Scary Stories (Unedited)

By Sheree_Mi_Amour

17.9K 690 40

The stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : T... More

Old Black Book (Parts 1-10)
Old Black Book (Aswang Stories ni Lola Pacing)
Old Black Book (Pagsalakay Ng Mga Mangkukulam)
NoSleep One-shot Story : Ang baog kong asawa ay nakabuo ng bata
NoSleep One-shot Story : She Sold Happiness in Glass Jars
NoSleep One-shot Story : Nag-iwan ng liham ang aking Matalik na Kaibigan.
NoSleep Series : Sulat ng Naunang May-Ari ng Apartment (Parts 1-5)
NoSleep Series : Sulat ng Naunang May-Ari ng Apartment (Parts 6-10)
Molen (Parts 1-4)
Molen (Parts 5-8)
Molen (Part 9)
It was me (Parts 1-5)
It was her (Parts 1 & 2)
Hospital sa Bicol (Parts 1-3)
Maristella (Parts 1-4)
Playmate (Parts 1 & 2)
Apo ng Kapitan (Parts 1 & 2)
Simbahan (Parts 1 & 2)
Pagkagat ng Dilim (Parts 1 & 2)
Life of a Fire Fairy (Parts 1 & 2)
Krayola ni Aubrey (Parts 1-5)
Random (Parts 1 & 2)
Babaeng nakabelo (Parts 1-3)
Cirque de Merveilles (Parts 1 & 2)
Creepy childhood (Parts 1-3)
Home sweet home (Parts 1 & 2)
Halimaw sa Banga (Parts 1-5)
Wag kang maingay (Parts 1-4)
Wag kang maingay (Parts 5-7)
Scarecrow (Parts 1-5)
My Untold Story (Parts 1 & 2)
NoSleep Series : Ang katotohanan sa likod ng coronavirus. (Parts 1-3)
NoSleep Series : 1000 Metres below the sea (Parts 1 & 2)
NoSleep Series : Ang trabaho ay panoorin ang babae... (Parts 1 & 2)
NoSleep Series : Ang trabaho ay panoorin ang babae... (Parts 3 & 4)
NoSleep Series : Ang kwento ng babaeng may hawak na orange (Parts 1 & 2)
NoSleep Series : Nagtatrabaho ako sa Child Protective Services (Parts 1 & 2)
NoSleep Series : Mga Kwento ni Lolo noong siya ay Detective pa
POPULAR island in South Luzon
Jonestown Massacre
Hello Anne
April Fools (Part 1 & 2)
My Bestfriend's Creepy Experiences (Parts 1-5)
My Bestfriend's Creepy Experiences (Parts 6-10)
Bestfriends Goals, Creepy Experiences (Part 11-15)
Bestfriends Goals, Creepy Experiences (Part 16-18)
My Cousin is a Killer (Parts 1 & 2)
The Crying Lady (Parts 1 & 2)
Ang Dulong Unit (Parts 1 & 2)
Orasyon Version 2.0 (Parts 1-4)
A Chronicle of Sisig (Parts 1 & 2)
NoSleep One-shot Story : Nakakairitang habit ng Girlfriend ko
NoSleep One-Shot Story : Hell's Fat Camp
NoSleep One-shot Story : A Package Marked 'Return to Sender'
Pass it to the Aisle (Parts 1-5)
Where's Christine? (Parts 1-3)
Haunted Bodega (Parts 1-6)
COVID PUI/PUM (Parts 1 & 2)
Double-Walker (Parts 1-5)
Ang Yaya ni Madam (Parts 1-7)
The Tricycle Chronicles (Parts 1-4)
The Tricycle Chronicles (Parts 5-8)
Cronica Bruja (Parts 1-4)
Ang Sundo
My Half Sister's Abilities (Parts 1-3)
My Half Sister's Abilities (Parts 4-6)
My Half Sister's Abilities (Parts 7-11)
Esta casa tiene una maldición? (Parts 1-4)
Esta casa tiene una maldición? (Parts 5-9)
NBI Classified Files: HABAS (Parts 1 & 2)
Delivery Man (Parts 1 & 2)
Leave no trace
If Heaven was needing a Hero
Tricycle (Parts 1 & 2)
Call Center Stories
La vie en Rose
Ang Tanging Larawan Mo (Parts 1-4)
Ang Tanging Larawan Mo (Parts 5-8)
The Black Spell of India
It's not the House that's Haunted (Parts 1 & 2)
Her Husband was a Demon (Parts 1-3)
Huling Lamay
Sagradong tahanan, bakit pinamumugaran?
Never missed a phone text (Parts 1 & 2)
Heredity or Obsession? (Parts 1-3)
Halik ng Kamatayan, Bunga ng Kataksilan (Parts 1-3)
Creepy Annie (Parts 1 & 2)
What would you do, if you saw you?
The only tattoo I have were scars (Parts 1 & 2)
Lumabo ngunit hindi naglaho & Kira
Anong kwento ng School n'yo?
Murdered by NPA's
A Friend of Mine
Walang iba pero hindi na ikaw (Parts 1 & 2)
Kamatayan sa kamay ng Engkanto at Aswang
Bes, hindi ako baliw
Missing Jeepney Passenger & Love in the Time of Corona
The Last Yosi Break & Fire Alarm
The Getaway
Kuya Bing (Parts 1 & 2)
Compiled Stories 1
An Encounter with a Ghost (Tara uwi na tayo)
Paranormal Investigation : I saw myself sleeping and vanished
Kevin Alimango
Paranormal Investigation: Girl in the mirror-double (Parts 1 & 2)
Paranormal Investigation : She's like me (Parts 1 & 2)
Her Name Is Hana
Mercedes
Spirit of the Glass
The Unholy (Ang Mama Mary na Rebulto)
Angkan ng mga Aswang (Parts 1 & 2)
House for Sale (Parts 1 & 2)
My Guardian Angel (Parts 1-3)
BPO Stories #1
BPO Stories #2
BPO Stories #3
BPO Stories #4
BPO Stories #5
BPO Stories #6
Kuwentong Dubai
Isla sa Batangas
Paranormal Investigation : Rest Less House (Parts 1 & 2)
Paranormal Investigation : Rest Less House (Parts 3 & 4)
My Adopted Daughter (Parts 1-3, Cora)
My Adopted Daughter (Parts 4-7)
My Adopted Daughter (Parts 8-10)
Bloodline (Parts 1-3)
DJ Samboy, paki imbestigahan naman
Hindi si Ian yung pinagbuburulan natin
11-year old kid (Parts 1-3)
NBI Classified Files : The Devil was here & The Candy Man
NBI Classified Files: Habas (Parts 1 & 2)
Tawid Dagat
8 Real Life Pinoy Celebrity Horror Stories
5 Office Horror Stories That Will Give You the Chills
Bantay : Dalawang Lalaki
Kupido o Kamatayan? - Book 1 (Parts 1-3)
Kupido o Kamatayan? - Book 1 (Parts 4 & 5)
The Awakening - Book 2 (Parts 1-3)
The Three : Sierra, Kenneth & Michael - Book 3 (Parts 1-3)
The Three : Sierra, Kenneth & Michael - Book 3 (Parts 4-6)
Unwanted Call
NBI Classified Files: Baryo (Parts 1-4)
NBI Classified Files: Baryo (Parts 5-9)
Internet Security Company
Compiled Stories 2
Compiled Stories 3
Online Class (Parts 1-4)
Laboratory
St. Elmo's Fire and Company (Parts 1-3)
Misteryosong Tahanan o Nilalang? (Parts 1-3)
Compiled Stories 4
Compiled Stories 5
Kakaibang karneng hinahain at ang mga amo niya (Parts 1-4)
Online Business : Kakaibang Buyer
Pag nakita mo si tito na paparating i-lock mo yung pinto at bintana (Parts 1-3)
Kwarto
Oras
Compiled Stories 6
Sino ang Mangkukulam? (Parts 1-3)
Compiled Stories 7
Cakeshop (Parts 1 & 2)
Simbahan
Merville Park
Compiled Stories 8
Hiking Experiences 1
Omise sa Japan
Tragic Vacation
Compiled Stories 9
Caliber4 on Call (Parts 1-5)
Compiled Stories 10
Compiled Stories 11
Daemon By My Side (Parts 1-3)
Daemon By My Side (Parts 4-6)
Iloilo (Parts 1 & 2)
Impostor (Parts 1-3)
Music Box (Parts 1-3)
Sa dilim, may nakaabang na patalim
Nakaw (Parts 1-4)
Pass it to the Aisle (Parts 1-5)
Cora
Compiled Stories 12
847 Community (Parts 1-5)
847 Community (Parts 6-10)
Guardian Angel and its Owner (Parts 1-4)
Samar Chronicles (I-III)

Old Black Book (Parts 11-17)

726 23 6
By Sheree_Mi_Amour

Old Black Book (Parts 11-17)

Part 11

Isang gabi habang abala ako sa pagbubuhat ng barbel sa gym ay nilapitan ako nung may-ari.

"Boy, kanina pa tunog ng tunog yung phone mo, baka may importanteng tawag ka." Sabi nya sakin.

"Ah ganun po ba, sige boss, salamat." Sagot ko.

Pinuntahan ko yung bag ko kung saan ito nakalagay at kinuha ang phone ko.

Pitong missed calls mula kay Mang Tonyo.

"Mukhang may problema nanaman si Mang Tonyo ah."

Ako na mismo ang tumawag kay Mang Tonyo upang itanong kung ano ang kailangan nito.

Tatlong beses na nag ring ang kanyang telepono bago niya ito sinagot.

"Hello Mang Tonyo! Bakit po kayo tumatawag kanina?" Tanong ko.

"Hello iho! Baka pwede mong puntahan dito si Tonyo! Kailangan nya ng tulong!" Sagot ng isang matandang babae sa kabilang linya.

"Aling Nene? Kayo po ba yan? Bakit? Ano pong nangyari kay Mang Tonyo?" Tanong ko.

"Oo, ako nga ito. Si Tonyo kasi nakulam at malubha ngayon ang lagay niya!" Sagot ng asawa ni Mang Tonyo.

"Sige po, pupunta ako diyan." Sabi ko.

Umuwi muna ako ng bahay upang kumuha ng ilang mga gamit na kakailanganin ko bago ako tumungo sa bahay nina Mang Tonyo.

9:30PM na noong makarating ako sa kanila. Bakas sa mukha ni Aling Nene ang pag-aalala para sa kanyang asawa.

"Nasa kwarto si Tonyo." Sambit ng matandang babae.

Nadatnan kong nakahiga sa kama si Mang Tonyo at mukhang tulog ito.

Nagulat ako sa kanyang itsura. Namamaga ang kanyang mga braso at binti. Napakarami din niyang sugat dahil tila pumutok na ang kanyang namamagang mga laman.

"Kahapon pa namamaga ang katawan niya pero kaninang umaga lang nung naglabasan ang mga sugat na yan!" Maiyak iyak na sabi ni Aling Nene.

"Nagpuntahan din kaninang umaga yung mga kaibigan nyang albularyo upang tingnan ang kalagayan niya ngunit maging sila ay hindi siya kayang gamutin. Masyado raw malakas ang kulam na tumama kay Tonyo." Dagdag pa ng matanda.

"Mang Tonyo? Naririnig nyo po ba ako?" Sambit ko.

Bahagyang idinilat ni Mang Tonyo ang kanyang mga mata at lumingon sa akin.

"Oo iho, naririnig kita. Alam kong nandyan ka." Sagot ng matanda.

"Medyo hirap siyang magsalita." Sambit ni Aling Nene.

"Nung isang araw ay may ginamot akong babae na kinulam pero hindi ko inaasahan na malakas pala ang mangkukulam na gumawa non at lumipat sa akin ang sumpa. Ang masama ay mas malala pa ang sinapit ko." Paliwanag ni Mang Tonyo.

Nagsindi ako ng limang itim na kandila sa isang maliit na mesa at inilabas ang lumang salamin ni lola Pacing.

Inilagay ko ang salamin sa palad ni Mang Tonyo at binigkas ang isang orasyon.

Isang babaeng may maikling buhok na hanggang leeg ang aking nakikita sa salamin, nakasuot siya ng mahabang damit na kulay itim at nakasuot ng isang magandang pares ng hikaw at mga singsing na may malalaking bato. Mukhang nasa edad kwarenta anyos ang kanyang itsura.

"Huwag kang mag alala Mang Tonyo, tutulungan kita sa abot ng aking makakaya." Sambit ko.

Tumango lamang ang matanda at muling pumikit.

Hinawakan ko ang mga kamay ni Mang Tonyo at umusal ng isang orasyon upang atakihin ang babaeng mangkukulam na sumumpa sa kanya at ibalik dito ang sumpang ibinigay niya sa matanda.

Biglang lumakas ang hangin sa labas at tila hinahampas nito ang bubong at mga pader ng bahay.

Kumukurap-kurap na rin ang mga ilaw pati ang apoy mula sa mga kandila.

Ramdam kong lumalaban ang mangkukulam sa aking pag-atake sa kanya pero tuloy tuloy parin ako sa pagbigkas ng orasyon.

Tuluyan ng namatay ang mga ilaw at apoy mula sa mga kandilang itim.

Ilang segundo pa at muling sumindi ang mga kandila ngunit laking gulat namin ng tumambad sa harapan ko ang imahe ng babaeng mangkukulam.

Tumatawa ito habang nakatitig sa akin.

Napasigaw naman si Aling Nene dahil sa pagkagulat.

"Hindi mo ako kaya! Hindi mo siya magagamot!" Sambit ng mangkukulam.

"Bawiin mo ang sumpa mo kay Mang Tonyo!" Sigaw ko.

"Hindi! Yan ang napapala ng mga pakielamerong albularyo!" Sagot ng babae na patuloy parin sa pagtawa.

Tila may pumasok na malakas na hangin sa loob ng kwarto at nagbagsakan ang mga kagamitan at ang ilan ay nabasag sa sahig.

Pagkatapos ay biglang naglaho ang imahe ng mangkukulam at bumukas nang muli ang mga ilaw. Huminto na rin ang malakas na hangin mula sa labas.

"Iho, salamat sa pagpunta mo, ngunit kung hanggang dito na lamang ang buhay ko ay tatanggapin ko." Mahinang sagot ni Mang Tonyo.

"Huwag kang mawawalan ng pag-asa Mang Tonyo! Baka mayroon pang ibang paraan para matalo natin ang sumpa ng mangkukulam na yon!" Sambit ko.

"Ayaw kong mapahamak ka iho dahil para na rin kitang apo. Sa totoo lang ay kinabahan nga ako kanina nung nagpakita ang mangkukulam na yon sa atin. Malakas ang loob niya at kampante siya sa kanyang kakayahan." Sabi ng matanda.

"Hindi pa huli ang lahat Mang Tonyo. Huwag ka munang sumuko." Sagot ko.

"Iho, may isa pa akong kilalang albularyo, ngunit hindi ko alam kung buhay pa siya dahil mas matanda siya sa akin. Maaari mo siyang puntahan upang makahingi ng tulong." Sabi ni Mang Tonyo.

Noong gabi ding iyon ay pinuntahan ko ang lugar kung saan nakatira ang albularyong sinasabi ni Mang Tonyo. Ang pangalan daw nito ay "Mang Teroy" at medyo malayo ang tirahan niya pero dahil may dala naman akong motor ay hindi na ako nagdalawang isip pa na bumiyahe at hanapin siya.

Noong marating ko ang barangay na sinasabi ni Mang Tonyo ay ipinagtanong-tanong ko kung saan ang bahay ni Mang Teroy at hindi naman ako nabigo na mahanap ito.

"Tao po? Tao po?" Sigaw ko sa labas ng bahay nila.

"Sino yan? Ano pong kailangan nyo?" Tanong ng isang ginang na lumabas mula sa pinto ng bahay.

"Magandang gabi po. Pasensya na po sa abala. Dito po ba nakatira si Mang Teroy? Kailangan ko po kasi ang tulong niya." Paliwanag ko.

"Nako iho, matagal nang hindi nanggagamot si tatay, matanda na kasi siya." Sabi ng ginang.

"Baka pwede ko po siyang makausap kahit sandali lang? Malayo pa po ang pinanggalingan ko eh." Pakiusap ko sa kanya.

"Hmm.. Ganun ba? Osige pumasok ka muna dito at maupo ka." Sambit ng babae at pinaupo ako sa kanilang terrace.

Ilang minuto pa akong naghintay at lumabas ang isang matandang lalake, halatang mahina na ito at dahan dahan na lamang sa paglalakad.

"Magandang gabi po lolo, kayo po ba si Mang Teroy?" Tanong ko sa matanda.

"Oo ako nga, magandang gabi din sayo iho. Bakit naman gabing gabi na eh napasugod ka pa dito? Hindi mo ba alam na matagal na akong tumigil sa panggagamot?"

"Pasensya na po kayo. Hindi ko po alam. Nagbabakasakali lang po ako na matulungan ninyo si Mang Tonyo. Siya po ang nagsabi sakin na puntahan ko kayo."

"Mang Tonyo...? Sinong Tonyo? Marami akong kilalang Tonyo." Tanong niya sakin.

"Si Mang Tonyo po na albularyo." Sagot ko.

"Ah..! si Tonyong albularyo..! Bakit ano bang nangyari sa kanya?" Tanong nya muli sakin.

"May ginamot po kasi siyang nakulam, ang kaso eh sa kanya lumipat ang sumpa!" Paliwanag ko.

"Nako! Siguradong doble o triple pa ang lakas ng sumpa na lumipat sa kanya! Bihira lang ang nakakaligtas sa ganyan iho. Nakakita na ako ng mga ganyan noong kabataan ko at sinasabi ko sa iyo mahirap ng mapagaling pa si Tonyo." Sambit ng matanda.

"Wala na po bang ibang paraan?" Tanong ko.

"Ikinalulungkot ko iho pero yan ang isa sa mga kinatatakutan ng mga albularyo eh, ang mabalikan ng sumpa." Sagot niya.

Nanghina ako sa mga sinabi ni Mang Teroy, maging siya ay wala rin palang maitutulong sa problema ni Mang Tonyo.

"Sige po Mang Teroy, tutuloy na po ako, pasensya na po sa abala." Pagpapaalam ko.

"Ah...iho sandali lang." Sambit ng matanda.

"Bakit po?" Tanong ko.

"Alam mo noong araw eh may kwento-kwento yung ilang mga kakilala kong albularyo. Ito naman eh hindi ko napatunayan kung may katotohanan pero sasabihin ko na rin sayo tutal eh nandito ka na." Paliwanag ni Mang Teroy.

"Ano po iyon?" Tanong ko.

"Tungkol ito sa isang tubig na sinasabing mabisang gamot sa mga sakit lalo na kung gawa ng itim na salamangka!" Sabi ng matanda.

"Saan po ako makakakuha ng tubig na ito?" Tanong ko.

"Iyon na nga ang problema iho, ayon sa mga kwento na narinig ko, makukuha lamang ang tubig na iyon sa isang kweba na matatagpuan lamang sa lugar ng mga engkanto na kung tawagin ay Elenor. Ang lagusan daw papasok sa mundong iyon ay matatagpuan sa bundok ng ----." Kwento ni Mang Teroy.

"Alam ko po ang bundok na yan, sigurado po ba kayo sa sinasabi nyo?"

"Oo. Yan ang alam ko. Pero huwag kang masyadong umasa ha! Sabi ko nga sa iyo, yan ay kwento-kwento lamang noong araw at walang kasiguraduhan kung totoo." Paglilinaw niya.

Matapos ang pag-uusap namin ay nagpaalam na ako at umuwi na.

Ang bundok na sinasabi ni Mang Teroy ay walang iba kundi ang "secret mountain" na pinuntahan namin ng mga kaibigan ko ilang buwan na ang nakalilipas.

Kinabukasan ay maaga akong gumising upang bumyahe papunta sa bundok.

Hindi ko alam kung hanggang kailan na lang makakatagal si Mang Tonyo sa kalagayan niya.

Lumipas ang ilang oras at nakarating na ako sa paanan ng "secret mountain".

Pagpasok ko palang sa kakahuyan ay pinakiramdaman ko na ang mga elemento sa paligid. Nagbabakasakali akong makausap muli ang mga engkantong naninirahan doon patungkol sa lugar na kung tawagin ay Elenor(?)

Maya-maya pa'y isang pamilyar na presensya ang naramdaman ko, hinanap ko ito at dinala ako ng aking mga paa sa batis na malapit sa dati naming campsite.

Doon ay muli kong nakita ang prinsipe at prinsesang engkanto ng bundok.

"Magandang araw sa inyo!" Pagbati ko.

Lumingon sila sa akin at bumati rin.

"Magandang araw din sayo! Ikaw yung nagpunta dito ilang buwan na ang nakalilipas tama ba? Natatandaan ko ang iyong mukha." Sagot ng prinsipe.

"Oo, ako nga. Kayo talaga ang pakay ko ngayon, may gusto sana akong itanong sa inyo." Sambit ko.

"Sige. Ituloy mo." Sagot niya.

"Alam ba ninyo kung saan ang daan papunta sa lugar na kung tawagin ay Elenor? May matandang albularyo na nakapagsabi sa akin na matatagpuan daw ang lagusan sa bundok na ito." Sambit ko.

"At bakit mo hinahanap ang aming kaharian?" Tanong ng prinsipe.

"May tubig daw kasi doon na nakakapagpagaling ng mga karamdaman lalo na yung gawa ng itim na salamangka. Kailangang kailangan ko ang tubig na yon." Sagot ko.

"Hindi ko inaasahan na hanggang ngayon ay may ibang tao pa rin na nakakaalam ng tungkol diyan ngunit ipagpaumanhin mo dahil hindi ka namin maaaring papasukin sa loob ng aming kaharian." Sagot ng prinsipe.

"Nakikiusap ako sainyo. Kailangan kong mailigtas ang kaibigan ko mula sa sumpa ng isang mangkukulam. Nauubusan na ako ng oras." Sambit ko.

"Nakikita kong tunay ang iyong hangarin ngunit ipinagbabawal ng aming hari na magpapasok ng kung sino-sinong tao sa aming kaharian." Paliwanag niya.

"Pero ang tubig na iyon na lang ang maaaring makatulong sa amin." Sambit ko.

"Puntahan mo ang baryo na malapit sa paanan ng bundok. Hanapin mo ang isang matandang babae na ang pangalan ay Rosa. Kilala siya sa tawag na "Manang Rosa", baka sakaling matulungan ka niya tungkol sa tubig na hinahanap mo." Sabi ng prinsipeng engkanto.

Ginawa ko nga ang kanyang sinabi. Agad akong pumunta sa baryo at hinanap ang tahanan ni Manang Rosa. Hindi naman ako nabigo at natagpuan ko rin ang kanyang bahay.

"Tao po? Tao po?" Sigaw ko habang kumakatok sa gate ng isang compound.

"Ano pong kailangan nyo?" Tanong ng isang dalaga na nagbukas ng gate.

"Dito po ba nakatira si Manang Rosa?" Tanong ko.

"Opo dito nga, ano pong kailangan nyo sa lola ko?" Tanong muli niya sakin.

"Gusto ko po sana siyang makausap. Importante lang po." Sagot ko.

"Osige, sandali lang ha." Sagot ng dalaga.

Ilang minuto rin akong naghintay sa labas ng gate bago nila ako pinapasok at si Manang Rosa na mismo ang sumalubong sa akin pagpasok ko ng kanilang compound.

"Magandang umaga po Manang Rosa?" Pagbati ko.

"Magandang umaga rin naman iho, sino ka ba at anong kailangan mo sakin?" Tanong niya.

Nagpakilala ako sa kanya at sinabi ang aking pakay. Ikinuwento ko sa kanya ang lahat-lahat kung bakit ako napadpad sa kanilang lugar.

"Ganun ba? Maswerte ka iho at may natitira pa akong tubig. Huwag kang mag alala dahil bibigyan kita." Sabi ng matanda.

"Talaga po? Maraming salamat po lola!" Sambit ko.

"May lalagyan ka ba diyan?" Tanong niya.

"Meron po!" Kinuha ko ang isang plastic bottle mula sa aking bag at iniabot kay Manang Rosa.

Nilapitan ng matanda ang isang banga at inalis ang takip nito. Sumalok siya ng tubig mula sa banga at inilagay sa bote.

"Ipainom mo ito sa kaibigan mo. Nawa'y gumaling siya." Sabi ng matanda.

"Salamat po lola! Pero maitanong ko lang po, paano po kayo nakakuha ng tubig mula sa lugar ng mga engkanto kung mahigpit nilang ipinagbabawal na makapasok ang mga tao doon?" Tanong ko.

"Sabihin na lang natin na matagal ng magkakilala ang aming pamilya at ang mga engkanto doon." Sagot ni Manang Rosa.

"Matagal na panahon na ang nakakalipas noong kumalat sa komunidad ng mga albularyo ang tungkol sa mahiwagang tubig na mula sa Elenor. Dinagsa nila ang bundok upang makakuha nito dahil maaari itong pagkakitaan. Ngunit hindi lang mga albularyo ang naghangad nito, pati ang mga mangkukulam, mambabarang, at mga taong may espesyal na abilidad. Kaya't nabulabog ang mga elemento at engkantong naninirahan sa bundok na yon. Nangyari ang mga iyan dahil sa isang albularyo na nabigyan ng tubig at ipinagkalat niya." Dagdag pa ni Manang Rosa.

"Ganun po pala. Manang Rosa maraming salamat po sa tubig na ito." Sambit ko.

"Walang anuman iho. Sana ay makaligtas ang kaibigan mo. Bilisan mo at dalhin mo na yan sa kanya." Sabi ng matanda.

Nagmamadali akong umalis upang maihatid kay Mang Tonyo ang "mahiwagang tubig(?)" na maaaring makapagpagaling sa kanya mula sa sumpa ng mangkukulam.

Makalipas ang ilang oras ay nakarating din ako sa bahay niya.

"Mang Tonyo, inumin po ninyo ang tubig na ito. Maaari daw po kayong mapagaling nito." Sambit ko noong makapasok sa kwarto ni Mang Tonyo.

Agad namang nainom ng matanda ang dala kong tubig at matapos ang ilang minuto ay nagsuka siya ng maitim at mabahong likido.

Tuluyang bumuti ang pakiramdam ni Mang Tonyo nung araw na iyon at pagkagising niya kinabukasan ay nawala na ang pamamaga ng kanyang katawan, samantalang ang mga sugat niya sa balat ay unti-unting natutuyo at naghihilom.

Lumipas pa ang ilang araw at tuluyan ng gumaling si Mang Tonyo.

***Hindi ko po pinipilit na maniwala ang mga readers sa mga kwento ko. Nasa inyo ang pagpapasya kung sa tingin ninyo ay true story or fiction lang ang mga ito. Aware ako na mula palang sa Part 1 ay may mga bashers na ang story ko pero mukhang pagdating sa Part 10 ay sumobra na sa pagpapapansin itong mga bashers na to. Itatago ko na lang sila sa pangalan na Ichan Palapar at Rashiel Campo.

@ichan: Kunwari ka pa na maganda at kaabang abang ang mga kwento ko pero sayo din manggagaling na "Walang kwenta" ang mga story ko? Ano ka, hypocrite? (Siya daw kasi ang tunay na nakakakita at nakakaramdam) kaya pagtatawanan lang daw ng mga "paranormal experts" kuno ang kwento ko.

@Rashiel: itong isang to hindi na nakatiis at tinawag na akong "Bobong sender". Kung matalino ka, bakit nagsasayang ka ng oras na basahin ang mga kwento ng isang bobong sender?

Kung pwede ko lang bigyan ng top fan badge itong dalawang Hypocrite na to eh ginawa ko na. Imagine mula Part 1 hanggang Part 10 sinubaybayan nila ang kwento ko.

***Para naman sa mga humihingi ng tulong sa comment section, malalaman nyo din kung bakit hindi ako nagrereply sa inyo pagdating natin sa finale ng series na ito.

Sa lahat ng totoong sumusubaybay sa Old Black Book at sa Spookify, Maraming Salamat po!

Part 12

Muling bumalik sa normal ang buhay ni Mang Tonyo matapos siyang gumaling mula sa sumpa ng mangkukulam.

Hindi na rin naman binalikan pa ng mangkukulam si Mang Tonyo, hindi naman kasi talaga siya ang pakay nito kundi yung pasyente na ginamot ni Mang Tonyo kaya sakanya lumipat ang sumpa.

Maaaring inakala rin ng mangkukulam na nasawi na si Mang Tonyo.

Yun namang pasyente na ginamot ni Mang Tonyo ay wala na kaming balita. Ayon kay Mang Tonyo ay nilagyan niya ng proteksyon ang babae matapos niya itong gamutin.

Wala na kaming balak ni Mang Tonyo na gumanti pa mula sa mangkukulam na yon dahil sapat ng nakahanap kami ng solusyon upang mapagaling siya. Salamat sa mahiwagang tubig na ibinigay ni Manang Rosa.

Ngunit tadhana na yata ang gumawa ng paraan upang magkaharap kaming muli ng babaeng mangkukulam!

Kalalabas ko lang ng gate ng paaralan noong araw na iyon at pauwi na sana ng bigla akong lapitan ng isang babae.

"Ah excuse me! Kuya! Sandali lang!" Sambit ng isang babae.

"Po? Bakit po?" Tanong ko.

"Pwede ba kitang makausap? Kahit sandali lang. Importante lang itong sasabihin ko sayo." Sabi niya.

"Ah si--sige po, ano po bang kailangan nyo?" Tanong ko ulit.

"Teka, wag tayo dito sa tabing kalsada, doon tayo sa medyo tahimik na lugar." Sagot nya.

"Sige po, kayong bahala." Sagot ko.

Mukha namang disente ang babaeng iyon at maayos naman ang kanyang pananamit kaya pinaunlakan ko na ang hiling niyang makausap ako. Sa tantya ko'y nasa dalawampu't limang taong gulang ang edad niya.

Pumunta kami sa isang coffee shop na malapit lang sa labas ng paaralan. Sakto naman at kakaunti lang ang tao sa loob nito at doon kami umupo sa bandang dulo.

"Alam kong mayroon kang kakaibang abilidad." Sabi nya sakin.

"Paano po ninyo nalaman yan?" Tanong ko.

"Ang 'Gabay' ko ang nagsabi sa akin na hanapin ka." Sagot niya.

"May ipapakita ako sayo." Sabi pa ng babae at hinawakan ang dalawa kong mga kamay.

Bigla na lang dumilim ang paligid, nawala rin yung babaeng kasama ko at nagbago din ang lugar.

Parang isang panaginip. Napunta ako sa isang lugar na tingin ko'y isang bundok, gabi na at maliwanag ang bilog na buwan. May nakita akong tatlong babae na nakasuot ng itim at nakapalibot sa isang tila kawali na medyo may kalakihan.

Tila mayroon silang niluluto (?) O baka mas tamang sabihin na mayroon silang ginagawang ritwal (?)

Di nagtagal ay nakilala ko ang isa sa mga babaeng naka-itim. Siya ay walang iba kundi ang mangkukulam na nagbigay ng sumpa kay Mang Tonyo!

Matapos kong makita ang mga pangyayaring yon ay bigla na lang bumalik ang lahat sa normal.

Nandoon na ulit ako sa loob ng coffee shop, nakaupo at kaharap ang babaeng kasama ko.

"Ano yung nakita ko? Sino ka ba talaga? At paano mo nagawa yon?" Sunud-sunod na tanong ko sa babae.

"Una sa lahat, ako nga pala si Mich. Mayroon akong gabay na paminsan-minsan ay nagpapakita sa akin ng mga maaaring mangyari sa nalalapit na hinaharap. Ang ipinakita ko sayo kanina ay isang pangitain. Bago sumapit ang undas o ang eksaktong alas-dose ng hatinggabi, ay magtitipon ang tatlong mangkukulam na yan sa isang bundok upang isagawa ang ritwal na magpapalakas ng husto sa kanilang kapangyarihan! Alam kong nakalaban mo na ang isa sa kanila, yung maikli ang buhok? May atraso din siya sa aking pamilya!" Pagpapaliwanag ng babaeng si Mich.

"Teka, paano mo nalaman na nakalaban ko na ang mangkukulam na yon?" Gulat na tanong ko.

"Sinabi sakin ng aking gabay. Maraming nalalaman ang gabay ko. Tulungan mo akong pigilan ang gagawin nilang ritwal! Kung hindi ay mas lalo pa silang lalakas!" Pagpapaliwanag niya.

"Kaya mo bang lumaban sa mga mangkukulam?" Tanong ko kay Mich.

"Hindi nga eh, di ko kayang lumaban." Sagot niya.

"Ganun? Mahihirapan tayo kung ganyan. Mukhang malalakas sila!" Sabi ko.

"Huwag kang mag-alala, may isa pa akong tao na kakausapin na maaaring makatulong sa atin!" Sabi ni Mich.

Matapos kaming mag usap ay sinabi niyang tatawagan na lamang niya ako kapag nakausap na niya yung isa pang tao na maaaring makatulong sa amin.

Lumipas pa ang tatlong araw at nakatanggap nga ako ng tawag mula sa kanya. Magkita daw kami ulit doon sa coffee shop na pinuntahan namin at isasama niya yung taong sinasabi niya.

Pagkadating ko sa coffee shop ay nakita ko agad si Mich na nakaupo sa pinakadulong table kasama ang isang lalake na sa tingin ko ay bente anyos na ang edad.

Lumapit ako sa kanila at umupo.

"Siya yung sinasabi ko sayo na isa pang maaaring makatulong satin." Sabi ni Mich.

"Theo nga pala pre." Pakilala nung lalake.

Binati ko siya at nagpakilala din ako.

"Pumayag si Theo na tulungan tayong pigilan ang ritwal na gagawin ng mga mangkukulam na yon." Sabi ni Mich.

"Kaya mo bang lumaban sa kanila?" Tanong ko kay Theo.

"Sa tingin ko kaya naman. Mayroon akong agimat na minana ko pa mula sa aking lolo. Albularyo ang lolo ko noong nabubuhay pa siya at yung mangkukulam na may maikling buhok ang dahilan kung bakit siya namatay!" Paliwanag ni Theo.

"Okay, ngayon, ano ang plano?" Tanong ko sa kanila.

"Ituturo sa atin ng gabay ko kung saan ang bundok na pagdarausan ng ritwal, pipigilan natin sila bago sumapit ang alas-dose ng hatinggabi. Ito ang oras na sisimulan nila ang ritwal." Paliwanag ni Mich.

"Sigurado na ba kayo dito sa misyon na ito? Buo na ba ang loob niyo? Maaari tayong mapahamak sa gagawin natin." Tanong ko sa kanila.

"Oo!!" Sagot nina Mich at Theo.

Hindi kami nawalan ng komunikasyon sa isa't-isa hanggang sa sumapit na nga ang takdang araw.

Doon parin kami nagkita-kita sa may coffee shop at may dala namang sasakyan si Mich na gagamitin namin sa pagbyahe papunta sa sinasabing bundok.

"Mich, hindi ko pa nakikita yung gabay mo ah." Sabi ko habang nasa byahe kami.

"Makikilala nyo rin siya mamaya, sasalubungin niya tayo sa paanan ng bundok." Sagot nya.

Matapos ang ilang oras na byahe ay narating din namin ang aming destinasyon.

Si Mich ang gumabay samin papasok sa masukal na kakahuyan na nasa paanan ng bundok.

Dinala niya kami sa isang pwesto kung saan kami pansamantalang magpapahinga.

"Guys, nandito na ang aking gabay." Sabi ni Mich.

Papalubog na ang araw nung mga oras na iyon nang biglang magpakita sa harapan namin ang isang magandang babae na katamtaman lamang ang tangkad, maputi ang kutis, kulay brown ang kanyang buhok pati na rin ang kanyang mahabang kasuotan, may mga patulis siyang tainga at may mga bulaklak sa ulo na animo'y ginawang headband.

"Siya kamo ang gabay mo? Ang nagpapakita sa iyo ng mga pangitain? Isang engkanto." Sabi ko.

"Oo, siya nga. Bata pa lang ako ay sinasamahan na niya ako." Kwento ni Mich.

"Salamat at pinaunlakan ninyo ang misyon na ito. Natagpuan ko na ang eksaktong lugar kung saan gagawin ng mga mangkukulam ang ritwal ng pagpapalakas ng kanilang kapangyarihan. Naniniwala silang mamayang hatinggabi ang tamang panahon upang sila ay mas lalo pang lumakas. Magtagumpay sana kayong mapigilan sila!" Sabi ng engkantong gabay ni Mich.

Kumain muna kami bago umakyat ng bundok, ang engkantadang gabay ang nagturo sa amin kung saan kami maaaring pumwesto na malapit sa lugar na pagdarausan ng ritwal.

Nagtago kami sa likuran ng mga puno habang inaantay ang pagdating ng mga mangkukulam.

Tuwing mag-uusap kami ay nagbubulungan lang, ingat na ingat kasi kaming makagawa ng ingay.

Pinatay din namin ang ilaw ng dala naming flashlight. Tanging ang liwanag lang ng bilog na buwan ang dumidilig sa buong kabundukan.

Malamig ang simoy ng hangin noon at ramdam ko ang kaba ng mga kasama ko sa nalalapit na sagupaan.

Tumalikod sandali si Theo at may binunot mula sa kanyang bulsa. Isang kwintas na isinuot niya sa kanyang leeg at itinago ang pendant nito sa loob ng kanyang damit.

Malamang ay iyon ang kanyang agimat.

Hinubad ko naman ang kwintas ko at ipinulupot ang tali nito sa kanan kong kamay at ang pendant ay itinapat ko sa aking palad.

Mahigpit naman ang pagkakahawak ni Mich sa kanyang baseball bat, at mukhang handa ring lumaban.

"Mich, huwag kang basta-basta lalabas mamaya kung hindi kinakailangan." Sabi ko.

"Oo, dito lang ako sa likod nyo." Sagot niya.

Ilang sandali pa at dumating na ang tatlong mangkukulam. Gumawa sila ng isang bonfire kung saan ipinatong nila ang isang kawali na walang laman. Mayroon din silang dalang itim na kambing, bata pa ito at nakatali ang mga paa. Mukhang papatayin nila upang gawing alay. Bukod dito may dala pa silang ibang mga sangkap para sa ritwal.

Tiningnan ko ang aking relos, 11:45PM na ng gabi at mukhang patapos na sila ng paghahanda ng mga kakailanganin para sa ritwal. Kung tama ang hula ko ay baka sa ganap na alas-dose pa ng hatinggabi nila papatayin ang batang kambing para ialay.

"Humanda na kayo." Sambit ko.

Habang nakatayo ang tatlong mangkukulam sa harap ng kawali ay umusal ako ng isang orasyon mula sa kinatatayuan ko.

Maya-maya pa ay biglang sumiklab ng malakas ang apoy na nasa harap ng tatlong mangkukulam. Ang kawali nila ay tumilapon sa ere at natapon ang mga nilalaman nito.

Kinapitan naman ng apoy ang kasuotan ng mga mangkukulam kaya bigla silang nataranta habang sila ay tinutupok ng apoy.

Lumabas si Theo mula sa pinagtataguan namin habang buhat-buhat ang isang putol na katawan ng puno na sa tingin ko'y apat na talampakan ang haba.

Buong lakas niya itong inihagis na parang sibat at agad na tinamaan ang isa sa mga mangkukulam. Tumalsik ang mangkukulam na yon sa sobrang lakas ng pagkakatama sa kanya.

Lumabas na rin ako upang humarap sa mga kalaban.

"Mga walang hiya!! Sino kayo!" Sigaw nung mangkukulam na maikli ang buhok.

Biglang umihip ang isang napakalamig na hangin at ang apoy mula sa damit nila ay bigla na lang nawala.

Galit na galit ang mga mangkukulam na nasa harapan namin.

Napansin ko rin ang pagbabago sa mga itsura nila. May mga itim na ugat na lumabas mula sa kanilang mga mukha, dahilan upang magmukha silang kasindak sindak.

"Demonyo ka! Ikaw ang pumatay sa lolo ko!" Sigaw ni Theo at agad na sinugod yung mangkukulam na maikli ang buhok.

Bigla namang kumilos yung isa pang mangkukulam at sinunggaban si Theo. Bumagsak sila sa lupa at patuloy na naglaban.

Yung mangkukulam naman na maikli ang buhok ay umusal ng orasyon. Tila napapasunod din niya ang apoy na mula sa bonfire.

Biglang lumaki yung apoy at lumipad ito papunta direksyon ko habang ang mangkukulam ay patuloy parin sa pag-oorasyon.

Iniangat ko ang aking kanang kamay kung saan nakapulupot ang aking kwintas na panangga at itinapat ito sa paparating na apoy ng mangkukulam.

Ang pwersa mula sa aking pendant ang humarang dito habang ako rin ay nag-oorasyon.

Matindi ang kapangyarihan ng mangkukulam na ito.

"Natatandaan na kita! Ikaw yung sumusubok na tulungan yung albularyong binalikan ng sumpa di ba?" Sigaw ng mangkukulam sakin.

"Ako nga! At nagkakamali ka kung akala mo'y nagtagumpay kang patayin ang albularyong yon!" Sagot ko.

"Kung hindi ko siya napatay... Ikaw na lang ang papatayin ko!" Sigaw ng mangkukulam sakin.

Bigla namang dumating yung isa pang mangkukulam na tumalsik kanina at tinulungan niya itong kinakalaban ko.

Lalo pa tuloy lumakas ang apoy na gustong tumupok sa akin.

Walang anu-ano'y bigla na lang tumalsik sa direksyon nilang dalawa yung isa pang mangkukulam na kinakalaban ni Theo.

Natumba sa lupa ang tatlo at agad na nawala ang apoy ng mangkukulam na umaatake sakin.

Itinapat ng isang mangkukulam ang kanyang kamay kay Theo at bigla na lang itong napaluhod at nagsuka nang nagsuka.

Napasigaw si Theo sa sakit ng kanyang tiyan at namimilipit itong napahiga sa lupa.

Ako naman ngayon ang umusal ng orasyon at gumamit sa apoy na nasa bonfire upang atakihin ang tatlong bruha!

Gaya ng inaasahan ay madali nilang naharang ang apoy na iyon gamit ang mahikang itim!

Nagkaroon naman ng pagkakataon si Theo upang makabangon at sumugod sa tatlo.

Sinakal ni Theo yung isa sa mga mangkukulam at buong lakas niya itong inihagis!

Nagpagulong gulong ito hanggang sa mahulog siya sa isang matarik na parte ng bundok.

Yung mangkukulam na may maikling buhok ay biglang gumamit ng mahikang itim kay Theo. May lumabas na parang kidlat mula sa kanyang kamay at tinamaan si Theo, dahilan upang siya ay tumalsik.

Bigla akong natigilan sa pagmamanipula sa apoy dahil natuon ang aking pansin kay Theo.

Naramdaman ko na lang na may tila malakas na kuryenteng tumama sa akin kaya't ako man ay tumalsik din at natumba sa lupa.

Nagulat ako ng biglang lumabas si Mich dala ang kanyang baseball bat at buong tapang na sumugod sa dalawang mangkukulam ngunit hindi pa man siya nakakalapit ay napaluhod na siya at nagsuka.

"Walang hiya! Ilan ba kayo? Baka may nagtatago pa diyan?" Sabi nung isang mangkukulam.

Umusal ako ng isang orasyon upang pansamantalang patigilin ang pagkilos ng dalawang bruha na yon.

"Di mo yan magagawa ng matagal!" Sabi ng mangkukulam na may maikling buhok habang sinusubukang igalaw ang kanyang mga kamay.

"Theo! Mich! Tumakbo na kayo sa kakahuyan! Bilisan nyo bago pa sila makawala!" Sigaw ko sa dalawa.

Agad na bumangon yung dalawa at dinampot pa ni Mich yung batang kambing na gagamitin sanang pang-alay.

"Takbo! Bilis!" Sigaw ko ulit sa dalawa.

Agad namang nakatakbo papunta sa masukal na bahagi sina Theo at Mich samantalang yung dalawang mangkukulam ay muli nanamang nakakilos.

Ginamitan nanaman nila ako nung apoy at nung itim na mahikang parang kidlat na hinarang ko muli gamit ang pwersa ng aking pendant.

"Magpapakabayani ka para makatakas yung mga kasama mo?" Sabi ng dalawang mangkukulam habang tinatawanan nila ako.

Hindi ko sila pinapansin dahil inuusal ko ang isang orasyon mula sa mga huling pahina ng lumang itim na libro.

"Ano? Panay ang orasyon mo diyan! Halata namang di mo kami kayang dalawa! Di ka na tatagal! At isusunod na namin yung mga kasama mo!" Sabi ng mangkukulam na may maikling buhok.

Biglang uminit ang paligid at natakpan ng maitim na mga ulap ang bilog na buwan.

"Hindi ko kayo hahayaan na masundan sila!" Sabi ko sa dalawang mangkukulam.

At tatlong matatalim na kidlat ang sunud-sunod na ibinagsak ng mga itim na ulap sa kinatatayuan ng dalawang bruha!

Tila yumayanig ang paligid kasabay ng bawat pagbagsak ng mga kidlat sa lupa.

Dinig na dinig ko ang pagsigaw ng dalawang mangkukulam ngunit nang idilat kong muli ang aking mga mata ay hindi ko na sila makita.

Maaaring tumalsik sila at nahulog sa matarik na bahagi ng bundok?

Maging ako man ay tumalsik din dahil sa lakas ng pwersa ngunit protektado naman ako ng aking pendant.

Bumangon ako at ilang minuto akong umupo muna at nagpahinga, hinang-hina ako matapos gamitin ang orasyon na iyon.

Binalikan naman akong muli nina Theo at Mich.

Tinanong nila ako kung ano ang nangyari dahil nakita raw nila ang pagtama ng mga kidlat sa direksyong ito.

"Tapos na, mukhang nagtagumpay tayo!" Sabi ko sa kanila.

Bigla na lang lumitaw yung engkantada na gabay ni Mich mula sa madilim na kakahuyan.

"Nagtagumpay kayo." Sabi nya samin.

"Nasaan na yung dalawang mangkukulam? Di ko namalayan ang kanilang pagkawala." Sambit ko.

"Nakita kong tumalsik sila at nahulog dahil sa lakas ng mga kidlat na tumama sa kanila." Sagot niya.

Hindi na kami nag aksaya pa ng panahon at bumaba na rin kami agad ng bundok at nilisan ang lugar na yon.

Dinala na rin ni Mich yung maliit na kambing. Ibibigay na lang daw niya sa kapitbahay nila.

Iyon na rin ang huling pagkikita naming tatlo nina Mich at Theo.

***Tama nga kayo guys. Mukhang gusto lang mapansin ng dalawang bashers na yun. Actually nagcomment ulit si Rashiel sa story ko. Halatang sobrang saya po niya dahil na-mention ko ang name niya. Napapatili pa nga at kinikilig-kilig pa! Wag ka sanang magsasawang sumubaybay sa mga kwento ko Rashiel! Salamat sa suporta! Isa kang certified FanGirl!

Part 13

Madaling araw palang noon nang magising ako sa sunud-sunod na katok ng aking kapatid sa pintuan ng aking kwarto.

"Kuya! Gumising ka na daw! Unang araw ng simbang gabi ngayon!" Sigaw ng kapatid ko.

"Oo! Sige!" Sagot ko habang unti-unting idinidilat ang aking mga mata.

"Antok pako eh!" Sambit ko habang naglalakad papuntang banyo upang maligo.

Gaya ng nakagawian ay kinukumpleto ng aming pamilya ang simbang gabi.

Pagdating namin sa simbahan ay kapansin pansin ang pagdagsa ng maraming tao.

"Talagang pag simbang gabi eh napupuno ng tao ang simbahan! Mamaya nyan hanggang sa labas eh may mga nakatayo pa dahil hindi na kakasya sa loob!" Sabi ni mama.

"Ganyan naman talaga Ma pag simbang gabi hanggang bagong taon laging puno ang simbahan. Pero pagkatapos ng holidays mababawasan din yang mga yan." Sagot ko.

Pagpasok palang namin sa pintuan ng simbahan ay napansin ko ng pumihit ang ulo nung rebulto ng anghel na nakatayo malapit sa pinto.

Gayon din ang iba pang mga rebulto ng mga anghel at santo na nasa loob ng simbahan, panay ang pagpihit ng mga ulo nila na tila pinagmamasdan ang bawat taong pumapasok sa loob.

"Kuya hayan nanaman sila." Sambit ng kapatid ko na nakahawak ng mahigpit sa aking braso.

"Huwag mo na lang pansinin." Sabi ko.

Nakahanap na kami ng mauupuan at hinihintay na lang na mag-umpisa na ang misa.

Habang nakaupo kami ay mas lalo pang naging aktibo ang ginagawang pagkilos ng mga rebulto sa paligid.

Nagsimulang bumuka ang kanilang mga bibig at sa tingin ko'y sabay sabay silang umuusal ng isang orasyong Latin.

Isang batang lalake ang bigla na lamang pumalahaw ng iyak at itinuturo ang mga rebulto sa altar ng simbahan kaya naman inilabas muna siya ng kanyang ina upang patahanin.

"Mukhang hindi lang pala tayo ang nakakakita at nakakarinig." Sabi ko sa kapatid ko.

"Kuya baka naman pwede mo silang patahimikin." Sabi ng kapatid ko habang mahigpit parin ang pagkakakapit sa aking braso.

"Oo, sandali lang." Sagot ko naman.

Hinawakan ko ang aking pendant at umusal ako ng isang orasyon habang bumubulong.

Maya-maya pa'y lumingon sa akin ang lahat ng mga rebulto at lalo pa nilang nilakasan ang kanilang pag-oorasyon.

Hanggang sa naramdaman kong naglalabas ng enerhiya ang hawak kong pendant at kumakalat ito sa loob ng simbahan.

Ang mga rebulto ay natahimik sa pagsasalita, itinikom nila ang kanilang mga bibig at itinigil ang kanilang pagkilos. Bumalik sila sa pagiging mga ordinaryong istatwa.

Ilang minuto pa at dumating na ang pari at nag umpisa na ang misa.

Bago kami umuwi ay bumili muna kami ng bibingka sa labas ng simbahan.

Napansin ko si Mang Tonyo kasama ang kanyang asawa na si Aling Nene na bumibili rin ng bibingka.

Nilapitan ko sila at binati.

"Iho baka gusto mong sumama sakin mamaya?" Sabi ni Mang Tonyo.

"Nako ano nanaman yan Mang Tonyo?" Tanong ko.

"Nilapitan kasi ako kanina nung isang kakilala ko, mayroon daw dalagita sa lugar nila na sinasapian ng masamang espiritu! Baka daw pwede kong matulungan. Eh sakto naman at nagkita tayo ngayon kaya't naisipan kong ayain ka." Kwento ni Mang Tonyo.

"Anong oras po ba Mang Tonyo? Matutulog muna ko pag uwi ko eh." Sabi ko.

"Mamayang hapon pa naman dahil may mga aasikasuhin pako sa umaga." Sagot nya.

"Osige po. Tumawag na lang po kayo sakin kung papunta na kayo sa bahay." Sabi ko at nagpaalam na ako kay Mang Tonyo.

Pagkauwi ay natulog nga muna ako, 10:00AM na ako nagising at pumunta muna ako sa gym kasama ang mga kaibigan kong sina Aaron at Brix. Magkakasama din kaming kumain ng tanghalian bago ako umuwi ng bahay.

Alas-singko na ng hapon noong dumating si Mang Tonyo samin.

Agad naming pinuntahan yung bahay ng kakilala ni Mang Tonyo at itinuro niya samin kung saan nakatira yung dalagitang sinasapian ng masamang espiritu.

Nang matunton namin ang kanilang tahanan ay nakita namin ang ilang mga kapitbahay na nagkukumpulan sa labas nito.

Kinausap ng kaibigan ni Mang Tonyo yung mga magulang ng dalagita at ipinakilala niya si Mang Tonyo sa mga ito.

"Ilang beses na po bang nangyari ito?" Tanong ni Mang Tonyo sa mga magulang ng babae.

"Tatlong beses na po, ngayon ang ika-apat." Sagot nung ina ng babae.

"Eh ano po ang ginawa ninyo nung mga nakaraang beses na sinapian siya?" Tanong ulit ni Mang Tonyo.

"Nung unang beses na sinapian siya ay nagpatawag kami ng albularyo. Nung ikalawang beses naman ay dinala na namin siya sa simbahan at ipinatawag ang pari. Akala nga namin ay matatapos na doon ngunit muli siyang sinapian ng ikatlong beses kaya't ang mga kapitbahay ay nagsama naman ng isang pastor dito sa bahay upang tulungan kaming mapalayas ang masamang espiritu na sumasapi sa anak namin." Kwento ng ama ng dalagita.

"Nasaan po siya ngayon?" Tanong ko.

"Nasa kwarto siya, lagi siyang nagkukulong sa kwarto tuwing sasapian siya." Sagot nung ina ng babae.

"Pwede po ba namin siyang mapuntahan upang matingnan siya?" Sabi ko.

"Sige, sasamahan namin kayo pero binabalaan ko kayo dahil malakas siya! Ilang katao din ang nagtutulong-tulong upang mapigilan lamang ang pagwawala niya tuwing ilalabas namin siya sa kwarto." Paalala ng ama ng dalagita.

Ipinulupot ko sa kamay ko ang tali ng aking kwintas at iniligay sa aking palad ang cross pendant nito.

Sinamahan kami ng mga magulang ng dalagita sa kanyang kwarto.

Pagbukas namin ng pintuan nito ay nakita namin siyang nakaupo sa gitna ng kama. Agad niya kaming tiningnan at nanlilisik ang kanyang mga mata. Magulo ang kanyang mga buhok at puro kalmot ang kanyang katawan.

Sarado ang mga bintana sa kwarto at tila walang hangin na pumapasok. Masangsang din ang amoy sa loob na tila may nabubulok at mayroon ding amoy na tila sunog.

Bigla na lang tumawa ang dalagita at pinagmumura kaming apat.

Pumasok kaming dalawa ni Mang Tonyo upang kausapin siya.

Ang mga magulang naman ng babae ay nandoon lang sa pintuan at nanonood, halatang alalang alala sila at hindi na malaman kung ano ang gagawin upang matulungan ang anak.

"Sino kang demonyo ka at bakit mo ginagamit ang katawan ng batang yan?" Tanong dito ni Mang Tonyo.

"Wala kang pakielam! Dapat sayo ay mamatay!" Sabi ng demonyong sumasapi sa dalagita.

Iniangat niya ang kanyang kanang kamay at itinapat kay Mang Tonyo.

Bigla na lamang tumalsik ang matanda at tumama sa pader na nasa kanyang likuran.

Napahawak si Mang Tonyo sa kanyang leeg, tila may di nakikitang bagay na sumasakal sa kanya at hindi siya makahinga!

Napasigaw ang ina ng dalagita sa nasaksihan. Lumingon ang dalagita sa kanyang mga magulang at biglang tumalsik ang mga ito kasabay ng pagsarado ng pintuan ng kwarto!

"Itigil mo yan!" Sigaw ko at itinapat ko sa kanya ang aking pendant.

Tumalsik ang babae at tumama sa pader. Pinipilit niyang tumayo habang nilalabanan ang pwersa ng pendant na tumutulak sa kanya.

Napaluhod si Mang Tonyo at muling nakahinga ng maluwag matapos mawalan ng kontrol ang demonyo sa kanya.

Nagulat kami ni Mang Tonyo nang ang dalagita ay biglang gumapang sa pader ng kwarto at muli na namang tumawa.

"Lumayas ka sa katawan ng babaeng yan demonyo ka! Wala kang karapatan sa kanya! Wala kang karapatang manatili sa tahanan na ito!" Sabi ko sa demonyo.

"Tumahimik ka!! Akin siya!! Akin na ang katawan at kaluluwa niya!!" Sigaw ng demonyo at bigla itong tumalon sa direksyon ko.

Agad kong itinapat sa kanya ang aking pendant na naglabas ng isang napakalakas na pwersa, dahilan upang tumalsik nanaman siya sa isang sulok ng kwarto.

Umusal ako ng isang orasyon upang pansamantalang hindi makakilos ang katawan ng dalagita.

Inilabas ni Mang Tonyo ang isang botelya na naglalaman ng holy water at agad na iwinisik ito sa dalagitang sinasapian. Habang ginagawa niya iyon ay nagdadasal siya at inuutusan ang demonyong lisanin ang katawan ng babae.

Habang hindi pa nakakagalaw ang babae ay muli akong umusal ng isang orasyon. Ito ay orasyon laban sa mga masasamang espiritu na sumasapi sa katawan ng mga tao.

"Tumigil ka! Tumigil ka! Tama na!" Sigaw ng demonyong nasa katawan ng babae.

Nagpatuloy ako sa pagbigkas ng orasyon habang siya naman ay naglulupasay sa sahig at tinatakpan ang kanyang mga tainga.

"A..Ayoko! Ayokong umalis dito! Tumigil ka naaaa!!"

Hanggang sa isang malaking itim na aninong may dalawang mahabang sungay at mapupulang mga mata ang lumabas mula sa katawan ng kawawang babae.

"Pakielamero!!" Galit na galit na sabi sakin ng demonyo na may napakalaking boses.

Mabilis itong kumilos at agad niya akong sinakal at iniangat mula sa sahig.

"Papatayin na kita ngayon batang albularyo!" Sabi sakin ng demonyo.

"Hindi ako.. albularyo! Gunggong kang demonyo ka!" Sagot ko sa kanya at hinawakan ko ang kanyang ulo.

Itinapat ko sa noo niya ang aking cross pendant at umusal muli ng isang orasyon.

Napasigaw ang demonyo na tila nasasaktan at unti-unting nalalagas ang kanyang katawan na parang isang maitim na usok hanggang sa tuluyan na siyang maglaho.

Samantalang ang dalagita naman ay walang malay na nakahandusay sa sahig ng kwarto.

Kalahating oras ang lumipas bago nagising ang kawawang dalagita at uhaw na uhaw ito. Habang sinasapian daw siya ng demonyo ay kitang-kita niya ang mga nangyayari bagama't hindi niya makontrol ang kanyang sariling katawan.

"Tulungan mo ko, ayaw ko ng masapian ulit." Umiiyak nitong pakiusap sakin.

"Ano bang ginagawa mo sa buhay mo at naakit mo ang demonyo na yon?" Tanong ko sa kanya.

Sandali siyang natahimik bago muling nagsalita.

"Noon pa man ay fan na kasi ako ng witchcraft. Mahilig din akong magbasa sa internet ng mga itinuturong ritwal at mga spells. Minsan ay ginagawa ko ang mga yon kaya siguro naakit ang demonyong yon sakin. Baka imbis na love spell yung binanggit ko eh orasyon pala na pangtawag sa demonyo!" Pagpapaliwanag niya sa akin.

"Kaya naman pala! Itinigil mo na ang ginagawa mong pamumulot ng mga orasyon na yan sa internet. Hindi mo naman alam kung tunay ang mga yan." Sabi ko sa kanya.

Nagsagawa kami ni Mang Tonyo ng cleansing sa bahay ng mag-anak. Bawat sulok nito ay pinausukan namin ng insenso at sinabuyan ng asin lalong lalo na ang kwarto ng dalagita.

Bago kami umalis ay binigyan ko siya ng tatlong maliliit na kandilang kulay berde at anim na pirasong insenso.

"Simula bukas ng gabi ay magsindi ka ng isang berdeng kandila sa kwarto mo at dalawang insenso. Gawin mo yan ng tatlong gabi at huwag na huwag ka na muling gagawa ng mga ritwal na nababasa mo sa internet!" Bilin ko sa dalagita.

"Oo, tatandaan ko ang mga sinabi mo. Maraming salamat po sa tulong nyo." Sagot niya sakin.

Sinabihan ko rin ang mga magulang niya na tawagan si Mang Tonyo kung sakaling sapian ulit ang kanilang anak ngunit mukhang hindi na muling bumalik pa ang demonyong iyon sa kanilang tahanan.

Part 14

⚠️ WARNING ⚠️

Evil spirits are everywhere.

Ang dahilan nang pagkilos ng mga rebulto sa simbahan noong simbang gabi ay dahil sa mga masasamang espiritu na pumasok sa mga ito.

⚠️ WARNING ⚠️

Madalas kong makita ang mga ito tuwing pumupunta kami sa mga simbahan. Sila ang dahilan kung bakit nagagawang kumilos mag-isa ng mga rebultong walang buhay.

Hindi lang sa mga rebultong nasa simbahan maaaring mangyari ito, pwede ring pasukin ng mga masasamang espiritu ang mga rebulto sa inyong mga tahanan.

Ganito rin ang nangyayari sa ibang mga antigong istatwa at mga manika.

Kung ang katawan nga ng tao ay kayang pasukin ng mga masasamang espiritu, di hamak na mas madali lang para sa kanila na manipulahin ang mga bagay na walang buhay gaya ng mga rebulto at manika.

Bata pa ako noon, tandang tanda ko pa ang isang Sto. Niño na paborito ni lola Pacing.

Sa ikalawang palapag ng bahay namin ay may inilagay na altar si lola para sa paborito niyang Sto. Niño.

Regalo ito sa kanya ng kaibigan niyang pari kaya naman espesyal ito para kay lola Pacing.

Kung titingnan ay isa lamang itong ordinaryong rebulto ngunit isang araw ay nagparamdam sakin ito.

Kalalabas ko lang ng aking kwarto noon bitbit ang ilang mga laruan. Pagkasara ko ng pintuan ay maglalakad na sana ako papuntang hagdan ng biglang mayroong nagsalita mula sa aking likuran.

"Bata laro tayo." Sabi ng boses.

Napalingon naman ako sa aking likuran ngunit wala naman akong nakitang ibang tao doon.

Saglit akong napatitig sa Sto. Niñong nasa altar nang bigla itong magsalita.

Kitang kita ko ang pagkurap ng mga mata nito at ang pagbuka ng kanyang bibig.

"Halika dito, laro tayo." Sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa aking nasaksihan at napatakbo pababa ng hagdan habang sumisigaw!

"Lola! Lola! Yung Sto. Niño po ninyo nagsasalita! Gustong makipaglaro sakin!" Sabi ko kay lola Pacing.

"Ano kamo? Nakikipaglaro sa iyo ang Sto. Niño? Baka naman namamalikmata ka lang! Kakanood mo siguro yan ng mga cartoons!" Sagot ni lola habang natatawa pa ng malakas.

Hindi ako pinaniwalaan ni lola Pacing nung mga sandaling iyon hanggang sa lumipas ang ilang araw at muli akong kinausap ng rebulto ng Sto. Niño na nasa altar.

Isang hapon, kakauwi ko lang galing sa paaralan, matapos kong magbihis sa aking kwarto ay binitbit ko yung laruan kong espada. Bagong bili lang yon ni papa kagabi at ipapakita ko sana sa kalaro ko para ipagyabang na yung espada ko ay umiilaw na parang light saber.

Ganoon ulit ang eksena, pagkalabas ko ng kwarto ay bigla siyang nagsalita.

"Bata, ang ganda naman ng espada mo, gusto mo laro tayo?" Sabi ng rebulto.

Nilingon ko ito at naisipan ko siyang sagutin bagama't may kakaiba na akong nararamdaman.

"Paano tayo maglalaro eh isa lang tong espada ko?" Tanong ko sa kanya.

"Eh di pumunta ka sa kusina at ikuha mo ko ng kutsilyo." Sagot niya sakin.

Dahan dahan akong naglakad pababa ng hagdan at pinuntahan si lola Pacing na kasalukuyang nasa kusina ng mga oras na iyon.

"Lola?" Sambit ko.

"Oh apo, bakit?" Tanong niya.

"Yung Sto. Niño po ninyo kasi nagsalita nanaman at gustong makipaglaro." Sagot ko.

"Naku hayan ka nanaman bata ka." Sambit ni lola Pacing sabay tawa nito.

"Sabi po niya ikuha ko daw siya ng kutsilyo para makapag espadahan kami."

Napatitig sa akin si lola Pacing at biglang tumayo sa kanyang kinauupuan.

Dali-dali siyang umakyat sa ikalawang palapag at kinuha ang rebulto ng Sto. Niño na nasa altar.

Dinala niya ang rebulto sa likod bahay at agad itong sinunog. Umusal siya ng isang orasyon habang hawak ang kanyang bronze cross pendant at lalong lumakas ang pagliyab ng apoy na tumutupok sa rebulto.

Maya-maya pa'y lumabas mula sa nagliliyab na rebulto ang isang kakila-kilabot na nilalang.

Maitim, matatalas ang mga ngipin, mahahaba ang mga kuko, may mga dilaw na matang kagaya ng sa mga pusa, at nasa limang talampakan ang taas nito.

Umangil ito na parang isang mabangis na hayop sa harap ni lola Pacing.

"Ang lakas ng loob mong pumasok sa pamamahay ko at mukhang balak mo pa yatang saktan ang apo ko!" Sambit ni lola Pacing at itinapat niya sa demonyo ang kanyang cross pendant.

Agad na tumalsik ang demonyo at bigla na lamang itong naglaho na parang bula.

"Hayaan mo apo at hindi ko na hahayaang makapasok pang muli sa bakuran natin ang demonyong iyon! At kung sakaling kausapin ka ulit ng isa sa mga rebulto sa bahay o kung may maramdaman kang kakaiba sa kanila ay agad mo itong sunugin o wasakin!" Bilin ni lola Pacing.

Buti na lang ay hindi na ito naulit pa doon sa ibang mga rebulto sa bahay namin.

Madalas din na sapian yung mga rebultong isinasali sa mga prusisyon.

Base sa napapansin ko, mas paboritong manipulahin ng mga demonyo yung mga rebultong binibigyang atensyon ng maraming tao. At hindi lang isang demonyo ang gagamit sa rebultong ito, maaaring sampu o higit pa.

Hindi naman porket ginagamit ng masasamang espiritu ang isang rebulto ay sasaktan ka na nito. Yung iba nga ay pakikitaan ka pa ng maganda para hindi ka lumayo, para mas lalo mo pa siyang lapitan o balik-balikan...

Minsan ay isinama ako ni Mang Tonyo sa bahay ng isa niyang pasyente.

Isang babae na may malubhang karamdaman ngunit hindi matukoy ng doktor ang sanhi nito.

Lumapit na rin sila noon sa isang albularyo at ang sabi nito ay pinaglalaruan daw ng duwende ang babae kaya't kailangan daw nilang mag alay sa tirahan ng duwende, ngunit hindi naman gumaling ang babae.

Noong makita namin ni Mang Tonyo ang babae ay mahinang mahina ito at malaki na ang ipinayat ng katawan.

Ginamit ko ang lumang salamin ni lola Pacing at umusal ng isang orasyon. Ilang sandali pa at lumitaw na sa salamin ang sanhi ng pagkakasakit nung babae. Walang iba kundi ang rebulto ng isang "mama Mary" na nasa loob ng kanyang kwarto.

Dahan dahan akong lumingon sa rebulto at laking gulat ko sa aking nakita, gumalaw ang mga mata ng rebulto at tumingin sa akin, pagkatapos ay itinaas niya ang isa niyang kamay at itinapat ang isang daliri sa kanyang mga labi.

"Sssshhhh...." Ang sabi ng tunog na nagmumula sa rebulto.

Napalunok na lang ako at bigla akong kinilabutan sa inasal ng rebulto.

"Ahm.. ate.. kasi.. ang dahilan ng sakit mo ay ang masamang espiritu na nasa rebultong iyon!" Sambit ko.

Nagulat ang babae sa aking sinambit at nagalit ito.

"Ha?! Anong sinasabi mo?! Imposible! Palagi akong nagdadasal sa kanya at marami na akong kahilingan na tinupad niya! Kalokohan ang sinasabi mo!" Sambit ng babae.

"Pero yon po ang nakita ko, kailangan nyo pong sirain ang rebultong yan!" Sabi ko sakanya.

"Hindi..!! Lumayas na kayo dito! Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nyo! Kayo yata ang kampon ng demonyo!" Sigaw ng babae.

"Sige po.. kayo po ang bahala." Sagot ko.

Umalis na lamang kami ni Mang Tonyo dahil hindi naman namin siya maaaring pilitin na sirain o itapon man ang rebultong yon.

Makalipas ang isang linggo ay tinawagan nung ina ng babae si Mang Tonyo at humihingi itong muli ng tulong, kaso ay nasa malayong probinsya noon si Mang Tonyo dahil bumisita ito sa farm ng kanyang anak.

Kaya naman ibinigay ni Mang Tonyo ang numero ko sa ina ng babae at sa akin ito tumawag.

Ayon sa kanya ay ilang gabi na raw napapanaginipan ng kanyang anak ang rebultong iyon sa loob ng kanyang kwarto, bumubuka raw ang bibig nito ng pahaba mula sa ulo papunta sa paa at pagkatapos ay may isang nakakatakot na demonyo ang lumalabas mula sa bibig nito. Maputi ang balat, walang anumang balahibo sa katawan, kahit ang ulo nito ay kalbo, matutulis ang kanyang mga itim na kuko, ang kanyang dila ay mahaba at maitim din, mapupula ang mga mata at may dalawang itim na sungay.

Sinubukan daw nilang basagin at sunugin ang rebulto ngunit hindi ito nasisira at hindi rin tinatablan ng apoy!

"Baka naman pwede mo kaming matulungan! Alam nyo na pala noon pa na may sapi ang rebultong iyon! Sana dati nyo pa ito sinira!" Sabi ng ina nung babae.

"Pasensya na po kayo pero kung natatandaan po ninyo ay anak nyo mismo ang nagpaalis sa amin dahil hinding hindi raw niya hahayaang sirain ang rebultong yon. Lumapit na lang po kayo sa ibang mga albularyo kasi hindi naman po ako albularyo at busy po ako sa school dahil may mga exams po ako." Sagot ko sa ginang at ibinaba ko na ang telepono.

Pagkatapos ko sa aking mga exams ay pumunta naman ako sa Cavite upang harapin ang hamon ng aswang na nanggugulo sa baryo nina lolo Kiko. ( Part 8 )

Hindi na muling tumawag yung ina ng babae sa amin kaya wala na akong naging balita kung ano na ang nangyari sa kanila.

Part 15

Ika-26 ng Disyembre, katatapos lang ng pasko noong tawagan ako ni Mang Tonyo upang isama sa isang napakahalagang misyon.

"Iho, kailangang kailangan ko ang tulong mo!" Sabi ni Mang Tonyo habang magkausap kami sa telepono.

"Bakit po? Ano po ang nangyari?" Tanong ko.

"May isang babae na kinuha ng engkanto! Kailangan natin siyang mabawi bago pa mahuli ang lahat!" Sagot ng matanda.

"Sige po Mang Tonyo! Sunduin mo na lang ako dito." Sambit ko.

"Maghanda ka na at papunta na ako." Sagot ni Mang Tonyo.

Alas-kwatro na ng hapon noong makarating kami sa lugar kung saan nakatira ang pamilya nung babae.

Pansamantala muna kaming tumuloy sa kanilang tahanan upang alamin kung ano ang tunay na nangyari.

Ayon sa kanila ay tila nahipnotismo daw ng engkanto ang kanilang anak na dalaga.

Disyembre 23, alas-nuebe ng gabi noong mapansin nilang tila wala sa sarili ang kanilang anak.

Tulala daw itong lumabas mula sa kanyang kwarto at tinungo ang pintuan palabas ng bahay.

Tinatanong daw nila ito kung saan siya pupunta ngunit hindi sila pinapansin ng kanilang anak, dire-diretso lang daw ito sa paglalakad.

Nagduda na raw sila sa ikinikilos ng kanilang anak kaya't hinabol nila ito upang pigilan dahil mukhang didiretso ito papasok sa kakahuyan na nasa likod lang ng kanilang bahay.

Pero hindi nila nagawang mapigilan ang kanilang anak, napakalakas daw nito at halos ibalibag na raw silang mag asawa.

Sinubukan din silang tulungan ng ilang mga kapitbahay na nakakita ngunit maging ang mga ito ay hindi umubra sa lakas na taglay ni Sarah noong mga oras na yon.

"Sarah! anak! Bumalik ka!" Sigaw ng mag asawa habang ang anak nilang si Sarah ay patuloy na naglalakad papasok sa madilim na kakahuyan.

Mula ng gabing iyon ay hindi na nila muling nakita pa si Sarah, lumipas ang pasko at hindi nila ito nakasama.

Ngunit hindi sila nawawalan ng pag-asa!

Ayon sa mag-asawa, tuwing bukang liwayway at bago lumubog ang araw ay naririnig nila ang boses ng kanilang anak!

Sumisigaw daw si Sarah at humihingi ng tulong!

Ngunit kahit anong gawin ng mag-asawa upang mahanap si Sarah sa loob ng kakahuyan ay hindi nila ito makita!

Humingi na rin sila ng tulong mula sa kapitan at mga tanod ng barangay upang mas marami silang makasama sa paghahanap ngunit bigo parin sila!

Ayon sa isang albularyo na una nilang nilapitan ay nasa mundo na raw ng engkanto si Sarah at malabo na raw itong mabawi pa.

Iyak ng iyak ang mga magulang ni Sarah dahil miss na miss na nila ang kanilang anak na dalaga. Nararamdaman nilang gusto nang makauwi ni Sarah ngunit hinahadlangan ito ng engkanto.

Ayon sa kwento ng mag-asawa, ilang buwan na raw umaali-aligid ang engkantong iyon sa kanilang anak gamit ang anyo ng isang gwapong binata.

Sa tulong nung albularyo ay nadiskubre nilang isang engkanto pala ang nanliligaw kay Sarah kaya't gumawa sila ng paraan upang maprotektahan ang kanilang anak mula dito ngunit lalo lamang naging mapangahas ang engkanto hanggang sa sapilitan na nga nitong kinuha si Sarah.

"Sa tingin ko po ay hindi nahipnotismo si Sarah, bagkus ay sinapian siya mismo nung engkanto kaya siya nagkaroon ng kakaibang lakas." Paliwanag ko sa mga magulang nung babae.

"May pag-asa pa bang mabawi ang anak namin? Sana ay matulungan nyo po kaming mabawi siya!" Pakiusap ng ina ni Sarah.

"Susubukan po namin ang aming makakaya." Sagot ni Mang Tonyo.

Bago pa lumubog ang araw ay nakaabang na kami ni Mang Tonyo sa bukana ng kakahuyan kasama ang mga magulang ni Sarah.

"Tawagin nyo po si Sarah, subukan natin kung maririnig niya kayo." Sabi ko sa mag-asawa.

"Sarah! Anak! Naririnig mo ba kami? Sumagot ka iha!" Sigaw ng mga magulang ni Sarah.

"Inay? Itay? Tulungan nyo po ako!" Sigaw ng isang tinig na nagmumula sa loob ng kakahuyan.

"Anak! May mga kasama kaming albularyo! Susubukan ka nilang iligtas!" Sigaw ng ama ni Sarah.

Base sa kwento ng mag asawa ay hindi nila mahanap si Sarah kahit pa naririnig nila ang boses nito tuwing takipsilim at bukang-liwayway, alam nilang nasa loob lang ng kakahuyan si Sarah ngunit hindi nila ito matagpuan.

Ayon naman daw doon sa albularyo ay nasa mundo na ng engkanto si Sarah.

Kung tama ang hinala ko, kaya nila naririnig ang boses ni Sarah tuwing pagsikat at paglubog ng araw ay dahil manipis ang harang sa pagitan ng mundo ng mga tao at engkanto sa mga oras na iyon. (Ayon ito sa turo ni lola Pacing sakin noon).

Naglagay ako ng dalawang kandila na kulay lila sa may bukana ng kakahuyan, at ang pagitan nila sa bawat isa ay dalawang talampakan. Sapat na espasyo upang makadaan kami sa gitna ng dalawang kandila.

"Mukhang wala namang balak ang engkantong iyon na isauli pa si Sarah sainyo kaya tayo na mismo ang papasok sa tirahan nung engkanto upang bawiin si Sarah." Sabi ko sa mga magulang nung babae.

"Ano ang binabalak mong gawin?" Tanong sakin ni Mang Tonyo.

"Magbubukas po ako ng lagusan papasok sa kanilang mundo, kaya ihanda mo na Mang Tonyo ang mga panlaban mo sa mga elemento at engkanto." Sambit ko.

Sinindihan ko ang mga kandila at binigkas ang isang orasyon. Patuloy ko itong inusal hanggang sa ang mga apoy ng kandila ay maging kulay lila din at lalo pang lumakas ang pagliyab.

"Humanda kayo, bukas na ang lagusan para sa atin, papasok na tayo sa loob. Dadaan tayo sa pagitan ng dalawang kandila." Sambit ko sa kanila.

Ako ang naunang pumasok, sumunod si Mang Tonyo at nasa likuran namin ang mga magulang ni Sarah.

Pagkalagpas namin sa pagitan ng dalawang kandilang kulay lila ay tumambad sa amin ang isang kakaibang kakahuyan. Ang tahanan ng mga engkanto sa lugar na yon.

Mas matataas ang mga puno doon at ang mga dahon nito ay kulay kahel. Nagkalat din ang mga halaman sa paligid na ang mga bulaklak ay unti-unting nagliliwanag sapagkat kumakagat na ang dilim.

"Hindi na nga ito ang dating kakahuyan! Ibang lugar na ito! Ibig sabihin..nandito ang anak namin?.. Sarah! Sarah! anak! Nandito na kami.. ililigtas ka na namin anak!"

"Itay?.. inay?.. kayo ba yan? Nandito po ako! Tulungan nyo po ako!" Sigaw ni Sarah.

Sinundan namin ang boses ng dalaga at di nagtagal ay natanaw na namin siya.

Nakakulong siya sa isang kulungan na gawa sa kahoy na tila isang bilanggo.

Nang akmang lalapitan na namin siya ay nagpakita samin ang engkantong kumuha kay Sarah.

Isang matangkad na lalake na ang buhok ay parang mga baging ng puno at may dalawang sungay na parang mga sanga.

May hawak siyang tungkod na ang dulo ay tinutubuan ng mga asul na bulaklak na nagliliwanag.

"Anong ginagawa ninyo dito sa tahanan ko?" Galit na tanong ng engkanto.

"Nandito kami upang bawiin ang aming anak!" Sigaw ng tatay ni Sarah.

"Akin na ang babaeng ito! Dito na siya maninirahan habambuhay kasama ko!" Sagot ng engkanto.

"Walang hiya! demonyo ka! Ibalik mo sakin ang anak ko!" Sigaw ng ina ni Sarah.

"Wala akong ibabalik sa inyo!" Sabi ng engkanto at itinapat niya sa amin ang dulo ng kanyang tungkod.

Ang mga bulaklak mula sa dulo ng kanyang tungkod ay naglabas ng mga napakaitim na usok at lahat ito'y lumipad papunta sa direksyon namin na tila gusto kaming atakihin.

Itinapat ko sa kanya ang aking pendant upang gawing panangga sa kanyang pag atake.

Hinarang ng aking pendant ang mga itim na usok mula sa kanyang tungkod.

Naglabas si Mang Tonyo ng isang garapon ng asin at isinaboy ang mga ito doon sa engkanto.

Nasaktan ang engkanto dahil sa ginawa ni Mang Tonyo at natigil ang kanyang pag atake samin.

Ginamit ko ang kapangyarihan na nasa pendant at isang malakas na pwersa ang tumulak sa kanya at siya ay tumalsik palayo.

Nagulat ako dahil ramdam kong mas malakas ang epekto ng aking abilidad dito sa lugar ng mga engkanto.

Nagtamo ang engkanto ng maraming sugat sa katawan matapos tamaan ng kapangyarihan ng aking bronze cross pendant.

Dati naman ay hindi kayang makasugat ng mga elemento ang aking pendant. Tinutulak lang nila palayo ang mga elemento gamit ang isang malakas na pwersa pero dito sa mundo ng mga engkanto ay parang naging doble ang kapangyarihan nito.

Nagkaroon na kami ng pagkakataon na lapitan ang kulungan ni Sarah upang mapakawalan siya.

Sobrang saya ng mga magulang ni Sarah nang muli nilang mayakap ang kanilang anak.

"Hindi..! Sarah..! Hindi ka aalis!!" Sigaw ng engkanto habang unti-unting bumabangon.

Umusal ako ng isang orasyon at isang malaking ipo-ipo ang nabuo sa kinatatayuan nung engkanto. (Isa ito sa mga orasyon na nasa mga huling pahina ng itim na libro)

Nakulong ang engkanto sa loob ng ipo-ipo habang marahas itong umiikot!

Iniangat ng hangin yung engkanto at inihagis ito pataas kasama ang ilang mga puno na nalagas.

Kasabay ng paghupa ng ipo-ipo ay bumagsak naman ang engkanto sa lupa.

"Pa...Paano ka nagkaroon ng ganyang kapangyarihan? Tanging mga maharlikang engkanto lamang ang may ganyang uri ng mahika..! Sino ka bata..!?" Tanong sakin ng nanghihinang engkanto na luray-luray na ang katawan matapos maipit sa gitna ng ipo-ipong may matatalim na hangin.

"Wala ka nang pakielam don! Tandaan mo ito, kapag sinubukan mo pa ulit kuhanin si Sarah ay babalik kami upang tapusin ka ng tuluyan!" Sagot ko sa kanya.

Lumabas na kami ng lagusan at isinara ko na ito.

Masayang umuwi si Sarah sa kanilang tahanan kung saan naghihintay ang kanyang mga nakababatang kapatid.

Ayon kay Sarah ay hindi raw niya kinakain ang anumang pagkain na iniaalok sa kanya nung engkanto. Baka raw kasi mahipnotismo siya nito at tuluyan na siyang maging asawa ng engkantong iyon.

Bago naman kami umalis ay binigyan ni Mang Tonyo si Sarah ng isang kwintas na panangga.

"Salamat iho at sinamahan mo ako sa importanteng misyon na ito!" Sabi ni Mang Tonyo habang kami ay pauwi na.

"Walang anuman Mang Tonyo! Kailan ba kita hindi sinamahan?" Sagot ko.

"Ang totoo nyan ay espesyal ang misyon na ito, dahil ito na ang huling misyon na makakasama mo ako." Sambit ni Mang Tonyo.

"Ano pong ibig ninyong sabihin Mang Tonyo?" Gulat na tanong ko.

"Sa makalawa ay birthday ko na iho, 70 years old na ako, magreretiro na ako sa pagiging albularyo at maninirahan na kami ng misis ko doon sa farm ng aming panganay na anak sa probinsya." Paliwanag ni Mang Tonyo.

"Ganun po ba Mang Tonyo? Masaya po ako sa naging desisyon ninyo. Panahon na nga po upang kayo ay magretiro." Sabi ko.

Kinabukasan ay sinamahan ko si Mang Tonyo sa puntod ni lola Pacing, nagdala siya ng kandila at mga bulaklak para sa namayapa niyang kaibigan.

"Pacing, ako ay titigil na sa pagiging albularyo, magpapahinga na lang ako doon sa farm ng aking anak sa probinsya. Sariwa ang hangin doon. Baka pagtatanim na lang ang aking maging libangan." Sambit ni Mang Tonyo habang nakaharap sa puntod ni lola Pacing.

Ika-28 ng Disyembre, kaarawan ni Mang Tonyo, nagkaroon ng isang maliit na salu-salo sa kanilang bahay.

Nagdala ako ng cake at nakisaya sa kanilang pamilya.

"Mang Tonyo kailan po ang alis ninyo?" Tanong ko.

"Sa unang linggo ng Enero, ipagdiriwang lang namin ang bagong taon dito kasama ng aming bunsong anak at mga apo. Pagkatapos ay babyahe na kami ni Nene papunta sa farm ng aming panganay. Bagong taon, bagong buhay." Sagot niya.

"Ingat po kayo sa byahe Mang Tonyo. Maraming salamat po sa lahat. Hanggang sa muli nating pagkikita." Sabi ko sa kanya.

"Maraming salamat din sayo iho. Salamat sa lahat ng naitulong mo sakin at palagi kang mag-iingat." Sambit niya.

Lumipas ang bagong taon at dumating na nga ang araw ng pag alis nina Mang Tonyo.

Lumipas pa ang ilang buwan at dumating naman ang araw ng aking graduation. Tinawagan ako ni Mang Tonyo upang batiin at kinumusta ko rin naman ang kalagayan niya sa probinsya.

Ayon kay Mang Tonyo ay masaya ang pamumuhay niya doon, pakiramdam daw niya ay mas lalo pang lumakas at sumigla ang kanyang pangangatawan sa mga gawaing bukid. Nag-eenjoy daw siya.

***Mukhang ang nangyari kay Sarah ay nahahawig sa kaso ng batang..si Joji ba yun? Yun nga lang ay bangkay na lamang ni Joji ang nakuha ng engkanto. Ang masasabi ko jan ay, imposible ng mabawi ang bangkay ni Joji dahil 3 taon na pala ang lumipas. Baka wala na rin ang bangkay. Yan ay opinyon ko lang dahil ngayon lang ako nakarinig ng ganyang kwento. Pero ang nasisiguro ko...tahimik ng natutulog ang kaluluwa ni Joji sa kamay ng Lumikha.

***Be patient lang guys sa pag-aabang ng mga susunod na kabanata. Busy lang po eh. Salamat.

Part 16

Matapos akong mag impake ng mga damit at iba pang mga gamit ay inilagay ko na ang mga bag ko sa kotse.

Maaliwalas ang kalangitan noong araw na yon dahil tag init na.

"Tawagan mo ako pag nasa Bataan ka na, okay?" Sabi sakin ni mama.

"Yes ma." Sagot ko.

"Mag-iingat ka sa pagdadrive." Dagdag pa nito.

"Opo. Sige po aalis na ko." Paalam ko kay mama.

Sumakay na ako ng kotse at nagdrive papunta sa bahay nina Yumi upang sunduin siya.

Naabutan ko siyang naghihintay sa labas ng gate nila bitbit ang kanyang mga bag.

Noong makasakay na sa kotse si Yumi ay agad na kaming bumyahe.

Matapos ang graduation ay naisipan kong magbakasyon doon sa bahay namin sa Bataan kasama si Yumi.

Medyo malayo pero ayos lang dahil hindi naman matraffic nung araw na iyon kaya't inenjoy nalang namin ang byahe.

Makalipas ang ilang oras ay nakarating din kami sa aming bahay sa Bataan.

"Grabe ang layo!" Sabi ni Yumi pagkababa niya ng kotse.

"Di naman masyado." Sagot ko.

"Okay na din, ang ganda dito ah, mukhang tahimik, kaso mukhang malayo sa bayan, parang bundok na to eh." Sabi nya.

"Kaya nga rest house lang to eh." Sagot ko naman.

Nang maipasok na namin ang mga gamit namin sa kwarto ay nagpahinga muna kami, kumain, nanood ng movie, at nagkwentuhan.

Isang linggo kaming magkasama ni Yumi dito sa bahay na kaming dalawa lang. Para kaming mga love birds na nakawala sa hawla at nakahanap ng isang tahimik na pugad kung saan pwede kaming magmahalan anumang oras namin gusto.

Tanging ang bahay lang na ito ang naging piping saksi kung gaano kami kasabik na ipadama ang pagmamahal namin sa isa't-isa sa bawat araw at gabi na kami ay magkasama.

Minsan ay lumalabas din kami upang mamasyal o kaya ay maligo sa dagat.

Ang bakasyong ito ang naging quality time naming dalawa matapos ang graduation.

Mabilis na lumipas ang isang linggo at kinailangan na ni Yumi na umuwi dahil pupunta ang pamilya nila sa probinsya ng daddy niya.

Ako naman ay naiwan pa sa Bataan dahil mayroon pa akong ibang sadya dito.

Isang umaga ay nakita ko yung dalawang matanda naming kapitbahay na nasa labas ng gate nila at tila nag aabang ng masasakyan.

"Magandang umaga po! Mukhang may lakad kayo ah." Pagbati ko sa kanila.

"Oo, ipapagamot ko itong asawa ko kay "Apong Manuel" ,mahaba ang pila doon kaya't maaga kami." Sagot ng matandang si Mang Berto.

"Eh nasaan po ang sasakyan ninyo?" Tanong ko.

"May sira ang kotse ko ngayon kaya di ko magamit." Sagot muli ng matanda.

"Ganun po ba, eh kung gusto nyo ihahatid ko na lang po kayo para mas komportable si nanay sa byahe." Alok ko sa kanila.

"Ay, eh sige iho, salamat." Sagot ni Mang Berto at napangiti naman ang asawa niyang si Aling Nely.

Pinasakay ko sila sa kotse at itinuro nila sakin ang daan papunta sa bahay ni "Apong Manuel."

Pagkadating namin sa bahay niya ay mayroon ng nasa sampung tao na nakapila sa labas nito.

Mahigit limang buwan na raw mula noong sinimulan ni Apong Manuel ang panggagamot katulong ang ilang mga tagasunod niya.

Simple lang ang bahay ni Apong Manuel, mayroon siyang isang altar kung saan nakapwesto ang larawan ng isang anghel na ang nakasulat na pangalan ay "Archangel Raphael".

Napansin kong dumadami na rin ang mga taong dumarating, yung iba sa kanila ay magkakakilala pa at nagkukwentuhan habang nakapila.

Naisipan kong kausapin ang isang ginang na nakapila kasama ang isang matandang babae.

"Matagal na po ba kayong nagpapagamot dito?" Tanong ko sa ginang.

"Bago lang. Tatlong araw pa lang kaming bumabalik dito. Pinapagamot ko itong si nanay. May nakapagsabi kasi sakin na mahusay daw na manggagamot yang si Apong Manuel kaya sinubukan namin. At mukhang totoo nga, kasi itong si nanay hindi na to nakakabangon sa higaan, eh ngayon kahit papaano'y nakakatayo na at nakakalakad." Kwento ng ginang.

"Eh ikaw ba magpapagamot din?" Tanong naman sa akin ng ginang.

"Hindi po, may sinamahan lang po ako dito." Sagot ko.

"Ay tamang tama at dito kayo pumunta. May basbas daw kasi ni arkanghel Raphael si Apo at ang mga tagasunod niya kaya sila nakapanggagamot." Kwento pa ng ginang.

Isang babaeng tagasunod ni Apong Manuel ang lumapit kay Aling Nely at kinausap ang matanda.

"Ano pong nararamdaman ninyo lola?" Tanong ng babae.

"Palaging sumasakit ang balakang at mga tuhod ko, madalas ay hirap na akong makalakad." Sagot ng matanda.

"Huwag po kayong mag-alala lola, manalig lang po kayo kay arkanghel Raphael at pagagalingin niya kayo!" Sambit ng babae at kumuha ito ng isang bote ng langis, dinasalan niya ito at ipinahid sa balakang, tuhod at mga binti ni Aling Nely.

"Magdasal lang po kayo kay arkanghel Raphael tuwing alas-nuebe ng gabi at patuloy kayong bumalik dito samin araw-araw, makikita po ninyo, wala pang isang linggo ay mawawala na ang sakit ninyo." Paalala ng babae kay Aling Nely.

Matapos gamutin si Aling Nely ay inihatid ko na sila pauwi.

"Salamat iho ha." Sabi ni Mang Berto.

"Walang anuman po. Paano po yan eh di babalik pa kayo bukas?" Tanong ko sa mag-asawa.

"Oo iho, baka mamayang hapon ay makuha ko na yung sasakyan namin sa pagawaan." Sagot ng matandang lalaki.

Pagsapit ng dapithapon ay kinuha ko ang itim na libro mula sa aking bag at binitbit ito sa likod bahay kung saan mayroong isang kakahuyan.

Balak kong bisitahin ang isang kaibigan na matagal ko ng hindi nakikita.

"Ozen, magpakita ka sakin." Sambit ko habang nakatayo sa gitna ng kakahuyan.

Bahagyang umihip ang hangin at lumitaw sa harapan ko ang isang engkanto. Isang lalaki na may mahabang buhok na kulay pilak, maputi ang kutis at berde ang kulay ng mga mata, magara din ang kanyang kasuotan dahil siya ay isang hari sa kanilang mundo.

"Kaibigan, mabuti at napadalaw ka. Matagal tayong hindi nagkita." Sabi niya.

"Ozen, may gusto sana akong itanong sayo tungkol sa itim na librong ito, baka sakaling matulungan mo ako." Sagot ko sa kanya at ipinakita ang hawak kong libro.

Lumingon lingon muna sandali sa paligid si Ozen bago siya muling nagsalita.

"Doon tayo sa palasyo mag usap." Sambit niya at pumasok kami sa loob ng lagusan.

{ Bata pa lang ako noong makilala ko si Ozen. Isang gabi, habang nagbabakasyon kami dito sa aming rest house ay nakarinig ako ng tunog ng isang plawta.

Lumabas ako ng bahay at sinundan ang pinagmumulan ng tunog. Nakarating ako sa loob ng kakahuyan at doon ko nakita ang isang engkanto na tumutugtog ng plawta, si haring Ozen. }

Pagdating namin sa kanyang kaharian ay napansin ko ang mga kawal na nagbabantay sa paligid. Samantalang sa isang batis ay masayang naliligo naman ang mga babaeng engkanto sa kaharian ni Ozen.

Lagi akong namamangha sa ganda ng kanyang palasyo tuwing dinadala niya ako dito.

Pumasok kami sa isang silid at doon nag usap.

"Ilang buwan na ang nakakalipas noong may makalaban akong isang engkanto, ang sabi nya sakin ay kagaya raw ng sa mga maharlikang engkanto ang kapangyarihan ko na mula sa itim na libro." Kwento ko sa kanya.

Hinawakan ni Ozen ang itim na libro at binuklat-buklat ang bawat pahina nito.

"Walang duda na kapangyarihan nga ng isang mataas na uri ng engkanto ang nararamdaman ko sa librong ito." Sambit niya.

"Matagal na panahon ng nasa pamilya namin ang libro na yan, ako na nga ang ika-pitong tagapagmana. Pero kahit isang kwento tungkol sa pinagmulan ng librong iyan ay wala akong narinig." Kwento ko sa kanya.

"Pero may isa pa akong nararamdaman sa librong ito. Maitim na kapangyarihan. Maaaring isang mataas na uri ng itim na engkanto ang sumulat ng librong ito." Dagdag pa ni Ozen.

"Sa ilang taon kong paggamit ng librong yan ay minsan din akong naghinala na maaaring nagmula yan sa kadiliman. Hindi lang ako nakakasigurado pero may pakiramdam ako." Sabi ko.

"Mukhang hindi na natin malalaman pa kung kanino nagmula ang itim na librong ito, kaibigan. Mas mabuting ingatan mo na lamang ito upang hindi mapunta sa kamay ng mga masasamang loob." Wika ni Ozen.

Matapos kaming mag-usap ay inihatid niya ako palabas ng kanyang kaharian, pabalik sa kakahuyan.

Ngunit paglabas namin ng lagusan ay isang malakas na pwersa ang naramdaman namin.

"Nararamdaman mo ba yon?" Tanong ko sa kanya.

"Oo kaibigan! Isang malakas na nilalang ang nasa di kalayuan." Sagot niya.

"Hindi maganda ang kutob ko." Sabi ko.

"Ako rin." Wika niya.

"Hahanapin ko ang pinagmumulan ng pwersang yon." Sabi ko kay Ozen.

"Sige. Susunod ako sayo kaibigan. Tatawag lang ako ng mga kawal." Wika ni Ozen.

Umusal ako ng isang orasyon at itinuro sa akin ng pendant ang direksyon ng pinagmumulan ng malakas na pwersa.

Nararamdaman kong mapanganib ang nilalang na pinagmumulan ng malakas na presensya.

Narating ko ang isang parte ng kakahuyan kung saan tila may harang na nakatakip.

"Ano to? Isang harang upang hindi mapansin ng mga ordinaryong tao ang lugar na ito?" Sabi ko.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng harang at nakita ko ang isang grupo ng mga taong nakasuot ng puti.

Nakaharap sila sa isang life-size na rebulto ng isang anghel.

Nakita ko rin ang isang nilalang na lumilipad at dahan-dahang bumababa mula sa itaas.

Napakaamo ng kanyang mukha, kulay puti ang kanyang kasuotan, mayroon siyang mga puting pakpak at nagliliwanag ang kanyang buong katawan.

Noong mailapat na niya ang kanyang mga paa sa lupa ay nagsiluhod naman sa harapan niya ang grupo ng mga taong naka puti.

"Purihin ang arkanghel Raphael!!" Sigaw ng mga taong nakaluhod.

"Kung ganon, isang anghel pala ang presensyang nararamdaman ko? Pero bakit ganon. Bakit hindi maganda ang pakiramdam ko." Sabi ko sa isip ko.

Biglang tumingin sa direksyon ko yung tinatawag nilang arkanghel Raphael at nagsalita ito.

"Apo, mukhang may ibang nakapasok." Sabi ni arkanghel Raphael.

Agad na nagtayuan yung mga taong nakasuot ng puti at lumingon sa akin.

Natatandaan ko sila, si Apong Manuel at ang mga tagasunod niya!

"Sino ka? Bakit ka nangahas na pumasok sa sagradong lugar na ito?" Tanong sakin ni Apong Manuel.

"Napadaan lang po ako." Sagot ko.

"Napadaan? Sa gitna ng kakahuyan napadaan ka? Niloloko mo ba kami?" Galit na sambit ni Apo.

Naramdaman ko ang biglang pagsulpot ng mga masasamang espiritu sa paligid ng kakahuyan kaya't hinubad ko ang aking kwintas at ipinulupot ito saking kamay.

"Apo, iniistorbo ng lalakeng iyan ang aking gagawing banal na pagbabasbas sa inyo." Sabi ni arkanghel Raphael.

"mahal na arkanghel Raphael huwag kayong mag-alala, kami na ang bahala sa pangahas na yan!" Sabi ni Apong Manuel.

"Mga kasama, iligpit siya!" Utos ni Apo sa mga tagasunod niya.

Bumunot sila ng kanya-kanya nilang mga punyal at naghanda upang atakihin ako.

Sumugod ang dalawa papunta sakin at inilagan ko naman ang mga pag-atake nila.

Binigyan ko ng dalawang suntok sa mukha yung isa at ang isa naman ay tadyak sa tagiliran.

Muling sumugod ang tatlo pa sa kanila at nakipagbuno sakin, nahiwa ako nung isa sa may braso pero napatumba ko rin silang tatlo.

Nanonood lang si Apong Manuel at ang arkanghel Raphael habang nakikipaglaban ako sa mga tagasunod nila.

"Teka bat niyo ba ako inaatake? Wala naman akong ginagawa sa inyo ah?" Sabi ko.

"Dahil walang sinuman ang maaaring manghimasok sa sagradong lugar na ito ng arkanghel Raphael bukod saming mga pinili at binasbasan." Sabi ni Apong Manuel.

Pinalibutan ako ng limang mga alagad ni Apong Manuel habang ang kanilang mga punyal ay nakatutok sakin.

Bukod sa limang ito ay mayroon pang dalawang nakabantay kay Apo.

"Sige, sasabihin ko na ang totoo. Naramdaman ko ang presensya ng tinatawag ninyong arkanghel Raphael kaya ako naparito." Sambit ko.

"Kaya pala pakiramdam ko ay hindi ka pangkaraniwang tao. Gusto mo bang maging isa sa mga alagad ko? Babasbasan kita upang magkaroon ka rin ng kakayahang manggamot gaya nila. Sumali ka sa kanilang misyon upang maitanyag ang pangalan ko, ang pangalan ng arkanghel Raphael. Ang anghel na nagpapagaling." Alok ni Raphael sa akin.

Nakatitig lang silang lahat sa akin at hinihintay ang aking sagot.

"Ayoko nga! Masama ang pakiramdam ko sayo! Hindi pa ako nakakakita ng anghel pero nararamdaman kong isa kang peke!" Sagot ko.

"Lapastangan!!!" Sigaw ni Raphael sakin.

"Ang kapal ng mukha mong bastusin ang isang arkanghel!" Sigaw ni Apo.

Akmang susugurin na ako ng lahat ng mga tagasunod ni Apong Manuel kaya't nagpakawala ako ng isang malakas na pwersa mula sa pendant na nasa aking kamay.

Tumalsik at natumba sa lupa ang pitong tagasunod ni Apo.

"mahal na arkanghel, bigyan nyo po kami ng lakas upang maipagtanggol kayo mula sa pangahas na yan!" Sabi ni Apo kay Raphael.

Hinawakan ni arkanghel Raphael ang ulo ni Apong Manuel at nakita kong naging purong itim ang mga mata ni Apo.

Ang pitong tagasunod naman niya na nakahandusay sa lupa ay sinapian ng mga masasamang espiritu na nasa paligid at naging purong itim din ang kanilang mga mata at sila'y bumangon.

Noong handa na silang sumugod sa akin ay biglang dumating ang mga kawal na engkanto mula sa kaharian ni Ozen at nagkaroon ng labanan!

"Bwisit! Bakit may mga engkanto dito?" Sambit ni arkanghel Raphael.

"Ako na mismo ang tatapos sayo!" Sigaw sakin ng arkanghel.

Tatlong bola ng kulay dilaw na liwanag ang pinakawalan ni Raphael upang atakihin ako.

Ngunit biglang lumitaw ang mga kulay asul na paruparong nagliliwanag at hinarang ang mga pag-atake ni Raphael.

"Hindi kita hahayaan!!" Sigaw ni Ozen na nasa likod ko na pala.

"Ozen! Buti dumating ka na! Kilala mo ba ang arkanghel na yan?" Sambit ko.

"Oo naman, nagpakilala siya bilang si 'Arkanghel Raphael' sa mga taong namanipula niya ang isip maraming panahon na ang nakalilipas. Naisulat pa nga ang pangalan niya sa isang libro upang mas maging makatotohanan ang panlilinlang niya. Idineklara din siya bilang isang patron. Isang anghel na nagpapagaling ng mga sakit. Pero ang totoo'y isa lang din siya sa mga demonyong nanloloko sa mga tao." Wika ni Ozen.

"Kaya naman pala masama ang pakiramdam ko sayong ungas ka! Mapagpanggap ka lang pala!" Sabi ko kay Raphael.

"Tumahimik kayo!! Dito na kayo mamamatay!" Sigaw samin ng pekeng arkanghel.

At nagpakawala si Raphael ng napakaraming bola ng liwanag upang paulanan kami.

Itinaas ni Ozen ang kanyang plawta at biglang lumitaw at nagtipon ang napakaraming nagliliwanag na paruparong kulay asul upang takpan kami mula sa pag-atake ni Raphael.

Umusal ako ng isang orasyon at tinawag ang isang malaking ipo-ipo at nakulong si Raphael sa loob nito.

Pero ilang segundo lang at biglang naglaho ang ipo-ipong nilikha ko matapos magpakawala ng isang napakainit na liwanag si Raphael at papunta ito sa direksyon namin.

Hinarang ko ang pag-atake niya gamit ang pwersa ng pendant bago pa kami tamaan!

"Ozen!!" Sigaw ko.

"Heto na!" Sigaw ni Ozen at nagpakawala siya ng mga apoy na hugis paruparo mula sa kanyang plawta at mabilis na lumipad ang mga apoy na ito papunta kay Raphael.

Natigil ang pag-atake ni Raphael samin at lumipad siya pataas gamit ang kanyang mga pakpak ngunit hinabol siya ng mga apoy na hugis paruparo.

Umusal ako ng isang orasyon upang panandaliang pigilan ang pagkilos ni Raphael!

Di nagtagal ay inabutan at tinamaan siya ng mga apoy ni Ozen!

Nagliyab si Raphael habang siya'y nasa itaas.

"Magbabayad ka sa ginawa mong panloloko sa mga tao Raphael!!" Sigaw ko at tinawag ko ang tatlong matatalim na kidlat mula sa mga ulap upang parusahan ang pekeng arkanghel.

Sunod sunod na bumagsak ang mga kidlat at tumama kay Raphael.

Bumagsak si Raphael sa lupa na sunog ang katawan at lagas-lagas ang kanyang mga pakpak.

Humihiyaw siya sa sobrang sakit at galit.

Unti-unti siyang bumangon at humarap samin.

"Ang yabang mo!! Hiram lang naman ang kapangyarihan mo!!" Sigaw ni Raphael sakin.

"At ikaw engkanto, bakit tinutulungan mo ang isang tao na labanan ako?! Dapat ay ako ang kinakampihan mo dahil pareho lang tayo!" Galit na sabi niya kay Ozen.

Buong lakas niyang sinuntok ang lupa at sumabog ang isang nakakasilaw na liwanag, bahagya ring yumanig ang lupa at noong maglaho na ang liwanag ay hindi na namin makita si Raphael.

Naglaho siya na parang bula.

"Tumakas na siya." Wika ni haring Ozen.

Natalo na rin ng mga kawal ni Ozen ang grupo ni Apong Man...

Natalo na rin ng mga kawal ni Ozen ang grupo ni Apong Manuel at walang malay silang nakahandusay sa lupa.

Sinira din namin ni Ozen ang rebulto ni arkanghel Raphael upang hindi na ito mapakinabangan pa.

Mula sa palad ni Ozen ay lumitaw ang mga maliliit na paruparong kulay berde at dumapo ang mga ito sa noo nina Apong Manuel at ng mga tagasunod niya.

"Para saan yan Ozen?" Tanong ko.

"Paggising nila ay makakalimutan nila ang lahat ng nangyari dito pati ang naging relasyon nila kay Raphael. Isa itong uri ng hipnotismo." Sagot niya.

"Tingin mo ay magbabalik pa dito si Raphael?" Sambit ko.

"Malamang ay hindi na, bagkus ay pupunta muna siya sa iba pa nyang mga deboto sa iba't-ibang panig ng mundo upang magpalakas at muling maghasik ng panlilinlang." Sagot ni Ozen.

Nilisan na namin ang kakahuyan at bumalik sa mga tahanan namin.

Nagpadala si Ozen ng mga halamang gamot upang maipangtapal ko sa sugat sa aking braso at mapaghilom ito.

Nanatili pa ako ng isang linggo sa bahay namin sa Bataan. Nabalitaan ko rin na tumigil na sa panggagamot ang kulto ni arkanghel Raphael.

Ayon sa kapitbahay kong si Mang Berto, tila daw nagka-amnesia ang grupo ni Apong Manuel at nakalimutan nilang nanggagamot sila.

Bago ako umalis ng Bataan ay nagpaalam muna ako kay haring Ozen.

Malabo man na malaman ko pa kung kanino nagmula ang itim na libro ay natulungan naman niya akong kumpirmahin na ang kapangyarihang nagmumula sa libro ay galing sa isang mataas na uri ng itim na engkanto.

Kaya't mas lalo ko pa itong dapat ingatan.

Part 17

Isang hapon, kagagaling ko lang sa gym noong maisipan kong tumambay muna sa isang mini park. Sikat na tambayan ang park na yon lalo na ng mga estudyante.

Tinext ko si Brix na puntahan ako dahil may plano kaming panoorin yung bagong labas na pelikula sa kalapit na mall.

Nakaupo lang ako noon at naglalaro ng games sa phone ko nang may isang lalake at isang babae na umupo sa tabi ko.

Akala ko'y mga estudyante lang na magkasintahan pero hindi pala.

Bahagyang umihip ang hangin at napansin ko ang ilang paruparo na biglang sumulpot sa paligid.

Isang pamilyar na presensya ang aking naramdaman.

"Kaibigan..kumusta?" Sabi ng boses.

Napalingon ako sa mga katabi ko at nakita ko si haring Ozen na nakaupo katabi yung lalake at babae.

"Ozen? Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko.

"Sinamahan ko lang itong mga kaibigan ko upang matunton ka dahil gusto ka raw nilang makausap." Sagot ni Ozen.

"Ah..ganun ba? Sino ba kayo at anong kailangan nyo sakin?" Tanong ko sa dalawa.

"Ikinagagalak ka naming makilala sir. Nabalitaan namin mula kay haring Ozen ang ginawa ninyong pakikipaglaban kay arkanghel Raphael. Malaking tulong po ang nagawa ninyo dahil nalagasan nanaman ng mga miyembro ang kulto ni Raphael!" Sambit ng lalaki.

"Eh teka, ano naman ang kinalaman non sainyo?" Pagtatakang tanong ko.

"Mga miyembro po kami ng isang sikretong samahan ng mga taong kumakalaban sa mga kampon ng kadiliman! Dati na po naming nakalaban at napabagsak ang mga kulto ni arkanghel Raphael sa Rizal, Cavite, Quezon at Iloilo!" Sagot naman nung babae.

"Ano? Ganoon na karami ang napabagsak ninyo?" Sabi ko.

"Opo, kaya nga natutuwa kami dahil ang sumisibol palang na grupo niya sa Bataan ay napigilan nyo na agad." Sagot muli nung lalake.

"Ibig sabihin posibleng mayroon pang ibang mga tagasunod si Raphael sa ibang mga probinsya dito sa bansa?" Tanong ko.

"Posible po yan! At ang pinakamalaking grupo ng mga tagasunod ni arkanghel Raphael ay nasa parteng Mindanao kasama ang iba pang mga mapagpanggap na anghel." Kwento nila sa akin.

Ikinuwento din nila sakin na ang samahan nila ay may nakalaban na ring mga mangkukulam, mambabarang, mga masasamang elemento, aswang, engkanto at mga satanista.

"Pero ang totoong pakay po namin kaya gusto namin kayong makausap ay dahil nais naming hingin ang inyong tulong." Sabi nung lalake.

"Tulong? Para saan?" Tanong ko.

"Ang mga kawal na engkanto ng Itim na Siyudad ay nagtitipon na ng kanilang pwersa upang salakayin ang maliit na kaharian ng Elenor. Ang ibang mga kaharian na kaalyansa ng Elenor ay handa ring tumulong sa oras na sumiklab na ang malaking digmaan. Ngunit napakalaki ng hukbo ng Itim na Siyudad kaya't tinitipon din namin ang iba pang mga tao na may malakas na abilidad upang tumulong sa digmaan. Maging ang aming sikretong samahan ay handa ring tumulong kahit pa mga tao kami." Paliwanag nung lalake.

Pinoproseso ko pa sa isipan ko ang tungkol sa digmaang sinasabi nya nang mapatingin ako kay Ozen.

"Ozen, kasali ka ba sa nalalapit na digmaang ito?" Tanong ko.

"Oo kaibigan, kaalyansa ng kaharian ko ang hari ng Elenor." Sagot niya.

"Kung kasali si Ozen dito at mga itim na engkanto ang kalaban, sige tutulong din ako." Sagot ko sa kanila.

"Salamat! Magkakaroon ng pagtitipon ang buong Alyansa sa makalawa, sana ay makadalo ka para makilala mo ang mga miyembro at mga pinuno." Sabi nung babae.

Sumang-ayon naman ako sa kanilang paanyaya at pagkatapos ay umalis na sila.

Ilang minuto pa akong nakatambay sa mini park noong dumating si Brix.

"Bakit ang tagal mo?" Tanong ko sa kanya.

"May inayos pa kasi kami sa bahay. Oh tara na!" Sagot niya at pumunta na kami sa mall.

Makalipas ang isa pang araw ay tinawagan ako ni Kyle, yung lalaking miyembro ng sikretong samahan.

Magkita daw kami doon sa mini park at isasama nila ako sa pagtitipon ng kanilang Alyansa.

Kasama ulit ni Kyle yung babae na ang pangalan naman ay Trish.

May dala silang sasakyan at agad kaming pumunta sa sinasabi nilang headquarters ng grupo nila.

Habang nasa byahe kami ay tila pamilyar sa akin ang lugar na aming nilalandas at hindi nga ako nagkamali dahil papunta kami sa bahay ni Manang Rosa!

"Nandito na po tayo." Sabi ni Kyle.

"Bahay ni Manang Rosa to ah!" Sambit ko.

"Po? Kilala niyo po si lola Rosa?" Gulat na tanong nung dalawa sa akin.

"Oo! Minsan ko na siyang nakausap dahil humingi ako sa kanya ng mahiwagang tubig." Paliwanag ko sa kanila.

"Kung ganon ay nakilala nyo na po pala ang pinuno ng aming samahan!" Sagot ni Trish.

Bumaba na kami ng kotse at pumasok sa loob ng compound, napakaraming mga tao na pawang mga miyembro ng kanilang samahan ang nandoon.

Pumasok kami sa loob ng bahay at muli kaming nagkita ni Manang Rosa.

"Magandang umaga po Manang Rosa! Natatandaan pa po ba ninyo ako?" Pagbati ko sa kanya.

"Oo naman, ikaw yung nagpunta dito noon na naghahanap ng mahiwagang tubig upang mailigtas ang kaibigan mo di ba?" Sagot ng matanda.

"Opo ako nga po, at salamat po sa tulong ninyo, nailigtas ko po si Mang Tonyo." Sambit ko.

"Mabuti naman kung ganon iho." Sagot ni Manang Rosa.

Sinamahan ako ni Kyle at naupo muna kami sa isang tabi habang pinagmamasdan ko ang mga taong patuloy na dumarating sa compound.

Lahat sila ay nakasuot ng puting damit bilang tanda na mga miyembro sila ng samahan ni Manang Rosa.

Ilang sandali pa at may isang grupo ng mga tao ang pumasok sa compound. Mga nakasuot naman sila ng itim na damit at kapansin pansin ang isang matandang lalake na kagalang galang ang itsura.

"Sino naman yung mga yon?" Tanong ko kay Kyle.

"Mga Hunters po sila, kadalasan po ay mga aswang ang kinakalaban nila pero may kakayahan din po silang labanan ang mga masasamang elemento. Yung matandang lalake po na yon ay si Maestro Lucio, siya ang pinuno nila." Pagpapaliwanag ni Kyle sakin.

"Dito din ba ang headquarters ng grupo nila?" Tanong ko kay Kyle.

"Hindi po. Sikreto po kasi ang lokasyon ng mansyon ni Maestro Lucio upang hindi sila matunton ng mga aswang." Sagot naman niya.

Maya-maya pa'y napansin ko ang pagdating ni Ozen kasama ang dalawang engkanto na parehong magagara ang kasuotan.

"Kaibigan, mabuti at nakarating ka." Pagbati ni Ozen sakin.

"Sino sila?" Tanong ko.

"Ito si Bulan, hari ng mga engkanto sa isang kaharian sa Bicol." Pagpapakilala ni Ozen sa isang lalaki na napakaputi at napakakinis ng kutis, mahaba rin ang kanyang itim na buhok at napakaamo ng kanyang mukha.

"Siya naman si Zanir, ang hari ng Elenor na humingi ng tulong sa buong Alyansa.

Ngumiti lamang ang dalawang hari matapos silang ipakilala ni Ozen.

"Kayo po pala ang hari ng Elenor, minsan ko na pong nakilala ang prinsipe at prinsesa ng inyong kaharian doon sa secret mountain." Sambit ko.

"Ah ganun ba? Salamat at nandito ka ngayon kaibigan." Sagot ni haring Zanir.

Maraming bahay sa compound nina Manang Rosa ngunit sa gitna nito ay mayroong isang malaking bulwagan kung saan nagtipon-tipon ang lahat ng dumalo sa araw na iyon.

Magkakatabing naupo sa harapan ang mga pinuno ng alyansa. Si Manang Rosa, Maestro Lucio, Haring Ozen, Zanir at Bulan.

"Salamat sa pagpunta ninyo sa pagpupulong na ito. Ayon sa aking mga espiya ay tinitipon na ng Itim na Siyudad ang lahat ng kanilang mga kawal at iba pang mga elementong kaalyansa nila. Napakalaki ng kanilang hukbo kaya naman hinihingi ko ang inyong tulong upang maipagtanggol ang aming kaharian at mapanatili ang kapayapaan ng mga engkantong naninirahan doon." Panimulang sabi ni haring Zanir.

"Sa tingin mo ay gaano kalaki ang hukbo ng Itim na Siyudad?" Tanong ni haring Bulan.

"Mahigit sa sampung libong mga kawal." Sagot ni Zanir.

"Mukhang hindi nga natin kayang tapatan ang bilang nila." Sambit ni Ozen.

Isang babae ang lumapit kay Manang Rosa at may ibinulong dito.

"May humahabol pa sa pagpupulong natin." Sambit ni Manang Rosa at napangiti ito.

Dalawang nilalang ang biglang pumasok sa loob ng bulwagan, base sa kanilang presensya ay ramdam ko agad na hindi sila mga tao.

"Kyle, sino sila?" Tanong ko sa katabi ko.

"Si haring Barangaw yan at reyna Hanan." Sagot ni Kyle.

"Buti naman at nakarating kayo." Sambit ni Maestro Lucio.

"Mukhang kumpleto na ang buong Alyansa, pag-usapan na natin ang plano." Wika ni Manang Rosa.

Maraming pinag-usapang stratehiya ang mga pinuno ng alyansa sa pagpupulong na iyon kung paano haharapin at tatalunin ang malaking hukbo ng Itim na Siyudad o mas kilala sa ating mga tao na Biringan City.

Marami ng mga kaharian ang sinalakay at pinabagsak ng Biringan, unti-unti nilang pinapalawak ang kanilang nasasakupan at bumubuo ng isang imperyo.

Nakumpirma din sa pagpupulong na ang bilang ng mga kawal ng buong Alyansa ay nasa mahigit limang libo lamang.

"Bagama't dehado ang ating bilang ay hindi dapat tayo panghinaan ng loob, tandaan natin na hanggat lumalaganap ang mga kampon ng kadiliman ay patuloy tayong lalaban!" Sambit ni Manang Rosa.

"Si Satanas ang Supremo ng mga engkanto at ng lahat ng masasamang elemento sa mundo at hindi na magbabago yon! Wala silang ibang gusto kundi ang kaguluhan sa buong mundo pero hindi tayo basta-basta magpapatalo sa kanila!" Sigaw ni haring Barangaw at tila nabuhayan ng loob ang lahat ng nandoon!

Matapos ang pagpupulong ay patuloy parin sa pag-uusap ang mga pinuno sa loob ng bulwagan.

"Ozen, may itatanong ako sayo." Sambit ko.

"Ano iyon kaibigan?"

"Yan bang sina Bulan, Barangaw at Hanan, sila din ba yung mga nasa mitolohiya? Tanong ko.

"Ah, Oo, sila din yon, tinatawag silang mga diyos at diyosa sa mga alamat pero ang totoo'y mga diwata lang din naman sila." Sagot ni Ozen.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na lapitan si reyna Hanan upang tanungin ito ng isang bagay na alam kong siya lamang ang makakasagot.

"reyna Hanan, magandang araw sayo, may nais lang sana akong itanong?" Sambit ko.

Napangiti saglit ang diwata bago ito sumagot.

"Ano yon?" Wika niya.

"Nabasa ko ang tungkol sayo noong bata pa ako, totoo bang... kalahating tao ka? at tao ang iyong ina?" Tanong ko.

Biglang natawa si Hanan sa aking katanungan ngunit ilang sandali lang ay sinagot din niya ako.

"Hindi.. hindi ako kalahating tao at wala rin akong ina na tao. Ako'y purong engkanto. Walang kalahating engkanto sa mundo namin at sa mundo ninyo. Walang ganon kaibigan. Yan ang sagot ko sa iyo. Sana ay naliwanagan ka." Seryosong sagot sakin ni reyna Hanan.

"May isa pa sana akong gustong itanong sa inyong lahat... Ano ba talaga kayo?" Sambit ko habang kaharap ang mga engkantong pinuno ng alyansa.

Bagama't alam ko naman ang katotohanan ay gusto kong marinig ito mula sa kanila mismo.

Kung aaminin ba nila ito o ikakaila.

Bigla silang natahimik at naging seryoso ang mga mukha, hanggang sa binasag ni Ozen ang katahimikan nang siya ay magsalita.

"Maraming panahon na ang nakalilipas noong kami ay mahulog dito sa lupa, nagpagala-gala kami sa buong mundo at ang tanging layunin lang namin ay maghasik ng kasamaan at panlilinlang sa mga tao. Ang mga tao ay may mapaglarong kaisipan at malikot na imahinasyon. Binigyan nyo kami ng mga bagong pangalan. Tinawag nyo kaming engkanto, duwende, tikbalang, kapre at marami pang iba. Pero kami ay walang iba kundi ang mga nahulog na anghel." Pagpapaliwanag ni Ozen.

"Ngunit bakit nagkakaroon ng digmaan sa pagitan ninyong mga fallen angels?" Sunod na tanong ko.

"Ang ilan kasi samin ay nanahimik na lang sa mga kanya-kanya naming kaharian tutal ay alam na namin ang aming kapalaran. Alam na namin ang aming katapusan. Gusto ni Satanas na maging aktibo kaming muli sa panlilinlang ng mga tao. Dahil si Satanas ang Supremo ng lahat ng mga engkanto, demonyo at masasamang elemento sa buong mundo ay ipinag-uutos niyang guluhin ang aming pananahimik upang sumunod kaming muli sa mga kagustuhan niya." Pagpapaliwanag naman ni haring Barangaw.

"Salamat sa matapat ninyong pagsagot sa aking mga katanungan." Wika ko sa kanila.

Matapos kaming mag-usap usap ay lumisan na ang mga pinunong engkanto.

Inaya naman akong mag meryenda ni Manang Rosa kasama si Maestro Lucio.

"Nabalitaan ko mula kay Ozen ang naging sagupaan ninyo sa kulto ni Raphael." Sabi ni Manang Rosa.

"Opo, totoo po yon." Sagot ko.

"Malala na talaga ang panahon ngayon, mas lalo pang dumarami ang mga mapagpanggap na anghel." Sabat ni maestro Lucio.

"Tama ka, at hindi lang basta mga demonyo ang nagpapanggap, pati mga tao! Maraming tao na ngayon ang nagsasabi na mga anghel daw sila, anak daw sila ng anghel, apo daw sila ng anghel, dati raw silang anghel sa nakaraang buhay nila, espiritu daw ng anghel ang nasa loob ng katawan nila, o kaya naman ay anghel daw sila na nagkatawang tao! Ang masama pa ay marami ang naniniwala sa kanila? Pagkatapos ay magkukwento at magtuturo sila ng mga kasinungalingan pero paniniwalaan parin sila dahil lagi nilang idinadamay ang pangalan ng Diyos tuwing magsasalita sila para magmukha silang mabuti. Ginagamit silang instrumento ng demonyo para marami ang maligaw. Kawawa naman ang mga naniniwala sa ganon." Pailing-iling na lang na wika ni Manang Rosa.

"Isa lang ang ibig sabihin niyan Rosa, marami talagang paraan ang demonyo at marami ang handang magpaloko dahil nadadaan sila sa mga mabubulaklak na salita ng mga kampon ng demonyo. Walang tao na nasa matinong pag-iisip ang magsasabi na siya'y isang anghel." Sagot ni maestro Lucio.

"Maiba tayo, baka gusto mong sumama minsan sa mga tagasunod ko upang tumugis ng mga aswang? Nalaman kasi namin na nasa norte ang lihim na kuta ng pinakamalaking grupo ng mga aswang." Tanong sakin ni maestro Lucio.

"Nako maestro Lucio, wag na po, kayo na lang." Natatawa kong sagot.

"Ahm.. maestro, ano po ba yang punyal na nakakwintas sa leeg nyo? anting-anting nyo po ba yan?" Pagtatakang tanong ko kay maestro dahil kanina ko pa napapansin ang isang punyal na tila ginawa niyang kwintas.

"Ah ito ba, espesyal ang punyal na ito, bukod sa panangga ito sa mga aswang ay maalamat din ito. Ilang daang taon na ang nakalilipas, hindi pa masyadong laganap ang mga Kastila sa ating bansa. Isang malahalimaw na aswang ang lumitaw sa isla ng Panay. Marami siyang kinatay na mga tao at kinatatakutan siya ng ibang mga aswang. Pero natalo siya ng isang pamilya ng mga aswang, ang mga asong itim! At itong punyal na ito ang ginamit nila upang itarak sa puso ng halimaw. Isinama nila ang punyal sa libingan ng aswang na yon pero pagkalipas ng mahabang panahon ay sinubukan namin itong hanapin dahil maaaring ito lang ang makakapatay sa hari ng mga aswang ngayon!" Seryosong pagkukwento ni maestro Lucio.

Minsan ay nakakatuwa talaga ang makipagkwentuhan sa mga matatanda.

Matapos kaming mag meryenda ay nagpaalam na ako kina Manang Rosa, Maestro Lucio at Kyle.

Ngunit bago ako umalis ay may sinabi sakin si Manang Rosa.

"Iho, mula sa araw na ito ay kabilang ka na sa aming samahan... isa ka na sa mga White Knights."

Next time: Part 18 - Finale!

P.S.

Napaisip din naman ako gaya ninyo kung ang arkanghel Raphael ba na nakasagupa namin ay pekeng Raphael (copycat) O si arkanghel Raphael mismo ang peke?

Kaya naman inalam ko muna kung sino ba si arkanghel Raphael?

Siyempre bilang tayo ay mga kristiyano, ay biblia ang una nating pagbabatayan pagdating sa usapang anghel.

Hinanap ko sa biblia ang tungkol kay arkanghel Raphael ngunit walang anghel Raphael na nakasulat doon. Nagtanong din ako sa mga kilala kong bible readers kung saan ko mababasa ang tungkol kay arkanghel Raphael pero wala silang naipakita sa akin na talata.

Dalawang pangalan lang ng mabuting anghel ang mababasa sa biblia: Sina anghel Gabriel at arkanghel Michael.

Kung gayon, saan pala mababasa ang tungkol kay arkanghel Raphael kung wala sa biblia?

Nalaman kong si Raphael ay isang anghel na nakasulat sa isang libro na kung tawagin ay "Book of Tobit".

Ayon sa Book of Tobit, si Raphael ay nagpanggap bilang isang tao (Azarias), sinamahan at iningatan si Tobias sa kanyang paglalakbay at ginamot si Tobias mula sa pagkabulag. Dahil dito kinilala si arkanghel Raphael ng Simbahan bilang Patron of the blind, travelers and physicians.

Ang Book of Tobit ay hindi parte ng original manuscripts ng Hebrew bible. Kahit sa mga bible natin ngayon, hindi mo makikita ang Book of Tobit.

(Pero mayroon ng mga versions ngayon ng Catholic bible na isinama ang Tobit at iba pang apocrypha books - kung ano ang motibo nila ay hindi ko na alam).

Ang Book of Tobit ay nabibilang sa mga tinatawag na "Apocrypha books" (hidden books) mga librong sinulat pagkatapos ng huling libro ng Old Testament at bago ang New Testament.

Ang Book of Tobit ay hindi bahagi ng mga "inspired scriptures" o "true scriptures" ng biblia. Bakit? Dahil ang mga Apocrypha books (kagaya ng Tobit) ay "napakaraming errors".

Maraming "errors" na itinuturo tungkol sa mga historical events, geography ng mga bansa, at lalo na sa aral ng Diyos ang mga "Apocrypha books". Ilang halimbawa: pagdarasal sa mga patay at pagsamba sa anghel. (Bawal yan sa biblia).

Ayon sa Book of Tobit, tinuruan ni arkanghel Raphael si Tobias na gamitin ang lamang-loob ng isang isda para itaboy ang demonyong si Asmodeus. (Eh ayon sa biblia paano mo itataboy ang isang demonyo? Sa pamamagitan ng pangalan ni Hesus!)

Ang mga "hidden books" at mga "lost books (gnostic gospels)" at isama mo pa yung Book of Enoch. Ito ay mga libro na nagtuturo ng mga maling aral dahil hindi sila tumutugma sa mga salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia.

Isang katunayan na ang mga "hidden" at "lost books" na yan ay hindi 'inspired by God' is the fact na madalas ay kulang-kulang ang mga pahina nila noong nadiskubre sila. Remember na iniingatan ng Diyos ang Kanyang mga salita, dahil kung tunay ang mga lost books na yan, hindi yan hahayaan ng Diyos na mawala o magkulang ng pahina.

Matagal ng nagtatrabaho ang mga demonyo upang tayo ay malinlang at naniniwala ako na ang mga hidden at lost books na yan ay paraan nila upang mag-cause ng confusion sa mga tao. Nung madiskubre yang mga lost books na yan madami ang naniwala na "kulang naman pala ang biblia", "hindi naman pala sapat ang mga aral na nakasulat sa biblia dahil maraming kulang na libro", "misteryoso ang mga lost books kaya sila tinaggal." Sa madaling salita, marami ang nawalan ng tiwala sa authenticity ng biblia dahil sa mga "lost books" na ito. Yan ang gustong mangyari ng mga demonyo.

Ito po ang aking mga basehan kung bakit na-conclude ko na walang anghel ang Diyos na ang pangalan ay "arkanghel Raphael". Una, dahil hindi siya mababasa sa Biblia. Ikalawa, dahil nabanggit lang siya sa isang apocrypha book (Book of Tobit) na isang "erroneous" book at hindi "inspired scripture".

Gaya po ng sabi ko noon, hindi ko pinipilit ang mga readers na maniwala sa mga kwento ko at ako po ay hindi naglalayon na baguhin ang paniniwala ng sinoman. (Ako po ay naglalahad lamang ng aking paliwanag.)

Kung naniniwala po kayo na mayroon talagang tunay na arkanghel Raphael na isang patron/anghel na nagpapagaling ng mga sakit ay kayo po ang bahala, hindi ko naman po kayo pipigilan.

Pero isa lang po ang pinaniniwalaan ko, ang Panginoon ang nagpapagaling ng lahat ng ating karamdaman.

Psalms 103:3 (NIV) "Who forgives all your sins and heals all your diseases."

At kung sa tingin nyo ay anti-christ ako dahil hindi ako sumasampalataya kay Sto.Niño, Mary, at kay Raphael.. Okay lang.

Ang sabi kasi ng Jesus na nakilala ko ngayon sa buhay ko,

Mateo 4:10 ..., "Ang Panginoon mong Diyos ang dapat mong sambahin. At Siya lamang ang dapat mong paglingkuran."

- White Knight

Continue Reading

You'll Also Like

13.8K 209 25
Lisa Roberts, Jill Robert's younger sister. When Jill was a killer in the 2011 WoodsBoro murders, Jill let her baby sister survive, knowing only hers...
10.9K 181 7
Philosophy is the study of general and fundamental problems, such as those connected with reality, existence, knowledge, values, reason, mind, and la...
107K 16K 62
How Is it to have Found Love in Childhood Right ! A dream come true for many, Your soulmate is none other than your best friend from years Ever thoug...
5.3K 178 18
six? seven? eight? none of the members want to think about how dreadfully long it's been since their dear producer woozi left seventeen without a tra...