29.

2.9K 132 68
                                    

medyo malayo pa ata tayo sa climax but i'll try my best para ndi masyadong nakakatamad kapag babasahin hehe. comment po sa mga gustong magpadedicate huehue. saka nga pala, usap tayo sa twitter, tweet niyo ko @redassassino. wala kc akong nakakausap dun haha

*•*•*

Hanggang sa pagpasok ng magkasintahan sa eroplano, hindi parin mapakali ang binata. Ni hindi man lang nagparamdam si Irene sa kanila. May nagawa ba siyang kung ano na nakapagpagalit dito? Pati sa paghatid man lang sa kanila sa airport, wala ang dalaga. Hindi rin ito nagre-reply sa kanya sa mga texts niya. Inisip niya, baka may nangyaring masama dito, o baka may nagawa lang siyang masama.

Mamimiss din naman niya ang dalaga. Tatlong araw din kasi silang hindi magkikita dahil nagpabook ang mama ni Joy ng flight sa Japan. Gusto kasi nilang magbakasyon ang dalawa nang silang dalawa lang. Wala pa rin naman kasi silang pasok ng ilang araw. Gusto rin kasi ni Joy ng pahinga sa mga studies niya.

Kasalukuyang nakatitig si Jungkook sa kanyang cellphone. Naghihintay ng reply ni Irene sa text niyang, "irene, mamimiss kita. nandito na ko sa eroplano ngayon. sayang ndi ka nakasama sa paghatid samin dto. pero okay lng, mag-ingat ka kung nasan ka man."

"Sir, kindly switch off your mobile phone," magalang na sita sa kanya ng isa sa mga stewardess. Ngumiti nalang ang binata saka tumango at tinago ang cellphone sa loob ng dala niyang backpack.

"Ano ba yun, babe? May nagtext ba sayo?" tanong sa kanya ni Joy. Umiling lang siya saka sumilip nalang sa bintana.

Nag-aalala talaga siya kay Irene. Napaisip naman siya bigla sa sinabi ni Hoseok sa kanya bago pa sila nakaalis.

"'Wag mong alalahanin si Irene, Maknae. Kasama mo si Joy. Ako na'ng magbabantay sa kanya. Alalahanin mo ang girlfriend mo."

Hindi niya maintindihan pero parang may pagalit na tono si Hoseok sa sinabi nito na parang may ginawa siyang masama. Nakakaramdam din siya na parang may gusto rin ito sa dalaga. Nagkibit nalang siya. Wala namang kaduda-duda.

Kahit sinong lalaki, magugustuhan si Irene.

*•*•*

Dinala ang magkasintahan ng kanilang hired tour guide sa hotel kung saan sila pansamantalang mananatili- sa Conrad Tokyo Hotel. Masasabing napakaengrande ng nasabing hotel.

Ito daw ang pinili ng mama ni Joy dahil excellent daw ang ratings nito base sa mga reviews ng mga travelers na nakasubok na dito. Isa pa, isa ang CTH sa mga greatest base for exploring Tokyo. Hindi lang kumportable ang lugar, presko pa. Kitang-kita rin ang magandang view ng buong Tokyo lalo na kapag gabi dahil sa mga malalaking glass windows ng bawat kwarto. Isa pa'y, hanggang 35th floor ang hotel na ito. Napangiti nalang ang binata habang nililibot ang mga mata sa buong kwarto nila.

Tinulungan sila ng kanilang personal tour guide sa mga dapat nilang gawin. Sinabihan din sila nito na mga dalawang oras lang ay magsisimula narin sila sa paglilibot sa Japan. Pinayagan din sila na maglibut-libot muna sa labas ng hotel basta ba'y wag lang lalayo o kaya'y magpahinga nalang muna.

"Hmm, so pick, magpahinga muna tayo o maglibut-libot?" nakangiting tanong sa kanya ng kasintahan. Itinapon ng binata ang sarili sa kama saka tumihaya.

"Magpahinga muna tayo, babe. Hindi ka ba napagod sa byahe?" mahinang tanong niya saka nagsimulang pumikit. Tumabi naman sa kanya ang kasintahan. Maya-maya lang ay humiga narin ito at saka niyakap siya

"Napagod. Sige, matulog muna tayo," nakangiting sabi nalang ni Joy. Niyakap naman pabalik ng binata ang kasintahan saka na nagsimulang magpahinga.

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon