36. [2]

2.6K 129 44
                                    

kaunting paalala: in this story, ang SOPA ay isang ordinaryong unibersidad lang. ndi katulad sa totoong buhay. SCHOOL OF PERFORMING ARTS saka high school kc ang SOPA. HAHAHA NATRIPAN KO LNG KCNG IBAHIN HEHE

niweys, hehehe, basahin niyo rin pala ung bago kong gawa, "Baby and V". pero itutuloy ko lng siya kpag natapos ko na to XD

*•*•*

Inabot ng gabing-gabi ang pag-ce-celebrate nila ng kaarawan ni Irene. Halos ginawa na nila ang lahat; naglaro, kumain, nagkantahan, nagkwentuhan, nagbugbogan at iba pa. Alas diez na ng gabi. Balak pa sanang umalis ni Irene at pumunta ng Antipolo ngunit pinigilan siya ni Jungkook.

"Irene, masyado nang malalim ang gabi. Mas mabuti pang magpahinga ka nalang kesa sa umalis ka at may mangyari pang masama sayo."

Kitang-kita ni Irene sa mga mata ni Jungkook ang sinseridad dito kaya naman ay tumango nalang siya. Edi okay! Masunurin naman ako pagdating kay Kookie beybeh e! Jokes.

Mag-isa nalang ulit siya sa loob ng apartment. Biglang tumahimik. Wala na kasi silang lahat. Wala nang magugulo at maingay. Nakauwi na sila kanina pa. Pero ayos lang iyon dahil mabuti nalang ay tumulong rin sila sa paglilinis ng kalat at hindi pa siya nagpakapagod.

Dinukot nalang ni Irene ang kanyang cellphone saka nagtext sa kanyang ina.

Nay! Ma! Pasensya na hindi na ko makakapunta dyan sa antipolo. Anong oras na rin kc. Promise ma babawi nalang ako bukas. Gigising nalang ako ng maaga bukas para maaga dn akong mkarating.

Napakagat pa siya sa labi habang hinihintay ang reply ng ina. Baka naghanda pa sila tapos hindi siya dumating. Baka magtampo si Kaloy at ang nanay niya.

From: MAMA RECCA

ok lng nak. alam q nmang pgod u narn ngaun. magpahinga u nlang. hihintayin k nlng namin bukas ni kaloy. i love u anak. happy birthday. hart hart ng madame.

Napangiti nalang ng maliit si Irene. Buti nalang ay naintindihan rin siya ng nanay niya na masyadong malalim na ang gabi para bumyahe pa. Minabuti nalang niyang buksan ang mga regalo sa kanya ng tropa dahil wala na rin naman siyang magawa.

Napangiti nalang siya habang tinitignan lahat ng mga nabuksan niyang regalo. Nakakatuwa at nag-e-effort pa silang bilhan ako ng gan'to.

Tinira niya sa huli ang isang kakaibang regalong natanggap niya kay Jungkook. Iyon ang huli niyang bubuksan dahil sa kakaiba at napakweirdo ng balot nito. Magulo talaga ang pagkakabalot at halatang minadali lang. Pero kahit ganu'n ay hindi na mapakali sa sobrang kilig si Irene dahil sa effort na ginawa ni Jungkook kahit na hindi ito marunong magbalot ng regalo.

Para magulat ay sinadya ni Irene na buksan ang regalo ng nakapikit. Nang natanggal niya ang last piece ng manila paper ay kinapa-kapa niya ito. Mukhang isang malaking libro!

Dinilat na niya ang kanyang mata at nagulat nga sa nakita. Sketch book? Anong gagawin ko sa sketch book? Anong tingin niya sa'kin, magaling mag-drawing?

Binuksan niya ang sketch book at namangha sa nakita sa loob. Napabuka ang bibig niya sa sobrang pagkatuwa.

Hindi ko alam na magaling palang mag-drawing si Jungkook! Hindi ko pa naman kasi siya nakikitang mag-drawing ng harap-harapan.

Pero ang mas kinagulat niya ay mukha niya ang nakaguhit sa unang pahina ng sketch book-nakatingala siya sa taas habang nahaharangan naman ng buhok niya ang mukha niya.

Bakit naman ako i-do-drawing ni Jungkook?

Unless nalang kung ano. . .May gusto siya sa'kin. Ehem!

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon