23.

2.9K 137 49
                                    

Happy birthday sa V ko! HART HART hehehe bibili ako ng cake tapos ako lng mag-isa magcecelebrate XD

*•*•*

December 30...

Kasalukuyang d-in-i-distract ni Jimin, Hoseok, at Jungkook si Taehyung sa loob ng kwarto habang naglalaro sila ng Pinoy Henyo. Naghahanda kasi sila Jin, Namjoon, Joy, Annabelle, at Yoongi sa baba para sa birthday ni Taehyung.

Akala nga ni Taehyung nakalimutan nilang lahat ang birthday niya e, wala kasing bumabati sa kanya at parang wala silang alam na birthday pala niya, gusto na nga niyang maiyak kanina pero pinigilan lang niya dahil kung sino pa 'tong tinuturing niyang pamilya, 'yun pa ang nakalimot sa kaarawan niya.

"Tao ba 'to?" seryosong tanong ni Taehyung kay Hoseok.

"Hindi!" inis na inis na sigaw ni Hoseok.

"Lugar ba 'to?"

Kanina pa kasi sila naglalaro. Hanggang ngayon hindi parin makuha-kuha ni Taehyung ang sagot. Si Jimin, excited lang na nanonood, habang si Jungkook naman, nakaabang lang sa bintana, hinihintay ang pagdating ng isa pa nilang bisita-si Irene.

"Bagay ba 'to?"

"Oo! Oo!" Yes naman, nakuha rin niya. Sa wakas!

"Gamit ba sa bahay?"

"Oo!"

"Gamit sa kusina?" excited na tanong ni Taehyung na lumaki narin ang ngiti.

"Oo, tama, Taehyun! Malapit na!" tuwang-tuwang sigaw ni Hoseok.

"Matalim ba 'to?"

"Oo! Matalim! Matalim!"

"Ginagamit pang-hiwa ng sibuyas at bawang?" malaki ang ngiti ni Taehyung.

"Shet, malapit na!" sigaw naman ni Jimin.

"Oo! Oo!" sagot ni Hoseok.

"Baba mo?" nakangiting tanong ni Taehyung kaya sumimangot si Hoseok. Napatawa naman ng malakas si Jimin saka pinaghahampas ang tuhod niya.

"Tangina mo! Gago! Hindi!" gigil na gigil na sagot ni Hoseok babahorz.

"Aish! Pass na nga! Hindi ko makuha e!" iritang sigaw ni Taehyung saka tinapon ang papel na nakadikit sa noo niya sa sobrang inis.

"Tangina mong bobo ka! Kutsilyo! Kutsilyo ang sagot, gago! Anong baba ko?! Hindi ka henyo! Walang henyo dito! Putangina, 'wag na tayong maglaro ng Pinoy Henyo!" gigil na gigil na sigaw ni Horseok saka nagdabog at humiga nalang sa higaan niya.

"Tangina! Baba, pang-hiwa sa bawang at sibuyas?! Epic! Kalma mo baba mo, hyung!" hindi mapigilang matawa ni Jimin. Hindi makaget-over sa bobong sagot ni Taehyung. "Taehyung naman, inang kabobohan yan, ang lapit na nga ng sagot bakit hindi mo pa naisip na kutsilyo yun?" medyo inis at natatawang tanong ni Jimin.

"Bwisit nga eh. Kainis," sambit ni Hoseok.

"Eh ikaw naman naka-isip ng larong 'to, hyung, e. Saka malay ko bang kutsilyo 'yun," sagot ni Taehyung saka bumaling naman kay Jungkook na hindi umiimik saka lumapit dito. "Bakit mo ba pinapapunta si Irene dito, Jungkook? Anong gagawin niyo?"

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon