10.

3K 138 23
                                    

Napatingin bigla ng diretso si Jungkook kay Irene galing sa pagkakayuko. "Sa tingin mo ba?" malumanay na tanong ng binata. "Sa tingin mo ba nakakaalala na talaga ako?"

Bakit ganu'n makatingin sa'kin si Jungkook? Hindi ko maintindihan. . .

Iniwas nalang ni Irene ang kanyang tingin saka napalunok.

Siguro nga nakakaalala na si Jungkook.

Siguro nga 'yung mga pangyayaring nakita ni Jungkook ay 'yung mga nangyari sa kanya bago siya nakalimot at inagos sa dirty river ni Lanlan.

Bumuntong-hininga nalang si Irene saka umikot at tumalikod sa binaya, "Matulog ka ulit, Jungkook. Magpahinga ka muna."

Naiiyak ako, puta. Ayaw ko nang mapalayo sa'kin si Jungkook. Hindi ba pwede 'yun? Pwede ba kasing angkinin ko nalang si Jungkook at kupkupin para lang sa sarili ko?

Lumabas si Irene sa kwarto saka pinatay ang TV na nakalimutan niyang patayin kanina. Wala na siyang ganang manood. Ang lalim na rin kasi ng mga iniisip niya.

Iniisip ko kung paano ko ba maaangkin si Jungkook. Ang gulo ko kasi e. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Minsan gusto kong angkinin si Jungkook. Minsan naman gusto kong tuparin 'yung sinabi ko na ibalik siya sa pamilya niya.

Can't choose between the two...

Pero teka. . .Subukan ko kaya sa Facebook?

Hmm. . . Ilang weeks ko na rin palang hindi nabubuksan 'yun.

Pumunit si Irene ng papel sa kanyang lumang notebook at kumuha ng bolpen saka nagsulat. Baka kasi ay hanapin siya ni Jungkook kaya naisipan niyang magsulat ng note kung saan siya pupunta.

Nice naman. Hahanapin kaya ako ni Jungkook? Pupunta lang naman ako sa comp shop malapit sa apartment e. Ayoko namang mag-alala siya sa'kin. Concern siya sa'kin, 'diba?

Bumalik si Irene sa loob ng kwarto saka nilapag ang note sa tabi ng unan ni Jungkook. Nakatalikod lang si Jungkook sa kanya at nakaharap sa dingding. Napangiti nalang si Irene ng mapakla saka tumalikod at lumabas na ng kwarto.

Iniisip niya palang na hindi niya na makakasama si Jungkook, kinakabahan na siya. Umiling nalang siya saka dumiretso na sa banyo at naligo.

*•*•*

Nang nakalabas na si Irene sa apartment building, natanaw niya agad ang shining and shimmering forehead ng asawa ni Khakeen na si Utay sa katabing bahay ng tapat ng apartment.

Ang sarap ng pambungad ah.

Nakangising lumapit si Irene kay Utay na kasalukuyang nagbubungkal ng lupa sa tapat ng bahay nila.

"Wow naman. Sipag niyo talaga, tito Utay. Nagkabati na po ba kayo ng asawa mo?" nang-aasar na tanong ni Irene kay Utay habang nakangisi at nakalagay sa likod ang dalawang kamay.

"'Wag mo 'kong kausapin, bata. Wala ako sa mood ngayon," masungit na sagot ni Utay.

"Talaga?" nakangising tanong ni Irene. Hindi sumagot si Utay at tinuloy lang ang ginagawang pagbubungkal.

Sarap talagang pagtrip-an nitong panot na 'to.

Napadako ang tingin ni Irene sa ulo ni Utay at muntik nang mapatawa ng malakas, mabuti nalang ay ay maaga niyang nagpigilan ang pagtawa. Natatawa talaga siya sa tuwing nakikita niya ang panot na ulo ni Utay.

"Alam mo ba 'yung Ash Wednesday, tito Utay? 'Yung nilalagyan ng abo sa noo? Sana lahat ng tao na nagsisimba para sa Ash Wednesday katulad niyo, 'no?" nakangiting sabi ni Irene kay Utay kaya napaangat ang ulo nito at napatingin sa kanya.

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon