26.

2.3K 126 25
                                    

hi kay @rhythmical!! dedicated sayo 'tong part na 'to hehe salamat sa napakacute na book cover hehehe nakakatuwa kc may nakakaaprishieyt ng gawa ko kahit puro kalandian lng to ni irene :( whahaha! salamat ulit hart hart times 2 times 2 <3 <3

*•*•*

Pagkalabas ng gusali, tuluy-tuloy lang na naglakad si Irene papunta sa sakayan ng jeep habang nakayuko. Andaming gumugulo sa isip niya. And then, she realized everything. That the whole thing she did was really stupid. Hindi niya inisip kung anong magiging epekto ng mga ginawa niya sa ibang tao. Masyado siyang naging makasarili. Palagi nalang.

Irene, you crossed the line. Pinakealaman mo sila. Desperada ka talagang puta ka times two times two.

Napatawa nalang siya sa naisip. Pero agad ding nawala dahil naisip niyang mukha na siyang baliw.

Nang may humintong dyip sa harapan niya, agad siyang napatingin sa nakasulat sa gilid nito kung saan ang destinasyon ng behikulo. Sumakay siya sa loob ng dyip, umupo sa bandang likod ng drayber, dumukot ng barya, at inabot sa drayber.

"Manong, bayad po," matamlay na sabi niya.

"Saan galing?" tanong naman ng panot na drayber na mukhang nasa kalahati na ng sesenta. Naalala niya tuloy si Utay. Napatawa siya ng marahan saka napailing.

"Sa'kin po," nakangiting sabi niya habang inaalala ang mga panahong kinukutya-kutya niya ang makislap at nagniningning na noo ni Utay. Namiss niya na tuloy 'yung apartment niya.

"Saan papunta?"

"Sayo," sagot niya kaya nainis ang drayber saka binigay nalang sukli niya.

Naalala niya tuloy 'yung mga panahong nakatira pa si Jungkook sa apartment niya. Parang gusto nalang niyang maiyak at mangiti, parang kailan lang magkasama pa sila sa iisang bubong.

Mga araw na feel na feel niyang mag-asawa sila ni Jungkook, nung nagkatabi sila sa kutson, nung hinalikan niya ang pisngi ng binata habang natutulog ito ng mahimbing, nung nilabhan niya 'yung brip nito nung unang araw na nagkita sila, mga araw na pinagmamalaki niya ang binata sa mga manlilimbang hukluban na lumalantod sa pagmamay-ari niya.

Napahinga nalang siya ng malalim habang hinihigpitan ang kamay sa hawakan. Sana pwedeng bumalik, putangina naman e.

*•*•*

Alas once ng gabi. Sa Antipolo. Sa loob ng magulong eskinita, patuloy lang siyang naglalakad. Hanggang sa nakaabot siya sa maluwag na lugar, kung saan maraming mga bakla, at haliparot na nakatambay sa labas, mga lalaking walang kapaguran sa paglalaro ng basketbol. Sa tapat, makikita ang isang malaking bahay na may dalawang palapag. Lumapit siya rito.

Irene stopped in front of the door. She knocked. Ilang minuto lang pagkatapos ng pagkatok ay nagbukas din ito. Gulat na gulat ang mukha ng ginang.

"Irene, anong oras na anong ginagawa mo dito-"

Irene automatically hugged her mother. Dalawang buwan narin simula nung huli silang nagkita. Hindi kasi siya nagpakita nang natanggal siya sa trabaho niya.

"Sige, iiyak mo lang, Irene." saka hinagod ni 'nay Recca ang likod ng humahagulgol na anak. Pakiramdam ni Irene dala niya lahat ng problema. Dahil sa nangyari, bumalik nanaman lahat ng sakit. Parang naghalu-halo lahat ng problema niya.

Pumasok sila sa loob saka umupo sa couch. Tulog na si Kaloy, ika ng ginang. Anong oras na rin kasi at umuwi pa ng Antipolo si Irene para lang makita ang pamilya niya.

"Sorry po, ma. Nagising pa ata kita," hihikbi-hikbing saad ni Irene saka pinunasan ang mga luha niya.

Napatawa naman ng marahan si 'nay Recca. "Ma? Matagal ko nang huling narinig 'yan sayo ah."

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon