ang mundo ni Renzo. Pero ang masama dito, may halo ang balita na dumating ka Renzo. Nabalitaan nya na nagpakamatay si Lara dahil sa nabuntis ito ng isang sundalo pero hindi pinanagutan. Nawala sa sarili si Renzo. Halos isang beses nalang itong kumain sa isang araw. Kahit ihain ko pa ang paburito nyang sinigang na baboy ay wala itong epekto. Nakatulala lang ito at bigla nalang papatak ang mga luha na syang gagapang sa kanyang mga pisngi. Ramdam ko kung gaano kasakit at kabigat ang naramdaman ng alaga kong si Renzo. Isang araw, habang naglilinis ako ng buong bahay. Narinig kong humahahulgol si Renzo sa kanyang kwarto. Rinig na rinig ko din kung gaano nya sinisisi ang kanyang sarili sa nangyari kay Lara. "Kung hindi lang sana nalaman ni Tito! Kung andito lang sana ako para pakinggan kung ano-man yung problemang gumugulo sa isip nya! Kung hindi ko lang sana sinunod yung punyetang parusa ni Tito! Parusa? Kasalanan ba ang magmahalan? Kasalanan ba? Kung andito lang sana ako baka andito pa si Lara! Kung andito lang sana ako. Kung andito. Kaso wala. Huli na. Wala na ang mga pangarap nating dalawa Lara. Hindi na natin maipapatayo yung pangarap nating bahay na ikaw pa ang gumihit. Hindi na natin mabubuo yung masayang pamilyang araw-araw nating pinag-aawayan kung ano ba ang magagandang pangalan para sa apat nating mga anak. Pasensya ka na Lara. Pasensya ka na mahal." Halos madurog ang puso ko sa mga sinabi ni Renzo. Kaya bilang kanyang nanay-nanayan, pinasok ko sya sa kanyang kwarto. Nagulantang ako sa bumungad sa akin. Punong-puno ng litrato ang bawat pader ng kanyang kwarto. Mga litrato nila ito Lara na magkasama. Sinusulatan nya din ang bawat litrato. Umupo ako sa kanyang kama, sa tabi nya. Binigyan ko sya ng mahigpit na yakap, hindi ko na napigilan ang aking mga luha. Hindi ko kayang makita na nagkakaganon ang mahal kong si Renzo. Niyakap nya din ako. Ramdan ko ang mga luha nyang pumapatak sa aking balikat. "Nay? Nanay Ester? Naranasan nyo na din po ba'ng umibig?" Tanong sa akin ni Renzo habang may kasabay na mga hikbi. "Oo naman anak, naranasan ko na. Masarap ang umibig, napakasarap. Pero sabi nga sa akin ng nanay ko, kung ikaw ay magmamahal, dapat ikaw ay maging isang sundalo. Masayang naglilingkod, pero sa kabila nito, ang isa mong paa ay nasa hukay. Ganon din sa pagmamahal anak, kahit gaano pa kayo katatag at kasaya, kahit anong oras ay pwede kayong lamunin ng kalungkutan. Iyon ang kakambal ng pagmamahal anak, kasawian." Pagpapaliwanag ko kay Renzo. "Nay, mahal na mahal ko po si Lara. Hindi ko na po ata kayang sumubok pang magmahal kung hindi na sya mamahalin ko. Pero wala naman na po akong magagawa. Kaya ito ako, iniisa-isa yung mga litratong magkasama pa kaming dalawa. Mga panahong kapwa pa naming ginagawang motibasyon ang isa't-isa. Mga panahong naguumapaw pa sa kaligayahan ang aming mga mata. Mga panahong hindi na mababalikan. Mga panahong nakalipas na. Tignan nyo po si Lara oh, ang ganda nya po diba? Isang taon ko pong niligawan yung babae na 'yan. Salamat po Nanay Ester at andito ka. Maraming salamat po. Kahit papaano po'y gumaan yung kalooban ko." Malungkot na wika sa akin ni Renzo. "Oo na tumahan ka na, yung paburito mong sinigang kanina pa nakahain sa baba. Kumain ka na ha? Itutuloy ko na ang paglilinis. Mahal ka mahal kita anak. Andito lang ako lagi." Tugon ko kay Renzo. "Ay Nanay Ester? Pwede nyo po ba akong bilhan ng picture frame? Isasabit ko po sana itong litrato ni Lara diyan sa may sala. Para kahit papaano po'y nakikita ko padin sya. Opo sige po, tatapusin ko lang po ito at kakain na po ako. Maraming salamat po." Wika ni Renzo. "Oo sige mamaya, kapag lumabas ako isasabay ko sa pamimili." Tugon ko. Lumipas ang mga araw at unti-unti ng bumabalik ang sigla ni Renzo. Nakikipaghalubilo na din sya sa mga kaibigan nya, minsan ako pa ang nagluluto ng mga meryenda nila. Pero sa tuwing mapapadaan sya sa litrato ni Lara na nakasabit sa sala. Natitigilan pa din ito at napapayuko.  Nangungulila pa din sya kay Lara. At yung bahay na pinapaupahan ni Manong Kaloy? Buwan lang ang binibilang at hinihingi na ng mga umuupa ang natitira sa pauna nilang bayad (advance deposit). Paulit-ulit din nilang rinirikuminda na pabasbasan ang paupahan. Buwan ng Pebrero, ito yung buwan na uuwi na si Manong Kaloy galing sa barko. Isang taon na din mahigit makalipas ang nangyari kay Lara. "Oh Renzo! Pumayat ka ata? Ester ano'ng pinag-gagagawa n'yan dito? Nagdudroga ka ba? Yung paupahan kamusta?" Wika ni Manong Kaloy pagkapasok na pagkapasok nito sa pintuan. "Hindi ako nagdudroga no! Yung paupahan mo kaunti lang yung kinita, lahat kasi ng umuupa don hindi man-lang umaabot ng tatlong buwan. Buti nakauwi ka pa? Oo nga pala, may nagpakamatay pala sa paupahan." Tugon ni Renzo. "Ano? Kelan? Sino doon? Anong balita bakit daw nagpakamatay?" Patay-malisyang tanong ni Manong Kaloy habang ibinababa ang mga bitbit na gamit sa sofa." Gusto ko na sanang sabihin kay Renzo ang lahat. Kaso pinanlalakihan ako ng mata ni Manong Kaloy. At isa pa, baka tanggalin nya ako sa trabaho. Yung sinasahod ko lang kasi sa kanya yung inaasahan ko para pantustos sa araw-araw na gastusin. Kaya ng mga sandaling iyon ay, sinasabayan ko nalang ang agos ni Manong Kaloy. Nagpatuloy ang mga araw, at yung paupahan ni Manong Kaloy ay halos wala ng umuupa. Simula din noong umuwi si Manong Kaloy ay halos araw-araw ng nababasag yung litrato ni Lara na nasa picture frame. Madalas din itong pinag-aawayan ni Renzo at Manong Kaloy kung bakit ito nababasag. At dahil nga sa wala ng umuupa ay wala ding kinikita si Manong Kaloy sa bahay na iyon. Kaya't humantong sa desisyong ibenta nalang ang bahay. "Upo po kayo!" Paanyaya ni Manong Kaloy sa isang mag-anak. Sila yung nakausap ni Manong Kaloy na bibili sa kanyang bahay. "Manong Kaloy magkano nyo po ba maibibigay yung bahay ninyo?" Tanong ng lalaki. "Ahmm dalawang milyon, kasama na ang bahay at lupa. Malinis ang titulo nito! Walang sabit." Tugon ni Manong Kaloy. "Masyado po atang mataas yan Manong Kaloy, hindi po ata namin kakayanin yung presyo ninyo. At balita ko nga po pala, wala na pong umuupa sa bahay na iyon. Baka pwede pong babaan nyo kahit papaano." Tugon ng lalaki. "O sige, dahil sa halos na wala naman na talagang nagkakagusto sa bahay na iyon, pagbibigyan ko kayo. Siyam na raang libo. Pabor na ito siguro sa inyo?" Wika ni Manong Kaloy. "Seryoso po? Pangako po, aalagaan ko po ang bahay ninyo!" Masayang sagot ng lalaki. "Tao po? Tao po?" Boses ng isang lalaki mula sa pintuan. "Oy ano? Kamusta na yung sasakyan?" Tanong ng bibili ng bahay sa lalaki sa pinto." "Bad news po sir, ayaw po talaga tumakbo, sinilip ko naman na po lahat pero ayaw talaga." Tugon ng lalaki sa pinto. "Nako! Edi paano kami makakauwi ngayon ng pamilya ko nito?" Natatarantang tugon ng bibili ng bahay. "Ay ganon ba? Mas makakabuti siguro sa mga bata kung dito na kayo magpalipas ng gabi. Lalo't madilim na, mahihirapan na kayong makahanap ng masasakyan. Dumito na muna kayo. Bukas kung gusto nyo, may kilala akong mikaniko, sasamahan ko kayo." Paanyaya ni Manong Kaloy. Pumayag naman ang lalaki. Lumipas ang mga buwan. Nabalitaan ni Manong Kaloy na binibenta na ng nakabili ng kanyang bahay ang paupahan. Walang ideya si Manong Kaloy sa nangyari. Pero ayon sa "chismis", namulubi daw yung pamilyang nakabili ng bahay sa hindi maipaliwanag na dahilan. Kaya para daw sa bagong simula ay napilitan silang ibenta ang kabibili lang na bahay. Agad-agad naman itong binili ni Manong Kaloy. Ang pangyayaring ito ay naulit sa isang magasawa galing sa probinsya ng Cavite. Naghahanap daw sila ng murang bahay na maaring tirahan ng kanyang mga kamag-anak at ng mga magiging anak nila. At muli, nagbigayan ng presyo ang magkabilang panig. Pero sa huli, siyam na raang libo padin ang huling hirit ni Manong Kaloy na agad namang pinatulan ng mag-asawa. Pero sa pagkakataon na ito ay nakikinig si Renzo sa kanilang negosasyon. Masama ang tingin ni Renzo. Hindi kasi ito sang-ayon na ibenta ang paupahan, dahil na rin siguro sa dito tumira at namatay ang pinakamamahal nyang si Lara. Kaya dahil sa takot ko na madamay sa gulo ng dalawa, umakyat nalang ako at naglinis sa "music room". Nagpatuloy ako sa paglilinis. Hanggang sa nasagi ko ang isang radyo at may kung ano akong napindot dito. Dahil nga sa hindi ko naman alam kung ano ang pipindutin ay hinayaan ko nalang. Hindi ko alam na nagsimula na palang magrecord ang radyo. At ang naging resulta ng aking kamangmangan ay itong cassete tape na ibigay ko sa iyo. Pero ng malaman ito ni Manong ay gumawa sya ng maraming kopya nito. Hindi ko na alam kung ito ba ang orihinal na kopya. Ibinulsa ko lang kasi ito. Bryan maari bang mahiram ang radyo ninyo? Sabay-sabay nating pakinggan ang laman ng cassete tape na ito." Pakisuyo ni Nanay Ester. Tak! Tunog ng radyo ng pinindot ito ng aking ama. "Asan na yung mga kasama mo kanina? Tulog na ba?" "Iyan ang boses ni Renzo." Sambit ni Nanay Ester. "Oo, andon na sila sa silid para sa mga biktima, este silid para sa mga bisita hehe." "Ito naman ang boses ni Manong Kaloy." Saad muli ni Nanay Ester.  "Ayos din yung pagkakataon e noh? Kapag merong nagkakagusto sa bahay na iyon e hindi agad nakakauwi yung bibili. Bakit kaya?" Dito ko nalaman na hindi din pala nakauwi yung mag-asawa na bibili sa bahay. Saad ni Nanay Ester. "Oo nga e pansin ko din, kaya nga tinawag ko ng "victim room" yang "guest room" natin e. Tutal naman e sila na yung titira sa bahay na iyon." Tugon ito ni Manong Kaloy. "Narinig ko nga pala kanina yung tawaran nyo, siyam na raang libo? Seryoso ka uncle? Sana binigay mo nalang sa kanya yung bahay." Nangiinsultong sabi ni Renzo, dito na ako natigilan sa paglilinis. Pinakinggan ko na kasi ng maigi ang dalawa. "Ano ka ba? Hindi mo ba alam na sa benteng tao na tumingin sa bahay na iyon e tatlo lang ang nakapasok? Yung labingpito e sa gate palang ay umaatras na, samantalang hindi ko pa naman sinasabihan ng presyo. Kaya nga nung may nagsabi na may titingin sa bahay parang ayoko ng dalhin yung susi, baka umatras nanaman. Tsaka wag kang mag-alala, alam ko kung ano ginagawa ko, siguro mga ilang taon e mapapasakin na ulit yung bahay na yun. Pero bakit kaya ganon nalang yung takot ng mga tao sa bahay na iyon? Hindi ba't lagi kang andon? May alam kaba? O bakit naiiyak ka? Tinatanong lang kita kung may alam ka. May alam ka ba Renzo?" Natatarantang tanong ni Manong Kaloy. "Wala akong kasalanan uncle! Kasalanan nya iyon! Wala akong kasalanan, wala! Ganon talaga ang nangyayari sa mga katulad nya!" Sigaw ni Renzo. "Siguro kaya ito nasabi ni Renzo dahil sa buong akala nya ay nagkaroon ng ibang lalaki si Lara gaya ng balita na dumating sa kanya." Saad ni Nanay Ester. "Ano ba'ng sinasabi mo? Hindi kita maintindihan Renzo, iniwan lang kita ng ilang taon parang may hindi na ako alam sa buhay mo. Ano ba nangyari? Sabihin mo, tito mo ako." "Patay-malisyang tanong ni Manong Kaloy. Hindi nya padin inaamin kay Renzo yung kahayupan na ginawa nya." Sambit ni Nanay Ester. "Kasalanan mo ito tito! Kasalanan mo ang lahat! Kung hindi lang dahil sa napakataas mong ambisyon at pagsamba sa bwiset na kayaman, sana maayos ang lahat ngayon!" Galit na saad ni Renzo. "MAY MABABASAG!" Sigaw ng aking ama. Ting! Tunog ng may kung ano ang nabasag. "Ano bayan Renzo? Sino ba kasi yung babaeng nasa litrato? Hindi ko na mabilang kung ilang beses ng nabasag yung "picture frame" na iyan! Bakit ba kasi sinasabit mo pa talaga sa pamamahay ko? At wag na huwag mong kikwestyunin ang mga ambisyon at pagpapahalaga ko sa mga bagay-bagay Renzo! "Galit na galit na si Manong Kaloy ng mga oras na ito, pero wala akong magawa, wala akong sapat na lakas para awatin ang dalawang lalaki na nagaaway. At Bryan? Paano mo nalamang may mababasag?" Tanong ni Nanay Ester sabay pindot sa radyo dahilan para huminto ito. "Ito po! Ito po mismo yung usapan ng dalawang lalaki ng narinig ko noong doon kami natulog ni Bert sa bahay ni Manong Kaloy! At tama nga ang hinala ko! Yung litrato ng isang babae sa ilalim ng kama ni Renzo yung nabasag! Kaya pala puno na ito ng alikabok! Matagal na palang nangyari yung mga narinig ko!" Wika ng aking ama habang mukhang gulat na gulat sa kanyang mga napagtanto. "Siguro nga'y may alam kana tungkol sa laman ng cassete tape na ito Bryan. Pero may isang bagay ka pa na hindi alam." Sambit ni Nanay Ester. "Ano naman po iyon?" Tanong ng aking ama. Tak! Muling pinindot ni Nanay Ester ang radyo. "Renzo bumalik ka dito! Renzo huwag mo akong talikuran! Renzo!" Grrrrrr . . . Grrrrr . . . Grrrr . .  "Dito na nagtapos ang usapan ni Manong Kaloy at Renzo. Dito na din nagtapos ang laman ng cassete tape na ito. At dito na din, dito na din nagtapos ang buhay ni Renzo. Nagpakamatay na sya ng gabing iyon. Nagbigti ito sa kanyang kwarto habang ang isang larawan ni Lara ay nasa kanyang mga kamay. At sa likod ng litrato may nakasulat. "MAHAL KONG LARA, MAGKAKASAMA NA MULI TAYO. IKWENTO MO NA SA AKIN LAHAT NG MGA PROBLEMA MO. PANGAKO MAKIKINIG AKO. PWEDE MO DIN IBUHOS ANG LAHAT NG LUHA MO SA BALIKAT AT DIBDIB KO. MAHAL PAKIUSAP, PAKIUSAP BIGYAN MO AKO NG LAKAS NG LOOB HABANG ANG LITRATO MO AY NASA AKING MGA PALAD. WALANG KASIGURADUHAN KUNG ANO ANG SASALUBONG SA AKIN SA ORAS NA TUMALON AKO SA UPUAN NA ITO. PERO MAHAL, PUPUSTA KO. IPUPUSTA KO ANG BUHAY KO BAKA SAKALING MANALO AT MAGKASAMA TAYO ULIT. MAHAL TATALON NA AKO. PAKIUSAP, MAHIGPIT NA YAKAP MO SANA ANG MADATNAN AT MASALUBONG KO.

Part 9

[Ito na ang wakas, simulan na natin.]

"Bryan? Ano sa palagay mo? Dapat na ba tayo umalis dito?" Tanong ng aking ina. "Gabi na Sonya, matulog na muna tayo?" Tugon ng aking ama. Hindi ako makatulog ng gabing iyon, balikwas ako ng balikwas upang maghanap ng komportableng posisyon sa pagtulog, pero wala talaga. Hindi maalis sa isip ko yung ikinuwento ni Nanay Ester, ganon pala kasalimuot yung dinanas ni Lara at Renzo. Kaya hindi na nakapagtataka kung mangbubulabog ang mga naiwan nilang kaluluwa. Sa gitna ng aking pag-iisip ay nakatulog na pala ako. Nagising ko dahil sa huni ng mga ibon at tilaok ng mga manok. Pero ang nakapagtataka, pagkamulat ng aking mga mata ay nakahiga pa din ang aking ama. "Anong meron? Lunes ngayo ah? Wala ba syang pasok?" Tanong ko sa aking sarili. Pero hindi ko nalang ito pinansin at tumungo nalang sa kusina para makapag-almusal. "Jake? Pakigising naman ang papa mo, mahuhuli na sya sa trabaho." Pakisuyo sa akin ng aking ina habang naghahanda ng ito ng kakainin at babaunin ng aking ama. "Pa! Gising na daw! May pasok ka pa daw sabi ni mama!" Wika ko sa aking ama habang niyuyugyog ito. Agad naman itong bumangon. "Ano ba'ng problema mo! Di mo ba nakikita na natutulog pa ako?" Sigaw ng aking ama sabay sampal sa aking pisngi. Hindi ko napigilang umiyak dulot ng gulat at sakit ng sampal ng aking ama. Dali-dali namang pumunta ang aking ina sa kwarto ng marinig ang aking iyak. "Bryan anong ginawa mo kay Jake?" Tanong ng aking ina habang pilit ako nitong pinapatahan. "E tarantado 'yang anak mo e! Nakitang natutulog ako! Tapos gigisingin ako para magtrabaho? Bawal ba akong magpahinga? Wala na nga akong nabibili para sa sarili ko e, lahat na nga para sa inyo tapos magpahinga lang hindi nyo pa maibigay?" Tugon ng aking ama. Hindi naman ganito magsalita si papa, galit nga ito sa mga salitang kalye at kabastusan. Pero ng mga sandaling iyon ay kabaliktaran ng mga itinuro nya sa akin ang kanyang iniasal. "Ano ka ba Bryan? Bakit ka ba nagkakaganyan? Ano ba'ng problema? Nakahanda na yung almusal mo tsaka yung pagkain na babaunin mo." Saad ng aking ina habang naluluha nadin sa kinikilos at sinabi ng aking ama. "Wala akong problema! Hayaan nyo akong matulog! Tsaka anong baon? 'Wag na 'wag mong ipapakita sa akin yung baon na yan, tsaka 'wag ka na magluto! Ang sama-sama naman ng lasa ng mga niluluto mo! Ano ba! Aalis kayo o ako aalis?" Wika ng aking ama. "Tara na Jake, pagod lang ata ang papa mo. Huwag ka na umiyak, bibili nalang tayo ng laruan mo mamaya." Paanyaya ng aking ina habang patuloy padin sa pagluha. Lumipas ang mga araw, halos dalawang beses nalang sa isang linggo kung pumasok ang aking ama. Hindi na din nito dinadala ang mga pagkain na ibinabalot ng aking ina. Hindi na din kami nagdadasal bago kumain, madalas nang nag-aaway ang aking mga magulang dahil sa pera. Dahil nga sa palagi ng tinatamad ang aking ama sa pagpasok, lumiit ng lumiit ang kanyang sweldo. Dagdagan mo pa ng biglaan nitong paninigarilyo at pag-inom ng alak na hindi nya naman talaga gawain. Nawala na ang masaya, masagana, at payapang pamilya na aking ipinagmamalaki sa pinakaunang bahagi ng kwentong ito. Wala na. Maging ang aking lola ay walang magawa para mapag-ayos ang dalawa. Buwan ng Pebrero, kabuwanan na ito ng aking ina para sa panganganak. At gaya ng inaasahan, humilab na ang tiyan ng aking ina, indikasyon na malapit na itong manganak. Pero ang aking ama? Ayon nasa saklaan, isinusugal pa ang katiting na pera na sinahod nya. Kaya ng mga sandaling iyon ay ang aking lola ang nagsugod sa aking ina sa ospital. Ang buwanang pensiyon din ng aking lola ang ipinangtustos namin sa gastusin sa ospital, maging sa gastusin namin sa punenarya. Oo, namatay ang aking ina at ang sanang magiging kapatid na babae. Sabi ng aking lola ay Jenny raw ang ipinangalan ng aking ina sa namatay kong kapatid. Jenny, napakagandang pangalan. Ng makita ng aking ama ang aking ina at kapatid na magkatabi sa kabaong ay tila doon lang sya bumalik sa sariling ulirat. Itinigil na nya ang kanyang paninigarilyo, pag-inom ng alak at ang pagsusugal. Pero wala na, huli na. Wala na syang magagawa kundi titigan ang kanyang mag-ina na nakahiga sa puting kabaong. Lumipas ang mga araw at nabigyan naman namin ng maayos ng libing ang aking ina at kapatid. Regular na ding pumapasok sa opisina ang aking ama. Pero tuwing umaga, naabutan ko itong nakatulala at umiiyak hawak-hawak ang kanyang baunan ng pagkain. "Mahal, miss ko na mga luto mo, miss ko na mga yakap mo, yung mga kurot mo, sabunot mo, miss na kita mahal. Balik ka na, bumalik ka na. Paghandaan mo na ulit ako ng almusal, ito na yung baunan ko oh, nahugasan ko na. Ay Jake anak? Kumain ka na dito, may niluto na akong itlog at noodles dito, kanina ka pa ba andyan? Pasensya ka na, nagising ka ata ni papa. Pumunta ka nalang kay lola mo sa kabila mamaya kapag gising na sya. Papasok na ako anak, pakabait ka dito kay lola ha? Wika ng aking ama habang namumugto ang mga mata. Nagpatuloy ang aming buhay sa ganoong pagkakaayos, kumakain sa hapag-kainan ng may sobrang isang upuan, upuan iyon ni mama. Lumipas ang mga buwan, tanda ko pa buwan iyon ng Mayo. Habang ang aking lola ay kakatapos lang maglaba, bigla itong umupo at mukhang nahirapang huminga. Alam ko na may sakit sa puso ang aking lola kaya't dali-dali akong kumuha ng isang baso ng tubig at kinuha ang kanyang gamot. Pero kahit anong pilit kong ipalunok sa kanya ang gamot at tubig ay hindi ito tinatanggap ng kanyang lalamunan. Tila pa may sumasakal sa kanya ayon sa kanyang kinikilos. Mabilis akong humingi ng tulong sa mga lalaki sa labas na nakatambay, kinapalan ko na ang mukha ko, nagpatulong ako na dalhin sa ospital ang aking lola. Pero ang naging hatol ng mga doktor ay "dead on arrival". Hindi pa kami nakakausad sa pagkamatay ng aking ina ay sumunod naman ang aking lola. Hindi na namin alam ang gagawin ng mga oras na iyon. Napagisip-isip na ng aking ama ang mga sinabi ni Nanay Ester, kaya't matapos mailibing ang aking lola ay ipinagbili na namin ang bahay na iyon. Agad naman na may nagkainteres sa bahay, kakilala ito ng amo ng aking ama. Mag-asawang negosyante raw ang mga ito at kapwa taga espanya. Mabilis naman na nagkasundo ang aking ama at ang magasawa, nagsundo sila sa halagang isa't kalahating milyon. Lumipas ang mga buwan at isang tawag ang aming natanggap. Tawag ito ng mag-asawa na nakabili sa bahay. Nakalimutan ata nitong pilipino ang kanyang kausap. "Hello po?" Tanong ng aking ama pagkasagot ng tawag. "Esta casa tiene una maldición? Nuestro negocio se vino abajo! Y otro, mi madre murió por un motivo inexplicable! Voy a repetir, Esta casa tiene una maldación?" Galit na wika ng babae sa telepono. "Sorry maam?" Tugon ng aking ama. "Ow, sorry. I'm asking if this house have a curse? Our business fell down and I don't know why. And also, my mother died in unexplainable way! I repeat my question, is this house have a curse?"
Saad ng babae sa telepono. "Maybe? Somehow? I don't know. Sorry maam, I don't believe in curse." Tugon ng aking ama sabay baba ng telepono. Nabalitaan namin na ibinenta na din ito ng mag-asawang nakabili. At kung ikaw ay taga Valenzuela, marahil alam mo na ang bagong gawang Nlex o Slex ay mayroong mga nasagaang mga bahay. Ayon sa balita namin, isang pader nalang ang natira sa bahay na iyon at naging parte na ng kalsada ang karamihan. Mabuti na din iyon para wala ng mabiktima ang bahay na iyon. Tak! Wzzzkk-Wzkkkk-Wzkkkk. Naging mahaba din pala ang ating naging pag-uusap. Tak! Wzzkk-Wzkkk-Wzzkk. Maraming salamat din pala sa pagbisita sa aking kwarto. Napasaya nyo ako. Tak! Wzzkk-Wzkk-Wzzkkk. Gusto ko pa sanang habaan ang pagsulat pero-Tak!-Wzkkk-Wzkkk-Wzkkkk. Hindi nakikisama itong lapis ko. Kanina pa napuputol, paulit-ulit tuloy akong nagtatasa. Mukhang hanggang dito nalang kaibigan. Hanggang sa muli. "Jake! Jake! Bumaba ka na dyan! Kakain na tayo! Nakahanda na ang lamesa. Sigaw ng aking tiyahin. Nako! Kakain na pala kami. Maaga pala kaming matutulog ngayong gabi, nakatakda kasi ang gamutan ng aking ama bukas ng umaga. Nagbilin na din sa akin ang doktor. Baka tatlo hanggang sa anim na buwan nalang daw ang itagal ng aking ama. Hinahanda ko na din sarili ko kung magkatotoo man ang ibinilin sa akin ng doktor. At yung tiyahin ko, nasagasaan ito nitong nakaraan, hindi nya maigalaw ang kalahati ng kanyang katawan. Minsan tuwing gabi, napapaisip ako, tinatanong ko ang sarili ko. Yung bahay nga ba ni Manong Kaloy ang may sumpa? O ako mismo ang nagdala nito sa aming pamilya? "Jake ano ba! Yung pagkain kanina pa nag-aantay!"

-Jake A. Bautista

■Salamat nga pala sa lahat ng sumubaybay simula sa pinakauna. Hanggang sa muling pagkikita! Nawa'y hindi nyo ako makalimutan!

-NagsusulatsiBerserk

Continue Reading

You'll Also Like

30K 248 17
Valentines special that was never released.
7.5K 128 20
Not mine. For Offline (Public/Inspirational) Reading Purpose Only. Credits to the Author. MTL Tittle: 末世之代号09 / Doomsday Code 09 Author: 枉凭栏 After 20...
2.4K 156 15
She didn't know her parents, or why she was different than other elves. However one thing she was certain of that she needed to hide, not show her fa...
9.5K 285 25
A collection of my original platonic yandere one shots and short stories. This book will not be related to any sort of challenge and will be updated...