Scary Stories (Unedited)

By Sheree_Mi_Amour

17.8K 689 40

The stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : T... More

Old Black Book (Parts 1-10)
Old Black Book (Parts 11-17)
Old Black Book (Aswang Stories ni Lola Pacing)
Old Black Book (Pagsalakay Ng Mga Mangkukulam)
NoSleep One-shot Story : Ang baog kong asawa ay nakabuo ng bata
NoSleep One-shot Story : She Sold Happiness in Glass Jars
NoSleep One-shot Story : Nag-iwan ng liham ang aking Matalik na Kaibigan.
NoSleep Series : Sulat ng Naunang May-Ari ng Apartment (Parts 1-5)
NoSleep Series : Sulat ng Naunang May-Ari ng Apartment (Parts 6-10)
Molen (Parts 1-4)
Molen (Parts 5-8)
Molen (Part 9)
It was me (Parts 1-5)
It was her (Parts 1 & 2)
Hospital sa Bicol (Parts 1-3)
Playmate (Parts 1 & 2)
Apo ng Kapitan (Parts 1 & 2)
Simbahan (Parts 1 & 2)
Pagkagat ng Dilim (Parts 1 & 2)
Life of a Fire Fairy (Parts 1 & 2)
Krayola ni Aubrey (Parts 1-5)
Random (Parts 1 & 2)
Babaeng nakabelo (Parts 1-3)
Cirque de Merveilles (Parts 1 & 2)
Creepy childhood (Parts 1-3)
Home sweet home (Parts 1 & 2)
Halimaw sa Banga (Parts 1-5)
Wag kang maingay (Parts 1-4)
Wag kang maingay (Parts 5-7)
Scarecrow (Parts 1-5)
My Untold Story (Parts 1 & 2)
NoSleep Series : Ang katotohanan sa likod ng coronavirus. (Parts 1-3)
NoSleep Series : 1000 Metres below the sea (Parts 1 & 2)
NoSleep Series : Ang trabaho ay panoorin ang babae... (Parts 1 & 2)
NoSleep Series : Ang trabaho ay panoorin ang babae... (Parts 3 & 4)
NoSleep Series : Ang kwento ng babaeng may hawak na orange (Parts 1 & 2)
NoSleep Series : Nagtatrabaho ako sa Child Protective Services (Parts 1 & 2)
NoSleep Series : Mga Kwento ni Lolo noong siya ay Detective pa
POPULAR island in South Luzon
Jonestown Massacre
Hello Anne
April Fools (Part 1 & 2)
My Bestfriend's Creepy Experiences (Parts 1-5)
My Bestfriend's Creepy Experiences (Parts 6-10)
Bestfriends Goals, Creepy Experiences (Part 11-15)
Bestfriends Goals, Creepy Experiences (Part 16-18)
My Cousin is a Killer (Parts 1 & 2)
The Crying Lady (Parts 1 & 2)
Ang Dulong Unit (Parts 1 & 2)
Orasyon Version 2.0 (Parts 1-4)
A Chronicle of Sisig (Parts 1 & 2)
NoSleep One-shot Story : Nakakairitang habit ng Girlfriend ko
NoSleep One-Shot Story : Hell's Fat Camp
NoSleep One-shot Story : A Package Marked 'Return to Sender'
Pass it to the Aisle (Parts 1-5)
Where's Christine? (Parts 1-3)
Haunted Bodega (Parts 1-6)
COVID PUI/PUM (Parts 1 & 2)
Double-Walker (Parts 1-5)
Ang Yaya ni Madam (Parts 1-7)
The Tricycle Chronicles (Parts 1-4)
The Tricycle Chronicles (Parts 5-8)
Cronica Bruja (Parts 1-4)
Ang Sundo
My Half Sister's Abilities (Parts 1-3)
My Half Sister's Abilities (Parts 4-6)
My Half Sister's Abilities (Parts 7-11)
Esta casa tiene una maldición? (Parts 1-4)
Esta casa tiene una maldición? (Parts 5-9)
NBI Classified Files: HABAS (Parts 1 & 2)
Delivery Man (Parts 1 & 2)
Leave no trace
If Heaven was needing a Hero
Tricycle (Parts 1 & 2)
Call Center Stories
La vie en Rose
Ang Tanging Larawan Mo (Parts 1-4)
Ang Tanging Larawan Mo (Parts 5-8)
The Black Spell of India
It's not the House that's Haunted (Parts 1 & 2)
Her Husband was a Demon (Parts 1-3)
Huling Lamay
Sagradong tahanan, bakit pinamumugaran?
Never missed a phone text (Parts 1 & 2)
Heredity or Obsession? (Parts 1-3)
Halik ng Kamatayan, Bunga ng Kataksilan (Parts 1-3)
Creepy Annie (Parts 1 & 2)
What would you do, if you saw you?
The only tattoo I have were scars (Parts 1 & 2)
Lumabo ngunit hindi naglaho & Kira
Anong kwento ng School n'yo?
Murdered by NPA's
A Friend of Mine
Walang iba pero hindi na ikaw (Parts 1 & 2)
Kamatayan sa kamay ng Engkanto at Aswang
Bes, hindi ako baliw
Missing Jeepney Passenger & Love in the Time of Corona
The Last Yosi Break & Fire Alarm
The Getaway
Kuya Bing (Parts 1 & 2)
Compiled Stories 1
An Encounter with a Ghost (Tara uwi na tayo)
Paranormal Investigation : I saw myself sleeping and vanished
Kevin Alimango
Paranormal Investigation: Girl in the mirror-double (Parts 1 & 2)
Paranormal Investigation : She's like me (Parts 1 & 2)
Her Name Is Hana
Mercedes
Spirit of the Glass
The Unholy (Ang Mama Mary na Rebulto)
Angkan ng mga Aswang (Parts 1 & 2)
House for Sale (Parts 1 & 2)
My Guardian Angel (Parts 1-3)
BPO Stories #1
BPO Stories #2
BPO Stories #3
BPO Stories #4
BPO Stories #5
BPO Stories #6
Kuwentong Dubai
Isla sa Batangas
Paranormal Investigation : Rest Less House (Parts 1 & 2)
Paranormal Investigation : Rest Less House (Parts 3 & 4)
My Adopted Daughter (Parts 1-3, Cora)
My Adopted Daughter (Parts 4-7)
My Adopted Daughter (Parts 8-10)
Bloodline (Parts 1-3)
DJ Samboy, paki imbestigahan naman
Hindi si Ian yung pinagbuburulan natin
11-year old kid (Parts 1-3)
NBI Classified Files : The Devil was here & The Candy Man
NBI Classified Files: Habas (Parts 1 & 2)
Tawid Dagat
8 Real Life Pinoy Celebrity Horror Stories
5 Office Horror Stories That Will Give You the Chills
Bantay : Dalawang Lalaki
Kupido o Kamatayan? - Book 1 (Parts 1-3)
Kupido o Kamatayan? - Book 1 (Parts 4 & 5)
The Awakening - Book 2 (Parts 1-3)
The Three : Sierra, Kenneth & Michael - Book 3 (Parts 1-3)
The Three : Sierra, Kenneth & Michael - Book 3 (Parts 4-6)
Unwanted Call
NBI Classified Files: Baryo (Parts 1-4)
NBI Classified Files: Baryo (Parts 5-9)
Internet Security Company
Compiled Stories 2
Compiled Stories 3
Online Class (Parts 1-4)
Laboratory
St. Elmo's Fire and Company (Parts 1-3)
Misteryosong Tahanan o Nilalang? (Parts 1-3)
Compiled Stories 4
Compiled Stories 5
Kakaibang karneng hinahain at ang mga amo niya (Parts 1-4)
Online Business : Kakaibang Buyer
Pag nakita mo si tito na paparating i-lock mo yung pinto at bintana (Parts 1-3)
Kwarto
Oras
Compiled Stories 6
Sino ang Mangkukulam? (Parts 1-3)
Compiled Stories 7
Cakeshop (Parts 1 & 2)
Simbahan
Merville Park
Compiled Stories 8
Hiking Experiences 1
Omise sa Japan
Tragic Vacation
Compiled Stories 9
Caliber4 on Call (Parts 1-5)
Compiled Stories 10
Compiled Stories 11
Daemon By My Side (Parts 1-3)
Daemon By My Side (Parts 4-6)
Iloilo (Parts 1 & 2)
Impostor (Parts 1-3)
Music Box (Parts 1-3)
Sa dilim, may nakaabang na patalim
Nakaw (Parts 1-4)
Pass it to the Aisle (Parts 1-5)
Cora
Compiled Stories 12
847 Community (Parts 1-5)
847 Community (Parts 6-10)
Guardian Angel and its Owner (Parts 1-4)
Samar Chronicles (I-III)

Maristella (Parts 1-4)

156 6 0
By Sheree_Mi_Amour

Maristella (Parts 1-4)

Part 1

Tawagin nyo ako sa pangalang Giann. 21 years old at nakatira somewhere in Visayas. Nakapagtapos ng Señior High School at nakapag decision na tumigil muna at subukan ang pagtratrabaho. Hindi namn kami mayaman, di rin mahirap, kumbaga sakto lang. Hindi naman siguro paligsahan ang pag angat sa buhay, naka depende naman yun sa kung anong diskarte mo. May Tito ako na isang Canine (K-9) Instructor na nag enganyo sakin na pumasok at mag schooling sa companya nila. Sakto naman na dog at pet lover kaya pumayag ako sa offer nya na mag K-9 Student Handler. Gabi palang nag impake na ako mg mga gamit ko para sa mga gagamitin ko kapag training na. Kinabukasan, medyo kinakabahan at iniisip kong ano kaya ang itsura ng training camp namin. Pagkarating namin doon sa camp na pag t'trainingan namin napansin ko medyo bukirin at medyo malayo sa highway papuntang syudad. "Tito Ben dito na ba talaga? Ba't puro bundok at mga puno kaharap natin dito?" Tanong ko kay Tito. "Nako naman Gian, walang training camp na malapit sa mall at park, pag isip ka rin naman minsan." Sagot nya sakin. May point sya dun pero nakakapanibago lang talaga lalo na't hindi ka sanay. Pumunta kami sa Dog Cages kung saan mamimili kami ng asong gagamitin ko sa training. Bukod sa attractive looking, hindi rin common ang color, at mukhang malambing naman, pinili ko nalang yung Belgian Shepperd na babae at ang pangalan nya ay Aubrey. Matapos kami pumili ng aso ko sabi ni tito mag masid nalang muna ako sa paligid ng camp dahil may pag uusapan daw muna sila ng Boss nya. Inayos ko ang mga gamit ko sa Barracs namin at nag bihis muna. Maganda naman ang training camp namin, bukod sa nasa ibabaw ng bundok ang training camp, may canteen, searching area para sa bomb and narcotics, office, malawak na ground para paglaruan ng aso, malamig din ang hangin, tahimik, at maaliwalas kapag gabi. Sa pag mamasid ko may napansin akong lumang bahay sa likod ng training camp namin. Kakaiba ang bahay dahil makaluma talaga lalo na ang disenyo. Nakakapanibago sakin at mukhang kakaiba kaya pumasok at nag masid ako. Pag pasok mo palang talaga sa bahay kakaiba na ang aura. Maalikabok, at mukhang paglalagyan nalang nila ng gamit na sira na, kumbaga ginawang bodega. Sa tapat ng pintuan makikita mo agad ang sarili mo, bakit? Dahil may malaking salamin na naka harap sayo pag bukas mo ng pintuan. Sa pagkaka alam ko bawal yata yung ganyan eh. Lumapit ako sa salamin, nagpapacute at nag a'arange ng ayos ng buhok ko. Sa gilid may sofa ngunit hindi naman sira, may lamesa, at may naka lagay na maliit na teddybear. Tinitigan kong mabuti ang teddybear. Kapansin-pansin ang teddybear dahil nawawala ang kanang mata nya at isa pa, amoy pabangong parang pambabae. Ng hinawakan ko ang teddybear tapos inamoy, biglang nag close ang pintuan ng malakas at may pumasok na hangin mula sa labas papunta sa loob at napaka bango. Kumalabog ng malakas ang bubong at ang mga ibang gamit ay natumba bigla. Biglang nag sara lahat ng bintana at may mga nakakatakot na ingay at sigaw. Binato ko yung teddybear tapos pilit kong buksan ang pintuan tapos katok ng katok. "Putaaaaaa palabasin nyoko ditoooo!!" Sigaw ko. Nakarinig ako ng tawa ng isang babae, sa isipan ko minulto na ako kaya panay ang pag patak ng pawis ko. Pag lingon ko sa likuran ko, ang maalikabok na salamin ay may marka na ang gamit ay parang lipstick na may katagang ."Magsisisi ka!" ang nakalagay. Sa totoo lang takot na takot ako dahil biglang pumasok sa isipan ko ang Movie na "Anabelle" nun. Napansin ko parang may kung ano sa mukha ko kaya lumapit ako ng dahan-dahan sa salamin. Napansin ko parang may markang linya na pula sa kaliwang pisngi ko. Pinunas ko at inamoy, tila ba amoy lipstick nga na cherry. Alam ko yan dahil ganyan ang lipstick ni mama noon na ginagamit nya. "Langyang pangyayari to, akala ko training camp to eh parang bahay to ng may mga baklang multo." Sabi ko sa sarili ko para kunwari hindi ako natatakot. "Sobrang judgemental mo namang lalake ka.." Biglang napadilat ang mata ko sa narinig kong mahinhin at mysteryosong boses. Habang nakaharap ako sa salamin nakikita ko sa likuran ko na nakalutang yung teddybear na binato ko kanina lang. Nanginginig ang mga tuhod ko sa takot at halos hindi ako makagalaw. Nakarinig ako ng babaeng nakakatakot kung tumawa at isang malamig na hangin ang dumampi sa batok ko. Habang nakatitig ako sa salamin, may unti-unting lumilitaw na imahe sa likuran ko. Ang lahat ng takot ko ay napalitan ng pagtataka at mabilis na pag kabog sa aking dibdib. May nagpakitang isang babae na hawak-hawak nya ang teddybear. Tawa sya ng tawa at mapapansin mong kakaiba ang itchura nya. Isang babaeng walang damit na tumatawa sa likuran ko. May mahaba syang buhok na nakatakip lang sa harapan nya at may soot na napaka ikling palda na may usok na nakapalibot sa katawan nya at sya si Stella. "Oh? Akala ko ba takot ka? Hihi titig na titig ka ah." Sabi nya sakin. "Ahhhh nako h-h-hindi ahh! Ako matatakot sa ganung bagay, sus." Sagot ko sa kanya. "Hmmm ganun ba, hays kung ano-ano nalang ang pinag gagawa ko lahat nang nandito hindi talaga natatakot." Sagot nya rin sakin at tila ba nadismaya. "Ahh ano miss ah eheheheee joke lang yon medyo natakot ako ng konti dun gulat nga ako ehh ehehe." Sagot ko rin sa kanya. Nagtawanan nalang kami na para bang nawalan ako ng takot sa kanya. Nagpalitan kami ng tanong at sagot tungkol sa aming mga pangalan. Sa isang kurap mo lang bigla na lang syang lilipat ng pwesto. Magsasalita sa likuran ko, sa gilid, sa harap, at minsan bigla nalang lalabas sa kabinet habang panay ang pag uusap namin. Mapapansin mong madaldal sya at mukhang may pagka isip bata. Kapansin-pansin talaga ang itsura nya, makurbang katawan, maputi, medyo malaki ang hinaharap, attractive looking, makapal ang kilay, at syempre may ngiting hindi makabasag pinggan. Bigla akong nag tanong sa kanya. "Ahh Stella ano ka ba? Diwata kaba oh ano?" At bigla syang napatigil sa pag sasalita nya. Bigla akong napa upo sa maalikabok na sofa na para bang may humihila sakin. Nag lakad sya sa harapan ko at umupo. "Sa totoo lang Giann, hindi ko alam kung ano ako. Maharil isa lang akong ligaw na ispiritu na nananatili sa lugar na to ng Isangdaan at dalawang taon (102yrs) na kasama ang teddybear na to." Di ko inakala, ang tanda at ang tagal na nyang namamalagi dito. "Palaboylaboy lang ako sa campo na to, naghahanap ng katanungan at kasagutan, tanging pangalan ko lang ang naalala ko." Sambit nya sa akin. Malungkot ako para sa kanya dahil may malalim na kabuhulan ang mga sinasabi nya, ngunit nakangiti pa rin sya kahit sobrang lungkot na ang nakikita ko sa mga mata nya. "Ganun ba Stella, pasensya ka na." Sabi ko sa kanya. "Okay lang yun, wala namang problema sakin yun eh." Sagot nya sakin. "Ahh nga pala Stella itatanong ko sana bakit.." sabi ko sa kanya. "Bakit? Ano?" Sagot nya sakin. Tatanungin ko sana bakit ganya ang kasuotan nya kaso baka sabihin nyang manyak ako kaya tinanong ko nalang na "Bakit nakikita kita at nararamdaman bawat kilos mo?". "Nahawakan mo kase si Jackie (teddybear)." Sagot nya sakin. "Ganun ba? Ibig sabihin ba nun kung may makakahawak kay sa kanya makikita kana ng iilan?" Tanong ko ulit sa kanya. "Hindi. Kase ilang beses ko nang nilagay si Jackie sa Barracks nyo at sa canteen tapos may humahawak hindi parin nila ako nakikita eh." Sagot nya uli sakin. Naisip ko na baka sa lahi na talaga namin to na nakakakita ng hindi pangkaraniwan dahil ako, si Mama, Lola at dalawa kong Tita na nasa abroad ay nakakakita din. Habang nagsasalita ako na "Ang weird nun so ako lang.." sa isang kurap lang biglang sumulpot si Stella sa likuran ko at bumulong na "Kaya nga ang saya ko eh ehehehe." Habang pababa ng pababa ang kamay nya mula sa balikat ko hanggang sa tyan ko. Naninigas ang lalamunan ko dahil baka kung ano ang gawin nya kaya pumikit nalang ako sabay lunok ng laway mula sa lalamunan ko. Nang biglang may tumawag sakin. "Giann! Anjan kaba? Tara na't kailangan mo pang mag fill-up at mag pass ng requirements pagkatos kakain na tayo." Si Tito Ben pala. "Opo Tito lalabas na ako saglit lang." Sagot ko sa kanya. Biglang bumukas ang pintuan at makikita mong naka harap at naka abang lang si Stella sa pintuan habang nakangiti. Pag labas ko niyakap nya agad ang braso ko ng mahigpit. "P*%#@ jusko!" Sabi ko sa sarili ko habang namumula. "Oh bakit anong nangyari?!" Tanong ni Tito Ben sakin. "Ahh ehh hahaha wala Tito ngayon ko lang naalala na nakalimutan ko pala Toothbrush ko." Alibi ko naman kay Tito. "Ahh wag kang mag alala may extra ako dun sa bag ibibigay ko nalang sayo yun." Sabi ni Tito Ben sakin. Totoong hindi nakikita ni Tito Ben si Stella, at hindi nya rin naririnig. "Kunwari kasintahan moko ngayon Giann hihihi tagal ko na di naka yakap ng ganto." Sabi naman ni Stella sakin. Hindi ako mapakali sa ginagawa nya lalo na't nakakaramdam ako ng malambot sa kaliwang braso ko. "Nga pala Giann, next 2days aalis ako at may aasikasuhin pa akong mga papel sa atin. Ingatan mo sarili mo, lalo na't matatakutin kapa naman." Anya ni Tito Ben sakin. Tumango lang ako at hindi makapag salita. Pag dating namin sa harap ng office biglang huminto si Stella at napahinto rin ako. "Oh anong problema Giann?" Tanong ni Tito sakin. "Teka lang tito i'ihi muna ako saglit dito." Sabi ko sa kanya. "Oh sya sge iho pasok ka agad ahh at kakausapin kapa ng Boss natin." Anya ni Tito sakin. Pagpasok ni Tito sa opisina nag usap kami ni Stella. Sabi nya di na muna sya tutuloy at babalik nalang muna sya sa lumang bahay. Tinanong ko sya kung bakit. Lumapit sya sakin ng malapitan at bumulong ng "Basta, ang maipapayo ko huwag na nalang hahawak ng bagay na mysteryoso at hindi pangkaraniwan. Aalis na ako ah, bukas nalang ulit. Yung bilin ko sayo Giann." Sabi nya sakin. "Eh bakit ngaaaaaa?" Sa isang kurap ko lang bigla na namang lumipat sya sa likuran at bumulong na "May nakatingin sa atin, hindi lang dalawa kundi tatlo."

Part 2

ATTENTION!
•Nabasa ko comment and sad to say na bash ako dahil wala daw Belgian Sheperd na aso. Halatang mangmang at walang alam nagyayabang sa comment. Asal aso rin eh.

[Continuation]

Pagkatapos kong marinig ang sinabi ni Stella sakin nagtaka ako kung ano ang ibig sabihin nya. Kaya lumingon ako at sinabi na "Ano bang pinag..., ayun nawala kana naman bigla." Sambit ko sa sarili ko. Siguro nasa paligid lang si Stella nagmamasid kaya pinabayaan ko nalang. Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan at pumasok na sa opisina para sa interview, at magpapasa ng mga papeles. 30 minutes ang nakalipas at natapos narin kami kasama si Tito Ben sa opisina. Malapit na mag 6PM kaya sinamahan nya ako sa canteen namin. "Oh sge iho jan ka kakain habang ako doon sa kabila kasama ng mga iba pang instructor din. Mag hanap kana jan ng mga kasama mo." Anya ni Tito Ben sakin. "Opo Tito wag po kayong mag aalala." Sagot ko naman sa kanya. Pag pasok ko doon napaka tahimik ng canteen. Lima pa pala kaming estudyante na narito. Sila sina Jeff, Daryl, Marcus, Ed, at Ako. Expected ko kase marami kami, pero sa palagay ko madadagdagan ma kami dito. Pagkatapos kong kumuha ng pagkain nag hanap ako ng pwesto ko. Biglang lumapit ang isa sa kanila at umupo sa tapat ko, si Jeff. Madaldal din itong si Jeff at maraming tanong, parang radyo di mauubusan ng mga salita. "Oy mga bruh ! May bago tayong kasama ! Si Giann nga pala." Sigaw ni Jeff sa mga kasamahan namin habang kumakain. Nag kawayan lang kami at nag kamustahan sa isa't isa. Di kalayuan sa inuupuan ko, sa likuran ni Jeff may bintana. Naka silip lang si Stella tapos kaway sya ng kaway. Isip bata talaga, may palabas-labas pa ng dila tapos mukhang nang aasar. Sa isipan ko nasabi ko talaga na "Andito na naman si Stella, ano naman kayang kalokohan gagawin nito." Sumemyas sya na papasok daw sya. Malayo ang tingin ko habang si Jeff salita ng salita sakin. Alam ko mang-iistorbo na naman to kaya padilat-dilat ako ng mata sa kanya at sumenyas na wag pumasok. "Anong ginagawa mo bruh?" Tanong ni Jeff sakin. "Ahh ano lang ah wala bruh haha nakoo patay tayo ditoo..." sagot ko kay Jeff habang pahina ng pahina ang boses ko. Biglang sumulpot si Stella sa tabi ni Jeff. Dalawa silang naka harap sakin ngunit nakikinig lang si Stella sa pinagsasalita namin. Pilit kunin ni Stella ang attention ko sa pamamaraan na parang nang aakit na. May pa kindat-kindat at may pa nguso-nguso pa. "Bweset ka tumigil kana Stella." Bulong ko habang naka tingin ako sa pagkain ko. "Ano yun bruh?" Tanong ni Jeff sakin. "Ano lang bruh sarap pala ng pagkain dito no? Aheheh" sagot ko sa kanya habang patuloy sya sa pag k'kwento nya. Pilit na ayaw kong pansinin si Stella dahil mapagkakamalan na akong baliw ni Jeff pag paulit-ulit nalang akong ganto. Kaya ang ginawa ko tinutok ko lang ang mata ko sa pagkain ko habang tango lang ako ng tango sa mga pinagsasabi ni Jeff. "Ahhh ayaw moko pansinin Giann ah." Sambit ni Stella sakin at bigla nalang syang nag tatakbo at pinag hahampas nya ang mga kagamitan sa loob. Binasag nya yung ibang baso, nilaglag nya ang mga tinidor at kutsara pati na yung mga gamit sa pag luluto. Pagkatapos kinuha nya yung megaphone tapos nag sisigaw ng malakas at nakakatakot. Naalarma ang lahat at mukhang gulat na gulat sa pangyayari, habang si Stella nman halos mamatay matay sa kaka tawa. Si Marcus, Ed at si Darly halatang matatakutin dahil tumakbo sila palabas ng canteen at iniwanan ang pagkain nila. Si Jeff naman nararamdaman ko na nanginginig ang tuhod nya at pinagpawisan na. Pero pinilit nya parin maging kalmado kahit takot na takot na. "Nga pala bruh, ingat-ingat ka sa lugar na to, maraming ligaw na kaluluwa at mga maligno na pakalat-kalat dito sa camp natin. Nag tanong ako sa mga bahay na malapit lang sa camp na to dati daw itong pinagtatapunan ng mga patay. Hindi ko alam kung totoo ba sinasabi nila pero mararamdaman mo talaga ang ingay at mga ginagawa nila." Anya ni Jeff sakin habang sumabat naman bigla si Stella at sinabi na "Blaaaah! Ka lalaking tao nyo matatakutin kayo, bakla." Habang tumatawa. "Lalo na dun sa Lumang bahay na pagtatambakan ng mga di na magagamit, nararamdaman kong may namamalagi doon na nakakatakot at panget na multo dun." Sabi ni Jeff sakin. Hindi ko alam kung matatakot ako o matatawa sa sinabi nya. Napikon si Stella kaya binalibag nya ang plato ni Jeff na may pagkain pa at napatigil sa pag sasalita si Jeff. Tinakpan ko ang mukha ko dahil alam kong matatawa ako sa mga pangyayari. Pagkaraan ng limang minuto lumabas na kami ni Jeff sa canteen kasama si Stella na nasa gilid ko lang at mukhang nagtatampo. "Sasakakalin kita mamaya sa pag tulog mo." Sabi ni Stella habang naka tingin kay Jeff. "Oh bruh Giann, pano ba yan mauna na muna ako sayong bumaba't mag yoyosi pa ako at matutulog na din." Sabi ni Jeff sakin. "Oh sge bruh maya na muna ako bababa't tatawag pa ako sa Mama ko para kumustahin sila, hihintayin ko din si Tito Ben." Sagot ko naman kay Jeff. Pagkatapos nun ay bumaba na si Jeff at kami ni Stella nalang ang naiwan sa labas ng canteen. Tumingin ako kay Stella at mukhang na badtrip sa sinabi ni Jeff. "Wag mo na pansinin yon..." sabi ko kay Stella. Di ko alam pero natatawa talaga ako sa nangyari at bigla akong napatawa ng malakas. "Ahh tatawa tawa ka ah." Sabi ni Stella sakin at bigla nya akong sinabunutan. Pagkaraan ng ilang minutong sabunutan at harutan humarap ako sa kanya. Nag titigan kaming dalawa, tahimik, at walang imik. Di ko mapigilan kaya nag salita ako at sinabi na "Pwede ba Stella.. ahhhh." "Na ano Giann?" Sagot naman ni Stella sakin. "Pwede ba naaaaa... uhmm.... anoooooo ahh... pwede ba mag bihis ka naman ng maayos? Kasi halos mag hubad kana sa harapan ko eh, nakaka ilang." Habang sinasabi ko sa kanya yan binaling ko ang tingin ko at pumikit, tapos pa gaway-gaway ng dalawang kamay tas naka silip ang isang mata. "Ahhhhh ahehe g-ganun ba? Akala ko kung ano na sasabihin mo eh, maliit na bagay ehehe. Bakit ano ba gusto mong suot ko?". Tanong no Stella sakin. "Yung medyo pormal naman di yung ganyan, yung naka T-shirt, tas ano ahehae mag short ka pero di gaanong makili." Sagot ko kay Stella. "Bukas na Giann, matulog kana't para narin makapag pahinga ka ng maaga." Sagot rin ni Stella sakin. Nagpaalam na kami sa isa't isa ni Stella dahil bababa na ako. Akmang tatalikod na ako ng biglang may sumigaw ng malakas sa CR ng mga lalake sa babae malapit sa Barracks. "Boses ni Jeff yun ah!" Sabi ko kay Stella at agad na bumaba kami para puntahan si Jeff. Pagkarating ko sa CR ng mga lalake naka upo lang sa gilid si Jeff habang nanginginig. Punong-puno ang CR ng mga nagkalat na dugo sa pader at may biglang nakapasok na uwak mula sa bintana papasok sa CR. Bigla rin itong nalaglag sa sahig habang nagliparan ang mga itim na balahibo nito sa loob ng CR. Hinatak ko si Jeff palabas ng CR at itinakbo ko sya papalayo. Nang maka rating kami sa ground ay pinakalma ko sya at tinanong kung ano ang nangyari. Ang sabi nya pagkatapos nyang mag CR humarap sya sa may malaking salamin. Nag iba daw ang itsura nya na tila ba nakakatakot. Bigla nalang daw syang nakarinig ng kakaibang boses at unti-unting nahihilo at nagsilabasan daw ang mga dugo mula sa gripo. "Siguro nagalit sakin yung multo dahil sa sinabi ko kanina." Anya ni Jeff sakin. Nagtaka ako dahil ang may gawa nun kanina sa canteen ay si Stella. Kasama ko rin sya mula pag labas hanggang sa pag punta sa kinaroroonan ni Jeff. Bigla kong naalala na naiwan ko si Stella sa CR kaya bigla akong tumayo at sinabi kay Jeff na "Teka lang bruh babalik rin ako." At tumakbo papunta sa kinarorooonan na Stella. "Oyy wag mokong iwan dito bruh!" Sigaw namn ni Jeff sakin habang palayo ako ng palayo sa kanya. Habang papalapit ako sa CR naaninag ko si Stella, parang may kausap. Dahan-dahan akong nag masid sa kanya at nag tago sa gilid ng pader. Nagtataka ako, si Stella nakikita ko, pero yung kausap nya hindi at anino lang ang naaninag ko. Nakarinig ako ng sigaw nila Tito at iba pang kasamahan nya. Kaya napalingon ako, pag lingon ko pabalik bigla nalang naglaho si Stella at ang anino na nakausap nya. Kinabukasan, inimbestigahan ang nangyari. Napag alaman ni Tito Ben at iba pang mga nagta'trabaho sa camp na may nag lagay ng patay at duguan na aso sa loob ng water tank. Pinakiusapan ako ni Tito na kung maari ay maging tahimik at tikom ang bibig ko sa lahat ng pangyayari. Inaalam pa nila ang buong pangyayari at kung sino ang may gawa nito. Napansin ko hindi ako kinulit ngayong umaga ni Stella kaya napagdesisyunan ko na pagkatapos kumain, pumunta agad ako sa lumang bahay. Pagkarating ko doon ng biglang..

Part 3

Biglang may nakita akong karatula na. "Bawal pumasok dito" at nakalagay ito sa pintuan. Naka bukas naman ng konti yung pinto at hindi naka lock kaya tingin ako ng tingin sa paligid baka may makakakita sakin. Dahan-dahan akong pumasok at pumunta sa may sofa kung san ko unang nakita si Stella. Nanjan naman yung teddybear nya na si Jackie pero yung may-ari wala. Nararamdaman ko na nasa paligid lang sya. Pero tila ba nakakapanibago. Masangsang ang amoy sa loob ng bahay di gaya nung una na mabango. Maya-maya pa nakarinig ako ng kalabog sa pintuan patungong kusina. Dahan-dahan akong lumapit at nang binuksan ko ay napasigaw ako ng malakas. Kakaiba ang itchura ni Stella, nakakatakot, pinapalibutan sya ng mga langaw, mga malalaking bulate, centepede at duguan ang kanyang buong katawan. Lumingon sya sakin at dahan-dahan na lumapit habang pilit nyang inaabot ang mga kamay nya. Takot na takot ako sa kanya, kaya humahakbang ako paatras ng dahan-dahan din. "Giann? Halika nga dito payakap nga..." anya ni Stela sakin na boses nakakatakot at para bang tatlong tao ang nag sasalita. "Ayoko Stella ! Umalis ka! Paki-usap umalis ka !" Sa sobrang takot ko pinagpawisan talaga ako at nanginginig ang mga tuhod. "Akala ko ba kaibigan tayo? Anong nangyari sayo? Magtatampp talaga ko nyan." Sambit naman ni Stella sakin. Hanggang sa naka dikit na ako sa pader at walang matatakbuhan. "Pakiusap Stella wag kang lalapit!" Sabi ko sa kanya habang pinipikit ko ang akung mga mata. Biglang huminto si Stella sa pag hakbang. Nagtataka sya sa mga kilos ko. Tinignan nya ang mga kamay nya at hinawakan nya ang mukha nya. "Takot ka kase sakin kaya ganyan ang nakikita mo, iba ang itsura ko." Anya ni Stella sakin. Dahan-dahan akong dumilat at tinignan sya. "Nagbabase kase ang itsura ko sa pananaw ng taong nakakahawak kay Jackie. Kung nasa iyong isipan at dibdib na ako'y isang nakakatakot na nilalang, iyon din ang ihahatid ng iyong damdamin palabas sa bintana nang iyong mga mata Giann." Sambit ni Stella sakin. Nagtaka ako kung bakit ganyan ang nakikita ko. Marahil dahilan ito sa naging pangyayari nung gabing iyon. Malungkot syang nakatitig sakin dahilan ng aking mga nasabi at makita sa kanya. Kaya nilinaw ko ang isipan ko at damdamin, at huminga ng malalalim habang pinipikit ko ang aking mga mata. Pag dilat ko, bumalik sa dati ang kanyang anyo. Napangiti ako at napansin nya na bumalik na sa normal ang kanyang anyo kaya ngumiti sya ng napakatamis. Nag iba ang amoy sa paligid at tumakbo sya papunta sakin. Tinulak nya ako sa naka bukas na kabinet at pumasok sya ma para bang may balak na gagawin. Sa loob ng madilim na kabinet nakaramdam ako ng mainit na yakap at malambot na ewan ko kung ano. Tawang tawa sya habang sigaw naman ako ng sigaw dahil sa naiipit ang kaliwang kamay ko sa likod ko. Kaya lumabas ako sa kabinet at at hiningal ako dahil sa pinagagawa nya. Umupo ako sa sofa habang naka harap sa kabinet, hindi pa sya lumabas. "Giann diba sabi mo mag palit ako ng damit?" Tanong nya sakin. "Oo syempre ayokong ganyan ka gusto ko yung pormal talaga." Sagot ko sa kanya. Pag labas nya sa kabinet naka suot sya ng pang 90's na damit. "Oh eto? Okay na ba to?" Tanong nya sakin. Medyo baduy tignan si Stella eh kaya napa "HINDI" ako ng sagot sa kanya. Kaya pumasok sya sa loob ng kabinet at lumabas ulit. Naka daster si Stella, bagay naman sa kanya pero ayoko dahil mag mumukha syang 'White Lady' kung ganon kaya hindi parin ako sangayon sa suot nya. Limang ulit syang labas-pasok sa cabinet, hanggang sa kahuli-hulian nyang labas napa nga-nga ako. Ang sexy at ganda nya talaga kapag naka suot sya ng T-shirt, short, tapos nakatali ang buhok. "Oh? Ano okay ba to? Pag ayaw mo palitan ko uli to." Sabi ni Stella sakin. "Nako wag okay na okay yan ganda mo nga eh." Sagot ko sa kanya. Abot taenga ngiti nya tapos maypa buhayhay pa sa buhok. "Bruh Giann! Anjan kaba? Punta na tayo sa Dog Cage bruh palabas tayo ng aso para mag start ng basic command." Sigaw ni Jeff sakin. Tinignan ko ang relo ko at 8AM na ng umaga. "Oh sge bruh!" Tapos lumabas ako kasama nya si Marcus. Sumunod naman si Stella sakin habang nakayakap sa braso ko at mukhang masaya at may pa kanta-kanta pa. Pag dating namin sa Dog Cages nagpalabas na kami ng pinili naming aso para sa training. Basic commands lang ang ginawa namin gaya ng pagpaupo, pagpadapa, at pakikipag laro ng bola sa aso. Nasa gilid lang si Stella nanonood sa amin ilang metro ang layo. Nadistract ang aso kong si Jacob, naka tingin sa kinaroroonan ni Stella. "Tingin ko nakikita nya ako Giann." Sigaw ni Stella sakin. Hinila ko aso ko papunta sa madamo at malawak na lula at nag tapon ng bola para ibaling ang atensyon nya. Ilang minuto ang nakalipas napag pasyahan ko na ipasok na muna sa kulungan si Jacob. Habang nag lalakad kami patungo sa Dog Cage napansin ko naka upo lang si Stella sa damuhan. Sitsit ng sitsit si Stella at inaasar nya aso ko tapos tawa ng tawa. Tahol ng tahol din si Jacob dahil mukhang nainis ito kay Stella. Nahihila na ako ng aso ko dahil sa gusto itong lumapit kay Stella. Lalapit ng kaunti si Stella tapos aasar asarin nya si Jacob. "Tigilan mo yan Stella tinotopak kana naman. Mahirap hilain tong aso na to kaya itigil mo na yan asungot ka!" Sabi ko kay Stella. Ngunit patuloy nya paring inaasar ang aso ko. "Giann ! Anong ginagawa mo jan!" Sigaw ni Tito Ben sakin. "Hilain mo na yang aso mo't ibalik mo na yan sa kulungan." Sigaw ulit ni Tito sakin. Tawang tawa si Stella sa ginagawa nya. "Mamaya ka sakin.." bulong ko sa sarili ko. Pagkatapos kong ipasok sa kulungan si Jacob pumunta agad ako kay Tito Ben para humingi ng instruction pano kontrolin ang aso. Marami syang naituro sakin, maliban nalang sa sinabi nya na "Ngunit hindi mo mapipigilan kung ano ang nakikita nila na hindi mo makikita." Kaya naman napataas ako ng kilay at sinabi ko sa isipan ko na "Nakikita ko Tito, binubweset na nga ako lagi eh." Tapos nag pahinga muna kami. Napansin ko wala si Stella sa tabi ko ngayon mula kanina. Pumunta ako sa canteen para uminom ng tubig. Tumingin ako sa may glass window kung saan kukuha ng pagkain. Nakita ko habang nagluluto yung kusinero namin nasa gilid naman si Stella at mukhang may gagawin namang hindi maganda. Habang nakatalikod yung kusinero nilagyan nya ng asin yung kape tapos tawang tawa sya. "Stella itigil mo yan." Bulong ko. Tapos inilipat lipat nya yung mga gamit sa pag luluto kaya nalilito lagi yung kusinero namin kung san nya mailalagay. Dilat ng dilat ako sa kanya habang sumesenyas ako na itigil nya. Pero napikon ako dahil naka "F**kyou"
Sign sya sakin habang nakalabas ang dila nya at nang aasar. "Bweset ka talagaaaaaaaa bahala ka sa buhay mo." Kaya naman pag talikod ko nagulat ako naka tayo at naka titig sakin si Jeff at hindi makapag salita. Hindi ko alam anong sasabihin ko sa kanya. Napaisip tuloy ako at napasabi na "Patay, nahuli nya yata ako na nagsasalita."

Part 4

Titig na titig si Jeff sakin at para bang nagtataka sa mga pinag-gagawa ko. " Bruh? Anong meron? Kanina kapa kase salita ng salita tapos may pa ganun-ganun kapa." Sabi ni Jeff sakin. "Ahhhh ! Ahahahah nako bruh wag moko intindihin nag-p'praktis lang ako ng karate ganun lang ahahahaha!" Sagot ko kay Jeff habang titig sya sakin at nagdadalawang isip na maniwala sakin. "Giaaaannn, tignan mo hahahaha iinomin na nya kape nya." Anya ni Stella. Nang lumingon ako ininom na ng kusinero ang kape nya. Laking pagtataka ng kusinero at di maitsura ang mukha dahil sa nalalasahan nya. "Ahhhh Jeff ano labas tayo magpapaturo pala muna ako sayo saglit paano pa yung tamang pag hawak ng aso." Sambit ko kay Jeff at hinila ko sya palabas ng canteen. Nagpalabas ulit kami ng aso at nag ensayo ng saglit. Pagkatapos namin mag ensayo dumating naman si Marco, Daryl, at Ed. Nag aya silang tatlo sa amin ni Jeff na lumabas ng camp para bumili ng softdrink, junkfoods at sigarilyo. "Tol Giann tara libre moko! Haha la akong pera ngayon eh." Sambit ni Ed sakin. Sumabat naman bigla si Stella. "Buraot tung gago na to oh. Wag mong ilibre yan Giann may tatlongdaan yan sa wallet nya." Hindi ko nalang pinansin at nag aya nalang ako na ilibre ko si Ed kahit alam kong may pera sya. Para naman magka close kami at malaman ko mga katangian nila. Nagpaalam ako kay Tito Ben at pumayag naman sya. Nang makalabas kami sa Camp napansin ko hanggang gate lang si Stella at hindi sumunod sakin. "Hanggang dito lang ako Giann. Hindi ako makalabas sa camp na to dahil nasa loob ng camp si Jackie. Hintayin nalang kita dito." Napabulong ako sa sarili ko na "Buti nga yon dahil istorbo ka at baka kung ano pa gagawin mo sa mga tropa ko." Pagkatapos oy nag lakad na kami patungong tindahan. Pagkatapos namin mag meryenda napag pasyahan namin na bumalik na agad sa camp. Ilang metro ang layo nahagilap ko si Stella na naka upo at naka yuko lang at guhit ng guhit sa lupa. Ng marinig nya na paparating kami lumingon sya sakin at tumayo agad. Para bang ang ikli lang ng kasiyahan nya sa twing magkikita kami. "Tapos na kayong mag meryenda? Na uto ka nila no? Hahaha." Sambit ni Stella sakin habang tumatawa at parang nang aasar. "Oh mga bruh, dito lang muna ako saglit sa Gate. Mauna na muna kayo may gagawin pa ako dun sa Barracks natin." Sabi ko sa kanila. Tumango naman sila at nag paalam na mauna na muna silang umakyat papuntang dog cage. Hinila ako ni Stella papuntang lumang bahay. Pagdating namin din pinagsabihan nya ako na wag ko na daw sila ilibre keyso ganto, keyso ganyan. Nagtalo kami na parang mag jowa, tapos nagkabati naman agad. "Giann? Kwentuhan mo naman ako kung ano yung nagagawa mo sa labas ng camp na to." Sambit ni Stella sakin. Pinag bigyan ko ang hiling nya. Magkaharap kami at naka upo sa sofa habang kinukwento ko sa kanya kung ano ang ginagawa ko sa amin. Gumala sa park o sa may party ba, uminom kasama ang barkada, gumala sa malls, kumain ng mga masasarap na pagkain, pumunta sa mga magagandang lugar, at iba pa. Habang nag k'kwento ako sa kanya panay ang pag ngiti nya habang naka titig lang sakin. Tanong din sya ng tanong na tila ba parang isang 6 na taong bata na walang ka alam-alam sa nangyayari dito sa mundo. "Sarap pala ng buhay ng nabubuhay no? Sana naman makapag pasyal rin ako gaya ng nagagawa mo." Anya ni Stella. Naawa ako sa kanya, nakaka sikip ng damdamin kapag naririnig mo bawat pinagsasabi nya. Kung pwede lang sana, kaso malabong mangyari. "Oh sge Stella ma iwan muna kita dito at may gagawin pa ako." Anya ko kay Stella. "Eehh? Hindi ka pa nga tapos mag kwento aalis kana." Sagot nya sakin. Nagpaalam ako sa kanya dahil marami pa akong gagawin. Alam ko naman na kahit san ako mag punta sa sulok ng camp nato laging naka sunod tong si Stella sakin. Nagpatuloy kaming Lima sa pag eensayo hanggang sa palubog na ang araw. Sabay kaming rin kaming lima maligo tuwing alas sinko ng hapon bago kumain. Wala namang malisya dun dahil puro kami lalaki, kahit mag hubad kami lahat di namin iniinda yun. Nauna sila Ed, at Marcus na lumabas ng CR dahil tapos ng maligo . Sumunod naman si Daryl pagkatapos si Jeff. "Bruh pagkatapos mo maligo at mag bihis punta kana agad sa canteen ah hihintayin ka namin." Sambit naman Daryl sakin. Iba kase ako maligo dahil matagal akong matapos, bale tatlong beses ako magsasabon. Nasa kalagitnaan na ako ng pagsasabon ng mukha ng biglang may kumatok sa pinto. Hinala ko pinagtritripan ako nila o baka si Stella na naman. Hindi ko pinansin dahil kung iindahin ko matatakot ako lalo na't mag-isa lang ako sa CR. Biglang nawalan ng tubig sa shower. " Anaka ng tipaklong. Bat biglang nawalan ng tubiiiiiiig di pa ako tapos bweset talaga." Anya ko sa sarili ko at bigla nalang akong nakarinig ng mahinhin na tawa. "Stella? Pag di ako matapos dito dahil sayo malilintikan ka talaga sakin." Sigaw ko sa kanya. Nagmistulang parang bulag ako dahil lakad ako ng lakad para hanapin ang tuwalya ko pamunas sa mukha ko dahil mahapdi na sa mata. Ng magawakan ko na pinunas ko agad sa mukha ko. Narinig kong tumatawa si Stella kaya ng lumingon ako nakita kong naka silip sya sa may pintuan sa labas at kakaiba ang titig nya. "Haaaaaaa!" Sigaw ko sabay takip sa pribadong katawan ko. "OA mo Giann. Wag mo nang takpan yan ehihihihi nakita ko na yan nukaba." Anya ni Stella sakin na para bang kakaiba ang tingin nya sakin habang dahan-dahan nyang sinara ang pintuan. Bumalik agad ang tubig at dali-dali naman akong nag banlaw sa katawan. Narinig kong may bumukas ng pintuan at may pumasok pero hindi ko na ininda. Pagkatapos kong punasin ang katawan ko tumalikod ako. Nagulat ako dahil pumasok si Stella sa CR at naka tuwalya lang. humarap sya sa may shower habang nasa likod nya lang ako at bigla nyang nilaglag ang tuwalya nya. "Oh Giann, labas kana ako naman ang maliligo ngayon." Anya nya sakin. Sa isipan ko napasabi ako na "Anong nangyayari ditooooooooo. Pano ba, ano ba to, naliligo?! Ahhh distraction. Wag mo pansinin Giann kalma lang. putaaaaa aalis ba ako oh hindi? Argh! Bweseeeet!" Kaka ligo ko lang pero pinag pawisan at kakaiba ang nararamdaman ko. Alam kong pang aasar lang tong ginagawa nya sakin eh. Nagmadali akong mag takip ng tuwalya saking katawan at iniwan ko sya doon. Syempre ano bang magagawa ko't di hamak na kaluluwa lang naman si Stella. Nang matapos akong mag bihis sa Barracks nagmadali na rin akong pumunta agad sa canteen at kumain kasabay nila. Pagkatapos ay sabay-sabay rin kaming bumaba papuntang Barracks. Inabot ako ng hanggang hating gabi kaka isip sa nangyari. Kung i k'kwento ko kase ito sa mga kasamahan ko, pagtatawanan lang ako. Lumipas ang ilang linggo, ganun parin ang lagi nyang ginagawa. Nag aasar, nakikipag kausap sakin, at minsan hindi magpaparamdam. Umaga ng sabado, nagpaalam ako sa opisina para bumaba papuntang syudad at mag pa check up. Sa tingin ko kase iba na tong ginagawa ko, hallucination lang ata tong nangyayari sa kapaligiran ko. Pagkatapos ko mag bihis nagulat ako dahil inabangan pala ako ni Stella sa may Gate. "San ka pupunta Giann? Isama mo naman ako oh." Sabi nya sakin. Kinumbinsi nya ako ng kinumbinsi. "Eh di ka nga makalabas ng gate Stella pano ka sasama sakin nyan?" Sagot ko sa kanya. Bigla syang nalungkot at napatahimik. Hindi sya makalabas ng camp dahil nasa loob ng camp ng teddybear nya. Kaya ang ginawa ko, kinuha ko yung shoulderbag ko tapos nag dala narin ng headset. Kinuha ko si Jackie sa sa lumang bahay at inilagay sa shoulder bag. Nang makala labas ako sa gate, sinabihan ko si Stella na lumabas ng gate. "Sge Stella subukan mong lumabas baka pwede tong naisip kong idea." At dahan-dahan syang lumabas. Sobrang saya nya dahil sa tagal ng panahon ngayon lang sya naka labas ng camp. Para syang asong nakawala sa kulungan at di mapakali sa kanyang kalayaang nakamit. Nagsimula kaming bumyahe mula sa camp patungong syudad. Salita at tanong sya ng tanong sa lahat ng nakikita nya. "Giann ang ganda ditooooooooo! Punta tayo dun oh!" Sambit nya sakin. Gumamit ako ng headset para pag may nakakita sakin oh naka rinig na may kausap, iisipin na may tawag ako. Pasyal kami doon, usap dito, at ang higpit ng hawak nya sa mga braso ko. Ng makarating ako sa pupuntahan kong ospital para magpa check up. Iniwan ko muna shoulder bag ko sa may guard na naka tayo sa harap ng ospital. Sinadya ko yun dahil tanong ng tanong si Stella kung ano ang gagawin ko sa ospital. Nagpa check up ako sa isang Neurologist at ang naging resulta ay meron akong "Paracusia" na ibig sabihin ay nag H'hallucinate ako. Masakit sakin dahil dala ng imahinasyon ko lang si Stella. Pag labas ko ng ospital tila ba wala kong ganang mag salita. "Oh Giann anong problema? Ang tamlay mo yata ah?" Tanong ni Stella sakin. Naguguluhan ako dahil naamoy, nakikita, at nahahawakan ko naman sya. "Ah wala Stella pasyal nalang tayo. San mo pa gusto pumunta?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko ma inisip kung ano ang sinabi ng doktor dahil ang alam ko, totoo sya. Pinasyal ko sya sa magagandang lugar. Inabot kami ng 6PM ng gabi. Oras na para umuwi. Napadaan kami sa may malaking tukay at panay parin ang pag uusap namin. "Ang saya ko ngayon Giann. Ngayon ko lang to naramdaman buong buhay ko. Salamat sayo." Anya ni Stella sakin. Hindi parin maalis sa isipan ko ang sinabi ng doktor sakin. Naka ngiti syang kaharap ang kalangitan at ang mga bituin kasabay ng malamig na hangin na sumalubong sa amin. Ang tamis ng mga ngiti nya. Gusto ko sanang sabihin kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya kahit alam kong kalokohan tong ginagawa ko. Inunahan na ako ng kaba, iniisip kung pano ko gagawin ang lahat ng ito. "Di mo na kailangan sabihin yan Giann." Anya ni Stella sakin. Nagulat ako dahil papaano nya nalaman ang ibig kong ibahagi sa kanya. "Masaya ako dahil natupad rin ang pangarap ko at binigyan mo ako ng kalayaan. Mahirap sabihin pero kailangan tanggapin. Hindi ako magiging permanente sa tabi mo Giann." Anya ni Stella sakin. Nasaktan ako sa sinabi nya dahil naunahan na nya akong mag salita saking nararamdaman. Napapansin kong unti-unting naglalaho si Stella. Tinatawag ko pangalan nya at pilit hawakan pero hindi na gaya ng dati na nararamdaman ko pa ang mga hawak nya. Kinuha ko si Jackie sa bag ko, ngunit unti-unti din itong naglalaho sa mga kamay ko. "Stella pakiusap, kahit konting panahon pa. Kahit saglit man lang." Habang dahan-dahan syang nag laho kasabay ni Jackie, dahan-dahan ding gumuho ang mundo ko. Tumingin sya sakin at sinabi na "Siguro naman hindi mo ako makakalimutan, Giann." Na nagsisimbolo sa salitang 'Paalam'. Naglaho nalang sya sa manipis na hangin kasabay ni Jackie. Kaya naman sigaw ako ng sigaw sa pangalan nya. Nagmadali akong pumara ng sasakyan pauwi. Malapit na mag alas syete ng kabi ng makarating ako sa Camp. Tumakbo agad ako sa lumang bahay at pinagsisigaw ang pangalan ni Stella. Hindi ko na maramdaman ang presensya nya. Nawalan ako ng pag-asa. Hindi ko inaasahan na mangyayari ang lahat ng to. Nahihilo ako at masakit ang ulo ko kaya pumasok nalang ako sa Barracks para magpahinga nalang muna. Kinahmagahan, pag gising ko tila kapani-panibago ang pangyayari hanggang sa sumunod na mga araw. Wala nang nangungulit sakin, nang aasar, at kausap sa twing nasa lumang bahay ako.

-EyeGlasses

Continue Reading

You'll Also Like

20K 321 23
Not Mine http://www.asianfanfics.com/story/view/610193/kidnapped-for-marriage-haesica-hyoyeon-exo-exok-exom-hyoexo
29.8K 248 17
Valentines special that was never released.
25.9K 746 66
It's a book of quotes and thoughts hopefully it is very inspirational.
68.9K 1.9K 48
If you're feeling down, have a dark cloud hanging above your head, read this book!! It's full of inspirational quotes and happy comments!! Once again...