30.

2.9K 139 61
                                    

Makalipas ang dalawang araw...

Ligtas na lumapag ang eroplanong sinakyan ng magkasintahan sa palapag ng Maynila. Agad na dinukot ni Jungkook ang cellphone sa gilid ng backpack.

To: Tae hyung

hyung, dto na kami.

Pagkatapos i-send ang message kay Taehyung, t-in-ext rin niya ang dalagang ilang araw niya nang hindi nakikita.

To: Irene

psst oy kelan ka ba magrereply ha

Maya-maya lang ay nakita niya na rin ang buong tropa. Habang papalapit ay pasimple siyang lumilinga-linga. Nasa'n si Irene?

Ngumiti nalang siya saka tumigil sa paghahanap kay Irene nang nakalapit na siya sa kanila. Bakit wala siya? Ano bang nangyari sa kanya? Hindi ba niya 'ko namimiss?

Sinalubong naman si Joy ng mama saka kapatid niya.

Niyakap agad siya ni Taehyung pagkalapit niya. "Jungkook! Bogoshippo (I miss you)!"

Sumunod namang yumakap sa kanya si Jimin. "Jeon Jungkookie!" sigaw nito saka hinawakan ang dalawang pisngi ni Jungkook at nilapit ang labi sa kanya.

Natatawa namang tinanggal ng binata ang dalawang kamay ni Jimin sa mga pisngi niya. "Tatlong araw lang akong nawala, hyung. OA mo. Saka pwede ba, 'wag mong ilapit 'yung labi mo sa labi ko? Nakakadiri. Hyung, dahon ka ba ng gabi?!"

"Ha? Bakit?" takang tanong ni Jimin.

"Ang kati-kati mo kasi!"

"Eh bakit hindi mo ko kamutin?"

Napakamot nalang sa ulo si Jungkook saka hindi nalang pinansin si Jimin. Nakakadiri talaga 'tong si Jimin hyung, gayshit amputa.

"Maknae! Musta 'yung Japan?" masiglang tanong ni Jin sa kanya.

"Sabi ng Japan okay lang daw siya, hyung. Hyung, gago ka ba, bakit mo kinakamusta 'yung Japan eh bansa 'yun? Sa susunod nga, hyung, kung magtatanong ka 'yung disente naman," inis na sabi ni Taehyung na nakisingit lang. Siningkitan lang siya ng mata ni Jin.

"Nagsalita ang disente," ang sabat ni Yoongi saka napa-tsk.

"Maknae, musta?" tanong sa kanya ni Namjoon. Ngumiti lang si Jungkook saka sinabing okay lang siya.

"Maknae, nabili mo ba?" nakangising tanong ni Yoongi at pataas-taas pa ang kilay.

"Oo naman, hyung. Bakit ko kakalimutan 'yung mga pasalubong ko sa inyo?"

"Yo, maknae. How's Japan?" tanong naman ni Hoseok saka pinatong ang kamay nito sa balikat ni Jungkook.

"Oh yeah, good good," nakangiting sagot lang ni Jungkook.

"Uwi na tayo, Jungkookie. Gusto ko nang makita 'yung mga pasalubong mo!" excited na sigaw ni Jimin saka na hinigit ang braso ni Jungkook na parang girlfriend at nagsimulang maglakad.

Nangiti nalang si Jungkook, namiss rin kasi niya ang mga hyungs niya. Nauna nang umuwi si Joy kasama ang mama nito na nagsundo sa kanya. I-te-text nalang daw siya ng kasintahan once na makauwi na ito.

"Hyung, si Irene?" mahinang tanong niya kay Hoseok na katabi niya habang naglalakad sila papalabas ng airport.

Nagkibit lang ito ng balikat saka ngumiti ng malaki sa kanya. "Ewan. Bakit hindi mo alamin kung nasa'n siya?"

*•*•*

Kasalukuyang nagpapahinga lang si Irene sa kanyang kama habang hawak-hawak ang cellphone. Katatapos lang niya sa paglilinis sa buong bahay ni Roderick. Katatapos lang din niyang mag-impake ng mga gamit niya na dadalhin sa paglipat niya sa bagong apartment niya kinabukasan.

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon