27.

2.4K 132 57
                                    

last na hahaha matatagalan pa po ung susunod becoz busy na hehe requested din pala ni Patreyshaann kaya pinost ko na rin to huehuehue

try niyong basahin to habang tinutugtog ung blanket kick hahaha!

*•*•*

Nanlaki lalo ang mata ni Jungkook. Isang babaeng mukhang zombie ang sinusubukang luoban sila at hindi isang magnanakaw-si Irene.

Agad niyang binitawan ang matigas na bagay at mabilis na lumapit sa bintana dahil walang tigil sa kakakatok ang dalaga. She was asking for entrance. Binuksan agad niya ang bintana para maiwasan ang ingay at para papasukin ito. Pasuray-suray at pagewang-gewang naman na pumasok doon ang dalaga.

"Irene, a-anong ginagawa mo dito?" malakas na bulong niya kay Irene habang hinahawakan siya sa balikat para alalayan siya. Sinuri niyang mabuti ang itsura nito mula ulo hanggang paa. "Lasing ka. Naman Irene, bakit ka uminom?" medyo inis na tanong niya.

Ilang linggo na niyang hindi nakikita si Irene. At masaya siyang makita ulit ito. Pero hindi naman niya inakalang magkikita ulit sila sa ganu'ng sitwasyon.

Sumilip siya sa labas ng bintana para tignan kung may nakakita ba sa nangyari. Since it was already close to midnight, wala naman siyang nakitang saksi sa kabaliwang ginawa ni Irene. Sinarado niya ng maigi ang bintana saka hinarap ang lasing na dalaga.

Seryoso niya itong pinagmasdan. Ang laki na ng eyebags nito, at medyo magulo ang buhok na parang sinabutan, nagkaroon na rin ito ng mga pimples pero cute namang tignan sa kanya, pulang-pula ang mukha, at amoy na amoy ang alak.

Bakit siya uminom? Anong ginagawa niya dito? Namomroblema ba siya? Gusto niya itong itanong sa dalaga pero wala ito sa wisyo kaya hinayaan niya nalang.

Agad siyang niyakap ni Irene ng mahigpit. Inakap niya rin ito pabalik dahil kung hindi ay bumagsak pa ito sa sahig.

"I'm sorry, sorry. Sorry, Kookie beybeh. Sorry sa ginawa ko sa inyo ni Joy. Hinding-hinding-hindi ko na, uulitin 'yun," sambit ng dalaga sabay napasinok. She could barely open her eyes but she was sure Jungkook was the one she was hugging. She recognized him because of his addictive manly scent.

"Sshh. Okay na. Okay na, Irene. Hindi mo na kailangang mag-sorry," malumanay na sabi niya saka inalalayan at pinaupo si Irene sa kama niya kung saan siya nagre-review. Ilang linggo na ang nakalipas, at halos nakakalimutan na namin ni Joy 'yun.

"H-hindi. Ang, ang laki ng kasalanan ko. Pinakealaman ko kayo. Ang desperada ko. Sorry. Susubukan ko nang hindi magselos. Promise," saka pa tinaas ni Irene ang kanang kamay niya at ngumiti ng pagkalaki-laki. Napailing nalang si Jungkook saka bahagyang natawa.

Iba talaga nagagawa ng alak. Ako, umiinom ako dahil tinuruan ako nila hyung pero hindi naman sobra-sobra.

Dumiretso si Jungkook sa pinto saka ito binuksan at bumalik ulit sa kung nasaan si Irene.

"Anong oras na pumunta ka pa dito? Saan ka ba nakatira, Irene? Ihahatid nalang kita," tugon niya sa dalaga pero hindi siya nito pinansin. Tinititigan lang siya nito ng maigi.

Sa kabilang dako naman, si Taehyung at Hoseok, pigil na pigil ang tawa. Kanina pa sila nagising, nang binuksan ni Jungkook ang ilaw sa buong kwarto. Si Taehyung ang unang nagising dahil nasa taas siya ng double-deck. Nagising naman si Hoseok dahil sa kakagalaw ni Taehyung sa taas. Tinatakpan nila ng unan at kumot ang bibig nila para pigilin ang tawa kaya hindi sila nahahalata ni Jungkook na nakikinig lang sila.

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon