02.

6.8K 217 62
                                    

putangina this~ aba aba nakaabot ka pa dito a? hahahaha buti nakayanan mo kacornyhan ko wahaha

*•*•*

"OMG! What?!" napasigaw ng 'di sinasadya si Irene sa lalaki dahil sa sinabi nito.

"Tangina, yung laway mo," angal naman ng lalaki saka pinupunasan ang pisngi niya at pinahid yun sa damit niya.

"Sorry. . .Ano?!" pagrerephrase ni Irene sa sinabi niya.

Na-offend ko ata si kuya kanina dahil sa laway ko. Nakakahiya naman. Bawas points tuloy.

But wait, don't tell me. . .OMG! Wala siyang naaalala! My amnesia boy!

"Wala akong naaalala. Ni pangalan ko hindi ko maalala," sambit ng binata, nakatingin sa baba at nakasabunot sa buhok niya.

"E-eh, anong gagawin natin? Paano na 'yan?" tanong ng dalaga sa lalaki na may halong pag-aalala.

"Hindi ko rin alam. Bakit gan'to? Anong nangyayari sa'kin?" halos pasigaw na tanong ng lalaki sa kanyang sarili.

Ewan ko rin e. Don't you like it? You, Inay, Kaloy, and me in da house. Hehehe.

Pero grabe. Lord, ito na ba? Siya na ba ang aking destiny?! Grabe. Napakabait Niyo Lord. Sabi ko kahit macho lang e basta yummy. Ikaw talaga, may bonus pa.

"Alam mo iho, magpahinga ka na muna. Saka na natin pag-usapan ang bagay na iyan," sabat ng ginang mula sa likod ni Irene kaya napalingon silang dalawa. "Anak, kumuha ka ng short ni Kaloy dun at pagpalitan mo siya ng suot dahil basang-basa na yan. At labhan mo ang short niya a."

This is it! Lalabhan ko ang shorts ni kuya!

Agad-agad naman na tumango si Irene at tumakbo papasok sa maliit na kwarto nila ni Kaloy para kumuha ng pamalit na shorts ng lalaki.

Naalala niya tuloy na ayaw ni Kaloy na tinatawag siyang Kaloy dahil mas bet nito ang real name niyang Oliver. Mas gwapo daw kasi pakinggan.

Sus, ang arte. Pero thanks talaga Oliver at may shorts ka pa dito. Mehehehe.

*•*•*

Pumasok na ng pintuan ang lalaki at suut-suot na ang short na hiniram kay Kaloy.

Galing ito sa banyo sa likod ng bahay-kubo nila Irene.

"Aahh, hindi po ba masyadong maliit itong-"

"Okay na yan, kuya. Hehe. 'Diba 'nay okay na yan?" malakas na tanong ni Irene sa lalaki at sa ginang. Nakanga-nga lang ang kanyang nanay at nahihiya namang nakayuko ang lalaki.

No! Wag na wag niyang papalitan ang shorts niya. Okay na okay kaya. Para siyang nakacycling shorts. Hehe.

"Anak masyado iyang-" hindi na natapos ni 'nay Recca ang sinasabi nang sumabat si Irene.

"'Nay, sa tingin mo ba may malaking short yan si Kaloy?"

Hindi nalang sila nakasagot kaya lumapit na si Irene sa binata at saka kinuha ang short nitong hinubad para labhan na.

"Lalabhan ko na 'to. Maupo ka muna dyan," sabi ng dalaga habang kinukuha ang shorts na suot ng binata kanina pati ang brip na sinuot nito.

"Maraming salamat," sabi naman ng lalaki saka nangiti. "Pero may iba ka pa bang-"

"I said enough," pag-sabat ni Irene.

"Putangina," nasabi nalang ng binata nito habang nanlalaki ang mata kay Irene.

"Joke lang 'yun." inilagay ni Irene ang buhok sa likod ng tenga niya saka ngumiti.

Galawan moves 101.

*•*•*

Patuloy lang si Irene sa pagkuskos ng short at brip ng binata sa bakuran ng kubo nila habang nagha-hum ng kanta ng Bang Me Tan na Hareuhman.

Ang Bang Me Tan ang sikat na grupo ng mga boylets sa kanilang lugar pati narin sa bayan at sa mga kalapit-bayan. Crush na crush niya talaga si Jewngkewk du'n. Pero naisip niyang wala paring tatalo sa kagwapuhan ng lalaking nanggaling sa dirty river.

Ang kanyang nanay na si 'nay Recca ay mahimbing nang natutulog sa wooden couch nila. Si Kaloy naman ay nakikipaglaro lang ng saranggola sa kaibigan niyang si Isko. Palibhasa kasi ay ubos na ang allowance nito ng kaya hindi na makapagDOTA.

Si kuya hottie naman. . .

Naaawa si Irene sa lalaki dahil baka hinihintay na ito ng kanyang pamilya. At the same time ay natutuwa rin siya sa hindi malamang dahilan.

Gusto kong ngatngatin yung ilong niya. Urgh!

Nakita niyang nakaupo lang ang binata sa ibabaw ng putol na puno habang nakatingin ito sa kawalan.

Ano kayang iniisip niya? tanong ni Irene sa sarili.

Nagpatuloy nalang ang dalaga sa paglalaba niya dahil malapit narin siyang matapos. Nang binabanlawan niya na ang knee-length shorts ng lalaki, napatigil siya dahil may nakita siyang nakasulat sa likod nung bandang taas ng short.

"Jeon Jungkook?" nagtatakang tanong niya sa sarili saka napatingin kay sa binatang nakaupo parin sa ibabaw ng putol na puno. Pabalik-balik ang tingin niya sa shorts ng lalaki at sa mismong lalaki.

Baka naman Jeon Jungkook ang pangalan niya? Omahgahd! This is the part you call 'Getting to know each other'.

"Ey," pagtatawag ni Irene sa binata na hanggang ngayon ay nakatitig parin sa kawalan.

Ano ba kasi talagang iniisip niya?

Hindi ito tumingin kaya sumitsit ulit ang dalaga at muling tinawag ang binata. "Ey, psst! Kuya!"

Napalingon naman ito agad na parang isang inosenteng bata dahil nakauwang ng kaonti ang bibig nito. Natutuwa talaga si Irene sa suot nitong fitted shirt na Teenage Mutant Ninja Turtle ang design at fitted shorts.

"Bakit?" tanong ng binata.

"Jeon Jungkook ba ang pangalan mo?" tanong ni Irene sa binata saka mabilis na lumapit.

"Gago ka ba, may amnesia nga ko diba? Pa'no ko malalaman?" simpleng pagkakasagot nito kaya napakunot nalang ang noo ni Irene. Pinakita ni Irene sa binata ang shorts nito dahilan para mapahawak siya ulo na biglang nanakit.

"Uh, siguro? Hindi ko alam," wika ng binata sa kanyang mababang boses habang nakalukot ang mukha.

Naawa na tuloy si Irene sa binata. Pakiramdam niya ay responsibilidad niya nang tulungan ito at ibalik na sa kanyang pamilya.

Ay putangina, ako ba 'to? Nope. Nah-uh.

Irene Aiko Navarro, is this you?

Napabuntong-hininga nalang si Irene saka muling bumalik sa ginagawa niyang paglalaba. Ilang minuto lang ay isinampay na ng dalaga ang brip at shorts ni Jungkook bago ulit bumalik sa kanya.

"Ahhm, gusto mo bang sumama sa'kin sa Maynila?" tanong ni Irene sa binata kaya naman ay napalingon ito sa kanya na gulat na gulat.

*•*•*

hahahah putangina tlaga

Warning: uulitin ko ha. hindi 'to normal na bts fanfic. tangina promise. hahaha. you've been warned.

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon