40.

3.5K 134 51
                                    

updated na dahil kaarawan ngayon ng makinang at makislap na gilagid ni Min Yoongi. HAPPY BIRTHDAY KAY DADDY GILAGID I LOVE YOU SO MUCH BUT I LOVE KIM TAEHYUNG MORE HUEHUEHUE. HBD MBTC. #슈가생일ㅊㄱ!!!

*•*•*

Kasalukuyang nasa canteen sila Taehyung at Irene. Silang dalawa lang ang magkasama dahil sila Namjoon at Hoseok ay busy sa pagre-research sa library. Nagulat pa nga si Irene dahil nagsisipag silang dalawa na mag-aral. Si Yoongi naman, birthday niya kaya umuwi muna siya ng Makati to celebrate his birthday with his family. Pagkatapos ay bukas mag-ce-celebrate naman siya kasama ang tropa-libre raw niya ang chibugan. Si Jin, as usual, nag-ta-trabaho. At si Jungkook at Jimin, hindi sila mahagilap kung saan. Naisip ni Irene baka kasama nila ang mga syota nila-sina Kris at Joy. Mabuti nalang si Taehyung ay single pa kaya may nakakasama siya.

"Ano kaya kung tayo nalang Taehyung, ano? Tutal tayong dalawa lang naman sa tropa 'yung wala pang jowa." sabay kagat ni Irene sa biniling hotdog. Nasa tapat niya si Taehyung na kumakain ng cup noodles. "Tayong dalawa nalang please. Bagay kaya tayo. TaeRene forever."

Napatigil si Taehyung sa pagkain ng noodles. Tinaasan niya ng kilay si Irene habang may nakasalpak pang noodles sa bibig niya. "Ayoko nga," simpleng sagot niya saka tinuloy ang pagkain ng noodles.

"Taehyung, tubol ka ba?"

"Bakit?"

"Ang hirap mo kasing pakawalan e."

"Ahh okay," saad ni Taehyung saka ngumiti. Napanguso nalang si Irene sa inis.

Tanginang buhay 'to. Okay-zoned.

"Taehyung, may tanong ako."

"What?"

May pa-what-what ka pa. "Ano ba ibig sabihin nung 'saranghaeyo'?"

Naalala kasi ni Irene bigla 'yung sinabi sa kanya ni Jungkook kahapon. Nung sinabi sa kanya ni Jungkook iyon ay binalewala lang niya. Ngayon lang siya nagkaroon ng curiosity kung ano bang ibig sabihin ng salitang iyon.

Nangunot ang kilay ni Taehyung saka napaisip. "Bakit mo tinatanong? Korean word 'yan eh."

"Alam mo ba?"

"Malamang. Korean ako, 'diba? Bobo ka ba?"

"Oo nga pala. Ako lang pala saka si Annabelle 'yung hindi Korean sa buong tropa," bulong ni Irene sa sarili. "Makapagsalita 'to akala mo ang talino ampota ga-munggo naman 'yung utak. So, ano na, ano nga 'yung ibig sabihin ng saranghaeyo?"

Napakurap pa ng dalawang beses si Taehyung saka napaisip ulit. Napangisi naman ito bigla na kinagulat ni Irene. May kinalkal si Taehyung sa kanyang bag na nakalapag sa tabi ng mahabang upuan saka may nilabas na water container. Inabot iyon ni Taehyung kay Irene at takang-taka naman na tinignan iyon ng dalaga.

"Gagawin ko d'yan?" pagtataray ni Irene.

"Inumin mo muna 'to bago ko sagutin tanong mo," nakangising wika ni Taehyung. "Dali, inumin mo na! Rapsa 'yan!"

Napataas lang ang isang kilay ni Irene. "Kilala kita. 'Yang mga tinginan mo, may binabalak ka sa'king hayop ka. No thanks nalang. Sa iba nalang ako magtatanong." sabay tayo ni Irene sa pagkakaupo. Isinakbit niya ang backpack saka na umalis. Isa pa'y ubos na rin ang pagkain niya. Bahala ka d'yan. Inamong hayop ka, taba ng utak mo.

"Ayaw mo talaga? Ang sarap kaya nito! Ibibigay ko sana 'to kay Jimin kaso sayo nalang." tumayo na rin si Taehyung sa pagkakaupo saka sinubo ng mabilis ang pagkain na hotdog, kinarampula na rin niya ang cup noodles.

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon