06.

3.4K 152 27
                                    

grabe share q lng ginanahan kc aq magupdate dahil kay rhea na chinat pa q sa fb at sinabing qt qt daw ng story huehue pagpatuloy q daw tapos nangisay pa daw siya sa kilig wew hambalusin kita ng ano ni hoseok e wahahahaha

un lang..

ge. ε=ε=ε=ε=ε=ε=┌(; ̄◇ ̄)┘

*•*•*

"Kailan ba kayo makakabalik anak?" nakangusong tanong ni 'nay Recca kay Irene habang nag-iimpake na siya ng mga dadalhin nilang gamit ni Jungkook sa Maynila.

Pagkatapos makaalis ni Lanlan sa pamamahay nila, nagpasya na ang dalawa na mag-impake ng mga daldalhing gamit nila.

Natakot na kasi ni Irene si Jungkook.

"Hindi ko rin alam 'nay. Bakit kasi ayaw mong tumira sa bahay natin du'n?" tanong ni Irene sa kanyang nanay kaya mas lalong humaba ang nguso nito. "Ano ba 'nay. Tumigil ka nga sa kakanguso mo. Kinaganda mo 'yan?" pambabara ng dalaga.

Nakakainis kasi, may panguso-nguso pa.

"Hindi ko kasi maiwan-iwan 'tong sakahan natin e. Baka sa susunod na buwan pa kami lilipat ni Kaloy du'n, anak."

Malaki naman ang napagawang bahay ng ate niyang si Nicole sa Maynila. Hindi lang talaga maiwan-iwan ng nanay niya yung sakahan nila sa probinsya.

"Jungkook, balik ka a. Kahit wag ka na bumalik, Irene, okay lang maiintindihan kita," medyo malandi at pabirong wika ni Nicole kay Jungkook. Napaikot nalang ang mga mata ni Irene. Napatawa naman ng marahan si Jungkook at hindi sumagot.

"Sana may pake ako sayo ano? Inis."

"Hindi na po ata ako makakabalik dito e," nahihiya at nakangiting sambit ni Jungkook habang kumakamot pa sa batok niya.

"Hah? Bakit naman?" takang tanong ni Nicole.

"Bakit iho?"

"Nangako kasi sa'kin si Irene kahapon na tutulungan niya akong makabalik sa pamilya ko kapag makabalik na kami sa Maynila."

Napakunot naman ang noo ni Irene at napanguso pero hindi niya pinakita sa kanila. Sa totoo lang hindi niya naman talaga sasabihin sa kanya yun e.

Ayoko nga siyang ibalik. Kawalan nila yun, hindi nila iningatan si Jungkook e.

Kaso naawa talaga si Irene sa binata. Feeling niya gusto na talagang makabalik ni Jungkook sa pamilya nito.

Kinulit din kasi ni Jungkook si Irene kahapon kaya wala narin siyang nagawa.

Kung pwede ko lang tanggihan, ginawa ko na e.

Ayaw ko kaya gawin 'yun Jungkook, j-in-ojoke lang kaya kita.

"Talaga? Sinabi ni Irene 'yon?! 'Di nga?" hindi makapaniwalang sabat ni Nicole saka tumawa ng malakas. Tinaasan lang siya ng kilay ni Irene.

"Unti-onti na talagang nagbabago ang anak ko. 'Kala ko aangkinin mo na si Jongkok e."

Mga pukingina niyo. . .Nagiging mabait na nga ako e kahit labag pa sa loob ko.

"Ewan ko sa inyo," mahinang sabi nalang ni Irene habang patuloy lang sa pag-aayos ng mga gamit nila ni Jungkook. Malapit na rin kasi siyang matapos dahil konti lang naman ang mga gamit nila. Halos lahat kasi ng mga gamit niya ay nasa apartment niya sa Maynila.

Nang natapos na silang mag-impake, bigla namang tumakbo papalapit sa kanila si Kaloy habang hinihingal na nanggaling pa sa labas.

"Oh, sa'n ka nanaman galing ha?" tanong ni Irene kay Kaloy habang nakataas ang isang kilay. "DOTA pa more!" Mukhang taong libag nanaman 'tong kapatid ko. Jusko.

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon