13.

2.7K 130 37
                                    

hi @OfficialJSC! ehehhe kung nababasa mo man to hehehe natuwa lng aq nung nandun aq sa room niyo kanina tpos narinig kong binanggit mo ata ung Jungkook Is Mine huehueue

un ata ung nagmura ako sa inyo kasi ang ingay ingay niyo tapos ndi pa kau nakikinig (?) hahaha ewan q lang pero talaga narinig q tlaga ung cnabi mo e hahahaha

hiramin q lang pangalan mo para dito a? hehehe unlng

~x~x~

"Ano ba gusto mo sa isang babae, Jungkook?" biglaang tanong ni Irene kay Jungkook habang naglalakad sila papuntang sakayan ng jeep.

Hindi mapigilan ni Irene ang kiligin dahil halos magkadikit ang katawan nila ni Jungkool habang naglalakad.
Pansin rin niya ang titig ng mga tao sa kanila kaya nakataas lang ang noo niya na parang ipinagmamalaki ang kasama.

Halos lahat ay kay Jungkook lang naman nakatingin. Nakasuot lang kasi ito ng binili pang damit ni Irene sa probinsya na may print na 'Bite Me', knee-length shorts, at tsinelas.

'Di lang dahil sa bumagay kay Jungkook ang simple nitong pananamit kaya naaakit ang mga atensyon ng mga tao, dahil narin sa katangkaran niya.

Mas lalo pang tumatangkad si Jungkook kapag nagkakatabi sila ni Irene. Hanggang balikat lang kasi ni Jungkook ang tangkad ng dalaga.

Pero seryoso sobrang tangkad talaga ni Kookie Beybeh. 'Yung kapag minsan kinakausap niya 'ko, yuyuko pa siya para lang makausap ako tapos para mapantayan. Tanginang yan.

"Uhm, tipo ko sa isang babae? Teka," saglit na nilibot ni Jungkook ang paningin niya habang naglalakad parin sila. "Ayun oh, 'yung babae. Gan'yan 'yung mga type ko," nakangiting sabi niya pagkatapos ituro ang babae.

Tinignan naman agad ni Irene ang tinuro ni Jungkook. Medyo malayo sila sa babae pero kita pa naman kasi malinaw ang mga mata niya. Nakatagilid ang babae sa direksyon nila at sa tingin ni Irene ay mukhang maganda nga.

Anong panama ko? Kaiyak, shet.

Nakasuot ang babae ng short shorts at long sleeve na puting damit. Mahaba ang buhok nito at ang straight pa. Pati ang legs nito ay mahaba rin. Maputi rin ng babae na sa tingin niya ay mga kasing-puti niya. Mukhang mas matangkad din ito kay Jungkook.

'Yoko na, tangina.

"Mahilig ka sa mga gan'yang babae?" tanong niya kay Jungkook.

Sana pala hindi ko nalang siya tinanong.

Akala niya kasi ang sasabihin ni Jungkook sa kanya ay "Katulad mo Irene. Katulad mo ang mga type kong babae." habang nakangiti pa.

Putangina talaga.

"Oo. Gan'yan 'yung mga type ko. Naaatract ako sa kanila," nakangiting sagot ni Jungkook sa kanya habang nakatitig lang ito sa babae.

Nakatingin lang talaga si Jungkook sa babae habang nag-uusap sila.

Bumusangot si Irene.

"Ibig sabihin hindi ka naaatract sa'kin? Ang liit ko kaya tapos. . .Ang tangkad niya," pagmamaktol ng dalaga. Baka sakaling epektib. Napatingin naman si Jungkook sa kanya na nagpipigil ng tawa.

"Ano? Ha-ha! Hindi naman sa ganu'n. Cute ka naman e. Type naman kita. Pero mas gusto ko parin 'yung mga ganu'ng babae," kalmado at nakangiting paliwanag ni Jungkook saka ulit tinignan ang babae.

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon