28.

2.6K 146 62
                                    

ayan na, marami na kasing naghihintay ng ud haha. wala pong edit edit kasi ano ngayon ko lang to tinype. salamat po sa mga patuloy paring nagbabasa kahit ano, huehue, medyo nakakatamad na huhuehuehue.

may nabasa ako sa twitter, si @inspiritlcl ata yun hehe. ang ganda daw ng JIM hehehe salamat ph0U HART HART PH0U <3

*•*•*

Pagkadilat ni Irene ng mga mata ay napahawak siya agad sa ulo niya sa sobrang sakit. Napangiwi siya dahil naamoy niya agad ang nakakasukang amoy niya. Nilibot niya ang paningin sa buong kwarto saka agad-agad na napatayo.

Uy, putang ina, nasa'n ako?!

Andaming nagkalat na mga brip, mga damit, stuffed stoys, at kung anu-ano pang gamit sa sahig. Gulu-gulo din ang mga kumot at unan sa mga kama.

Agad na inalala ni Irene ang mga pangyayari kagabi. Napakagat nalang siya sa labi saka pinaglaruan ang mga daliri niya. Iniisip niya kung sa bintana nalang kaya siya lumabas, hiyang-hiya na kasi siyang lumabas sa pinto ng kwarto at baka makita lang niya si Jungkook sa baba.

Naalala niya ang ibang mga pinagsasabi niya kagabi, pero 'yung iba malabo na. Fcking sht. Bakit ko ba sinabi 'yung mga 'yun?! Hindi niya talaga na-co-control ang mga pinaggagawa niya kapag lasing siya.

Niyaya niya kasi si Eugene na mag-inom, pagkauwing-pagkauwi palang niya galing Antipolo. Ibinuhos niya sa kaibigan lahat ng mga saloobin niya, pakiramdam kasi niya ay kumportable na siya rito kahit saglit lang silang nagkakilala.

Naalala niyang nagpassed-out si Eugene sa sobrang kalasingan. Naisipan niyang puntahan si Jungkook at mag-sorry sa mga nagawa niya. Ilang linggo na kasi ang nakalipas at hindi parin siya matahimik ng konsensya niya na bumabagabag sa kanya.

Pero ngayon ay pinoproblema niya kung pa'no haharapin si Jungkook sa kabila ng mga ginawa niya. Kahit naman minsan ay napakawalang-hiya niya, may kakarampot na kahihiyan parin siya. Nakatitig lang siya sa kawalan-iniisip kung ano ang gagawin niya.

Bigla namang bumukas ang pinto kaya napatingin siya duon. Nakahinga siya ng maluwag nang nakitang si Yoongi pala ang pumasok. "Uy, Irene. Tagal mong nagising ah," bati nito sa kanya saka dumiretso sa tapat ng computer desk.

Base sa nakita niyang ekspresyon ng mukha ni Yoongi, mukhang may alam ito sa mga ginawa niyang kabaliwan kagabi. Mas lalo tuloy na nadagdagan ang kahihiyan niya.

"Eh? Anong oras na ba Yoongi? Hehe," nag-aalinlangang ngumiti ang dalaga saka napakamot sa ulo.

"Alas doce na ata, ewan."

"Ah," napakamot nalang siya sa ulo. "Anong ginagawa nila sa baba?"

"Kagaguhan. Bakit hindi ka pa bumaba dun? Hinihintay ka na nila. Saka hindi ka pa kumakain diba?"

Tumango nalang si Irene. Pinapaalis na siya ni Yoongi. Mukhang busy rin kasi ito sa ginagawa nito sa computer. Nagkibit nalang siya ng balikat. Bahala na nga.

Nang nakalapit na sa pinto, biglang nanghina ang tuhod niya. Gusto pa niyang magtagal sa kwarto. Humarap siya kay Yoongi.

"Ahh, uhm, ano, bakit hindi ka nakikisama sa kanila?" para lang tumagal siya sa kwarto ay kailangan niyang kausapin si Yoongi.

"Sawang-sawa na kasi ako sa mga pagmumukha nila. Swaeg," sagot nito saka sinuot ang earphones na nakakabit sa computer.

Napabuntong-hininga nalang siya saka muling humarap sa pinto. Binuksan niya ng tahimik at kaunti ang pinto saka sumilip. Napalunok nalang siya, kitang-kita niya ang nakatalikod na si Jungkook na sitting pretty sa couch habang may suut-suot na earphones.

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon